MTICAO
Trivia
Alam ba
ninyo na ang MTICAO o Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs
Office ay laging nasa likod ng lahat ng aktibidad ng Munisipyo, maliliit man o
malaki?
Ang MTICAO
ay may apat na division: ang Public Information, Tourism Site and
Infrastructure, Multimedia, at Cultural Affairs and Events.
Noong taong
2023, may average na 1,825 articles ang naireport ng MTICAO sa iba’t ibang
platforms: Facebook, Monday video, website, radio, at newsletter.
Ang
departamentong ito ay sumasagot sa daan-daang komento at libo-libong private
messages buwan-buwan sa Facebook.
Ito ay
nakapaglimbag na rin ng mga 20 na libro, kabilang na ang taunang State of the
Municipality Address at souvenir programs ng town fiesta.
Maliban pa
ito sa 12 newsletters at iba’t ibang information materials taun-taon.
Ganyan po
kaaktibo ang MTICAO. In fact, kaya nitong maglabas ng mga pitong news articles
sa isang araw na punung-puno ng balita.
At alam ba
ninyo na ang MTICAO ay isang multi-awarded department? Ito ay ilang beses nang
recipient ng Most Outstanding in Tourism Week/Month Celebration at ang
prestihiyosong Pearl Award mula sa Department of Tourism dahil naging grand
champion nationwide ang Bayambang Culture Mapping Project sa kategoryang Best
Practices on Community-Based Responsible Tourism.
Bukod pa
ito sa Multimedia Award na iginawad ng DILG noong taong 2023.
No comments:
Post a Comment