MONDAY REPORT – SEPTEMBER 30, 2024
[INTRO]
NEWSCASTER 1: Magandang Monday
morning, Bayambang! Ako po si _______.
NEWSCASTER 2: At ako naman po si
___________, at kami po ay mula sa Bayambang Polytechnic College.
NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa
ng LGU-Bayambang...
NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng
mga maiinit at napapanahong balita...
SABAY KAYO: Ito ang….BayambangueNews!
***
[SALITAN NA KAYO RITO]
1. Training Series para sa mga Tatay,
Muling Idinaos
Muling idinaos ng MSWDO ang serye ng
tinatawag na ERPAT o Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities
Training ng DSWD. Ito ay ginanap sa walong barangay mula April 4 hanggang
August 30. Dahil sa ERPAT, naorganisa ang mga grupo ng mga tatay bilang mga
asosasyon na may adhikaing palakasin ang pamilya. Kabilang sa kanilang
adbokasiya ay ang isulong ang positibong pagdidisplina, pagtibayin ang
ispiritwalidad, at umiwas sa masasamang bisyo.
2. 'Ukay for a Cause,' May Bagong
Benepisyaryo
Ang proyektong 'Ukay for a Cause' ni
Mayor Niña ay may bago na namang benepisyaryo. Sila ay ang pamilya Mapacpac ng
Brgy. Darawey, na napiling tumanggap ng isang brand new na bahay kubo matapos
mapag-alamang wala silang maayos na tirahan. Ang LGU ay nagpapasalamat sa lahat
ng nagdonate ng kanilang mga kagamitan upang makabili ng kubong nagkakahalaga
ng P45,000 bilang tulong sa pamilya.
3. Micro-Enterprises, Nag-training sa
Basic Safety at First Aid
Ang mga micro-enterprise sa Bayambang
ay hinandugan ng isang Safety and First Aid Training ng Red Cross Pangasinan
Chapter at ng DOLE Region 1 kasama ang PESO Bayambang noong September 23. Ang
mga lokal na negosyante ay binigyan ng kaalaman at pagsasanay ng mga eksperto
mula sa Red Cross ukol sa tamang paggamit ng mga first aid kit, pagtugon sa
emergency cases, at emergency preparedness, upang siguruhin ang kaligtasan sa
kanilang mga business establishment.
4. Dr. Saygo, Kinumpirma bilang
Department Head
Kinumpirma ng Sangguniang Bayan ang
pagkakatalaga kay Dr. Rafael Saygo bilang Municipal Government Department Head
I (Municipal Tourism Officer) sa isinagawang plenary session noong September
23. Matapos ang masusing pagsusuri ng SB, ang kanyang appointment ay nakita na
makatuwiran at nararapat, dahil taglay
niya ang lahat ng kwalipikasyon alinsunod sa batas. Ang kanyang pagkakatalaga
ay inirekomenda ni Mayor Niña, bilang pagkilala sa kanyang propesyonalismo,
kakayahan, at natatanging trabaho.
5. RHU II Blood Drive sa Buayaen,
Nakakolekta ng 31 Bags
Nakakolekta ng 31 blood bags ang
mobile blood donation drive na isinagawa ng RHU II kasama ang Red Cross at
Rotary Club sa Buayaen Covered Court noong September 23. May 55 katao ang
nagregister for screening, at 31 sa mga ito ang nagqualify.
6. Libreng Pampering Services,
Inihatid sa mga Kawani ng LGU
Inihandog ng HRMO sa mga kawani ng LGU
ang libreng pampering services noong September 18, bilang bahagi ng pagdiriwang
ng 124th anniversary ng Philippine Civil Service. Hinandugan ang mga kawani ng
libreng gupit, manicure, pedicure, at back massage, bilang pagkilala at
pasasalamat sa kanilang walang-sawa at maayos na paninilbihan sa bayan.
Kinahapunan ay nagkaroon naman ng masayang hatawan sa pag-indak sa isang zumba
session.
7. Ginang, Tumanggap ng Wheelchair
mula kay Mayor Niña
Nagpapasalamat ang buong pamilya ng
isang ginang mula sa Barangay Nalsian Norte dahil sa regalong bagong wheelchair
ni Mayor Niña. Ito ay dahil mapapalitan na ang lumang wheelchair nito na
kinakalawang na. Ngayon ay magiging mas komportable na kumpara ang pasyente sa
bago nitong wheelchair.
8. Pasyente, Tumanggap ng Tulong
Pinansyal kay Mayor Niña
Si Mayor Niña ay nagpahatid din ng
personal na tulong pinansiyal sa isang pasyente na taga-Sapang noong September
24. Sa isang pribadong ospital kinailangang maconfine ng nasabing ginang ng
ilang araw. At dahil sa laki ng halaga ng naipong bayarin nito, agad na
nag-abot si Mayor Niña ng tulong pinansyal sa pamilya.
9. Komprehensibong Serbisyo ng
Munisipyo, Dumako sa Balaybuaya
Ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan
ay muling tumulak sa Balaybuaya Elementary School upang pagsilbihan ang mga
residente ng Brgy. Balaybuaya, Beleng, at Batangcaoa. Ayon sa ulat in KSB
Chairperson, Vice-Mayor IC Sabangan, mayroong 2,033 na residente ng mga
naturang barangay ang nag-avail ng iba't ibang serbisyo ng Munisipyo, at
nakatipid ng halagang humigit-kumulang P235,000.
10. Mobile Blood Drive, Kabilang na sa
Komprehensibong Serbisyo Project
Sa unang pagkakataon, ang blood
donation drive ay naging bahagi ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Dito ay
nakakolekta ng 40 blood bags, out of 67 na katao na nagparegister for
screening.
11. NSED, Muling Ginanap para sa 3rd
Quarter
Noong September 26, naging matagumpay
muli ang pina-level up na NSED o National Simultaneous Earthquake Drill para sa
3rd quarter ng taon sa pangunguna ng MDRRM Council. Bukod sa nakasanayang duck,
cover and hold, mayroong detalyadong guidelines na inisyu sa publiko ukol sa
pagconduct ng drill. Lahat ng departamento at participating agencies ay
nagsumite ng 'before,' 'during,' at 'after' pictures sa MDRRMO. Ang lahat naman
ng Safety Officers ay nagsumite rin ng isang komprehensibong evaluation form.
12. KALIPI, Nagseminar sa Hydroponics
Ang mga miyembro ng Kalipunan ng
Liping Pilipina (KALIPI)-Bayambang ay sumailalim sa orientation on hydroponics
noong September 25. Ipinaliwanag ni Engr. Florelexie Valentin ng Agriculture
Office kung ano ang hydroponics at ang kasaysayan nito, mga benepisyo, at mga
farming techniques gamit ito. Nagbigay naman ng actual demonstration ang isang
local hydroponics grower at nagbahagi ng adisyunal na kaalaman.
13. Bayambang, 2nd Runner-up bilang
‘Model LGU Implementing 4Ps’
Sa 3rd quarter na pulong ng Municipal
Advisory Council, inireport ng DSWD na mayroong kabuuang 7,239 na aktibong 4Ps
household beneficiaries. 232 households ang grumaduate noong Marso, at may 326
naman ang nakatakdang grumaduate sa taong ito. Inanunsyo rin ng DSWD na ang
Bayambang ay nagwaging 2nd runner-up sa ginanap na search for ‘Model LGU
Implementing 4Ps.’ Ito ay repleksyon anila ng maayos na pamumuno, mabuting
pamamahala, at commitment ng LGU na mapataas ang antas ng pamumuhay ng mga
mahihirap.
***
It's Trivia Time!
Alam niyo ba na ang Bayambang
Polytechnic College (BPC) ay may 22 kasapi sa kanilang Teaching at Non-Teaching
Staff?
Sila ay binubuo ng mga
nagpapakadalubhasa sa agrikultura, entrepreneurship, at iba’t ibang larangan ng
pag-aaral. Kabilang sila sa huigit-kumulang 1,500 na mga guro sa buong bayan ng
Bayambang.
Sila ang tumatayong pangalawang
magulang at katuwang ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral at paghubog ng
kanilang kinabukasan.
Tunay na maituturing na "Home of
Educators" ang Bayambang dahil sa dami ng mga guro na ipinagmamalaki ng
bayan.
Sa lahat ng ating mga guro, isang
masiglang pagbati ng Happy Teacher’s Month sa inyong lahat!
***
[OUTRO]
NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga
balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.
NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak
Total Quality Service.
NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong
lingkod, ___________________.
NEWSCASTER 2: At ___________ mula sa
Bayambang Polytechnic College.
[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!
***
Samantala, it’s 86 days na lang before
Christmas!
No comments:
Post a Comment