Monday Report - March 2, 2026
[INTRO]
[ENERGY,
VOLUME, SMILE]
NEWSCASTER 1:
Masantos ya kabwasan, Bayambang! Ako po si Bhernardine Calaus.
NEWSCASTER 2:
Ako naman po si Danny Ventura, at kami po ay mula sa Municipal Social Welfare
and Development Office.
NEWSCASTER 1:
Kami ang inyong mga tagapaghatid ng tama, tapat, at napapanahong balita.
NEWSCASTER 2:
Mula sa bayang ang malasakit ay hindi salita kundi gawa...
SABAY: Ito
ang...BayambangueNews.
***
[ENERGY,
VOLUME, SMILE]
[MEMORIZE
THE HEADLINES ONLY]
1.
GSO ng Calasiao, Nagbenchmarking sa
GSO-Bayambang
Bumisita ang
GSO ng Calasiao sa GSO-Bayambang para sa isang benchmarking activity na
naglalayong matutunan ang mga polisiya, sistema, at best practices sa
procurement, property management, at asset inventory. Sa pangunguna ng kanilang
mga opisyal, nagkaroon ng makabuluhang talakayan hinggil sa mga polisiya, workflow procedures, at digital
innovations upang higit pang mapahusay ang serbisyong pangkalahatan ng kanilang
tanggapan.
2.
Orally Fit Children, Pinarangalan
Kinilala ang
mga batang may pinaka-malulusog na ngipin, sa ginanap na awarding ceremony para
sa Orally-Fit Child 2026 bilang culminating activity ng Oral Health Month noong
February 25. Ito ay upang itaguyod ang tamang pangangalaga sa oral health. Ang
aktibidad ay pinangunahan ng RHU sa pakikipagtulungan ng Philippine Dental
Association – Pangasinan Chapter, kasama ang suporta ng mga guro, magulang, at
health workers.
3.
Joint LCPC, LCAT-VAWC, at MAC Meeting,
Ginanap
Sa pinagsanib
na 4th quarter meeting ng LCPC, LCAT-VAWC, at MAC, mas pinaigting ang
koordinasyon ng iba’t ibang ahensya at sektor sa pamamagitan ng pagtalakay sa
pagpapahusay ng case management system, paghahanda para sa CFLGA at LCPC
Functionality Assessment, at pagrerepaso ng accomplishment reports. Tinalakay din
ang mga update sa implementasyon ng 4Ps at Sustainable Livelihood Program, at
iba pang programa, proyekto, at aktibidad upang matiyak ang mas maayos at
epektibong serbisyo para sa mga kabataan, kababaihan, at pamilyang 4Ps sa
Bayambang.
4.
SK Budget Hearing, Nagpatuloy
Nagpatuloy ang
Sangguniang Bayan sa pagdinig para sa Annual Budget Hearing ng mga Sangguniang
Kabataan mula sa iba’t ibang barangay. Inilahad ng mga SK leader ang kanilang
mga panukalang programa at proyekto para sa 2026, na nakatuon sa kapakanan ng
kabataan at komunidad, habang binigyang-diin ang maayos na pagpaplano,
transparency, at responsableng paggamit ng pondo.
5.
Mobile Info Drive ng LCR, Nagpatuloy sa
Beleng
Idinaos sa
Brgy. Beleng noong February 24 ang programang “Your Name, Your Right” ng LCRO,
na naghatid ng kaalaman at agarang serbisyong may kinalaman sa civil registry
at legal na pagkakakilanlan sa mga residente. At sa pamamagitan ng mobile
services kabilang ang data capture para sa upgraded Community Service Card, mas
napabilis ang pagproseso ng dokumento at pati na magiging pag-access sa mga
benepisyo ng pamahalaan.
6.
Info Drive Kontra Teenage Pregnancy at
Suicide, Inilunsad ng RHU II
Isang
information drive kontra teenage pregnancy at suicide ang muling inilunsad ng
RHU II noong February 24 at 25 sa A.P. Guevarra Integrated School at Ambayat
Integrated School. Ito ay dinaluhan ng 630 na mag-aaral mula Grades 7to 12.
Layunin ng programa na mapigilan ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy at
suicide sa bayan, matapos maitala ang 27 cases ng maagang pagbubuntis at 5 na kaso
ng suicide noong nakaraang Enero.
7.
UPLB, Muling Naghatid ng Biotech Program
sa Bayambang
Muling dinala
ng UPLB-BIOTECH ang BEACONS Program nito sa Bayambang upang palakasin ang
sustainable agriculture sa pamamagitan ng paggamit ng biotechnology-based
products. Kabilang dito ang biofertilizers, plant growth regulators, at
biostimulants na nagpapabuti at nagpapataas ng ani at nagpapababa ng gastos sa pagsasaka.
Sila ay nagsagawa ng mga site visit, technical consultation, at
lecture-demonstration para sa mga magsasaka at farmer organizations.
===============================
FOR VO
8.
Unang Araw ng GAD Training Workshop,
Ginanap
Noong February
23, ginanap ang unang araw ng 3-day Training-Workshop ukol sa Integrated
Planning, Budgeting, and Implementation ng Gender and Development, para sa mas
inklusibo at gender-responsive na pamamahala. Tinalakay ni OIC MPDC Ricky
Bulalakaw ang ukol sa Integrated Planning, at ni MSWD Officer Kimberly Basco
ang Mainstreaming Gender in LGU Plan and Budget.
9.
BPSO, Patuloy ang Agarang Pagresponde sa Road
Incidents
Patuloy ang
masigasig na pagtugon ng Bayambang Public Safety Office (BPSO) sa iba’t ibang
insidente ng aksidente sa daan at dagliang pangangailangan ng mga
Bayambangueño. Nitong mga nakaraang linggo, ang BPSO ay agarang rumisponde sa
ilang naaksidenteng motorista at pasahero. Patuloy din itong nagbibigay ng
suporta sa mga pasyenteng may energency cases sa pamamagitan ng dagliang
paghatid sa pagamutan upang masiguro ang kanilang kaligtasan at matiyak ang
maayos na kalagayan.
10. LCR,
Nagpatuloy ng Info Drive at Mobile Services sa Tamaro
Noong February 26,
nagpatuloy ang LCR sa Brgy. Tamaro upang tiyakin ang paghatid ng mga
impormasyon ukol sa civil registration at legal na pagkakakilanlan, kasabay ng
mobile services ng tanggapan. Tampok din ang data capture ng 41 na residente
para sa upgraded Community Service Card.
11. Slaughterhouse,
Pinulong ang Meat Vendors at Butchers
Pinulong ng
Municipal Slaughterhouse ang mga lokal na meat vendors at butchers noong February
26 upang palakasin ang kanilang kaalaman sa food safety, wastong paghawak ng
karne, at pagsunod sa mga umiiral na pamantayan ng meat inspection sa tulong ng
NMIS RTOC 1. Sa pamamagitan ng information-education campaign, higit na
napaigting ang koordinasyon at kamalayan ng mga meat handlers para matiyak ang
ligtas at dekalidad na karne para sa mga Bayambangueño.
12. MDRRMC,
Nagconduct ng Rescue Operations para sa Insidente ng Pagkalunod
Noong February
26 at 27, ang MDRRM Council, sa pangunguna ng MDRRMO, ay agad na nag-activate
ng WASAR Team at para sa mabilis na search and retrieval operations kaugnay ng
insidente ng pagkalunod sa Brgy. Caturay. Bukod sa agarang pagresponde at
pagdadala sa survivor sa ospital, patuloy ring silang nagbibigay ng
psychological first aid at iba pang kinakailangang tulong sa mga survivor at naulilang
pamilya habang ipinagpapatuloy ang paghahanap sa huling nawawala.
===============================
13. Bayambang,
4th Runner-up sa DSWD Video Contest
Nagwagi bilang
4th Runner-up ang entry ng LGU-Bayambang out of 41 entries ng lalawigan sa
“Juana Malakas: Stories of Women Empowerment Advocacy Video” ng DSWD, bilang
bahagi ng National Women’s Month celebration. Ang entry ay base sa inspiring na
kwentong buhay ni Christien P. Garcia, isang winning Barangay Nutrition Scholar
at graduating 4Ps member mula sa Brgy. Zone 6.
14.
PESO, Umani ng 3 Parangal!
Pinarangalan
ang PESO-Bayambang ng tatlong pagkilala sa 2026 Regional PESO Congress,
kabilang ang
Regional Winner
– Job Fair Excellence Award at dalawang Special Citation para sa digitalization
ng serbisyo at maayos na pagsusumite ng ulat para sa CY 2025. Patunay ito ng
epektibong pagpapatupad ng mga programang pang-empleyo ng Pamahalaang Bayan sa
ilalim ni SLEO Gernalyn Santos at sa pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao.
***
[ENERGY,
VOLUME, SMILE]
Presenter: Shinley
Roldan
Bayambang,
Dapat Alam Mo!
Bayambang,
dapat alam mo na ang ating bayan ay isang woman-friendly town o bayan na kung saan
namamayagpag ang mga kababaihang lider!
Alam ba ninyo
na 50% ng mga permanent at casual employees ng LGU-Bayambang ay binubuo ng kababaihan?
===========================================
[ANDREW:
FLASH ONSCREEN]
LGU-Bayambang Employees as of February 2026
|
|
Male |
Female |
|
Permanent – 335 |
167 |
168 |
|
Casual – 118 |
59 |
59 |
|
Job Order – 505 |
342 |
163 |
|
Consultant – 13 |
9 |
4 |
===========================================
At alam ba
ninyo na mahigit 50% sa mga kasalukuyang LGU unit at department heads at iba't
ibang agency heads sa Bayambang ay babae?
Sinu-sino ang
mga ito?
Bukod sa tayo
ay pinamumunuan ngayon ng pinakaunang babaeng mayor, vice-mayor, at municipal
administrator na ating kasaysayan, halos lahat ng departamento at ahensya ay
napamunuan na o pinamumunuan ng isang babae. Kabilang dito ang lahat ng
mabibigat na responsibilidad na dati-rati ay inaasa lamang sa mga kalalakihan.
===========================================
[ROLL/SCROLL
UP THE LIST ONSCREEN]
Hon. Niña
Jose-Quiambao - Municipal Mayor
Hon. Ian
Camille Sabangan - Municipal Vice Mayor
Hon. Jocelyn
Espejo - Municipal Councilor
Maria
Concepcion Carmela A. Santillan - Executive Assistant
Atty. Rodelynn
Rajini S. Vidad - Municipal Administrator
Atty. Rodelynn
Rajini S. Vidad - BPRAT Chairperson
Atty. Rodelynn
Rajini S. Vidad - Agriculture
Atty. Rodelynn
Rajini S. Vidad - Bayambang Public Safety Office
Editha Soriano
- MLGOO
SInsp. Carol
Joy Palchan - BFP
Reina Corazon
S. Ferrer - COMELEC
Thelma Ramos -
PhilPost
Ma. Dolores
Soliven - OIC Chief, Land Transportation Office
DepEd Bayambang
II - Dr. Candra Penoliar
Engr.
Bernadette Mangande - Municipal Engineer
Charmaine C.
Bulalakaw - OIC Municipal Treasurer
Dr. Paz F.
Vallo - RHU I
Dr. Adrienne A.
Estrada - RHU II
Genevieve N. Uy
- MDRRMO
Christine
Bautista - Budget Officer
Chinita S. de
Vera - GSO
Ma-Lene S.
Torio - ESWMO
Kimberly P.
Basco - MSWDO
Veronica
Gellido - Internal Auditor
Gernalyn J.
Santos - PESO
Atty. Melinda
Rose Fernandez - HRMO
Atty. Melinda
Rose Fernandez - MCDO
Atty. Melinda
Rose Fernandez - Library
Stephany J.
Caragan - BAC Secretariat
Josie Niverba -
MAC
Venus M. Bueno
- Nutrition
Atty. Mary
Grace Agas - BPLO
Luz B. Cayabyab
- Slaughterhouse
Dr. Leticia B.
Ursua - Media Affairs
Erlinda S.
Alvarez - Action Desk Officer for SEE
Resie M.
Castillo - Agriculture and Fishery Concerns
Mary Rose R.
Aquino - OIC Accountant for Barangay Financial Affairs
Kimberly
Martinez - DTI
***
Samantala, ayon
sa datos ng LCR, as of 2020, 49.35% ng ating populasyon ay kababaihan, kaya't
di nalalayo sa bilang ng mga kalalakihan.
===========================================
[ANDREW:
FLASH ONSCREEN]
Official
Male-Female Distribution (Latest Census with Sex Data as of 2020)
Males: 65,327
Females: 63,664
Total (2020
census): 129,011
===========================================
Bayambang,
dapat alam mo na malinaw na ang ating bayan ay hindi lamang woman-friendly —
ito ay woman-empowered.
Ang kababaihan
ay hindi lang katuwang sa pag-unlad — sila ay nasa unahan ng pamumuno,
paglilingkod, at pagbabago.
Samakatwid, ang
lakas ng kababaihan ay lakas ng ating bayan.
Ang lahat ng
ito Bayambang ay...dapat alam mo!
[***
[OUTRO]
[ENERGY,
VOLUME, SMILE]
NEWSCASTER 1:
At iyan po ang mga balitang nagbibigay-inspirasyon at pag-asa sa ating bayan.
Muli, ako po si Bhernardine Calaus.
NEWSCASTER 2:
At ako po si Danny Ventura, at kami ay mula sa Municipal Social Welfare and
Development Office.
NEWSCASTER 1:
Kaisa ninyo sa serbisyong tunay at may puso.
NEWSCASTER 2:
Kasama ninyo sa pagsulong ng magandang kinabukasan ng bayan.
SABAY: Ito
ang... BayambangueNews!
No comments:
Post a Comment