Wednesday, September 11, 2024

Monday Report - September 16, 2024

Monday Report - September 16, 2024

[INTRO]

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si _______ mula sa _____ (mention office).

NEWSCASTER 2: At ako naman po si _________ mula sa _______ (mention office).

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

SABAY KAYO: Ito ang….BayambangueNews!

***

[SALITAN NA KAYO RITO]

NEWSCASTER 1: Sa ulo ng nagbabagang mga balita!

1. 'Oplan Taob' at Iba pang Anti-dengue Activities, Isinagawa sa Central

Ang RHU I ay nagconduct ng anti-dengue drive sa Bayambang Central School noong September 9. Kabilang dito ay ang pagsagawa ng Oplan Taob bilang parte ng 4 O'Clock Habit ng DOH, kung saan pinayuhan ang lahat na itaob at patuyuin ang anumang water receptacles na walang takip. Nagsagawa rin ang RHU ng kampanya ukol sa dengue awareness and prevention, at kanilang ininspeksyon ang compliance ng pasilidad sa waste segregation.

2. IQA Opening Meeting, Ginanap

Ang mga department and unit heads ay pinulong ng Internal Audit Service at ICT Office sa Mayor's Conference Room para sa Internal Quality Audit (IQA) Opening Meeting noong September 9. Tinalakay sa pulong ang overview ng proseso ng IQA, mga schedule, mga dapat asahang scenario, at ang sakop ng audit. Kinabukasan, nag-conduct naman ng isang enhancement training para sa mga nominadong maging Internal Quality Auditors.

3. OFW Federation, May Feeding Activity sa Sanlibo

Isang feeding activity ang isinagawa ng Federation of Bayambang Overseas Workers Inc. katuwang ang PESO-Bayambang, noong September 10 sa Brgy. Sanlibo Child Development Center. May 63 learners ang nabiyayan sa nasabing aktibidad, na dinaluhan din ni Sanlibo Punong Barangay Luzviminda Tamondong.

4. TUPAD Monitoring, Nagpatuloy

Muling nagmonitor ang DOLE, kasama ang PESO-Bayambang, ng mga TUPAD beneficiaries upang tingnan kung nagagampanan ng mga naturang indibidwal ang kanilang tungkulin na maglinis sa kanilang barangay sa loob ng sampung araw. Ang team ay nagmonitor sa Brgy. Bani, Brgy. Sancagulis, at Bayambang Public Market noong September 10.

5. VP Sara, Nag-allot ng TUPAD Slots para sa Bayambang

Ang Office of the Vice President Pangasinan Satellite Office, Dagupan City, ay bumisita noong September 10 upang talakayin ang 100 slots na allocated ng OVP para sa beneficiaries ng TUPAD o o Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantated/Displaced Workers. Ang mga OVP staff ay winelcome nina  Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at SLEO Gernalyn Santos sa Administrator's Office.

6. TUPAD Project ng DOLE, May 1,343 na Bagong Beneficiaries

Isa na namang pay-out activity ang isinagawa ng DOLE at PESO-Bayambang kaugnay ng TUPAD program noong September 12 sa St. Vincent Ferrer Prayer Park. May 1,343 na market vendors, parents ng child laborers, solo parents, at indigent sectors ang tumanggap ng tig-P4,350. Ang pondo nito ay sinagot ng tanggapan ni Cong. Rachel 'Baby' Arenas at Sen. Loren Legarda.

7. Bayambang, Muling Dumaan sa SGLG National Validation

Muling dumaan ang bayan ng Bayambang sa isa na namang national valiation para sa Seal of Good Local Governance, at ito ay para sa taong 2024. Dito ay binusisi ng mga validators ng DILG ang iba't ibang aspeto ng pamamamahala ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng ocular inspection at inspeksyon ng mga papeles o dokumentasyon.

8. CSOs, Pinulong ng BPRAT

Ang lahat ng CSO federated officers at members sa Bayambang ay pinulong noong September 11 sa Sangguniang Bayan Session Hall upang talakayin ang kanilang calendar of activities at kung papaano masi-synchronize ang mga ito sa mga nakaplanong aktibidad ng Munisipyo. Tinukoy din sa naturang pulong kung anu-ano ang mga poverty reduction initiatives kung saan sila maaaring makipagcollaborate sa LGU para sa kapakinabangan ng ating mga marginalized sectors.

9. NSED, Ginanap para sa 3rd Quarter

Matagumpay muli ang pina-level up na NSED o National Simultaneous Earthquake Drill para sa 3rd quarter ng taon sa pangunguna ng MDRRM Council. Bukod sa nakasanayang duck, cover and hold, mayroong detalyadong guidelines na inisyu sa publiko ukol sa pagconduct ng NSED. Lahat ng departamento at participating agencies ay nagsumite ng 'before,' 'during,' at 'after' pictures sa MDRRMO. Ang lahat naman ng Safety Officers ay nagfill-out at nagsumite rin ng isang komprehensibong evaluation form. 

10. Dental Team, May mga Libreng Serbisyo sa BPC

Ang dental team ng RHU I ay naglunsad ng isang oral health initiative para sa mga estudyante ng Bayambang Polytechnic College. Ang mga ito ay ang libreng oral health education campaign, dental consultations, at dental services noong September 10. Ang mga naturang serbisyo ay handog sa mahigit sa 900 na estudyante at ihahatid sa loob ng buwan ng Setyembre, upang isulong ang preventive dental care at matugunan ang kanilang individual dental needs.

 11.  LGU, Tumanggap ng Pagkilala mula PSU

 Kinilala ng Pangasinan State University (PSU) ang LGU-Bayambang dahil sa mahalagang ambag nito sa pagsulong ng mga layunin at inisyatiba ng unibersidad. Iginawad ni University President, Dr. Elbert  Galas, ang Certificate of Recognition sa LGU sa pamamagitan ng kinatawan ni Mayor Niña na si Dr. Rafael Saygo sa PSU Main Campus sa Lingayen noong September 9.

***

It's Trivia Time!

  

***

[OUTRO]

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, _______, mula sa ___ (mention office).

NEWSCASTER 2: At ________, mula sa ___ (mention office).

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!

 ***

Samantala...It's 100 days na lang before Christmas!

No comments:

Post a Comment