Wednesday, February 4, 2026

DAPAT ALAM MO…. Mga ukol sa Special Economic Enterprise

 

TRIVIA TIME!

DAPAT ALAM MO…. ukol sa Special Economic Enterprise

 

§  Dapat alam niyo na ang Special Economic Enterprise, o SEE, ay may anim na pangunahing saklaw na nagsisilbing mga proyektong pinagkukunan ng kita ng pamahalaang bayan.

 

Kabilang dito ang Public Market, Commercial Strips, Municipal Slaughterhouse, Public Cemetery, Warehouses, at ang Bayambang Central Terminal na patuloy na nagbibigay serbisyo sa publiko para sa mga programa ng munisipalidad.

 

§  Dapat mo rin malaman na ang ating pampublikong pamilihan ay may kabuuang 433 stallholders. Bukod pa rito, mayroon din tayong 603 ambulant vendors at 226 bagsakan vendors na aktibong nagnenegosyo sa ating bayan.

 

Kasabay ng patuloy na pag-unlad ng Bayambang, at sa mahusay na pamamahala ng Team Quiambao–Sabangan, dumarami ang mga investors at business owners na pumapasok at nakikipag-ugnayan sa ating munisipalidad. Dahil dito, patuloy na lumalago ang kita o revenue na nalilikom ng ating lokal na pamahalaan—isang malinaw na patunay ng masiglang ekonomiya at maayos na pamamahala sa ating bayan.

 

§  Dapat alam mo rin na sa Bayan ng Bayambang ay may mga libreng parking na maaaring gamitin ng mga motorista sa iba’t ibang bahagi ng bayan.

 

Kabilang sa mga ito ang Bayambang Central at ang Municipal Plaza. Mayroon din pong itinalagang parking area sa gilid ng Tricycle Terminal at sa harap ng dating Magic.

Layunin ng hakbang na ito na mabigyan ng mas maayos at maginhawang paradahan ang publiko at mapanatili ang kaayusan ng trapiko sa bayan.

 

§  Dapat din ninyong malaman na ang Bayambang Central Terminal ay itinayo upang masiguro ang maayos, ligtas, at mas maginhawang biyahe para sa ating mga kababayang commuter.

 

Ang proyektong ito ay bahagi ng mga inisyatibo ng Administrasyong Quiambao–Sabangan, na layong maghatid ng mas maayos, mas malawak, at mas mahusay na sistema ng transportasyon, lalo na para sa mga estudyante, at magsilbing mahalagang ugnayan sa iba’t ibang karatig-bayan.

 

Ito ay nag-ooperate mula alas-4 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi, at matatagpuan dito ang iba’t ibang uri ng pampublikong sasakyan gaya ng big bus at small bus, pati na rin ang mga jeepney, upang matiyak ang tuluy-tuloy at maaasahang serbisyo para sa publiko.

 

No comments:

Post a Comment