SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT
EDUCATION FOR ALL
- (LSB, Library, DepEd)
Mga Incoming Freshmen ng BPC, Winelcome ni Mayor Niña
Noong August 9, dumalo si Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice Mayor IC Sabangan sa isang orientation program para sa incoming freshman student’s ng Bayambang Polytechnic College, kung saan kanilang winelcome ang mga estudyante sa BPC. Ang programa ay ginanap sa Events Center, sa pangunguna ni BPC President, Dr. Rafael Saygo.
HEALTH FOR ALL
Mobile Kitchen, Inihandog ni Mayor Niña
Isang mobile kitchen o food truck ang inihandog ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa tulong ng mga Binibining Bayambang noong August 12 bilang parte ng pagdiriwang ng kanyang kapanganakan sa buwan ng Agosto. Ang mobile kitchen, na binansagang 'Mangan Tila, Ka-Niña-Aro,' ay nakatakdang gamitin sa iba't-ibang aktibidad ng LGU Bayambang, kabilang ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan at isang literacy program na malapit nang ilunsad.
- Health (RHUs)
RHU II, Naging Abala sa Anti-dengue Drive
Ang RHU II ay nagsasagawa rin ng sariling anti-dengue drive sa kanilang catchment area, sa pamamagitan ng fogging sa mga pinamumugaran ng lamok at pamamahagi ng mga Olyset Net sa mga pampublikong paaralan.
Bayambang, 100% ZOD sa Municipal-Level Validation
Ang bayan ng Bayambang ay napag-alamang isang 100% zero open defecation (ZOD) town, matapos na maging matagumpay ang naging municipal-level validation. Ayon sa ulat ng RHU II, 100% ng mga barangay sa Bayambang ang maituturing na may zero open defecation. Ibig sabihin nito ay may maayos na toilet at tamang pagtatapon ng basura ang bawat sambahayan sa Bayambang.
Residenteng May Leprosy, Tinulungan ni Mayor Niña
Isang residente na may leprosy ang tinulungan noong August 8 ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Tinutukan ngayon ng RHU ang kanyang kalagayan.
RHU 3 Animal Bite Center, Accredited Na!
Ang Rural Health Unit III Animal Bite Treatment Center sa Brgy. Carungay ay ginawaran ng accreditation ng Department of Health (DOH) Center for Health Development I. Dahil dito, di na kailangan pang magtungo ng mga taga-distrito at karatig-barangay sa RHU I at BDH upang magpa-inject ng anti-rabies vaccine.
Mayor Niña, Nagdonate ng Kagamitan para Dengue Patients sa BDH
Bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bayan, nagkaloob si Mayor Niña Jose-Quiambao ng 50 hospital beds, 2 stand fans, at 2 water dispensers sa Bayambang District Hospital (BDH) noong Agosto 13 upang mas maging kumportable ang mga pasyenteng nagpapagaling sa ospital. Maraming salamat sa Agricultural Infrastructure and Leasing Corp. (AILC), Niña Cares Foundation, at Kasama Kita sa Barangay Foundation.
Komprehensibong Serbisyo sa Bayan, Dinala sa Idong
Ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 7 ay dinala sa Idong-Inanlorenza Elementary School sa Brgy. Idong noong August 15, kasama ang food truck ni Mayor Nina. Ito ay upang direktang dalhin ang mga serbisyo ng Munisipyo sa mga barangay ng Idong, Inanlorenza, at Sanlibo. Sinalubong ang KSB team sa pangunguna ni Vice-Mayor IC Sabangan ni Idong Punong Barangay Jing Alonzo at Idong-Inanlorenza ES Principal Eugenio de Leon. Mayroong ___ na residente ang nag-avail ng mga libreng serbisyo gaya ng dental services, medical check-up, at animal vaccination.
Free Treatment ng Skin Diseases, Inihatid ng RHU at R1MC
Ang RHU, sa tulong ng Dermatology Department ng Region I Medical Center, ay nag-sponsor ng isang libreng dermatologic consultation at treatment noong August 19 sa Saint Vincent Ferrer Prayer Park. May 56 residente ng Bayambang na may iba't ibang problema sa balat ang nakinig sa isang maikling lecture ukol sa skin diseases at proper skin care, at nag-avail ng mga libreng serbisyo.
Usec Vergeire, Naghatid ng Free Medical Services sa Bani
May 958 na residente ng Purok Pocdol, Brgy. Bani ang tumanggap ng iba’t ibang libreng serbisyong pangkalusugan sa isang medical mission na inihatid ni DOH USec. Maria Rosario Singh-Vergeire, kasama ang Ilocos Center for Health Development, sa St. Vincent Ferrer Prayer Park noong August 20. Kasama ni Vergeire si Dr. Paula Paz M. Sydiongco ng ICHD, at iba pang health agencies bilang parte ng programang 'Purok Kalusugan para sa Bagong Pilipinas' at 'National Family Planning Month Celebration.'
Info Drive ukol sa TB, Isinasagawa
Bilang parte ng pagdiriwang sa buwan ng Agosto bilang Lung Month, ang mga RHU ay nag-umpisa nang magsagawa ng information-education campaign na pinamagatang, “TB Tuldukan, Pamilya'y Proteksyonan; TB Preventive Treatment Aksyonan.” Sila ay nagtungo sa Brgy. Sapang, Buenlag, Bongato, at Beleng Barangay High School simula unang araw ng Agosto, at nagkaroon ng daan-daang participants.
- Nutrition (MNAO)
Mga BPSO Staff, Trim 'n Triumph Grand Winners!
Itinanghal na grand champion sina Ferdinand Ramos at Menmar Bravo ng 'Team Bang' mula sa Bayambang Public Safety Office, sa katatapos na Trim 'n Triumph Weight Loss Challenge ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Ito ay matapos mapagtagumpayan ng dalawa ang anim na buwang pagbabawas ng timbang sa pamamagitan ng physical activity at pag-iwas sa unhealthy habits. Sila ay tumanggap ng P100,000 cash prize mula sa sariling bulsa ng alkalde.
Food Items para sa Dietary Supplementation Program, Ipinamahagi
Noong August 7, dumating ang mga food items mula sa DSWD para sa taunang implementasyon ng 90-day Dietary Supplementation Program (DSP) ng Nutrition Office. Ang mga food items na ito ay nakalaan para sa 500 undernourished at indigent na 6-month-old to 59-month-old children.
Calibration of Weighing Scales, Isinagawa
Kasabay nito, nagsagawa rin ang MNAO at Office of the Special Economic Enterprise ng calibration ng lahat ng weighing scales na ginagamit sa lahat ng barangay sa tulong ng mga nagtraining na LGU calibrators. Ito ay upang masiguro na tama ang pagsukat ng timbang sa mga kabataan at maiwasan ang mga false positive readings, at tama ang panimbang ng lahat ng weighing scales sa palengke
BNS Association, Namigay ng Groceries sa Indigent Senior Citizens
Noong nakaraang buwan, ang Bayambang Barangay Nutrition Scholars Association ay nagsimula nang magpamahagi ng mga grocery packs sa mga senior citizens na naidentify na "poorest of the poor" bilang parte ng kanilang community service. Sila ay namigay ng limang kilong bigas, powdered milk, biscuits/bread, at iba pang food items kada isang benepisyaryo. Ang charity work ito ay nakatakdang maging taunang aktibidad ng asosasyon.
MNC, Green Banner Awardee Muli at CROWN Contender
Ang Bayambang Municipal Nutrition Committee ay pasok muli bilang Green Banner Awardee sa ikatlong consecutive na taon ng evaluation, kaya't ito ay contender for the first time sa CROWN Award o Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition ng National Nutrition Council Region I. Ito ay napag-alaman sa ginanap na evaluation ng Pangasinan Provincial Nutrition Evaluation Team para sa mga naging accomplishments ng Bayambang sa nutrisyon sa taong 2023.
- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)
- Veterinary Services (Mun. Vet.)
– Slaughterhouse
PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN
- Social Services (MSWDO, MAC)
Parents ng CDC Learners, Inorient ng MSWDO
Bago nagsimula ang unang araw ng pasukan noong August 5 ng mga Child Development Center (CDC) learners para sa School Year 2024-2025, nagsagawa ang MSWDO ng limang araw na Parents' Orientation alinsunod sa ECCD Council schedule of activities sa 76 CDCs ng Bayambang. Dito ay tumulong sa MSWDO ang mga Child Development Workers at Teachers sa pakikipagtulungan sa mga barangay officials mula July 29 hanggang August 2.
May-ari ng Mini-Shelter for Stray Pets, Tinulungan ni Mayor Niña
Isang taga-Brgy. Pantol ang tinulungan ni Mayor Niña Jose-Quiambao noong ding Agosto 8 sa pamamagitan ng pagdonate ng jetmatic at mga water pipe upang magkaroon ng source ng running water ang kanyang ipinatayong isang mini-shelter para sa mga nirescue na stray pets. Sa kasalukuyan, ang naturang mini shelter ay mayroong pitong aso at 42 na pusa.
Pamilyang Nasunugan sa Nalsian, Tinulungan
Isang pamilya sa Brgy. Nalsian Norte na nasunugan noong August 17 ang agad na tinulungan ng Munisipyo. Matapos maapula ng BFP ang sunog, agad na nagprofiling activity ang MSWDO. Sa sumunod na araw, August 18, ang pamilya ay inabutan ng food packs. Sila ay nakatakda ring bigyan ng cash assistance at ilang building materials upang tulungang maitayong muli ang kanilang natupok na tahanan.
Bayambangueña, Tumanggap ng Libreng Prosthetic Leg
Lubos na nagpapasalamat si Gng. Letecia de Guzman ng Brgy. Ligue kay Mayor Niña Jose-Quiambao, matapos niyang makatanggap ng isang prosthetic leg noong August 17 galing sa Kapampangan Development Foundation, sa tulong ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng MSWDO at Provincial Social Welfare and Development Office. May apat pang Bayambangueño na PWD ang sumailalim naman sa prosthesis assesment noong August 16 upang sila ay masukatan.
BBKAPI, Nag-iba ng Pangalan; Mayor Niña, Sinagot ang PhilHealth ng mga Kagawad
Sa pulong ng Bayambang Barangay Kagawad Association of Pangasinan Inc. noong August 21, napagkasunduan ng mga barangay councilors na baguhin ang pangalan ng kanilang asosasyon. Mula BBKAPI, ngayon ay magiging Federated BBKAPI sa oras na maaprubahan. Doon ay inanunsyo rin na sasagutin ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang isang taong hulog ng mga kagawad sa kanilang PhilHealth accounts, kaya't laking pasalamat ng BBKAPI members
29 CDCs at CDWs, Sumalang sa Internal Assessment Orientation
Bilang paghahanda sa nalalapit na evaluation ng mga Child Development Centers at Child Development Workers, isang orientation ang isinagawa ng MSWDO sa 29 barangays, alinsunod sa New ECCD Recognition Tool ng ECCD Council. Kasama sa aktibidad ang mga Punong Barangay, BHW, BNS, at Parents Committee President.
Bayambangueño, Kampeon sa "The Voice PWD Edition" ng PSWDO
Ang batang si Christian Joel Dueñas ng Brgy. Zone VI ay nagwagi bilang kampeon sa "The Voice PWD Edition" ng Pangasinan Provincial Social Welfare and Development Office at Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Pangasinan. Ang patimpalak ay ginanap noong August 20 sa SM Urdaneta, kung saan nakalaban ni Dueñas ang 37 na kalahok mula sa iba't ibang bayan. Si Dueñas ang naging representative ng Pangasinan sa "PWD Got Talent" sa Vigan City noong August 22.
PWD Singing Champ, 2nd Runner-Up sa Regional Contest
Ang PWD singing champ mula Bayambang na si Christian Joel C. Dueñas ay nanalong second runner-up sa "PWD Got Talent" competition ng DSWD Region I sa Vigan City noong August 22. Nauna nang nagwagi si Dueñas bilang kampeon sa "The Voice PWD Edition" ng Provincial Social Welfare and Development Office at PDAO Pangasinan noong August 20 sa Urdaneta City.
Mayor Niña, May Birthday Treat Muli!
Sa araw ng kapanganakan ni Mayor Niña noong August 26, muli siyang nagtreat sa lahat ng barangay ng ice cream mula sa Bani Delicious Ice Cream at namahagi rin ng libreng lunch sa mga LGU employees at sa iba't ibang sektor sa bayan. Ang buong bayan ng Bayambang ay mainit na bumabati sa alkalde at lubos na nagpapasalamat sa kabutihang loob nito.
Ukay for a Cause, Muling Inilunsad
Noong August 29, muling inilunsad ang proyektong 'Ukay for a Cause' ni Mayor Niña, sa pag-oorganisa ng Administrator's Office. Ang mga paninda sa murang halaga, gaya ng pre-loved clothes, gadgets, at iba pang kagamitan, ay dinagsa ng mga mamimili sa Events Center, at ang kinita nito ay inilaan sa isang pamilyang Bayambanueño na walang maayos na tirahan.
- Civil Registry Services (LCR)
- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)
Residente, Nagsurrender ng Alagang Unggoy
Isang residente ang nagsurrender ng kanyang alagang unggoy matapos itong sitahin ng mga kawani ng ESWMO. Isinurrender ng isang residente ng Brgy. Carungay noong Agosto 14 ang isang Philippine long-tailed macaque sa MENRO matapos siyang maabisuhan na labag sa batas at may kaparusahan ang pag-aalaga nito ayon sa R.A. 9147. Agad na inihatid ng ESWMO staff ang nasabing matsing sa CENRO Dagupan.
- Youth Development (LYDO, SK)
Youth Leaders, Nagdiwang sa SK Night
Noong August 16, ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Bayambang ay nagdaos ng isang SK Night bilang kick-off event para sa pagdiriwang Linggo ng Kabataan (LNK) at International Youth Day 2024 na naglalayong itampok ang potensyal, talento, at kontribusyon ng mga kabataan sa buhay ng ating pamayanan. Naging highlight ng event ang Mr. and Ms. Linggo ng Kabataan 2024, Gawad Parangal, at pa-raffle at live concert ni Mayor Niña Jose-Quiambao.
- Peace and Order (BPSO, PNP, DILG)
AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)
50 RBAC Members, Nagtraining sa PhilGAP
May 50 miyembro ng RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative (RBAC) ang natuto sa Philipine Good Agricultural Practices o PhilGAP, matapos silang dumalo sa training ng Department of Agriculture katuwang ang Municipal Agriculture Office. Itinuro ng PhilRice sa mga magsasaka ang mga tamang pamamaraan sa pagtatanim upang maging GAP-certified ang mga ito at maging competitive sa merkado.
30 Katao, Nagtraining sa Corn Husk Processing
May 30 na corn farmers, asawa ng magsasaka, at 4Ps members mula sa Brgy. Ligue at Sanlibo ang nakilahok sa Skills Training on Corn Byproducts Utilization na inorganisa ng Municipal Agriculture Office sa Sanlibo Barangay Covered Court noong Agosto 13-16. Nagsilbing trainors ang mga taga-Heart and Soil Farm School sa paggawa ng mga bag at iba pang novelty items gamit ang byproduct ng corn farming, ang corn husk na karaniwan ay itinatapon o sinusunog lang.
Millennial Farmers' Association, Muling Inilunsad
Kinahapunan ay muling inilunsad ng BPRAT ang MFAB o Millennial Farmers' Association of Bayambang, dahil sa paniniwalang nasa modernong agrikultura sa ilalim ng pamamalakad ng mga bagong henerasyon ang isang malaking kalutasan sa kahirapan sa ating bayan. Naging guest speaker ang isang winner sa National Youth Farmers Challenge at dalawang successful farmers.
JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL
- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)
PESO, May Special Recruitment Activity
Noong August 1, ang PESO-Bayambang ay nagconduct ng isa na namang Special Recruitment Activity kasama ang Saint Rosalia International Recruitment Agency para sa mga naghahanap ng trabaho bilang domestic workers at semi-skilled at skilled workers sa Hong Kong, Singapore, at Kingdom of Saudi Arabia.
SPES Beneficiaries, Tinanggap ang Sahod
Tinanggap ng may 25 na benepisyaryo ng DOLE-Special Program for the Employment of Students (SPES) ang kanilang sahod sa Treasury Office noong August 8. Naroon ang DOLE at PESO-Bayambang bilang saksi sa pay-out.
Job Fair, May 227 Applicants
May 227 job applicants ang nakilahok sa isa na namang job fair na inorganisa ng PESO-Bayambang noong August 22, sa Prayer Park, kung saan 27 sa mga ito ang hired on the spot (HOTS). May 10 local and 2 overseas employers at agencies naman ang naging job recruiters.
SPECIAL SECTION: REBOLUSYON LABAN SA KAHIRAPAN
BPRAT, Naghanda para sa Antipoverty Summit
Noong August 5, pinulong ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) ang mga team leader ng lahat ng development sectors sa ilalim ng Bayambang Poverty Reduction Plan o BPRP 2018-2028. Ito ay upang mareview at mafinalize ang Sectoral Assessment Report ng LGU para sa ikapitong anibersaryo ng deklarasyon ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Nakatakdang talakayin ang naturang report sa Anti-Poverty Summit upang maging basehan ng pag-update ng BPRP.
Sectoral Assessment para sa Recalibration ng BPRP, Pinaigting
Noong August 12 at 13, nagkaroon ng Sectoral Assessment Meeting ang BPRAT kasama ang National Anti-Poverty Commission para maifinalize ang bagong objectives at mga plano sa Bayambang Poverty Reduction Plan (BPRP) 2018-2028. Dito ay nirepaso at fininalize ang mga bagong target objectives na nabuo mula sa mga inisyal na assessment, at dinivelop ang mga detalyadong plano at istratehiya para sa implementasyon.
Anti-Poverty Summit, Naging Matagumpay
Noong August 14 naman, pinangunahan ni Mayor Niña at former mayor, Dr. Cezar Quiambao, ang Anti-Poverty Summit, na nilahukan ng iba’t ibang sektor. Sa pag-oorganisa ng BPRAT at sa tulong ng NAPC, nagkaroon ng mahabang talakayan sa pagitan ng mga sektor upang maayos na mabuo ang kanya-kanyang nailatag na plano at masiguro ang epektibong implementasyon ng mga ito.
Samantala, magkakaroon ng isang serye ng mga aktibidad ang BPRAT bilang parte ng pagdiriwang ng ikapitong anibersaryo ng deklarasyon ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan sa darating na August 28.
Korapsyon, Naging Mainit na Paksa sa Kick-off Ceremony
Sa isang kick-off ceremony para sa pagdiriwang ng ika-pitong anibersaryo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan noong August 19, tinalakay ang problema ng korapsyon bilang isa sa mga pangunahing sanhi ng kahirapan sa komunidad. Dineliver dito ni BPRAT Chair, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, ang kanyang State of Corruption Address, at naging resource speaker si Pastor Jeff Eliscupidez ng Rebuild City Church. Ang usapin ay dinaluhan ng lahat ng local government officials at employees at mga estudyante.
Aktor na si Lito Gruet, Ibinahagi ang Healing Journey sa Drug Symposium
Pinukaw ng dating aktor at fashion model na si Lito Gruet ang damdamin ng mga kabataan sa kanyang inspirasyunal na testimonya bilang dating drug abuser, sa ginanap na symposium na pinamagatang "Poverty at Drugs" noong August 20. Tinalakay ni Gruet, na ngayo'y Director na ng Battle Against Ignorance Foundation, ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay magmula noong siya ay maging tanyag at kumita ng malaki hanggang siya ay malulong sa droga, dumanas ng matinding paghihirap, at mahulog sa mga kamay ng batas. Ang kanyang pagbabagong buhay matapos nito ay nagbigay naman ng inspirasyon sa lahat.
Mental Health and Wellness, Muling Tinutukan
Noong August 22, sunod namang tinutukan ng BPRAT ang mental health bilang isang sanhi ng kahirapan, sa ginanap na Symposium on Poverty and Mental Health. Kabilang sa mga tinalakay ang mga istatistika at epekto ng mental health sa kahirapan, pati na rin ang mga intervention programs ng LGU-Bayambang, mga paraan upang mapabuti ang mental health, ang epekto ng peer support at peer counseling sa kabataan, at ang papel ng spirituality sa mental health.
Kaugnayan ng Kahirapan sa Populasyon, Tinalakay
Noong August 27, kasunod namang tinalakay ng BPRAT ang kaugnayan ng populasyon sa kahirapan. Naging resource speaker ang Assistant Regional Director ng Population Commission na si ARD Wilma Ulpindo, na siyang tumalakay sa Dynamics of Poverty and Population Growth, at Sex Education and Family Planning. Nagkaroon din ng isang video presentation ukol sa teenage pregnancy at isang live interaction sa isang 4Ps family.
7th Year ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan, Matagumpay na Ipinagdiwang
Noong August 28, pormal na ipinagdiwang ang ika-pitong anibersaryo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan sa pamamagitan ng isang matagumpay na culmination activity sa Events Center. Ito ay ang kaganapan ng ilang linggong pagpupunyagi ng buong LGU, sa pangunguna ng BPRAT, upang tunghayan ang iba't ibang mukha ng kahirapan, gaya ng korapsyon, drug addiction, mental health, at overpopulation, at pagtibayin ang nalalabing tatlong taon ng rebolusyon. Kabilang sa mga dumalo ang NAPC, regional officers ng NEDA, DA, at CDA, DILG Provincial Director, at provincial Board Members.
- Economic Development (SEE)
64 Stalls at Slots sa Public Market, Now Open for Rent!
May kabuuang 64 na stalls/slots ang maaari nang upahan ngayon sa ating Pamilihang Bayan, anunsyo ng Special Economic Enterprise Office noong August 21. Ang mga bakanteng stalls ay matatagpuan sa 2nd floor ng Quadricentennial Building, Mezzanine Area, 2nd Floor ng Block 3 o RTW section, Meat Section, at 2nd Floor ng New Building Phase 2. Ang mga interesadong mag-appy ay maaaring magtungo sa Special Economic Enterprise Office sa Public Market, at hanapin lamang si Ms. Mercedes Serafica.
Public Market, Pininturahan
Naging matingkad at makulay ang Bayambang Public Market matapos itong mapintahan ng iba't ibang kulay ng pintura. Ang pagpintura, sa tulong ng Engineering Office, ay nag-umpisa noong August 19 hanggang sa nakalipas na linggo at nagsimula sa hanay ng Royal Supermarket hanggang Block III-New Building.
- Cooperative Development (MCDO)
M.C.D.O., Nagbenchmarking sa Moncada, Tarlac
Noong August 29 muli, nagtungo ang Municipal Cooperative Development Office sa bayan ng Moncada, Tarlac upang magbenchmarking activity kasama ang mga opisyal at miyembro ng iba't ibang kooperatiba sa Bayambang. Sa kanilang lakbay aral, kanilang natutunan ang maayos na pagpapatakbo ng mga matagumpay na kooperatiba gaya ng Mothers Credit Cooperative at Sapang Multipurpose Cooperative.
- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)
Painting Contest, Isinagawa para sa JKQ Hospital
Noong August 29 pa rin, nagdaos ang MTICAO ng isang painting contest para sa Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center, na may tatlo tema na, "Bountiful Harvest, Happy Family, & Healthcare Services." Sa mahigit 70 na kalahok, tatlo ang napiling grand prize winners na siyang nag-uwi ng P5,000 each. Mayroon ding tatlong first runners-up na nag-uwi ng P4,000 each, at tatlong second runners-up na nag-uwi naman ng P3,000 each.
- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)
DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)
HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
Iba’t Ibang Isyu, Tinalakay ni Mayor Niña Kasama ang mga Kapitan
Muling pinulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang mga kapitan ng barangay noong August 12 upang talakayin ang mahahalagang usapin at hinaing ng bawat barangay at masigurong may tamang tugon ang bawat isyu na kanilang kinakaharap. Kabilang sa mga naging usapin ang pagsumite ng Barangay Financial Reports, patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bayan, fogging operations, Clean and Bloom Project, Zero Open Defecation regional validation, at isyu ukol sa mga dumadaang cargo truck sa Calvo Bridge.
Treasury, Nagdispose ng mga Laman ng Ballot Boxes
Noong August 15, binuksan ng Treasurer’s Office ang mga ginamit na ballot boxes noong nakaraang eleksyon upang idispose ang mga laman nitong balota, base sa direktiba ng Commission on Elections. Ito ay ginanap sa Events Center sa tulong at presensiya ng mga election stakeholders at concerned electoral parties.
Mga Kumpiskadong Paninda, Idinonate sa Provincial Jail
Ang LGU-Bayambang, sa pamamagitan ng ESWMO, ay idinonate sa Pangasinan Provincial Jail, Lingayen, noong August 21 ang mga nakumpiskang panindang gulay at iba pang produkto mula sa mga illegal vendors sa Brgy. Nalsian Norte. Ang donasyon ay galing sa mga confiscated goods mula sa isinagawang road clearing operation noong August 16 sa nasabing stalls na itinayo sa gilid ng highway. Ang donasyon ng nakumpisang paninda ay alinsunod sa Anti-Road Obstructions Ordinance ng Bayambang.
- Planning and Development (MPDO)
- Legal Services (MLO)
- ICT Services (ICTO)
- Human Resource Management (HRMO)
HRMO at ICTO, Nagbigay ng Orientation ukol sa Programang PRIME HRM
Noong August 15, ang HRM Office ay nagbigay ng isang orientation activity ukol sa programa ng Civil Service Commission na tinaguriang PRIME HRM o Program to Institutionalize Meritocracy and Excellence in Human Resource Management. Ang implementasyon ng PRIME HRM ay nakatakdang magpalawig sa professinalization sa hanay ng mg opisyal at kawani ng LGU.
- Transparency/Public Information (PIO)
- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)
AWARDS AND RECOGNITIONS
Mayor NJQ at LGU, Pinarangalan ng PRC
Isang Blood Samaritan Bronze Award at Certificate of Appreciation ang iginawad kay Mayor Niña Jose-Quiambao ng Philippine Red Cross-Pangasinan Chapter, dahil sa aktibong pakikilahok nito sa iba’t ibang Blood Services Program ng organisasyon bilang Presidente ng PRC-San Carlos City Branch Council. Iginawad naman ang Pinabli Award ng PRC sa LGU-Bayambang matapos makalikom ng LGU ang 438 blood units sa loob lamang ng taong 2023.
LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)
SOGIE Ordinance ng Bayambang, Inaprubahan ng SP
Pormal na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang Municipal Ordinance No. 15, series of 2023 o
"An Ordinance Protecting the Rights of LGBTQIs in Bayambang Against Discrimination" matapos ang deliberasyon noong August 12 sa kapitolyo. Ang ordinansa, na akda ni Councilor Benjie de Vera, ay naglalayong protektahan ang karapatan ng mga miyembro ng LGBTQI community at mapigilan ang anumang uri ng diskriminasyon laban sa komunidad.
Public Hearing, Isinagawa ukol sa Dengue Prevention
Noong August 22, isang public hearing ang isinagawa ng Sangguniang Bayan patungkol sa panukalang ordinansa na nag-iinstitutionalize ng Dengue Prevention and Control Program sa Bayambang at adoption ng Provincial Ordinance Institutionalizing the Provincial Health System. Ito ay sa pangunguna ng SB Committees on Rules, Laws, Ordinances, and Ways and Means, at Committee on Health and Sanitation.
Monday, September 2, 2024
LGU-Bayambang August 2024 Accomplishments
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment