Wednesday, September 4, 2024

Monday Report - September 9, 2024

 

Monday Report - September 9, 2024

 

[INTRO]

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si Mariefie de Guzman.

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si Marco Rodriguez Barboza, at kami po ay mula sa Office of the Special Economic Enterprise.

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

SABAY KAYO: Ito ang….BayambangueNews!

***

[SALITAN NA KAYO RITO]

NEWSCASTER 1: Sa ulo ng nagbabagang mga balita!

 

1. Mga CDC, Ipinagdiwang ang Buwan ng Wika

Noong buwan ng Agosto, ipinagdiwang ng mga Child Development Center o ECCD Center ng Bayambang ang Buwan ng Wika. Suot ang mga katutubong kasuotan, ang mga learners ay kumanta at sumayaw ng mga kantang Pilipino, nagpakilala gamit ang salitang Filipino, at naglaro ng mga larong Pilipino.

 

2. Data Capturing para sa Service Card, Tuluy-Tuloy 

Tuluy-tuloy pa rin sa pag-ikot ng Local Civil Registry para kumuha ng datos mula sa mga residenteng wala pang Community Service Card. Sa kasalukuyan, mayroon nang 65,000 na indibidwal ang nakunan ng personal na impormasyon para mabigyan ng service card. May 25,000 pang indibidwal na edad 18 pataas ang dapat na makunan ng datos para maabot ang target na 90,000 na Bayambangueños.

 

3. Sampung JKQ Hospital Staff, Nag-training sa LCR

Sampung staff ng Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center mula sa dalawang departamento ang nag-hands-on training sa "Proper Handling, Filling-Out and Registration of Birth and Death Certificates" sa Local Civil Registry noong August 22 hanggang 28. Sa limang araw, hinasa ang staff mula sa Medical Information Department at Admission and Allied Services Department ng ospital sa aktuwal na preparasyon sa paggawa ng birth at death certificates para maiwasan ang mga clerical errors bago marehistro sa LCR nang naayon sa batas.

 

4. LCR, PSA, Muling Nag-Award ng SECPA Birth Certificates

Noong August 29, ang Local Civil Registrar kasama ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay nag-award ng Birth Certificates in Security Paper sa 50 recipients mula sa sampung barangay para sa programang Birth Registration Assistance Project. Ito ay ginanap sa Brgy. Alinggan Covered Court kung saan 50 katao mula sa sampung barangay ang mga benepisyaryo.

 

5. 1st Public Consultation, Isinagawa para sa Cold Storage

Nagsagawa ang LGU ng unang public consultation sa ipapatayong Bayambang Onion Cold Storage Facility sa ilalim ng Scale-up Philippine Rural Development Project. Ang konsultasyon ay magkasunod na ginanap noong August 29 sa Brgy. San Gabriel 2nd Covered Court at Brgy. Pantol Evacuation Center. Ipinaliwanag sa mga Punong Barangay, farmers, at farmers' association presidents ng mga apektadong barangay ang project details, entitlement policy and compensation, operational guidelines, at grievance redress mechanism.

 

6. RHU, PHO, May Free X-ray sa Cough Caravan

Nag-conduct ang RHU Bayambang ng isang Cough Caravan, kasama ang Provincial Health Office (PHO), kung saan sila ay nagbigay ng libreng chest X-ray sa 100 na clients. Karamihan sa mga clients ay mga close contacts ng isang pasyenteng pinaghihinalaang may TB o di kaya'y symptomatic sa TB. Ang Cough Caravan ay ginanap sa Wawa Covered Court noong August 30.

 

7. Pangkabuhayan Caravan, Namahagi ng Tulong sa OFWs

Isang Pangkabuhayan Caravan para sa  OFWs ang isinagawa ng provincial government bilang isang livelihood assistance program para sa mga distressed o displaced OFWs sa ikatlong distrito. Ito ay ginanap noong Agosto 30, sa pakikipag-ugnayan sa PESO-Bayambang. May 50 OFWs, kabilang ang anim na taga-Bayambang, ang nagsipagtapos sa isang financial literacy seminar at nakatanggap ng tig-5,000-peso financial assistance bilang business start-up capital.

 

8. PWD Singing Champ, Nangharana at Nagpakitang Gilas

Ang PWD singing champ ng Bayambang na si Christian Joel C. Dueñas ng Brgy. Zone VI ay bumisita sa Events Center noong September 2 upang haranahin si Mayor Niña at ang lahat ng Bayambangueño sa kanyang winning interpretation ng kantang “You Raise Me Up.” Siya ay ginawaran ng Certificate of Appreciation ng LGU at binigyan ng P5,000 cash gift ni Mayor Niña.

 

9. TUPAD Profiling, Isinagawa para sa 1,540 PWDs

Isa na namang profiling activity ang isinagawa ng PESO-Bayambang at DOLE para sa bagong batch ng beneficiaries ng TUPAD emergency employment program ng DOLE: ang 1,450 na registered PWDs. Ang batch na ito ay nakatakdang pondohan ng tanggapan ni Congresswoman Rachel 'Baby' Arenas.

 

10. MDRRMC, Nag-pre-disaster Risk Assessment kaugnay ng Bagyong 'Enteng'

Ang MDRRM Council ng Bayambang, sa pangunguna ni Mayor Niña at ng MDRRMO, ay nagsagawa ng isang Pre-Disaster Risk Assessment bunsod ng pagdating ng bagyong "Enteng" sa ating lokalidad. Ang lahat ay inabisuhan na mag-ingat, maghanda, at maging mapagmatyag. Agad ding nagsagawa ang MDRRMO ng river water monitoring, prepositioning ng rescue equipment, at preparasyon ng mga rescue vehicle.

 

11. LGU, Nakilahok sa 124th Civil Service Celebration

Ang Human Resources Management Office at ilang empleyado ng LGU-Bayambang ay aktibong nakilahok sa pagdiriwang ng ika-124 Philippine Civil Service Anniversary na may temang, "Vibe Run: Takbo para sa mga Servant Heroes."  Ito ay ginanap sa  Narciso Ramos Sports and Civic Center, Lingayen Pangasinan, noong September 1, kung saan nagkaroon ng fun run for a cause at pagsayaw ng Zumba.

 

12. 150 na Buntis, May Fresh Cow's Milk mula Dairy Farm

Ang Bayambang Dairy Farm ay nakipag-ugnayan sa Municipal Nutrition Office upang magpamahagi ng kanilang produkto na fresh cow's milk para sa 150 na buntis sa Bayambang, sa ilalim ng 90-Day Dietary Supplementation Program ng MNAO. Ang mga napiling benepisyaryo ay mga nutritionally at-risk o nagkukulang sa nutrisyon, o kaya'y may sa edad na nang magbuntis.

 

13. Illegal Stalls sa Nalsian Sur, Muling Kinumpiska

Muling pinuntahan kamakailan ng Road Clearing Task Force ang mga illegal stall sa gilid ng highway sa Brgy. Nalsian Sur matapos mapag-alamang ilan sa mga ito ang nagsipagbalik sa puwesto. Kaya naman agad na nagsagawa ng panibagong road clearing at pag-kumpiska ng kanilang mga ginagamit sa pagtitinda. Naglagay na rin ang BPSO at PNP ng isang outpost at nag-assign ng kani-kanilang personnel upang bantayan ang lugar.

 

14. DENR, Nagmonitor sa mga Barangay

Ang DENR Environmental Management Bureau Region I ay nag-ikot sa Bayambang upang inspeksyunin ang compliance ng lahat ng barangay sa 10-year Solid Waste Management Plan ng LGU-Bayambang bilang pagtalima sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (RA 9003). Kasama ang staff ng ESWMO-Bayambang, ang DENR ay nagmonitor sa mga naging accomplishment ng 77 barangays para sa buwan ng Agosto.

 

15. MNJQ, Re-elected Bilang PRC-San Carlos Council President

Muling nahalal si Mayor Niña Jose-Quiambao bilang presidente ng Philippine Red Cross-San Carlos City Branch Council, sa nagdaang Branch Council Meeting noong September 2 sa siyudad ng San Carlos. Ang aktibong partisipasyon ng alkalde sa PRC San Carlos para sa mga taong 2024-2026 ay makatutulong upang mas marami pang Bayambangueño ang mahikayat na magdonate ng dugo sa mga nangangailangan.

Mula sa iyong LGU family, congratulations, Mayor Niña!

***

It's Trivia Time!

Alam niyo ba na mayroon tayong 21 sections sa buong Pambilihang Bayan ng Bayambang?

Sa kasalukuyan, ang Public Market ay may 489 market vendors at 445 stall holders. Kabilang dito ang mga fish, fruits, vegetables, bagoong, at egg retailers, rice stalls, at iba pa.

Kung kayo ay interesado, mayroon tayong 45 na bakanteng stalls sa iba't ibang sections. Hanapin lamang si Ms. Mercedes Serafica sa Office of the Special Economic Enterprise sa itaas ng Meat Section.

***

[OUTRO]

 

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Mariefie de Guzman.

NEWSCASTER 2: At Marco Rodriguez Barboza, mula sa Office of the Special Economic Enterprise.

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!

***

Samantala...It's 107 days na lang before Christmas!

 

 

No comments:

Post a Comment