EVENTS COVERED
1. Bayambang, Wagi sa Inter-Agency Basketball Opener
2. BPSO at TFD, Sinanay sa Fire Safety at First Aid
3. TODA Federation, Pinulong para sa Disiplina sa Terminal
4. BPSO, Tumulong sa Parking Management sa Central School
5. Nawalang Wallet at Cell Phones, Naibalik sa May-ari
6. GAD-TWG, Sinuri ang Paggamit ng GAD Fund
7. School Safety, Prayoridad sa LSB Meeting
8. Proteksyon sa Kababaihan at Kabataan, Pinalakas
9. DA, Namahagi ng Agri Support sa Bayambang
10. LGU Employees, Sumailalim sa Professionalism Seminar
11. Food Security, Pinagtibay sa Nutrition Meeting
12. PDEA, Nagsagawa ng Barangay Validation
13. CDWs at Teachers' Aides, Dumaan sa Capacity Training
14. LGU, Nagdaos ng Energy Efficiency Orientation
15. Labing-siyam na Kubo, Naihatid sa Nalsian Sur
16. Wawa Temporary Bridge, Construction Umuusad
17. Feeding Angels, Muling Naghatid ng Pag-asa
18. Mayor Niña, Nagbigay ng Wheelchair sa Batang May Sakit
19. LGU, Nagbenchmarking sa Cold Storage Facility
20. Planong Slaughterhouse, Isinailalim sa Public Consultation
21. Mga Panukalang Ordinansa sa Transportasyon, Tinalakay
22. Bayambang, Nakamit ang IDEAL LCPC Rating
23. Healthiest Department Assessment, Sinimulan
24. SPED Students, Nakatanggap ng Nutrition Support
25. CSC at LGU, Nagpulong para sa Mas Matatag na HR Systems
26. MDRRMO, Pinaigting ang DRRM Preparedness Drive
27. Bayambang, Nakiisa sa NDRM Regional Kick-Off
28. Paghingi ng Saklolo ng Isang Pasyente, Agad Inaksyunan
29. Mga School Equipment, Muling Ipinagkaloob sa mga Paaralan
30. Mayor Niña, Nagdonate ng Handheld Metal Detectors sa PNP
31. Nutri-Kitchen, Tampok sa Pagbubukas ng Nutrition Month
32. PCA, Nagsagawa ng Bloodletting at Info Caravan
33. Audition para sa Varsitarian Dance Group, Isinagawa
34. Mga Magsasaka, Tumanggap ng Isang Recirculating Dryer
35. 500 TODA Members, Tumanggap ng Sahod sa TUPAD
36. Search for Nutrition A1 Child, Idinaos
37. ESWM Board, Pinagtibay ang Solid Waste Programs
38. Task Force Disiplina, Muling Nagpulong
39. Mga Sanggol, Nag-unahan sa Baby Crawl Challenge
40. TFD at BPSO, Patuloy sa Operation Sita
41. Mga Proyektong Pangkabataan, Tinalakay sa Pulong ng SK
42. LGU, May Bagong Rescue Boat
43. 'Bright Smiles, Bright Futures' Year 2, Sinimulan
44. Job Fair ng PESO at PSU, Dinagsa
45. PDRA para sa Bagyong 'Inday,' Isinagawa
46. LCRO Mobile Services, Nakarating sa Reynado at Apalen
47. Dangling Wires at Hazardous Poles, Binaklas sa Burgos St.
48. LGU, Mabilis na Umaksyon Matapos ang Lindol
49. 75 Undernourished na Bata, Nabiyayaan sa Feeding Activity ng BTS
50. DA-PRDP, Sinuri ang Itinatayong Onion Cold Storage Facility sa Amancosiling Sur
51. Halina't Makiisa sa National Disaster Resilience Month 2026!
52. Mayor Niña, Namahagi ng Fresh Milk sa 4,000 Kabataan
53. Paghahanda sa FY 2027 Budget, Sinimulan
54. Managos Co-op, Nagtraining sa Corn Pest Management
55. Mga Ani ng Local Farmers, Muling Tinangkilik ng Mamimili
56. Barangay Nutrition Leaders, Pinalakas ang Kaalaman sa Training
57. 398 Senior Citizens, Tumanggap ng Cash Gift mula sa NCSC
58. Disaster Resilience at Emergency Preparedness Initiatives, Tampok sa Exhibit
59. Pre-Construction Conference, Isinagawa para sa San Gabriel II–Pantol Farm-to-Market Road Project
60. Operasyon Kontra Colorum Tricycles, Inaaraw-araw ng TFD at BPSO
61. TODA at LGU, Nagbayanihan sa Paglilinis ng Tricycle Terminal
62. Bayambang Volleyball Team, Wagi sa Ikatlong Pagkakataon sa Provincial Cup
63. ISO QMS Certification, Muling Napanatili ng LGU!
64. LGU, Nakiisa sa Induction at Coronation Night ng BASC
65. 3-Day DRRM Course for Public Sector, Nagpatuloy
66. KSB Year 9, Nagpatuloy sa San Gabriel 2nd
67. Bayambang, Nakiisa sa 48th National Disability Rights Week Celebration
68. Polisiya para sa Lokal na Pagmimina at Quarrying, Binalangkas
69. NIA, Nag-inspeksyon para sa Irrigation Project
70. Managos Co-op Members, Nagtapos sa Buffalo Production and Management Training
71. San Gabriel II-to-Pantol Farm-to-Market Road Concreting, Sinimulan!
72. LGU CDC, Nagdiwang ng Nutrition Month
73. Gawad Parangal, Idinaos sa Pagtatapos ng Nutrition Month
74. Awarding Ceremony para sa National Disaster Resilience Month, Idinaos
75. Technical Budget Hearing, Isinagawa
76. OSCA, Nakipagpulong ukol sa Panukalang Universal Social Pension for Senior Citizens
77. Natagpuang Cobra, Kaagad Itinurn-over sa Otoridad
78. Mayor Niña, Nagdonate ng Dog Food at Gamot
79. Vertical Garden Project, Itinayo sa Munisipyo
80. Municipal Councilors, Dumalo sa PCL National Assembly 2026
81. LGU, Kalahok sa Induction of ECCD Service Providers
82. Validation ng Potential Beneficiaries para sa Social Pension, Isinagawa
83. LGU, Pinarangalan sa Pagsuporta sa Rehabilitasyon ng Kabataan
84. Bayambang, National Representative ng Region I sa Gawad Pugay Puso!
85. Bayambang, Top 7 sa Pangasinan at Top 11 sa Region I sa Local Revenue!
86. Budget Office at Treasury, Binigyan ng Komendasyon!
87. Bayambang, Pinarangalan sa 498% Tax Collection Increase!
88. Mga RHU, Ginawaran ng Certificate of Quality Service
89. Mayor Niña, Nag-ulat sa Bayan sa SOMA 2026
SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT
EDUCATION FOR ALL
- (LSB, Library, DepEd)
School Safety at Security, Tinutukan sa LSB Meeting
Naging sentro ng special meeting ng Local School Board ang pagpapalakas ng school safety and security, sa tulong ng PNP, kabilang ang mungkahing paglalagay ng security guards sa mga paaralan. Tinalakay rin ang paghahanda ng 2027 Special Education Fund budget, pagpapanatili ng school facilities, at iba pang programang magpapahusay sa kalidad ng edukasyon sa Bayambang.
Mga School Equipment, Muling Ipinagkaloob sa mga Paaralan
Mahigit 1.27 milyon pesos mula sa Special Education Fund (SEF) ang inilaan ng Local School Board
para sa pamamahagi ng 36 printers at 18 laptops sa mga pampublikong paaralan sa Bayambang bilang suporta sa pagpapahusay ng kalidad ng edukasyon. Bahagi ito ng inisyatibang isinulong ng yumaong Chairperson ng SB Committee on Education na si Councilor Jan Nazer David Junio bilang kongkretong suporta sa sektor ng edukasyon.
Mayor Niña, Namahagi ng Fresh Milk sa 4,000 Kabataan
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month, nagpamahagi si Mayor Niña ng fresh milk sa tinatayang 4,000 kindergarten at grade school students sa iba't ibang public school sa Bayambang. Ipinamahagi ng Nutrition Office ang mga gatas sa bawat paaralan na donasyon ng Dairy Farm ng Kasama Kita sa Barangay Foundation, at dahil na rin sa mga donors na nag-alay ng regalo sa kaarawan ng anak ni Mayor Niña na si Christopher Quiambao.
HEALTH FOR ALL
- Health (RHUs)
PCA, Nagsagawa ng Bloodletting at Info Caravan
A. Ang Philippine Coconut Authority ay nagsagawa ng isang bloodletting activity kasabay ng isang information caravan patungkol sa Coconut Farmers and Industry Development Plan noong July 6. Sa 72 registered donors, 51 ang nakapag-donate ng dugo sa tulong ng RHU Bayambang at Philippine Red Cross – San Carlos City.
B. Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan naman ang nagtulung-tulong upang ipakilala ang CFIDP bilang isang programang maghihikayat sa mga magsasaka na magtanim at mag-alaga ng niyog.
'Bright Smiles, Bright Futures' Year 2, Sinimulan
Sinimulan noong July 9 ang ikalawang taon ng Bright Smiles, Bright Futures Community Oral Health Project ng LGU at Colgate-Palmolive Philippines para sa mga batang nasa Child Development Centers.
Sa unang araw, nagsagawa ang RHU I at RHU II Dental Teams ng oral health education, dental examination, toothbrushing demonstration, at pamamahagi ng oral health kits sa mga piling CDCs. Magpapatuloy ang programa hanggang Setyembre upang maabot ang lahat ng Child Development Centers sa Bayambang.
- Nutrition (MNAO)
Food Security, Sentro ng Talakayan sa MNC Meeting
Pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang kampanya laban sa malnutrisyon at pagsulong ng food security, sa isinagawang 2nd Quarter Meeting ng Municipal Nutrition Committee noong June 30. Pangunahing tinalakay ang potensyal ng pagpapalakas ng food security sa buong bayan sa pamamagitan ng ibayong pagpapalawak ng mga HAPAG garden sa 77 na barangay at vertical gardening o hydroponic gardening sa likod ng mga barangay hall.
Healthiest LGU Department Assessment, Inilunsad
Sinimulan noong July 2 ang Healthiest Department Assessment bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month 2026. Lumahok sa naturang aktibidad ang bawat departamento ng LGU, at pinangunahan ang health assessment ng mga nurse ng RHU, kasama ang HRMO at MNAO. Sa aktibidad na ito, hinihikayat ang mga tanggapan ng lokal na pamahalaan na isulong ang healthy lifestyle at palakasin ang kultura ng wellness sa hanay ng mga empleyado.
Tamang Nutrisyon, Hatid sa mga SPED Students at Kanilang Caregivers
Sa pagdiriwang ng Nutrition Month 2026, nagbigay ang MNAO noong July 2 ng healthy food treats sa mga SPED student ng Bayambang Central School, at nutrition-related information drive para sa kanilang mga magulang at caregivers katuwang ang Persons with Disability Affairs Office. Dahil dito, naitaguyod ang inklusibong serbisyong pangnutrisyon para sa mga kabataan.
Nutri-Kitchen, Tampok sa Pagbubukas ng Nutrition Month
Naging tampok ang Nutri-Kitchen sa pagbubukas ng 52nd National Nutrition Month celebration noong July 6, kung saan itinampok ang kahalagahan ng masustansya, abot-kaya, at masarap na pagkain sa pamamagitan ng cooking show at healthy food tasting. Sa isang kwelang cooking video, idinemo nina Councilor Jan Nazer David Junio at Dr. Roland Agbuya ang paggawa ng Malunggay Spinach Pesto Pasta, na kalauna'y ipinatikim sa mga kawani ng munisipyo bilang bahagi ng taunang Healthy Food Treat ng Nutrition Office.
Search for Nutrition A1 Child, Idinaos
Idinaos ng Nutrition Technical Working Group at Child Development Centers noong July 7 ang ika-siyam na Search for Nutrition A1 Child tampok ang patimpalak na Kids Got Talent bilang bahagi ng pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month. Itinanghal na kampeon si Zorelle Bhagish A. Espetero ng Brgy. Asin habang muling binigyang-diin ng LGU ang kahalagahan ng wastong nutrisyon at paglinang sa talento ng mga kabataan.
Mga Sanggol, Nag-unahan sa Baby Crawl Challenge
A. Noong July 8 naman, ginanap ang kauna-unahang Baby Crawl Challenge para sa Season 3 ng Amazing Race, na nilahukan ng sampung sanggol na may edad anim hanggang labindalawang buwan. Bukod sa masayang paligsahan kung saan nag-unahan sa paggapang ang mga sanggol.
B. Nagsagawa rin ng isang information campaign upang mapalawak ang kaalaman ng mga magulang at tagapag-alaga tungkol sa wastong nutrisyon at tamang pangangalaga sa mga sanggol.
75 Undernourished na Bata, Nabiyayaan sa Feeding Activity ng BTS
Nagsagawa ng isang ng outreach at feeding activity ang grupong Born to Serve o BTS para sa 75 na undernourished na mga bata mula sa walong barangay sa Bayambang, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 51st National Nutrition Month. Isinagawa ang programa sa tulong ng sponsor na si Ms. Berna Terrado at sa pakikipag-ugnayan sa Nutrition Office upang suportahan ang patuloy na pagsusulong ng wastong nutrisyon sa bayan.
Barangay Nutrition Leaders, Pinalakas ang Kaalaman sa Training
Ang Nutrition Office ay nagsagawa ng isang Barangay Nutrition Program Management (BNPM) Consultative and Reinforcement Training upang higit na palakasin ang kakayahan ng mga miyembro ng Barangay Nutrition Committee sa pagpaplano, pagpapatupad, at pamamahala ng mga programang pangnutrisyon. Tinalakay ng mga resource speaker mula sa NNC Region I, DILG, MPDC, at Barangay Financial Affairs ang nutrition governance, development planning, at tamang paggamit ng pondo, habang nagsagawa rin ng workshop sa pagbuo at pag-update ng mga Barangay Nutrition Action Plan.
LGU CDC, Nagdiwang ng Nutrition Month
Ang Municipal Child Development Center ay nagdaos ng sariling pagdiriwang ng Nutrition Month noong July 28, kung saan ang mga daycare learner ay nagpaligsahan sa Healthy Food Costume Showcase. Mayroon ding Little Chef Cookfest, kung saan sila ay nagtagisan sa tatlong segments: ang Healthy Snacks Making, Healthy Sip, at Healthy Plating contest.
Gawad Parangal, Idinaos sa Pagtatapos ng Nutrition Month
Noong July 29, nagtapos ang pagdiriwang ng Nutrition Month 2026 sa isang gawad parangal para sa lahat ng mga nagwagi sa mga naging patimpalak at sa mga natatanging indibidwal at grupo na nagbigay ng suporta sa programang pangnutrisyon ng pamahalaang bayan. Kabilang sa mga pinarangalan ang mga nanalo sa Search for Nutrition A1 Child Year 9, Baby Crawl Challenge, Search for Outstanding Barangay Nutrition Scholar, Search for Outstanding Barangay Nutrition Committee, Search for Outstanding HAPAG Implementer, Search for Outstanding Schools Nutrition Program Management, mga CSO, NGO, donor, at iba pang partner na buong-pusong sumusuporta sa LGU nutrition programs, at Nutrition Month 2026 Technical Working Group members.
- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)
Bayambang, Wagi sa Unang Araw ng Inter-Agency Basketball League
Panalo agad ang Team Bayambang matapos talunin ang MDRRMO-Basista sa opening day ng Inter-Agency Basketball League na inorganisa ng EZ Jersey Pangasinan. Buong-pusong sinuportahan nina Mayor Niña at Dr. Cezar Quiambao ang koponan sa pamamagitan ng pagsagot sa kanilang participation expenses at mga jersey uniform.
Bayambang Volleyball Team, Wagi sa Ikatlong Pagkakataon sa Provincial Cup
Ang Bayambang Men's and Women's Volleyball Squad ay muling nagwagi sa ikatlong pagkakataon sa idinadaos na Provincial Cup o inter-town competition. Muling nagpasalamat ang team sampu ng kanilang mga coach sa buong suporta ng LGU at ni Mayor Niña, lalo na sa ng kanyang mga personal na donasyong bola.
- Veterinary Services (Mun. Vet.)
– Slaughterhouse
PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN
- Social Services (MSWDO, MAC)
GAD-TWG, Sinuri ang Paggamit ng Pondo
Sa kanilang ikalawang quarterly meeting, tinalakay ng Gender and Development Technical Working Group ang utilization report, accomplishments, at iba pang mahahalagang usapin sa pagpapatupad ng GAD programs sa Bayambang gamit ang GAD Fund. Layon ng regular na pagpupulong na matiyak ang tamang paggamit ng naturang pondo at patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng lahat ng sektor.
Proteksyon sa Kababaihan at Kabataan, Pinagtibay ng LCPC at LCAT-VAWC
Muling pinagtibay ang mga polisiya, programa, at koordinasyon para sa kapakanan ng kababaihan at kabataan sa Bayambang, sa ginanap na joint quarterly meeting ng Local Council for the Protection of Children at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children noong June 29. Tinalakay rin dito ang Children's Welfare Code, mga partnership sa iba't ibang sektor, at mga update sa child-friendly governance.
CDWs, Teachers' Aides, Sumailalim sa Capacity-Building Training
Noong June 30, nagsagawa ang MSWDO ng Child Development Workers' and Teachers' Aide Training. Tampok sa pagsasanay ang Parents Effectiveness Service (PES) Refresher Training. Tinalakay rin ang wastong food preparation, health, at nutrition upang higit pang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa pangangalaga at pag-unlad ng mga bata.
Pang-19 na Kubo mula sa Grand Ukay for a Cause, Inihatid sa Nalsian Sur
Ang pang-19 na kubo mula sa Grand Ukay for a Cause ni Mayor Niña ay inihatid ng LGU sa napiling benepisyaryong pamilya sa Brgy. Nalsian Sur noong July 1. Ang pamilya ni G. Brian Japson de Vera, isang tricycle driver, ay nagpapasalamat sa donasyong bahay kubo na galing naman sa Pangasinan Brotherhood USA sa pagrerepresenta ni Councilor Raymund Camacho. Bitbit din ng Grand Ukay team ang mga adisyunal na donasyong solar lights, solar panel, at solar fan.
Feeding Angels of Bayambang, Muling Naghatid ng Blessings
Ang Feeding Angels of Bayambang ay patuloy sa misyon nito na "Walang batang maiiwan sa pangarap," salamat sa lahat ng donors at volunteers na naging bahagi na ng mga aktibidad nito. Ito ay matapos magsagawa ang FAB ng isang feeding activity para sa 89 daycare pupils sa Barangay Tamaro, Zone 5, at Zone 7 noong July 1, sa pakikipag-ugnayan ng MSWDO at MNAO. Kasabay ng programa, nagbahagi rin ng birthday treats ang ilang miyembro ng FAB sa ilang undernourished na kabataan at indigent na pamilya.
(Read indigent as IN-dee-jent)
Mayor Niña, Nagkaloob ng Wheelchair sa Batang May Sakit
Bilang tugon sa panawagan ng isang inang humihingi ng tulong para sa kanyang anak na may osteomyelitis, agad na nagkaloob si Mayor Niña noong July 1 ng isang wheelchair sa tulong ng Persons with Disablity Affairs Office. Malaking ginhawa ang hatid ng wheelchair upang mas mapadali ang paggalaw ng bata at ang kanyang pagpasok sa paaralan.
Paghingi ng Saklolo ng Isang Pasyente, Agad Inaksyunan
Isang residente ang dumulog sa tanggapan ni Mayor Niña upang humingi ng tulong na agad mailipat ang kanyang kapatid na naka-confine sa ospital dahil sa sakit na iniinda nito sa katawan. Wala pang isang oras ay agad tinugunan ni Mayor Niña ang nasabing request at agad nailipat ang pasyente kung saan maaari siyang ma-ultrasound upang maoperahan.
Audition para sa Varsitarian Dance Group, Isinagawa
Upang buhaying muli Varsitarian Dance Group na unang sumikat sa Bayambang noong dekada otsenta, nagsagawa ang LGU ng audition noong July 5 sa LGU Dance Studio sa Brgy. Magsaysay upang pumili ng mga bagong miyembro mula sa hanay ng mga lokal na mananayaw. Pinangunahan ng mga orihinal na founders at miyembro ng grupo, katuwang ang screening committee, ang pagpili sa mga kwalipikadong auditionees na sasailalim sa pagsasanay bilang bagong henerasyon ng Varsitarian dancers.
398 Senior Citizens, Tumanggap ng Cash Gift mula NCSC
Ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) ay nagpamahagi ng cash gift para sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa Bayambang noong July 16, alinsunod sa pagpapatupad ng Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarians Act. Nakipagtulungan ang LGU sa pamamagitan ng OSCA at MSWDO, upang matiyak ang maayos, ligtas, at episyenteng pamamahagi ng benepisyo para sa mga nakatatandang mamamayan.
Bayambang, Nakiisa sa 48th National Disability Rights Week Celebration
Nakiisa ang LGU sa pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week sa pamamagitan ng isang seminar at leadership training para sa PWD leaders. Tinalakay sa programa ang Magna Carta for Persons with Disabilities, isinagawa ang oathtaking ng mga bagong opisyal ng PWD Federation, at pinalakas ang kakayahan ng mga lider upang higit na maisulong ang pantay na karapatan, aktibong partisipasyon, at inklusibong pag-unlad sa bawat barangay.
OSCA, Nakipagpulong ukol sa Panukalang Universal Social Pension for Senior Citizens
Lumahok ang Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) ng Bayambang sa isang Convergence Meeting noong July 24 sa Lingayen upang talakayin ang panukalang Universal Social Pension na naglalayong mabigyan ng social pension ang lahat ng senior citizen anuman ang kanilang kalagayan sa buhay. Ipinaliwanag dito ng DSWD ang kasalukuyang proseso ng pagpili ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng CBMS, PSA verification, at validation ng DSWD at mga katuwang na ahensya.
LGU, Kalahok sa Induction of ECCD Service Providers
Lumahok ang LGU sa tatlong araw na Induction Program for Local ECCD Service Providers upang higit pang mapahusay ang pagpapatupad ng mga programa para sa maagang pag-aalaga at pag-unlad ng mga bata. Tinalakay sa pagsasanay ang pagpapalakas ng mga serbisyo sa nutrisyon, social services, at lokal na pagpaplano upang mas epektibong matugunan ang pangangailangan ng mga bata at kanilang pamilya.
Validation ng Potential Beneficiaries para sa Social Pension, Isinagawa
Sumailalim sa validation activity ang 619 senior citizens na potential beneficiaries ng Social Pension Program sa pangunguna ng OSCA, katuwang ang DSWD, MSWDO, at iba pang ahensya upang matiyak ang maayos at transparent na proseso ng pagpili ng mga benepisyaryo. Ipinaalala ng mga opisyal na ang pagdalo sa validation ay hindi garantiya ng pagiging benepisyaryo, sapagkat ang pinal na pagpili ay nakabatay sa resulta ng beripikasyon at sa mga itinakdang pamantayan ng DSWD.
- Civil Registry Services (LCR)
LCRO Mobile Services, Nakarating sa Reynado at Apalen
Ipinagpatuloy ng Local Civil Registry Office (LCRO) ang programang "Your Name, Your Right" sa Brgy. Reynado noong Hulyo 8 at sa Brgy. Apalen noong Hulyo 9, kung saan naghatid ng iba't ibang serbisyong pang-civil registration tulad ng late registration, pagwawasto ng rekord, legitimation, supplemental reports, at pagtanggap ng aplikasyon para sa Libreng Kasalang Bayan. Isinagawa rin ang data capture para sa upgraded Community Service Card ng 21 residente mula sa dalawang barangay.
- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)
ESWM Board, Pinagtibay ang Solid Waste Programs
Sa kanilang pinakahuling pulong, tinalakay ng Municipal Ecological Solid Waste Management Board ang mga nagawang proyekto, implementasyon ng 10-Year Solid Waste Management Plan, at mga target na programa para sa ikatlong quarter ng taon. Kabilang sa mga ulat ang rehabilitasyon ng Municipal MRF, IEC campaigns sa mga paaralan, tree planting, at mas mahigpit na pagpapatupad ng mga environmental ordinance.
TODA at LGU, Nagbayanihan sa Paglinis sa Tricycle Terminal
Nagsagawa ng Bayanihan Oplan Linis sa tricycle terminal ang TODA kasama ang TFD, BPSO, GSO, Engineering, SEE, at Solid Waste. Nilinis ang terminal upang maging mas maayos, malinis, at ligtas para sa publiko. Ipinakita ng aktibidad ang diwa ng bayanihan para sa isang mas maaliwalas na Bayambang.
Polisiya para sa Lokal na Pagmimina at Quarrying, Binalangkas
Nagdaos ang LGU ng isang Technical Working Group Meeting on Mining and Quarrying Activities upang palakasin ang koordinasyon at pagpapatupad ng mga regulasyon sa pagmimina at quarrying sa bayan ng Bayambang. Tinalakay sa pulong ang mga tungkulin ng TWG, monitoring at reporting system, koordinasyon ng mga opisina, at iba pang mekanismong magtitiyak ng responsableng pangangasiwa sa mga aktibidad na may kaugnayan sa pagmimina at quarrying sa Bayambang.
Natagpuang Cobra, Kaagad Itinurn-over sa Otoridad
Isang juvenile Philippine cobra ang boluntaryong isinuko ni PSMS Vina de Leon ng Bayambang Municipal Police Station sa MENRO matapos itong matagpuan sa kanilang bakuran. Kaagad itong inasikaso at ligtas na itinurn-over sa DENR-CENRO Dagupan noong July 27. Muling pinaalalahanan ang publiko na iulat sa mga awtoridad ang mga wildlife species sa halip na saktan o patayin ang mga ito
Vertical Garden Project, Itinayo sa Munisipyo
Nagtayo ang ESWMO ng isang pilot vertical garden sa likurang bahagi ng Engineering Office at sa tabi ng Nutrition Office, bilang bahagi ng programa ng LGU para sa mas luntiang kapaligiran at malikhaing pag-transform ng limitadong espasyo gamit ang plastic containers bilang recyclable materials. Bunga ng pagtutulungan ng iba't ibang tanggapan ng munisipyo, ang proyekto ay isa nang produktibong gulayan na nagsusulong ng urban gardening, food security, at pangangalaga sa kalikasan.
- Youth Development (LYDO, SK)
Mga Proyektong Pangkabataan, Tinalakay sa Pulong ng SK
Sa buwanang pulong ng SK Federation ng Bayambang, pangunahing napag-usapan ang iskedyul ng Buklat Aklat Year 3, paghahanda para sa Linggo ng Kabataan 2026, at ang panukalang team-building activity para sa federasyon. Tinalakay din ang pagkuha ng Certificate of Good Standing para sa Civil Service Eligibility, ang kasalukuyang estado ng budget plan ng bawat SK Council, at ang implementasyon ng SK Eco Space sa mga barangay.
- Peace and Order (BPSO, PNP, DILG)
BPSO at TFD, Nag-seminar sa Fire Safety at First Aid
Animnapu't limang personnel ng Bayambang Public Safety Office (BPSO) at Task Force Disiplina (TFD) ang lumahok sa Fire Safety at Basic First Aid Seminar na ginanap sa Pinoy Workers Partylist Center noong June 27. Layon nitong higit pang palakasin ang kanilang kahandaan sa pagtugon sa mga emergency at pagbibigay ng mas mahusay na serbisyo publiko.
TODA Federation, Pinulong ukol sa Disiplina sa Terminal
Pinulong ng BPSO at Task Force Disiplina ang mga miyembro ng TODA Federation upang mapatibay ang kaayusan, kalinisan, at pagpapatupad ng mga alituntunin sa Bayambang Tricycle Terminal. Tinalakay rin ang mga suliranin ng mga tricycle operator at driver upang mapanatili ang ligtas at disiplinadong operasyon ng terminal.
BPSO, Umalalay sa Parking sa Central
Nakiisa ang BPSO at Task Force Disiplina sa pamunuan ng Bayambang Central School sa pagsasaayos ng parking area ng paaralan. Layunin nitong mapabuti ang daloy ng trapiko at matiyak ang mas ligtas at organisadong paradahan para sa mga guro, mag-aaral, magulang, at mga bisita.
Mga Nawalang Wallet at Cell Phone, Naibalik sa mga May-ari
Agad na naibalik sa may-ari ang isang wallet at iba’t ibang cell phone na napulot sa daan at naiwan sa pamilihang bayan dahil sa mga tapat ng kawani ng lokal na pamahalaan. Ito ay naging posible dahil na rin sa maagap na koordinasyon ng BPSO at Task Force Disiplina at Special Economic Enterprise. Lubos na nagpapasalamat ang may-ari sa mga nakapulot ng mga nasabing gamit, at sa mabilis na aksyon ng mga awtoridad.
PDEA On-Site Validation, Isinagawa
Ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ay nagsagawa ng isang On-Site Validation para sa lahat ng mga barangay ng Bayambang noong July 1. Masusing sinuri ng mga PDEA Validation Officer ang mga programa at dokumento ng bawat barangay na sumalang. Kanilang inalam kung patuloy bang nagiging epektibo ang mga Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) sa kani-kanilang nasasakupan.
Mayor Niña, Nagdonate ng Handheld Metal Detectors sa PNP
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng seguridad sa mga paaralan, nagkaloob si Mayor Niña ng mga handheld metal detector sa PNP at Task Force Disiplina (TFD). Malugod na tinanggap ng Bayambang Municipal Police Station at TFD ang mga nasabing metal detector na gagamitin sa pagpapatupad ng mga security inspection at iba pang hakbang sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga paaralan sa Bayambang.
Task Force Disiplina, Muling Nagpulong
Ang Task Force Displina ay muling nagpulong noong July 7 upang talakayin ang iba't ibang isyu. Kabilang dito ang pagtukoy sa mas ligtas na paraan ng pagtawid ng mga estudyante mula BNHS hanggang Tricycle Terminal; pagsasaayos sa paradahan at lahat ng mga exit at entrance sa loob ng Tricycle Terminal at mga parking area; at 3) pagpapanatili ng kaayusan ng Public Plaza, partikular na sa palikuran at likod ng Bayambang Commerical Strip.
TFD at BPSO, Patuloy sa Operation Sita
Patuloy ang Task Force Disiplina (TFD) at Bayambang Public Safety Office (BPSO) sa kanilang araw-araw na implementasyon ng Operation Sita laban sa mga colorum na traysikel sa iba't ibang bahagi ng bayan. Layunin ng operasyon na matiyak na ang mga pampasaherong traysikel ay may kaukulang prangkisa at sumusunod sa umiiral na mga ordinansa at regulasyon sa transportasyon, at upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga motorista, operator, at mga commuter.
Operasyon Kontra Colorum Tricycles, Inaaraw-araw ng TFD at BPSO
Nagpatuloy ang daily operation ng TFD at BPSO laban sa mga colorum na tricycle sa Bayambang. Layunin nitong mapanatili ang kaayusan sa pampublikong transportasyon at maprotektahan ang mga lehitimong namamasada. Bahagi ito ng tuluy-tuloy na kampanya ng LGU para sa ligtas at disiplinadong lansangan.
AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)
DA, Namahagi ng Agri Intervention Measures
Ang Bical Elementary School, Bayambang Central School, at Naragsak Warding Farmers Association ay nakatanggap ng vegetable seeds, foliar fertilizer, at farming implements mula sa Department of Agriculture sa ilalim ng High-Value Crops Development Program nito. Ang mga intervention measure na ito ay magpapalakas sa produksyon ng high-value crops, food security, at mas produktibong agrikultura.
Mga Magsasaka, Tumanggap ng Isang Recirculating Dryer
Tumanggap ang Bayambang District 7 Cluster Organization ng isang unit ng recirculating dryer na nagkakahalaga ng ₱2.94 milyon sa ilalim ng Corn Program ng DA-RFO I sa tulong ng Municipal Agriculture Office. Inaasahang makatutulong ang pasilidad sa pagpapababa ng post-harvest losses, pagpapahusay ng kalidad ng ani, at pagpapataas ng kita ng mga magsasaka.
DA-PRDP, Sinuri ang Itinatayong Onion Cold Storage Facility sa Amancosiling Sur
Nagsagawa ng project monitoring at coordination meeting ang Department of Agriculture–Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) Scale-up, sa pangunguna ni Assistant Secretary at National Project Director U-Nichols A. Manalo, para sa itinatayong Bayambang Onion Cold Storage Facility sa Brgy. Amncosiling Sur. Layunin ng pagbisita na matiyak ang maayos na pagpapatuloy at napapanahong pagkumpleto ng proyekto upang agad itong mapakinabangan ng mga magsasaka at higit na mapalakas ang post-harvest support sa sektor ng agrikultura sa Bayambang.
Managos Co-op, Nagtraining sa Corn Pest Management
Isang Training on Corn Pest Management towards the Establishment of Biological Control Agent Production Facility with Extension Support ang isinagawa ng DA-Agricultural Training Institute-Regional Training Center I para sa Managos Farmers Agriculture Cooperative, sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office at Cooperative Development Office mula July 13-17. May 27 co-op members ang nakilahok at matagumpay na nagtapos nang may bagong kaalaman sa pagpuksa ng peste sa mais.
Mga Ani ng Local Farmers, Muling Tinangkilik ng Mamimili
Muling tinangkilik ng mga mamimili ang direktang bentahan ng mga magsasakang Bayambangueño ng kanilang sariwang gulay, prutas, at iba pang produkto sa tabi ng Legislative Building noong July 15. Sa proyektong ito, napalakas ang kita ng mga magsasaka habang nagbibigay ng abot-kaya at masustansyang pagkain sa mga mamimili.
NIA, Nag-inspeksyon para sa Irrigation Project
Nagsagawa ang National Irrigation Administration (NIA)-Central Office, NIA-Region I, at SDS Consultancy ng pinal na site inspection para sa Bayambang Pump Irrigation Project sa Barangay Amancosiling Norte noong July 22, bilang paghahanda sa susunod na yugto ng implementasyon. Inaasahang magbibigay ang proyekto ng mas maaasahang suplay ng irigasyon sa mga sakahan, na magpapataas ng ani, magpapalakas sa kabuhayan ng mga magsasaka, at makatutulong sa food security ng bayan.
Managos Co-op Members, Nagtapos sa Buffalo Production and Management Training
Matagumpay na nakumpleto ng mga kasapi ng Managos Farmers Agriculture Cooperative ang apat na araw na Social Preparation at Buffalo Production and Management Training bilang paghahanda sa pagtanggap ng mga genetically superior carabao sa ilalim ng Philippine Carabao Center Buffalo Production Program. Sa tulong ng PCC at ng LGU, pinalawak ng pagsasanay ang kaalaman ng mga kalahok sa wastong pag-aalaga ng kalabaw at pagpapalakas ng kanilang kooperatiba upang mapabuti ang kabuhayan at kita.
Mayor Niña, Nagdonate ng Dog Food at Gamot
Nagkaloob si Mayor Niña, sa pamamagitan ng Agriculture Office, ng apat na sako ng dog food at mga gamot sa Rescued Paw PH sa Brgy. Pantol, upang makatulong sa pangangalaga sa mga nailigtas na aso at pusa. Bahagi ito ng pagsulong ng LGU sa mga programang nagtataguyod ng animal welfare at pagsuporta sa mga indibidwal at grupong kumakalinga sa mga abandonado at nirescue na hayop.
JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL
- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)
500 TODA Members, Tumanggap ng Sahod sa TUPAD
Tumanggap ng tig-₱10,100 ang 500 na miyembro ng TODA sa Bayambang sa ilalim ng programang TUPAD ng DOLE noong July 7 sa St. Vincent Prayer Park. Pinangunahan ang payout ng DOLE–Central Pangasinan Field Office sa pakikipagtulungan ng PESO-Bayambang at Treasury Office.
Job Fair ng PESO at PSU, Dinagsa
Dinagsa ng daan-daang aplikante ang job fair na inilunsad ng PESO-Bayambang katuwang ang PSU-Bayambang sa Events Center noong July 9. Nag-alok ng trabaho ang mga kumpanya--12 para sa lokal at 4 para sa overseas employment--habang nagbigay naman ng one-stop shop services ang anim na ahensya ng gobyerno upang mapadali ang pagproseso ng pre-employment requirements ng mga aplikante.
- Economic Development (SEE)
LGU, Nagbenchmarking sa AILC Cold Storage
Isang benchmarking activity ang isinagawa ng mga kawani ng Engineering, Agriculture, Internal Audit, at Special Economic Enterprise (SEE) sa AILC Cold Storage sa Brgy. Amancosiling Norte. Kanilang sinuri at pinag-aralan ang operasyon, pamamahala, at pinakamahusay na mga pamamaraan sa pagpapatakbo ng isang maayos na cold storage facility. Naging daan ito upang makakuha ng mahahalagang kaalaman na maaari nilang magamit sa pagpaplano at pagpapaunlad ng mga kaparehong agri-infrastructure projects ng LGU.
- Cooperative Development (MCDO)
DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)
MDRRMO, Nag-info Drive sa DRRM Preparedness
Noong July 2 naman, sinimulan ang pamamahagi ng mga information materials sa 77 barangays at 64 public at private schools sa Bayambang. Kasabay nito ay ang pagsasagawa ng monitoring at inspeksyon sa kahandaan ng bawat barangay at paaralan sa pamamagitan ng pag-check sa kondisyon at availability ng kanilang DRR supplies at equipment, kabilang ang manual at electronic early warning bells, generator set, hazard maps, at DRR Corner.
Bayambang, Nakiisa sa Regional Kick-Off ng NDRM 2026
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2026, dumalo ang LGU sa Regional Kick-Off Program noong July 1, sa Bauang, La Union. Kinatawan ang LGU ni LDRRMO Genevieve Uy. Tampok sa programa ang mga talakayan ukol sa iba't ibang DRRM concerns gaya ng standardization ng waer search and rescue teams, relief augmentation process, management of the dead and missing, situation reporting.
LGU, May Bagong Rescue Boat
Binasbasan noong July 9 ang bagong rescue boat ng MDRRMO-Bayambang bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan ng bayan sa pagtugon sa mga kalamidad at emergency. Saa bagong acquisition na ito, higit pang magpapabilis at magpapahusay ang bagong rescue boat sa rescue at response operations ng MDRRMO.
PDRA para sa Bagyong 'Inday,' Isinagawa
Pinangunahan ni Mayor Niña ang isang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ng MDRRM Council bilang paghahanda sa pagdating ng Bagyong "Inday" noong July 9. Inilahad ng mga miyembro ang kanilang mga naging paghahanda, kabilang ang deployment ng rescue assets, activation ng response clusters, at paghahanda ng relief goods at iba pang emergency resources.
LGU, Mabilis na Umaksyon Matapos ang Lindol
Agad na nagsagawa ng evacuation, inspeksyon sa mga gusali, at monitoring operations ang LGU Bayambang at mga partner agencies kasunod ng magnitude 4.5 na lindol noong July 9, habang inaprubahan din ni Mayor Niña ang suspensyon ng trabaho sa LGU at ng klase bilang pag-iingat laban sa aftershocks. Patuloy namang minonitor ng mga kinauukulang ahensya ang sitwasyon at pinayuhan ang publiko na manatiling alerto sa mga opisyal na abiso.
Halina't Makiisa sa National Disaster Resilience Month 2026!
Ang LGU-Bayambang ay malugod na nakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month! Abangan ang mga inihandang aktibidad ng MDRRMO ngayong buwan ng Hulyo.
- Matapos sumama sa NDRM 2026 Kick-off sa La Union at lumibot sa mga paaralan at barangay para sa isang information drive, ang MDRRMO ay nakatakdang mag-Lakbay Aral sa Kawayan Ecopark sa probinsya ng Cavite upang matuto ng mga bagong kaalaman para sa bamboo planting kaugnay ng Agno River Rehabilitation Project.
- Kasunod nito ay ang DRRM Exhibit sa Events Center sa July 17 kung saan tampok ang mga programa at inisyatibo ng MDRRMO sa resilience at preparedness
- Ito ay susundan ng isang DRRM Course for Public Sector sa July 22-24 sa Events Center upang mapalakas ang kapasidad ng ating mg first responders.
- Kasunod nito ay isang DRRM Photo Contest upang ibida ang disaster preparedness, emergency response, environmental protection, at community resilience sa pamamagitan ng sining ng photograpiya.
Disaster Resilience at Emergency Preparedness Initiatives, Tampok sa Exhibit
Noong July 17, nagdaos ang MDRRMO ng isang DRRM Exhibit sa Balon Bayambang Events Center bilang parte ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month. Tampok sa exhibit ang mga programa, inisyatiba, at best practices ng tanggapan na naglalayong palakasin ang kahandaan sa sakuna, pagtibayin ang katatagan ng komunidad, at maisulong ang mas ligtas na bayan ng Bayambang.
3-Day DDRM Course for Public Sector, Nagpatuloy
Sa layong palakasin ang kahandaan at kakayahan ng mga lingkod-bayan sa pagharap sa mga sakuna, muling nagpatuloy ang MDRRMO sa pagbibigay nito ng tatlong araw na Disaster Risk Reduction & Management Course for Public Sector mula July 22 hanggang 24 sa Events Center, sa tulong ng Office of Civil Defense Region I. Sa pagkakataong ito, naging kalahok ang mga opisyal ng barangay sa District 7 at mga bagong department head ng LGU.
Awarding Ceremony para sa National Disaster Resilience Month, Idinaos
Noong July 30, nagtapos naman ang pagdiriwang ng National Disaster Resiliency Month 2026 sa isang gawad parangal para sa mga nagwagi sa DRRM photo contest. Isinagawa ang aktibidad sa Municipal Museum
- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)
- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)
Energy Efficiency and Conservation Orientation, Isinagawa
Nagsagawa ang LGU ng isa na namang Energy Efficiency and Conservation Orientation noong July 2. Tinalakay rito ang Republic Act No. 11285 o Energy Efficiency and Conservation Act at mga best practices sa pagtitipid ng enerhiya, pati na solar installation, electrical permit application, atbp., upang palawakin ang kaalaman ng mga kalahok sa ligtas, episyente, at sustenableg paggamit ng enerhiya.
Wawa Bridge Update
Kasalukuyan nang ibinubuhos ang semento sa mga pile cap ng Temporary Bridge sa Brgy. Wawa, matapos plantsahin ng DPWH ang kasunduan para sa pagpasok ng bagong contractor noong July 3, ang araw kung kailan ini-release din ang bayad para sa mga apektadong may-ari ng lupa. Patuloy na binabantayan at itinutulak ng pamunuan ang mabilis na pagkilos ng pambansang pamahalaan upang masigurong ligtas na magamit ang temporary bridge sa Wawa ngayong darating na Setyembre.
Planong Slaughterhouse sa Inirangan, Isinailalim sa Public Consultation
Isang public consultation ang isinagawa para sa planong pagtatayo ng Bayambang Slaughterhouse upang maipresenta ang proyekto at makuha ang pananaw ng mga taga-barangay at iba pang stakeholder. Tinalakay ang proposed sub-project, operational guidelines, grievance mechanism, at iba pang mahahalagang usapin bago ang inaasahang pagpapatupad nito.
Dangling Wires at Hazardous Poles, Binaklas sa Burgos St.
Muling nagsagawa ang Wire Clearing Action Group ng clearing operations sa Burgos St. ng Poblacion upang alisin ang mga nakalaylay na kawad at mapanganib na poste na maaaring magdulot ng aksidente. Patuloy ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan sa mga utility providers at hinihikayat ang publiko na iulat ang mga kahalintulad na panganib upang agad na maaksyunan.
Pre-Construction Conference, Isinagawa para sa San Gabriel II–Pantol Farm-to-Market Road Project
Matagumpay na naisagawa ng Department of Agriculture–PRDP Scale Up, sa pakikipagtulungan ng LGU Bayambang, ang tatlong-araw na kumperensiya bilang paghahanda sa maayos na implementasyon ng proyekto. Tinalakay rito ang mga responsibilidad ng mga katuwang sa proyekto, iskedyul ng konstruksyon, mga pamantayan sa kalidad at kaligtasan, at mga sistema ng monitoring upang matiyak ang matagumpay na konstruksyon ng farm-to-market road.
San Gabriel II-to-Pantol Farm-to-Market Road Concreting, Sinimulan!
A. Pinangunahan ni Mayor Niña ang contract signing para sa Road Opening and Concreting of San Gabriel II–Pantol Farm-to-Market Road sa pagitan ng LGU at ng contractor na R.R. Ricafort Construction and Supplies. Ang kontrata ay nagkakahalaga ng mahigit 302 million pesos.
B. Matapos nito, pormal na sinimulan ang road opening at concreting noong July 24 upang mapadali ang pagbiyahe ng ani ng mga magsasaka, mapababa ang kanilang gastos sa transportasyon, at mapalakas ang kanilang kabuhayan.
HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
LGU, Nakiisa sa Induction at Coronation Night ng BASC
Noong June 11, nakiisa ang LGU sa Induction of Officers at Coronation Night ng Bayambang Association of Southern California sa Los Angeles City, California, kung saan kinatawan si Mayor Niña nina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, at BPC President, Dr. Rafael Saygo. Sa harap ng mahigit dalawang-daang Bayambangueño at iba pang Pangasinense, ibinahagi ang mga programa at proyekto ng bayan at hinikayat ang mga kababayang nasa Amerika na maging katuwang sa patuloy na pag-unlad ng Bayambang sa pamamagitan ng pamumuhunan, pagsuporta sa edukasyon, at iba pang makabuluhang inisyatiba.
KSB Year 9, Nagpatuloy sa San Gabriel 2nd
Muling inilapit ng LGU ang iba't ibang serbisyong publiko sa malalayong barangay sa pamamagitan ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 9 noong July 23 sa San Gabriel 2nd Covered Court. Nakinabang dito ang mga residente ng Brgy. Paragos, San Gabriel 2nd, at Iton at nagpasalamat sa mga libreng serbisyong medikal at dental, legal consultation, financial assistance, bakuna sa hayop, pagproseso ng mga dokumento, employment services, libreng gupit, pamamahagi ng buto at punla, at iba pa.
Mayor Niña, Nag-ulat sa Bayan sa SOMA 2026
Bunga ng matatag na pamumuno, mahusay na pamamahala, at sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan at mamamayang Bayambangueño, inilahad ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang mga makabuluhang tagumpay na naabot ng bayan sa kanyang State of the Municipality Address 2026 noong July 27. Sa kanyang ulat, binigyang-diin niya ang mga programa, proyekto, at inisyatibang nagbigay ng positibong pagbabago sa iba't ibang sektor—mga bunga ng isang pamahalaang nakatuon sa mahusay na paglilingkod, pananagutan, at patuloy na pagsusulong ng isang mas maunlad, matatag, at inklusibong Bayambang.
ISO QMS Certification, Muling Napanatili ng LGU!
Muling napanatili ng LGU ang ISO 9001:2015 Quality Management System Certification matapos itong makapasa sa external audit noong July 20, matapos walang maitalang major o minor non-conformities sa lahat ng tanggapan. Binigyang-diin ni Mayor Niña na ang ISO ay hindi simpleng sertipiko o tropeyo, kundi isang pangakong isabuhay araw-araw ang de-kalidad, episyente, at maaasahang serbisyo publiko para sa bawat Bayambangueño.
- Planning and Development (MPDO)
- Legal Services (MLO)
- ICT Services (ICTO)
- Human Resource Management (HRMO)
Professional Image at Workplace Etiquette, Tinalakay sa Seminar
Upang mapaunlad ang propesyonalismo sa serbisyo publiko ng mga LGU employees, nagsagawa ang HRMO ng isang Professional Image, Workplace Etiquette, and Values Formation activity noong June 30. Nagsilbing resource person at facilitator si Dr. Joel Torres ng Central Luzon State University, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng paglilingkod nang may ngiti, integridad, at kahusayan.
CSC at LGU, Nagpulong kung Paano Pa Mapapalakas ang HR Systems
Si Mayor Niña ay nakipagpulong sa Civil Service Commission noong July 1 upang pag-usapan ang best practices ng LGU at ang mga rekomendasyon ng CSC sa Learning and Development, Performance Management, at Rewards and Recognition systems nito. Ito ay alinsunod sa pagkilala na ang tapat at competent na mga kawani ay malaking tulong sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Kasama sa rekomendasyon ang pagtukoy ng mga nararapat na learning service providers.
- Transparency/Public Information (PIO)
- Financial Services
Paghahanda sa FY 2027 Budget, Sinimulan
Bilang bahagi ng paghahanda para sa Fiscal Year 2027 Annual Budget, nagsagawa ang Budget Office ng Municipal Budget Forum noong July 14. Tinalakay sa forum ang mga prayoridad, polisiya, estratehiya sa pagbubuo ng badyet, at mga pinagkukunan ng pondo upang maging maayos at koordinado ang paghahanda ng budget proposals ng bawat tanggapan at katuwang na sektor ng pamahalaan.
Technical Budget Hearing, Isinagawa
Ang LGU ay nagsagawa ng isang technical budget hearing upang tiyakin ang maayos at episyenteng paglalaan ng pondo para sa mga programa, proyekto, at serbisyong nakapaloob sa Annual Investment Program ng munisipyo. Dinaluhan ito ng mga department head at kinatawan ng iba't ibang tanggapan na nagpresenta ng kani-kanilang panukalang badyet, bilang bahagi ng masusing pagpaplano para sa patuloy na paghahatid ng mahusay na serbisyo publiko.
- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)
AWARDS AND RECOGNITIONS
Bayambang, Kinilalang “IDEAL” sa LCPC Assessment
Ginawaran ang Bayambang ng IDEAL rating sa 2026 Local Council for the Protection of Children Assessment ng DILG Pangasinan. Kinikilala nito ang mahusay na pagpapatupad ng mga programa at serbisyong nagtataguyod sa karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng mga bata sa bayan.
Congratulations, LGU-Bayambang!
LGU, Pinarangalan sa Pagsuporta sa Rehabilitasyon ng Kabataan
Ang LGU ay ginawaran ng Certificate of Recognition ng DSWD Field Office I bilang pagkilala sa mahalagang suporta, aktibong pakikipagtulungan, at matatag na dedikasyon nito sa mga programa at serbisyo ng Regional Rehabilitation Center for Youth (RRCY). Iginawad ang parangal noong March 12 sa Bauang, La Union.
Bayambang, National Representative ng Region I sa Gawad Pugay Puso!
Sa pinakahuling pulong ng Municipal Advisory Council, inanunsyo ng DSWD Region I na magiging kabilang ang LGU-Bayambang sa mga napiling national representative ng DSWD Region I sa Search for Gawad Pugay Puso sa taong 2026 ng 4Ps National Program Management Office ng naturang departamento. Ito ay dahil sa pagkapanalo nito bilang Best 4Ps Implementing LGU sa buong rehiyon.
Bayambang, Top 7 sa Pangasinan at Top 11 sa Region I sa Local Revenue!
Naging Top 7 sa Pangasinan at Top 11 sa Region I ang Bayambang sa Locally Sourced Revenue (LSR) para sa unang kuwarter ng 2026, ayon sa Bureau of Local Government Finance, matapos makalikom ng 75.43 million pesos na lokal na kita. Ang tagumpay na ito ay bunga ng pagtutulungan ng LGU at ng mga tapat na nagbabayad ng buwis, na ang ambag ay patuloy na nagpapalakas sa paghahatid ng mga serbisyo publiko at programang pangkaunlaran para sa bawat Bayambangueño.
Budget Office at Treasury, Binigyan ng Komendasyon!
Ang Bureau of Local Government Finance (BLGF) ay nagbigay ng komendasyon sa Bayambang Municipal Budget Office at Municipal Treasury Office matapos makitang compliant ang mga ito sa pagsumite ng Statement of Receipts and Expenditures Reports para sa second quarter ng Financial Year 2026. Congratulations sa Budget Office at Treasury Office!
Bayambang, Pinarangalan sa 498% Tax Collection Increase!
Kinilala ng Bureau of Internal Revenue Revenue District 4 ang Lokal na Pamahalaan at si Lady Ann Razzel Purisima ng Accounting Office noong July 22, dahil sa kanilang natatanging kontribusyon sa paglago ng koleksyon ng buwis. Kinilala ang LGU at si Ms. Purisima matapos makapagtala ang bayan ng 498% na pagtaas sa tax payment noong buwan ng Mayo 2026, kumpara sa koleksyon noong nakaraang taon. Dahil dito, ang Bayambang ay kinalala na may pinakamataas na pagtaas ng ibinayad na buwis o "Highest Increase in Tax Payment" sa lahat ng LGU sa ilalim ng hurisdiksyon ng distrito.
Mga RHU, Ginawaran ng Certificate of Quality Service
Ginawaran ng Department of Health – Ilocos Center for Health Development, sa ilalim ng National Rabies Prevention and Control Program, ng Certificate of Quality Service ang Bayambang Rural Health Unit I, II, at III, matapos matugunan ang mga itinakdang pamantayan para sa Animal Bite Treatment Center. Inisyu ang mga sertipiko bilang pagkilala sa pagsunod ng tatlong RHU sa mga pamantayan ng DOH para sa dekalidad na serbisyo sa Animal Bite Treatment Center.
LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)
Proposed Tricycle Management Code at Nighttime Visibility Ordinance, Tinalakay sa Pagdinig
Tinalakay ng Sangguniang Bayan ng Bayambang ang Tricycle Management Code of the Municipality of Bayambang at ang Nighttime Visibility Ordinance sa isinagawang pampublikong pagdinig noong July 3. Aktibong nakibahagi ang mga kinatawan ng iba't ibang sektor ng transportasyon sa pagbibigay ng kanilang mga mungkahi at rekomendasyon upang higit pang mapabuti ang mga panukalang ordinansa para sa mas organisadong transportasyon at mas ligtas na mga lansangan sa Bayambang.
Municipal Councilors, Dumalo sa PCL National Assembly 2026
Dumalo ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Bayambang sa 2nd Quarterly Continuing Local Legislative Education Program ng Philippine Councilors League mula July 29 hanggang 31 sa Iloilo City. Tinalakay sa programa ang mga estratehiya sa pagpapalakas ng katatagan ng mga lokal na pamahalaan, kabilang ang energy resilience, food security, green infrastructure, at water security, upang higit pang mapaunlad ang serbisyo publiko.