Saturday, February 7, 2026

MONDAY REPORT – February 9, 2026

 

MONDAY REPORT – February 9, 2026

 

[VOLUME, ENERGY, SMILE!]

1: Magandang Monday morning, Bayambang!  Ako po si Harold Aguado.

2: At ako naman po si Adessa Bugarin, at kami po ay mula sa Special Economic Enterprise.

1: Narito na ang mga pinakahuling balita at kaganapan sa ating bayan.

2: Tampok ang iba't ibang hakbang tungo sa kaunlaran.

1&2: Ito ang...BayambangueNews!

 

1.  15,005 Bayambangueños, Sabay na Nagsepilyo!

Noong kinaumagahan ng February 2, may 15,005 na Bayambangueño ang nakiisa sa 2nd Municipal-Wide Toothbrushing Marathon na ginanap sa Municipal Public Plaza bilang pagdiriwang ng National Toothbrushing Day at pagbubukas ng Oral Health Month 2026. Pinangunahan ito ng Municipal Health Office katuwang ang Philippine Dental Association–Pangasinan Chapter, at sinalihan mga kawani ng LGU, BFP, PNP, BPC, JKQ Medical and Wellness Center, at ng mga BHW. Sabayan ding nagsepilyo ang mga mag-aaral at guro sa lahat ng Child Development Center at pampublikong paaralan sa 77 barangays.

[Show video]

2.  Oral Health Month 2026 Kick-off, Napuno ng Aktibidad!

Noong February 4 naman, isingawa ang pormal na kick-off activities para sa ng Oral Health Month bilang pagpapakita ng patuloy na adbokasiya ng LGU sa oral health ng mamamayan. Naging tampok sa aktibidad ang isang motorcade mula St. Vincent Ferrer Prayer Park hanggang Balon Bayambang Events Center, educational exhibit, at mass fluoride application, na layong palakasin ang kamalayan ng publiko sa wastong pangangalaga ng ngipin. ...Dahil ang maagang edukasyon sa oral health ay mahalagang puhunan para sa mas malusog na kinabukasan.

 

3.  Clearing Operation, Isinagawa sa Central School

Noong January 30, nagsagawa ng isang clearing operation sa lumang Bayambang Central School ang MDRRMO, Engineering Office, at ESWMO, bunsod ng natumbang puno na nagdulot ng panganib sa isang classroom doon. Kasabay nito ang pagtanggal ng lumang poste ng street lights upang bigyang-daan ang paglalagay ng solar street lights sa lugar.

 

4.  LCRO, Rumatsada sa Tambac, Bacnono, at Tanolong

Dinala ng Local Civil Registry Office ang kanilang info drive sa Brgy. Tambac, Bacnono, at Tanolong noong January 29 at 30 at February 4, upang ilapit sa residente roon ang kaalaman at serbisyo sa civil registration. Ipinaliwanag dito ang tamang pagrerehistro ng kapanganakan, kasal, at kamatayan, pati ang mga bagong patakaran batay sa PSA Memorandum Circulars, at nagbigay din ng iba’t iba pang civil registration services.

[Use 3 sets of photos from the 3 different locations]

5.  Career Development Support Program, Isinagawa

Sinimulan noong January 29 ang dalawang araw na Career Development Support Program ng DOLE sa mga national high school sa Bayambang, sa pagtutulunga ng Pangasinan at Bayambang PESO. Layunin ng programa na gabayan ang mga Senior High School students sa tamang pagpili ng kurso at paghahanda sa trabaho bilang bahagi ng inisyatiba ng DOLE na palakasin ang employability ng kabataan.

 

6.  Mga CSO, May Medical Mission at Feeding Activity

 

A.   Noong January 31, isang medical mission ang isinagawa sa Brgy. Macayocayo ng Bayambang Matikas Eagles Club, Gabriel Medical Clinic, at Gabs Pharmacy & Convenience Cooperative Store, at mga boluntaryong doktor, sa pakikipag-ugnayan sa Nutrition Office.

 

B.   Naghatid naman ng masustansiyang pagkain sa mga bata ang isang feeding activity na isinagawa noong February 1 sa Brgy. Sancagulis, ng Gabriel Medical Clinic at Gabs Pharmacy & Convenience Cooperative Store sa koordinasyon ng pa rin ng MNAO.

 

7.     Financial Guidelines for Senior Citizen Associations, Pinagtibay sa Pulong

Noong February 4, pinulong ang lahat ng opisyales ng OSCA at senior citizen federation kasama ang Internal Audit Service, upang pagtibayin at linawin ang mga patakaran sa pananalapi ng mga samahan ng senior citizens. Tinalakay rito ang maayos na koleksyon at pagtatala, at planong digitalization ng mga datos upang masiguro ang transparency, accountability, at iisang pamantayan sa financial management.

 

8.  Bali-Balin Bayambang Team, Naglibot sa District 4

Ang Bali-Balin Bayambang Committee ay sumunod namang nagmonitor sa mga barangay sa District 4 para sa Bali-Balin Bayambang clean-green-and-bloom project ni Mayor Niña noong February 4. Ang dalawang monitoring team ay nag-ikot upang sinuriin ang aktibong partisipasyon ng mga opisyales at residente, ang kaayusan at kalinisan ng kapaligiran, at ang pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan.

 

9.  Data Capture para sa Upgraded Service Card, Sinimulan!

Sinimulan noong Pebrero 3, 2026 ng ICT Office at LCRO, katuwang ang GCash at PSA, ang data capturing para sa upgraded Bayambang Community Service Card bilang bahagi ng digitalization ng mga serbisyo ng pamahalaan. Unang sumailalim dito ang mga empleyado ng munisipyo, kasabay ng isinagawang financial literacy seminar bilang paghahanda sa bagong smart card system na may financial services component. Nakatakdang sumunod dito ang iba pang sektor upang mas mapabilis ang paghahatid ng tulong at serbisyo sa mga Bayambangueño.

 

10.               Pangasinan Brotherhood-USA at Bayambang Association of Southern California, Nag-feeding Activity at Medical Mission!

[Show Don Teofilo school pics here]

Ang Pangasinan Brotherhood USA, Inc. (PBUSA) at Bayambang Association of Southern California (BASC) -- sa pakikipag-ugnayan kay Councilor Raymund Camacho – ay nagsagawa ng isang feeding activity sa Don Teofilo C. Mataban Memorial School sa Brgy. Ligue noong February 6

[Show medical mission at BBEC here]

at Medical at Dental Mission sa Balon Bayambang Events Center, sa pakikipagtulungan ng Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center at LGU Bayambang.

***

[Show courtesy call photos here.]

Bilang suporta sa “Grand Ukay for a Cause”project ni Mayor Niña, nag-pledge si G. Cesar Tumakay ng PB-USA at ang BASC ng tig-isang bahay kubo, kaya’t may kabuuang 34 na bahay kubo na ang nakatakdang ipamahagi sa darating na kapistahan ng bayan.

11.              Bayambang, Muling Nagwagi ng Excellence in Solid Waste Management Implementation Award!

Muling pinarangalan ang LGU-Bayambang ng Excellence in Solid Waste Management Implementation Award (LGU Level) sa 10th Region 1 Ecological Solid Waste Management Summit na ginanap noong February 4 sa San Carlos City, Pangasinan. Tinanggap ang parangal ni MENRO Ma-Lene S. Torio, bilang pagkilala sa epektibong pagpapatupad ng mga programa ng LGU sa wastong pamamahala ng basura. Ikatlong sunod na taon na itong pagkilala sa Bayambang, patunay ng matatag na commitment ng ESWMO sa pangangalaga sa kalikasan at pagpapatupad ng mga umiiral na batas at ordinansa.

 

12.              CSOs, Nagpamahagi ng Gulay at Nag-feeding Activity sa Sancagulis

Noong February 5, nagpamahagi ng libreng gulay sa Brgy. Sancagulis ang Gabriel Medical Clinic at Gabs Pharmacy at Coop-venience Store sa pakikipag-ugnayan sa Nutrition Office. Kasabay nito, nagsagawa rin doon ng feeding activity ang Rotary Club of Bayambang bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa kalusugan at nutrisyon.

 

13.              Solid Waste Office, Nag-info Drive sa MDRRMO

Nagsimula ang Solid Waste ng isang information drive sa iba’t ibang tanggapan ng Munisipyo, matapos magbigay ng seminar sa mga kawani ng MDRRMO noong February 2. Tinalakay ni MENRO Ma-Lene Torio ang hinggil sa solid waste management, kabilang ang waste segregation, collection schedule, waste volume per category, at gastusin sa waste disposal, upang matulungang upang maging ganap na compliant ang MDRRMO sa Solid Waste Management Act.

 

14.              78 Bayambang CDCs at CDWs, 100% Accredited Na!

Ganap nang 100% accredited ang lahat ng 78 CDCs at CDWs sa buong bayan ng Bayambang, matapos pumasa sa accreditation ang huling batch ng Child Development Centers at Child Development Workers ng Bayambang alinsunod sa ECCD Guidelines, sa pangunguna ng mga ECCD Council–recognized assessors. Ito ay patunay ng mataas na kalidad ng serbisyong pangkalusugan, nutrisyon, at maagang edukasyon para sa mga kabataan ng Bayambang.

***

[VOLUME, ENERGY, SMILE!]

Bayambang, Dapat Alam Mo!

 

Bayambang, DAPAT ALAM MO….

 

§  Dapat alam mo na ang Special Economic Enterprise, o SEE, ay may anim na pangunahing saklaw na nagsisilbing mga proyektong pinagkukunan ng kita ng pamahalaang bayan.

 

Kabilang dito ang Public Market, Commercial Strips, Municipal Slaughterhouse, Public Cemetery, Warehouses, at ang Bayambang Central Terminal na patuloy na nagbibigay serbisyo sa publiko para sa mga programa ng munisipalidad.

 

§  Dapat mo rin malaman na ang ating pampublikong pamilihan ay may kabuuang 433 stallholders. Bukod pa rito, mayroon din tayong 603 ambulant vendors at 226 bagsakan vendors na aktibong nagnenegosyo sa ating bayan.

 

Kasabay ng patuloy na pag-unlad ng Bayambang, at sa mahusay na pamamahala ng Team Quiambao–Sabangan, dumarami ang mga investors at business owners na pumapasok at nakikipag-ugnayan sa ating munisipalidad. Dahil dito, patuloy na lumalago ang kita o revenue na nalilikom ng ating lokal na pamahalaan—isang malinaw na patunay ng masiglang ekonomiya at maayos na pamamahala sa ating bayan.

 

§  Dapat alam mo rin na sa Bayan ng Bayambang ay may mga libreng parking na maaaring gamitin ng mga motorista sa iba’t ibang bahagi ng bayan.

 

Kabilang sa mga ito ang Bayambang Central School at ang Municipal Plaza. Mayroon din pong itinalagang parking area sa gilid ng Tricycle Terminal at sa harap ng dating Magic Supermarket.

Layunin ng hakbang na ito na mabigyan ng mas maayos at maginhawang paradahan ang publiko at mapanatili ang kaayusan ng trapiko sa bayan.

 

§  Dapat din ninyong malaman na ang Bayambang Central Terminal ay itinayo upang masiguro ang maayos, ligtas, at mas maginhawang biyahe para sa ating mga kababayang commuter.

 

Ang proyektong ito ay bahagi ng mga inisyatibo ng Administrasyong Quiambao–Sabangan, na layong maghatid ng mas maayos, mas malawak, at mas mahusay na sistema ng transportasyon, lalo na para sa mga estudyante, at magsilbing mahalagang ugnayan sa iba’t ibang karatig-bayan.

 

Ito ay nag-ooperate mula alas-4 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi, at matatagpuan dito ang iba’t ibang uri ng pampublikong sasakyan gaya ng big bus at small bus, pati na rin ang mga jeepney, upang matiyak ang tuluy-tuloy at maaasahang serbisyo para sa publiko.

 

Ang lahat ng ito Bayambang ay… DAPAT ALAM MO….

 

***

KONKLUSYON:

[VOLUME, ENERGY, SMILE!]

1: Ang mga balitang ito ay sumasalamin sa patuloy na adbokasiya para sa maayos na pamamahala.

2: Sama-sama nating isulong ang isang maunlad na bayan ng Bayambang.

1: Muli, ako po si Harold Aguado.

2: At ako naman po si Adessa Bugarin, at kami ay mula sa Special Economic Enterprise.

1&2: At ito ang... BayambangueNews!

 

No comments:

Post a Comment