Sunday, September 1, 2024

Monday Report - September 2, 2024

 

Monday Report - September 2, 2024

 

[INTRO]

 

NEWSCASTER 1: Magandang Monday morning, Bayambang! Ako po si Robert Castillo ng Rural Health Unit II.

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si Ericka Mae Reyes ng Rural Health Unit III.

 

NEWSCASTER 1: Narito na ang buong puwersa ng LGU-Bayambang...

 

NEWSCASTER 2: Maghahatid sa inyo ng mga maiinit at napapanahong balita...

 

SABAY KAYO: Ito ang….BayambangueNews!

 

***

 

1. Mga Kumpiskadong Paninda, Idinonate sa Provincial Jail

 

Ang LGU-Bayambang, sa pamamagitan ng ESWMO, ay idinonate sa Pangasinan Provincial Jail, Lingayen, noong August 21 ang mga nakumpiskang panindang gulay at iba pang produkto mula sa mga illegal vendors sa Brgy. Nalsian Norte. Ang donasyon ay galing sa mga confiscated goods mula sa isinagawang road clearing operation noong August 16 sa nasabing stalls na itinayo sa gilid ng highway. Ang donasyon ng nakumpisang paninda ay alinsunod sa Anti-Road Obstructions Ordinance ng Bayambang.

 

 

2. Info Drive ukol sa TB, Isinasagawa

 

Bilang parte ng pagdiriwang sa buwan ng Agosto bilang Lung Month, ang mga RHU ay nag-umpisa nang magsagawa ng information-education campaign na pinamagatang, “TB Tuldukan, Pamilya'y Proteksyonan; TB Preventive Treatment Aksyonan.” Sila ay nagtungo sa Brgy. Sapang, Buenlag, Bongato, at Beleng Barangay High School simula unang araw ng Agosto, at nagkaroon ng daan-daang participants.

 

 

3. 29 CDCs at CDWs, Sumalang sa Internal Assessment Orientation

 

Bilang paghahanda sa nalalapit na evaluation ng mga Child Development Centers at Child Development Workers, isang orientation ang isinagawa ng MSWDO sa 29 barangays, alinsunod sa New ECCD Recognition Tool ng ECCD Council. Kasama sa aktibidad ang mga Punong Barangay, BHW, BNS, at Parents Committee President.

 

 

4. Public Hearing, Isinagawa ukol sa Dengue Prevention

 

Noong August 22, isang public hearing ang isinagawa ng Sangguniang Bayan patungkol sa panukalang ordinansa na nag-iinstitutionalize ng Dengue Prevention and Control Program sa Bayambang at adoption ng Provincial Ordinance Institutionalizing the Provincial Health System. Ito ay sa pangunguna ng SB Committees on Rules, Laws, Ordinances, and Ways and Means, at Committee on Health and Sanitation.

 

 

5. Job Fair, May 227 Applicants

 

May 227 job applicants ang nakilahok sa isa na namang job fair na inorganisa ng PESO-Bayambang noong August 22, sa Prayer Park, kung saan 27 sa mga ito ang hired on the spot (HOTS). May 10 local and 2 overseas employers at agencies naman ang naging job recruiters.

 

 

6. MNC, Green Banner Awardee Muli at CROWN Contender

 

Ang Bayambang Municipal Nutrition Committee ay pasok muli bilang Green Banner Awardee sa ikatlong consecutive na taon ng evaluation, kaya't ito ay contender for the first time sa CROWN Award o Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition ng National Nutrition Council Region I. Ito ay napag-alaman sa ginanap na evaluation ng Pangasinan Provincial Nutrition Evaluation Team para sa mga naging accomplishments ng Bayambang sa nutrisyon sa taong 2023.

 

 

7. PWD Singing Champ, 2nd Runner-Up sa Regional Contest

 

Ang PWD singing champ mula Bayambang na si Christian Joel C. Dueñas ay nanalong second runner-up sa "PWD Got Talent" competition ng DSWD Region I sa Vigan City noong August 22. Nauna nang nagwagi si Dueñas bilang kampeon sa "The Voice PWD Edition" ng Provincial Social Welfare and Development Office at PDAO Pangasinan noong August 20 sa Urdaneta City.

 

 

8. Mayor Niña, May Birthday Treat Muli!

 

Sa araw ng kapanganakan ni Mayor Niña noong August 26, muli siyang nagtreat sa lahat ng barangay ng ice cream mula sa Bani Delicious Ice Cream at namahagi rin ng libreng lunch sa mga LGU employees at sa iba't ibang sektor sa bayan. Ang buong bayan ng Bayambang ay mainit na bumabati sa alkalde at lubos na nagpapasalamat sa kabutihang loob nito.

 

 

9. Public Market, Pininturahan

 

Naging matingkad at makulay ang Bayambang Public Market matapos itong mapintahan ng iba't ibang kulay ng pintura. Ang pagpintura, sa tulong ng Engineering Office, ay nag-umpisa noong August 19 hanggang sa nakalipas na linggo at nagsimula sa hanay ng Royal Supermarket hanggang Block III-New Building. 

 

 

10. Kaugnayan ng Kahirapan sa Populasyon, Tinalakay

 

Noong August 27, kasunod namang tinalakay ng BPRAT ang kaugnayan ng populasyon sa kahirapan. Naging resource speaker ang Assistant Regional Director ng Population Commission na si ARD Wilma Ulpindo, na siyang tumalakay sa Dynamics of Poverty and Population Growth, at Sex Education and Family Planning. Nagkaroon din ng isang video presentation ukol sa teenage pregnancy at isang live interaction sa isang 4Ps family.

 

 

11. 7th Year ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan, Matagumpay na Ipinagdiwang

 

Noong August 28, pormal na ipinagdiwang ang ika-pitong anibersaryo ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan sa pamamagitan ng isang matagumpay na culmination activity sa Events Center. Ito ay ang kaganapan ng ilang linggong pagpupunyagi ng buong LGU, sa pangunguna ng BPRAT, upang tunghayan ang iba't ibang mukha ng kahirapan, gaya ng korapsyon, drug addiction, mental health, at overpopulation, at pagtibayin ang nalalabing tatlong taon ng rebolusyon. Kabilang sa mga dumalo ang NAPC, regional officers ng NEDA, DA, at CDA, DILG Provincial Director, at provincial Board Members.

 

 

12. Millennial Farmers' Association, Muling Inilunsad

 

Kinahapunan ay muling inilunsad ng BPRAT ang MFAB o Millennial Farmers' Association of Bayambang, dahil sa paniniwalang nasa modernong agrikultura sa ilalim ng pamamalakad ng mga bagong henerasyon ang isang malaking kalutasan sa kahirapan sa ating bayan. Naging guest speaker ang isang winner sa National Youth Farmers Challenge at dalawang successful farmers.

 

 

13. Ukay for a Cause, Muling Inilunsad

 

Noong August 29, muling inilunsad ang proyektong 'Ukay for a Cause' ni Mayor Niña, sa pag-oorganisa ng Administrator's Office. Ang mga paninda sa murang halaga, gaya ng pre-loved clothes, gadgets, at iba pang kagamitan, ay dinagsa ng mga mamimili sa Events Center, at ang kinita nito ay inilaan sa isang pamilyang Bayambanueño na walang maayos na tirahan.

 

 

14. M.C.D.O., Nagbenchmarking sa Moncada, Tarlac

 

Noong August 29 muli, nagtungo ang Municipal Cooperative Development Office sa bayan ng Moncada, Tarlac upang magbenchmarking activity kasama ang mga opisyal at miyembro ng iba't ibang kooperatiba sa Bayambang. Sa kanilang lakbay aral, kanilang natutunan ang maayos na pagpapatakbo ng mga matagumpay na kooperatiba gaya ng Moncada Women Credit Cooperative at Sapang Multipurpose Cooperative.

 

 

15. Painting Contest, Isinagawa para sa JKQ Hospital

 

Noong August 29 pa rin, nagdaos ang MTICAO ng isang painting contest para sa Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center, na may tatlo tema na, "Bountiful Harvest, Happy Family, & Healthcare Services." Sa mahigit 70 na kalahok, tatlo ang napiling grand prize winners na siyang nag-uwi ng P5,000 each. Mayroon ding tatlong first runners-up na nag-uwi ng P4,000 each, at tatlong second runners-up na nag-uwi naman ng P3,000 each.

 

 

***

 

It's Trivia Time!

 

Alam ba ninyo na, ayon sa kasaysayan, sa Bayambang ginanap ang kauna-unahang anti-rabies vaccination sa Pilipinas?

 

Ayon sa aklat na "Dogs in Philippine History" ni Ian Christopher Alfonso ng National Historical Commission of the Philippines, ito ay nangyari noong July 17, taong 1910, sa may Camp Gregg, Bayambang, at ang bakuna ay inadminister ng isang nagngangalang Dr. Eugene Whitmore.

 

Magpasahanggang ngayon ay kinakailangan po nating magpabakuna kapag nakalmot o nakagat ng alagang aso at pusa, upang tayo ay protektado sa isang nakakamamatay na sakit na hanggang sa ngayon ay wala pa ring gamot kung ito ay hindi naagapan ng bakunang anti-rabies.

 

**

 

[OUTRO]

 

NEWSCASTER 1: At iyan po ang mga balitang nakatutok sa iba't ibang programa at proyekto ng LGU-Bayambang.

 

NEWSCASTER 2: Mga balitang may tatak Total Quality Service.

 

NEWSCASTER 1: Muli, ako po ang inyong lingkod, Robert Castillo mula sa Rural Health Unit II.

 

NEWSCASTER 2: At Ericka Mae Reyes mula sa Rural Health Unit III.

 

[SABAYANG BIGKAS]: At ito ang... Bayambangueñews!

No comments:

Post a Comment