Saturday, September 7, 2024

Trivia: BPRAT

 

It’s TRIVIA time…

 

Alam niyo ba…

 

Ang Bayambang Poverty Reduction Action Team o BPRAT ay isang bagong unit sa ilalim ng Mayor’s Office na nabuo nong taong 2017 sa kagustuhan ni dating Mayor, Dr. Cezar Quiambao, na wakasan ang kahirapan sa bayan ng Bayambang?

 

Ang BPRAT ay isang coordinative body, na siyang nakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang LGU departments at government agency sa pag-iimplementa ng poverty reduction programs na nakapaloob sa Bayambang Poverty Reduction Plan o BPRP, gaya ng pagpapagraduate ng 4Ps beneficiaries, pag-aasikaso sa mga usaping pang-edukasyon, pagbibigay ng kabuhayan sa mga survival cases, at pagsasaayos ng mga programa para sa mga magsasaka.

 

Alam niyo rin ba na, noong nakaraang taon, nagsagawa ng local survey ang Team upang malaman ang kasalukyamng populasyon at poverty situation ng bayan? Ayon sa survey, nasa 150,840 na ang populasyon ng Bayambang na binubuo ng 45,071 na pamilya. At 13,557 na mahihirap na pamilya ang kailangan pa nating tulungang umahon sa kahirapan.

 

Apat na taon na lamang ang nalalabi upang makumpleto natin ang implementasyon ng BPRP. Malapit na  nating matuklasan kung naisakatuparan ba natin ang mga target na ating nailagay sa time capsule na iyon.

 

Kaya naman ipagpatuloy natin ang ating pakikiisa sa Rebolusyon at isagawa ang mga proyektong ating ipinangako. Sama-sama nating pagtagumpayan ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan!

 

 

No comments:

Post a Comment