MONDAY REPORT – SEPTEMBER
23, 2024
[INTRO]
NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako
po si Mary Grace C. Agas ng Business Permit and Licensing Office.
NEWSCASTER 2: At ako naman po si John Morell C.
Claveria mula sa Municipal Treasury Office.
NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng
LGU-Bayambang...
NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at
napapanahong balita...
SABAY KAYO: Ito ang….BayambangueNews!
***
[SALITAN NA KAYO RITO]
NEWSCASTER 1: Sa ulo ng nagbabagang mga balita!
1.
PNP-Bayambang,
May Bagong Service Vehicle
Noong September 16, tinanggap ng PNP-Bayambang ang
isang brand new vehicle bilang pinakabagong mobility asset nito. Sa ginanap na
ceremonial turnover, dumalo si PMGen. Romeo Caramat Jr., Director ng Area
Police Command, Northern Luzon, bilang panauhin.
2.
MDRRMC, Naghanda
kaugnay ng Bagyong 'Gener'
A. Ang MDRRM Council ng Bayambangay ay nagsagawa ng
Pre-Disaster Risk Assessment bunsod ng pagdating ng bagyong "Gener."
Bagamat ang bagyo ay may kahinaan, ang lahat ay inabisuhan pa rin na maghanda.
B. Agad namang nagsagawa ang MDRRMO ng river water
monitoring, prepositioning ng rescue equipment, at preparasyon ng mga rescue
vehicle.
3.
Training on
Dressmaking, Sinimulan!
Noong September 16, sinimulan ang 15-day Community-Based
Training on Dressmaking leading to NC II certification sa St. Vincent Ferrer
Prayer Park. Ito ay may tatlumpong participants mula sa OFW sector mula sa
iba't ibang barangay. Ang aktibidad ay inorganisa ng PESO-Bayambang at TESDA,
kung saan naging trainors ang mga taga-TESDA Pangasinan School of Arts and Trade,
Lingayen.
4.
GIP Interns,
Inorient at Dineploy ng PESO
Inorient ng PESO-Bayambang ang may 44 na Government
Intership Program (GIP) recipients noong September 14 sa Municipal Museum bago
sila ideploy sa iba't-ibang departamento. Kabilang sa nag-orient ay ang mga
kawani ng DOLE. Ang mga GIPs ay mainit na winelcome ni Municipal Administrator,
Atty. Rodelynn Rajini Vidad. Ang nasabing programa ay pinondohan ng Abono Party
List at tanggapan ni Congresswoman Rachel Arenas, at ito ay tatagal ng tatlong
buwan.
5.
Panibagong Grupo
ng Benepisyaryo ng TUPAD, Na-profile
Nagsagawa ng profiling activity ang Public Employment
Service Office para sa 100 estudyante ng Bayambang Polytechnic College na
magiging benepisyaryo ng TUPAD noong Setember 18 sa Events Center. Ang bagong
batch ng ayuda ay nagmula sa pondo ng Office of the Vice President.
6.
IT TWG, Nagsanay
sa Excel, Word, at PowerPoint
Ang mga miyembro ng IT Technical Working Group ng LGU
ay nagtraining sa Basic Microsoft Excel, Word, and PowerPoint. Sa computer
software training na ito, nagbigay ang ICT Office ng mga bagong kaalaman sa
lahat ng miyembro ng TWG upang mas maging bihasa sa paggamit ng mga naturang applications
na karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na transaksyon.
7.
Mga Karapatang
Pambata, Muing Tinutukan sa Meeting
Noong September 17, nagpulong ang Local Council for
the Protection of Children (LCPC) at Local Committee on Anti-Trafficking and
Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) para sa 3rd Quarter, sa
pangunguna ni Councilor Benjie de Vera at MSWDO. Dito ay sinuri ang mga naunang
programa at proyekto na nailunsad na para sa proteksyon at pag-unlad ng mga
bata sa komunidad, at binuo ang mga bagong estratehiya at plano para sa susunod
na kuwarter, sa apat na larangan ng survival, protection, development, at
participation.
8.
Market
Stallholders, Kinonsulta ukol sa Iba’t Ibang Isyu
Noong September 18, kinonsulta ng LGU, sa pangunguna
ng Special Economic Enterprise, ang mga stallholders kaugnay ng mga
rekomendasyon ng Commission on Audit upang maging compliant ang LGU sa auditing
process ng gobyerno. Kanilang pinag-usapan ang mga penalties para sa mga late
payments ng stall rentals, ang mga kontrata ng stallholders, at iba pang
concerns sa public market.
9.
Isang Libong Estudyante, Tumanggap ng
Financial Assistance
Noong September 19, may isang libong college students
mula PSU-Bayambang ang tumanggap ng may kabuuang isang milyong piso na
financial grant, sa ginanap na payout activity sa Events Center. Ito ay
inorganisa ng Local School Board sa tulong ng Treasury Office.
10.
Training on Root Cause Analysis and Risk-Based Thinking, Isinagawa
Noong September 19, isang training ukol sa root cause
analysis at risk-based thinking ang isinagawa ng ICT Office para sa lahat ng
LGU department at unit heads noong September 19 sa pamamagitan ng Zoom video.
Layunin ng root cause analysis na matukoy ang pinag-uugatan ng anumang isyu
upang matugunan ang mga ito nang maayos at epektibo. Ang risk-based analysis
naman ay nakatutulong sa mga proseso sa pagpaplano upang isaalang-alang ang mga
inaasahan at hindi inaasahang pangyayari at maging handa para sa mga ito.
11.
DA, Tinalakay ang Onion Cold Storage Project
Ang Department of Agriculture Regional Field Office I
ay bumisita sa Munisipyo noong September 19 para magconduct ng Project Lay-out
and Pre-Construction Conference ukol sa nakatakdang konstruksyon ng Onion Cold
Storage sa Brgy. Nalsian Norte. Ito ay para mailatag ang requirements at
detalye ng proyekto bago umpisahan ang nasabing konstruksyon sa lugar.
12.
Seminar sa Road Safety at Safe Spaces Act, Ginanap
Isang seminar ukol sa Road Safety at Safe Spaces Act o
RA 11313 ang isinagawa sa pangunguna ng Bayambang Public Safety Office noong
September 20 sa Events Center. Nagbahagi
rito ang LTO, Highway Patrol Group, at PNP ng kanilang kaalaman sa mga usaping
pangkaligtasan sa daan at pampublikong lugar, upang malaman ng mga LGU
employees ang kahalagahan ng pagsunod sa road safety protocols at ang mga
hakbangin upang makaiwas sa mga aksidente.
13.
SK, Matagumpay ang Naging Color Run for a Cause
Isang Color Fun Run for a Cause ang matagumpay na
isinagawa sa pag-oorganisa ng Sangguniang Kabataan Federation, kasama ng Local
Youth Development Office at iba pang departamento at ahensya. Ang fun run ay
may layuning makapagbigay ng suporta sa mga programang nakatuon sa mental
health, kabilang na ang suicide awareness.
14.
Bayambang, GeoRiskPH Best Practice Awardee
Ang LGU-Bayambang ay pinarangalan ng Best Practice in
Adopting the GeoRiskPH Platform mula sa DOST-Phivolcs, sa ginanap na 1st GeoRisk
Convention Training Workshop sa PICC, Pasay City noong September 16. Ito ay bilang
pagkilala sa maagap na pag-adopt ng LGU-Bayambang sa nasabing platform sa local
Disaster Risk Reduction Climate Change at development planning initiatives
nito. Ang Bayambang ang nagwagi out of 110 LGUs na nominado sa nasabing
parangal.
***
It’s Trivia Time!
Alam ba ninyo
na ang simbolo ng maraming Treasury Offices sa buong mundo ay kadalasang may
kasamang susi?
Ang susi ang sumisimbolo
sa pagbabantay ng pampublikong pondo at ekonomiya. …Nagpapatunay lamang na malaki ang gampanin at
responsibilidad na kaakibat ng isang ingat-yaman.
Hindi
maikakaila na ang Treasury Office ay isa sa mga pinakapundasyon ng operasyon ng
LGU. Ang Municipal Treasurer ay regular na maghahain ng financial reports sa
mga ahensya ng gobyerno tulad ng COA o Commission on Audit, DOF-BLGF o Department
of Finance-Bureau of Local Government Finance, at DILG, upang masiguro na
maayos ang paggamit ng pondo ng ating bayan.
Kailangang
magampanan ang mga gawaing ito gamit ang teknolohiya, mga batas, at mga
sistemang napapaloob sa pagsunod sa mga alituntunin ng pamahalaan.
Samantala
mayroon namang 3 section ang Treasury Office. Ito ay ang mga:
1.
Collection Section
1.1 Business
tax
1.2 Real
property tax
1.3 Regulatory
fees such as large cattle, tricycle permit fees, and others
2.
Disbursement Section
3.
Records Section
Sa
administrasyon ng ating butihing mayora, tayo ay nagkaroon ng:
|
2022 |
2023 |
As of August 2024 |
Real Property Tax |
₱32,481,308.79 |
₱38,086,238.32 |
₱22,358,715.92 |
Business Tax |
₱95,360,116.67 |
₱107,705,648.23 |
₱58,254,841.68 |
Other Taxes |
₱1,573,639.66 |
₱1,651,974.81 |
₱11,434,153.48 |
Fees & User Charges |
₱11,882,375.64 |
₱17,562,034.71 |
₱1,373,603.26 |
|
|
|
|
Total |
₱141,297,440.76 |
₱165,005,896.07 |
₱93,421,314.34 |
Ang mga buwis
na kinokolekta ng lokal na pamahalaan ay may malaking kahalagahan dahil
ginagamit natin ang mga ito para sa mga pangunahing serbisyong publiko,
imprastruktura, kaligtasan at kaayusan, edukasyon, kalusugan, pagpapabuti ng
ekonomiya, at pagpapatakbo ng pamahalaan.
Sabi nga ng
ating mahal na mayora, tayo ay makiisa sa pagbabayad ng ating mga buwis, dahil
tayo rin ang nakadarama ng mga benepisyo nito. Ang buwis ng mga Bayambangueño
ang liwanag ng daan tungo sa progreso!
Bawat sentimo
na ambag mo ay malaking tulong para sa kinabukasan ng bawat Bayambangueño!
***
[OUTRO]
NEWSCASTER
1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng
LGU-Bayambang.
NEWSCASTER
2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.
NEWSCASTER
1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Mary Grace C. Agas ng Business Permit and
Licensing Office.
NEWSCASTER
2: At John Morell C. Claveria mula sa Municipal Treasury Office.
[SABAYANG
BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!
Samantala, it’s 93 days na lang before Christmas!
No comments:
Post a Comment