Wednesday, September 25, 2024

Trivia: BPC

 It's Trivia Time!

Alam niyo ba na ang Bayambang Polytechnic College (BPC) ay may 22 kasapi sa kanilang Teaching at Non-Teaching Staff?

Sila ay binubuo ng mga nagpapakadalubhasa sa agrikultura, entrepreneurship, at iba’t ibang larangan ng pag-aaral. Kabilang sila sa huigit-kumulang 1,500 na mga guro sa buong bayan ng Bayambang.

Sila ang tumatayong pangalawang magulang at katuwang ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral at paghubog ng kanilang kinabukasan.

Tunay na maituturing na "Home of Educators" ang Bayambang dahil sa dami ng mga guro na ipinagmamalaki ng bayan.

 Sa lahat ng ating mga guro, isang masiglang pagbati ng Happy Teacher’s Month sa inyong lahat!

 


No comments:

Post a Comment