Monday, September 30, 2024

LGU Accomplishments - September 2024

EDUCATION FOR ALL

- (LSB, Library, DepEd)

1,000 na Estudyante, Tumanggap ng Financial Assistance

Noong September 19, may 1,000 na college students mula PSU-Bayambang ang tumanggap ng may kabuuang isang milyong piso na financial grant, sa ginanap na payout activity sa Events Center. Ito ay inorganisa ng Local School Board sa tulong ng Treasury Office.

 

HEALTH FOR ALL

- Health (RHUs)

RHU, PHO, May Free X-ray sa Cough Caravan

Nag-conduct ang RHU Bayambang ng isang Cough Caravan, kasama ang Provincial Health Office (PHO), kung saan sila ay nagbigay ng libreng chest X-ray sa 100 na clients. Karamihan sa mga clients ay mga close contacts ng isang pasyenteng pinaghihinalaang may TB o di kaya'y symptomatic sa TB. Ang Cough Caravan ay ginanap sa Wawa Covered Court noong August 30.

 

'Oplan Taob' at Iba pang Anti-dengue Activities, Isinagawa sa Central

Ang RHU I ay nagconduct ng anti-dengue drive sa Bayambang Central School noong September 9. Kabilang dito ay ang pagsagawa ng Oplan Taob bilang parte ng 4 O'Clock Habit ng DOH, kung saan pinayuhan ang lahat na itaob at patuyuin ang anumang water receptacles na walang takip. Nagsagawa rin ang RHU ng kampanya ukol sa dengue awareness and prevention, at kanilang ininspeksyon ang compliance ng pasilidad sa waste segregation.


Dental Team, May mga Libreng Serbisyo sa BPC

Ang dental team ng RHU I ay naglunsad ng isang oral health initiative para sa mga estudyante ng Bayambang Polytechnic College. Ang mga ito ay ang libreng oral health education campaign, dental consultations, at dental services noong September 10. Ang mga naturang serbisyo ay handog sa mahigit sa 900 na estudyante at ihahatid sa loob ng buwan ng Setyembre, upang isulong ang preventive dental care at matugunan ang kanilang individual dental needs.

 

Micro-Enterprises, Nag-training sa Basic Safety at First Aid

Ang mga micro-enterprise sa Bayambang ay hinandugan ng isang Safety and First Aid Training ng Red Cross Pangasinan Chapter at ng DOLE Region 1 kasama ang PESO Bayambang noong September 23. Ang mga lokal na negosyante ay binigyan ng kaalaman at pagsasanay ng mga eksperto mula sa Red Cross ukol sa tamang paggamit ng mga first aid kit, pagtugon sa emergency cases, at emergency preparedness, upang siguruhin ang kaligtasan sa kanilang mga business establishment.

 

RHU II Blood Drive sa Buayaen, Nakakolekta ng 31 Bags

Nakakolekta ng 31 blood bags ang mobile blood donation drive na isinagawa ng RHU II kasama ang Red Cross at Rotary Club sa Buayaen Covered Court noong September 23. May 55 katao ang nagregister for screening, at 31 sa mga ito ang nagqualify.

 

Komprehensibong Serbisyo ng Munisipyo, Dumako sa Balaybuaya

Ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan ay muling tumulak sa Balaybuaya Elementary School upang pagsilbihan ang mga residente ng Brgy. Balaybuaya, Beleng, at Batangcaoa. Ayon sa ulat in KSB Chairperson, Vice-Mayor IC Sabangan, mayroong 2,033 na residente ng mga naturang barangay ang nag-avail ng iba't ibang serbisyo ng Munisipyo, at nakatipid ng halagang humigit-kumulang P235,000.

 

Mobile Blood Drive, Kabilang na sa Komprehensibong Serbisyo Project

Sa unang pagkakataon, ang blood donation drive ay naging bahagi ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Dito ay nakakolekta ng 40 blood bags, out of 67 na katao na nagparegister for screening.

 

- Nutrition (MNAO)

150 na Buntis, May Fresh Cow's Milk mula Dairy Farm

Ang Bayambang Dairy Farm ay nakipag-ugnayan sa Municipal Nutrition Office upang magpamahagi ng kanilang produkto na fresh cow's milk para sa 150 na buntis sa Bayambang, sa ilalim ng 90-Day Dietary Supplementation Program ng MNAO. Ang mga napiling benepisyaryo ay mga nutritionally at-risk o nagkukulang sa nutrisyon, o kaya'y may sa edad na nang magbuntis.

 

- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)

  

- Veterinary Services (Mun. Vet.)

 

– Slaughterhouse


PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN

- Social Services (MSWDO, MAC)

Mga CDC, Ipinagdiwang ang Buwan ng Wika

Noong buwan ng Agosto, ipinagdiwang ng mga Child Development Center o ECCD Center ng Bayambang ang Buwan ng Wika. Suot ang mga katutubong kasuotan, ang mga learners ay kumanta at sumayaw ng mga kantang Pilipino, nagpakilala gamit ang salitang Filipino, at naglaro ng mga larong Pilipino.

 

PWD Singing Champ, Nangharana at Nagpakitang Gilas

Ang PWD singing champ ng Bayambang na si Christian Joel C. Dueñas ng Brgy. Zone VI ay bumisita sa Events Center noong September 2 upang haranahin si Mayor Niña at ang lahat ng Bayambangueño sa kanyang winning interpretation ng kantang “You Raise Me Up.” Siya ay ginawaran ng Certificate of Appreciation ng LGU at binigyan ng P5,000 cash gift ni Mayor Niña.

 

Mga Karapatang Pambata, Muling Tinutukan sa Meeting

Noong September 17, nagpulong ang Local Council for the Protection of Children (LCPC) at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) para sa 3rd Quarter, sa pangunguna ni Councilor Benjie de Vera at MSWDO. Dito ay sinuri ang mga naunang programa at proyekto na nailunsad na para sa proteksyon at pag-unlad ng mga bata sa komunidad, at binuo ang mga bagong estratehiya at plano para sa susunod na kuwarter, sa apat na larangan ng survival, protection, development, at participation.

 

Training Series para sa mga Tatay, Muling Idinaos

Muling idinaos ng MSWDO ang serye ng tinatawag na ERPAT o Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities Training ng DSWD. Ito ay ginanap sa walong barangay mula April 4 hanggang August 30. Dahil sa ERPAT, naorganisa ang mga grupo ng mga tatay bilang mga asosasyon na may adhikaing palakasin ang pamilya. Kabilang sa kanilang adbokasiya ay ang isulong ang positibong pagdidisplina, pagtibayin ang ispiritwalidad, at umiwas sa masasamang bisyo.

 

'Ukay for a Cause,' May Bagong Benepisyaryo

Ang proyektong 'Ukay for a Cause' ni Mayor Niña ay may bago na namang benepisyaryo. Sila ay ang pamilya Mapacpac ng Brgy. Darawey, na napiling tumanggap ng isang brand new na bahay kubo matapos mapag-alamang wala silang maayos na tirahan. Ang LGU ay nagpapasalamat sa lahat ng nagdonate ng kanilang mga kagamitan upang makabili ng kubong nagkakahalaga ng P45,000 bilang tulong sa pamilya.

 

Ginang, Tumanggap ng Wheelchair mula kay Mayor Niña

Nagpapasalamat ang buong pamilya ng isang ginang mula sa Barangay Nalsian Norte dahil sa regalong bagong wheelchair ni Mayor Niña. Ito ay dahil mapapalitan na ang lumang wheelchair nito na kinakalawang na. Ngayon ay magiging mas komportable na kumpara ang pasyente sa bago nitong wheelchair.

 

Pasyente, Tumanggap ng Tulong Pinansyal kay Mayor Niña

Si Mayor Niña ay nagpahatid din ng personal na tulong pinansiyal sa isang pasyente na taga-Sapang noong September 24. Sa isang pribadong ospital kinailangang maconfine ng nasabing ginang ng ilang araw. At dahil sa laki ng halaga ng naipong bayarin nito, agad na nag-abot si Mayor Niña ng tulong pinansyal sa pamilya. 

 

- Civil Registry Services (LCR)

Data Capturing para sa Service Card, Tuluy-Tuloy 

Tuluy-tuloy pa rin sa pag-ikot ng Local Civil Registry para kumuha ng datos mula sa mga residenteng wala pang Community Service Card. Sa kasalukuyan, mayroon nang 65,000 na indibidwal ang nakunan ng personal na impormasyon para mabigyan ng service card. May 25,000 pang indibidwal na edad 18 pataas ang dapat na makunan ng datos para maabot ang target na 90,000 na Bayambangueños.

 

Sampung JKQ Hospital Staff, Nag-training sa LCR

Sampung staff ng Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center mula sa dalawang departamento ang nag-hands-on training sa "Proper Handling, Filling-Out and Registration of Birth and Death Certificates" sa Local Civil Registry noong August 22 hanggang 28. Sa limang araw, hinasa ang staff mula sa Medical Information Department at Admission and Allied Services Department ng ospital sa aktuwal na preparasyon sa paggawa ng birth at death certificates para maiwasan ang mga clerical errors bago marehistro sa LCR nang naayon sa batas.

 

LCR, PSA, Muling Nag-Award ng SECPA Birth Certificates

Noong August 29, ang Local Civil Registrar kasama ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay nag-award ng Birth Certificates in Security Paper sa 50 recipients mula sa sampung barangay para sa programang Birth Registration Assistance Project. Ito ay ginanap sa Brgy. Alinggan Covered Court kung saan 50 katao mula sa sampung barangay ang mga benepisyaryo.

 

- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)

DENR, Nagmonitor sa mga Barangay

Ang DENR Environmental Management Bureau Region I ay nag-ikot sa Bayambang upang inspeksyunin ang compliance ng lahat ng barangay sa 10-year Solid Waste Management Plan ng LGU-Bayambang bilang pagtalima sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (RA 9003). Kasama ang staff ng ESWMO-Bayambang, ang DENR ay nagmonitor sa mga naging accomplishment ng 77 barangays para sa buwan ng Agosto.

 

- Youth Development (LYDO, SK)

 

SK, Matagumpay ang Naging Color Run for a Cause

Isang Color Fun Run for a Cause ang matagumpay na isinagawa sa pag-oorganisa ng Sangguniang Kabataan Federation, kasama ng Local Youth Development Office at iba pang departamento at ahensya. Ang fun run ay may layuning makapagbigay ng suporta sa mga programang nakatuon sa mental health, kabilang na ang suicide awareness.

  

- Peace and Order (BPSO, PNP, DILG)

 

Illegal Stalls sa Nalsian Sur, Muling Kinumpiska

Muling pinuntahan kamakailan ng Road Clearing Task Force ang mga illegal stall sa gilid ng highway sa Brgy. Nalsian Sur matapos mapag-alamang ilan sa mga ito ang nagsipagbalik sa puwesto. Kaya naman agad na nagsagawa ng panibagong road clearing at pag-kumpiska ng kanilang mga ginagamit sa pagtitinda. Naglagay na rin ang BPSO at PNP ng isang outpost at nag-assign ng kani-kanilang personnel upang bantayan ang lugar.

 

Seminar sa Road Safety at Safe Spaces Act, Ginanap

Isang seminar ukol sa Road Safety at Safe Spaces Act o RA 11313 ang isinagawa sa pangunguna ng Bayambang Public Safety Office noong September 20 sa Events Center.  Nagbahagi rito ang LTO, Highway Patrol Group, at PNP ng kanilang kaalaman sa mga usaping pangkaligtasan sa daan at pampublikong lugar, upang malaman ng mga LGU employees ang kahalagahan ng pagsunod sa road safety protocols at ang mga hakbangin upang makaiwas sa mga aksidente.

 

PNP-Bayambang, May Bagong Service Vehicle

Noong September 16, tinanggap ng PNP-Bayambang ang isang brand new vehicle bilang pinakabagong mobility asset nito. Sa ginanap na ceremonial turnover, dumalo si PMGen. Romeo Caramat Jr., Director ng Area Police Command, Northern Luzon, bilang panauhin. 

 

AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)

 

1st Public Consultation, Isinagawa para sa Cold Storage

Nagsagawa ang LGU ng unang public consultation sa ipapatayong Bayambang Onion Cold Storage Facility sa ilalim ng Scale-up Philippine Rural Development Project. Ang konsultasyon ay magkasunod na ginanap noong August 29 sa Brgy. San Gabriel 2nd Covered Court at Brgy. Pantol Evacuation Center. Ipinaliwanag sa mga Punong Barangay, farmers, at farmers' association presidents ng mga apektadong barangay ang project details, entitlement policy and compensation, operational guidelines, at grievance redress mechanism.

 

DA, Tinalakay ang Onion Cold Storage Project

Ang Department of Agriculture Regional Field Office I ay bumisita sa Munisipyo noong September 19 para magconduct ng Project Lay-out and Pre-Construction Conference ukol sa nakatakdang konstruksyon ng Onion Cold Storage sa Brgy. Nalsian Norte. Ito ay para mailatag ang requirements at detalye ng proyekto bago umpisahan ang nasabing konstruksyon sa lugar.

 

KALIPI, Nagseminar sa Hydroponics

Ang mga miyembro ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI)-Bayambang ay sumailalim sa orientation on hydroponics noong September 25. Ipinaliwanag ni Engr. Florelexie Valentin ng Agriculture Office kung ano ang hydroponics at ang kasaysayan nito, mga benepisyo, at mga farming techniques gamit ito. Nagbigay naman ng actual demonstration ang isang local hydroponics grower at nagbahagi ng adisyunal na kaalaman.

 

JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL 


- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)


Pangkabuhayan Caravan, Namahagi ng Tulong sa OFWs

Isang Pangkabuhayan Caravan para sa  OFWs ang isinagawa ng provincial government bilang isang livelihood assistance program para sa mga distressed o displaced OFWs sa ikatlong distrito. Ito ay ginanap noong Agosto 30, sa pakikipag-ugnayan sa PESO-Bayambang. May 50 OFWs, kabilang ang anim na taga-Bayambang, ang nagsipagtapos sa isang financial literacy seminar at nakatanggap ng tig-5,000-peso financial assistance bilang business start-up capital.

 

TUPAD Profiling, Isinagawa para sa 1,540 PWDs

Isa na namang profiling activity ang isinagawa ng PESO-Bayambang at DOLE para sa bagong batch ng beneficiaries ng TUPAD emergency employment program ng DOLE: ang 1,450 na registered PWDs. Ang batch na ito ay nakatakdang pondohan ng tanggapan ni Congresswoman Rachel 'Baby' Arenas.

 

OFW Federation, May Feeding Activity sa Sanlibo

Isang feeding activity ang isinagawa ng Federation of Bayambang Overseas Workers Inc. katuwang ang PESO-Bayambang, noong September 10 sa Brgy. Sanlibo Child Development Center. May 63 learners ang nabiyayan sa nasabing aktibidad, na dinaluhan din ni Sanlibo Punong Barangay Luzviminda Tamondong.

 

TUPAD Monitoring, Nagpatuloy

Muling nagmonitor ang DOLE, kasama ang PESO-Bayambang, ng mga TUPAD beneficiaries upang tingnan kung nagagampanan ng mga naturang indibidwal ang kanilang tungkulin na maglinis sa kanilang barangay sa loob ng sampung araw. Ang team ay nagmonitor sa Brgy. Bani, Brgy. Sancagulis, at Bayambang Public Market noong September 10.

  

VP Sara, Nag-allot ng TUPAD Slots para sa Bayambang

Ang Office of the Vice President Pangasinan Satellite Office, Dagupan City, ay bumisita noong September 10 upang talakayin ang 100 slots na allocated ng OVP para sa beneficiaries ng TUPAD o o Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantated/Displaced Workers. Ang mga OVP staff ay winelcome nina  Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at SLEO Gernalyn Santos sa Administrator's Office. 

 

TUPAD Project ng DOLE, May 1,343 na Bagong Beneficiaries

Isa na namang pay-out activity ang isinagawa ng DOLE at PESO-Bayambang kaugnay ng TUPAD program noong September 12 sa St. Vincent Ferrer Prayer Park. May 1,343 na market vendors, parents ng child laborers, solo parents, at indigent sectors ang tumanggap ng tig-P4,350. Ang pondo nito ay sinagot ng tanggapan ni Cong. Rachel 'Baby' Arenas at Sen. Loren Legarda.

 

Panibagong Grupo ng Benepisyaryo ng TUPAD, Na-profile

Nagsagawa ng profiling activity ang Public Employment Service Office para sa 100 estudyante ng Bayambang Polytechnic College na magiging benepisyaryo ng TUPAD noong Setember 18 sa Events Center Ang bagong batch ng ayuda ay nagmula sa pondo ng Office of the Vice President.

 

Training on Dressmaking, Sinimulan!

Noong September 16, sinimulan ang 15-day Community-Based Training on Dressmaking leading to NC II certification sa St. Vincent Ferrer Prayer Park. Ito ay may tatlumpong participants mula sa OFW sector mula sa iba't ibang barangay. Ang aktibidad ay inorganisa ng PESO-Bayambang at TESDA, kung saan naging trainors ang mga taga-TESDA Pangasinan School of Arts and Trade, Lingayen.

 

GIP Interns, Inorient at Dineploy ng PESO

Inorient ng PESO-Bayambang ang may 44 na Government Intership Program (GIP) recipients noong September 14 sa Municipal Museum bago sila ideploy sa iba't-ibang departamento. Kabilang sa nag-orient ay ang mga kawani ng DOLE. Ang mga GIPs ay mainit na winelcome ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Vidad. Ang nasabing programa ay pinondohan ng Abono Party List at tanggapan ni Congresswoman Rachel Arenas, at ito ay tatagal ng tatlong buwan.


- Economic Development (SEE)

 

SEE, Kinonsulta ang Market Stallholders ukol sa Iba’t Ibang Isyu

Noong September 18, kinonsulta ng Special Economic Enterprise, kasama ang ilang concerned departments, ang mga stallholders kaugnay ng mga rekomendasyon ng Commission on Audit upang maging compliant ang LGU sa auditing process ng gobyerno. Kanilang pinag-usapan ang mga penalties para sa mga late payments ng stall rentals. Ang mga kontrata ng stallholders, at iba pang concerns ukol sa public market. 

 

- Cooperative Development (MCDO) 

 

- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)


- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)

 

DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)

MDRRMC, Nag-pre-disaster Risk Assessment kaugnay ng Bagyong 'Enteng'

Ang MDRRM Council ng Bayambang, sa pangunguna ni Mayor Niña at ng MDRRMO, ay nagsagawa ng isang Pre-Disaster Risk Assessment bunsod ng pagdating ng bagyong "Enteng" sa ating lokalidad. Ang lahat ay inabisuhan na mag-ingat, maghanda, at maging mapagmatyag. Agad ding nagsagawa ang MDRRMO ng river water monitoring, prepositioning ng resue equipment, at preparasyon ng mga rescue vehicle.

 

MDRRMC, Naghanda kaugnay ng Bagyong 'Gener'

A. Ang MDRRM Council ng Bayambangay nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment bunsod ng pagdating ng bagyong "Gener." Bagamat ang bagyo ay may kahinaan, ang lahat ay inabisuhan pa rin na maghanda.

B. Agad namang nagsagawa ang MDRRMO ng river water monitoring, prepositioning ng rescue equipment, at preparasyon ng mga rescue vehicle.

 

NSED, Muling Ginanap para sa 3rd Quarter

Noong September 26, naging matagumpay muli ang pina-level up na NSED o National Simultaneous Earthquake Drill para sa 3rd quarter ng taon sa pangunguna ng MDRRM Council. Bukod sa nakasanayang duck, cover and hold, mayroong detalyadong guidelines na inisyu sa publiko ukol sa pagconduct ng drill. Lahat ng departamento at participating agencies ay nagsumite ng 'before,' 'during,' at 'after' pictures sa MDRRMO. Ang lahat naman ng Safety Officers ay nagsumite rin ng isang komprehensibong evaluation form.


HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS  

Bayambang, Muling Dumaan sa SGLG National Validation

Muling dumaan ang bayan ng Bayambang sa isa na namang national valiation para sa Seal of Good Local Governance, at ito ay para sa taong 2024. Dito ay binusisi ng mga validators ng DILG ang iba't ibang aspeto ng pamamamahala ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng ocular inspection at inspeksyon ng mga papeles o dokumentasyon.

 

CSOs, Pinulong ng BPRAT

Ang lahat ng CSO federated officers at members sa Bayambang ay pinulong noong September 11 sa Sangguniang Bayan Session Hall upang talakayin ang kanilang calendar of activities at kung papaano masi-synchronize ang mga ito sa mga nakaplanong aktibidad ng Munisipyo. Tinukoy din sa naturang pulong kung anu-ano ang mga poverty reduction initiatives kung saan sila maaaring makipagcollaborate sa LGU para sa kapakinabangan ng ating mga marginalized sectors.

 

Dr. Saygo, Kinumpirma bilang Department Head

Kinumpirma ng Sangguniang Bayan ang pagkakatalaga kay Dr. Rafael Saygo bilang Municipal Government Department Head I (Municipal Tourism Officer) sa isinagawang plenary session noong September 23. Matapos ang masusing pagsusuri ng SB, ang kanyang appointment ay nakita na makatuwiran at nararapat, dahil  taglay niya ang lahat ng kwalipikasyon alinsunod sa batas. Ang kanyang pagkakatalaga ay inirekomenda ni Mayor Niña, bilang pagkilala sa kanyang propesyonalismo, kakayahan, at natatanging trabaho.

 

- Planning and Development (MPDO)

 

- Legal Services (MLO)

  

- ICT Services (ICTO)

 

 Training on Root Cause Analysis and Risk-Based Thinking, Isinagawa

 Noong September 19, isang training ukol sa root cause analysis at risk-based thinking ang isinagawa ng ICT Office para sa lahat ng LGU department at unit heads noong September 19 sa pamamagitan ng Zoom video. Layunin ng root cause analysis na matukoy ang pinag-uugatan ng anumang isyu upang matugunan ang mga ito nang maayos at epektibo. Ang risk-based analysis naman ay nakatutulong sa mga proseso sa pagpaplano upang isaalang-alang ang mga inaasahan at hindi inaasahang pangyayari at maging handa para sa mga ito.

 

IQA Opening Meeting, Ginanap

Ang mga department and unit heads ay pinulong ng Internal Audit Service at ICT Office sa Mayor's Conference Room para sa Internal Quality Audit (IQA) Opening Meeting noong September 9. Tinalakay sa pulong ang overview ng proseso ng IQA, mga schedule, mga dapat asahang scenario, at ang sakop ng audit. Kinabukasan, nag-conduct naman ng isang enhancement training para sa mga nominadong maging Internal Quality Auditors.

 

IT TWG, Nagsanay sa Excel, Word, at PowerPoint

Ang mga miyembro ng IT Technical Working Group ng LGU ay nagtraining sa Basic Microsoft Excel, Word, and PowerPoint. Sa computer software training na ito, nagbigay ang ICT Office ng mga bagong kaalaman sa lahat ng miyembro ng TWG upang mas maging bihasa sa paggamit ng mga naturang applications na karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na transaksyon.

 

- Human Resource Management (HRMO)

 

LGU, Nakilahok sa 124th Civil Service Celebration

Ang Human Resources Management Office at ilang empleyado ng LGU-Bayambang ay aktibong nakilahok sa pagdiriwang ng ika-124 Philippine Civil Service Anniversary na may temang, "Vibe Run: Takbo para sa mga Servant Heroes."  Ito ay ginanap sa Narciso Ramos Sports and Civic Center, Lingayen Pangasinan, noong September 1, kung saan nagkaroon ng fun run for a cause at pagsayaw ng Zumba.

 

Libreng Pampering Services, Inihatid sa mga Kawani ng LGU

Inihandog ng HRMO sa mga kawani ng LGU ang libreng pampering services noong September 18, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 124th anniversary ng Philippine Civil Service. Hinandugan ang mga kawani ng libreng gupit, manicure, pedicure, at back massage, bilang pagkilala at pasasalamat sa kanilang walang-sawa at maayos na paninilbihan sa bayan. Kinahapunan ay nagkaroon naman ng masayang hatawan sa pag-indak sa isang zumba session.

 

- Transparency/Public Information (PIO)

 

- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)

 

AWARDS AND RECOGNITIONS

MNJQ, Re-elected Bilang PRC-San Carlos Council President

Muling nahalal si Mayor Niña Jose-Quiambao bilang presidente ng Philippine Red Cross-San Carlos City Branch Council, sa nagdaang Branch Council Meeting noong September 2 sa siyudad ng San Carlos. Ang aktibong partisipasyon ng alkalde sa PRC San Carlos para sa mga taong 2024-2026 ay makatutulong upang mas marami pang Bayambangueño ang mahikayat na magdonate ng dugo sa mga nangangailangan.

 

LGU, Tumanggap ng Pagkilala mula PSU

Kinilala ng Pangasinan State University (PSU) ang LGU-Bayambang dahil sa mahalagang ambag nito sa pagsulong ng mga layunin at inisyatiba ng unibersidad. Iginawad ni University President, Dr. Elbert Galas, ang Certificate of Recognition sa LGU sa pamamagitan ng kinatawan ni Mayor Niña na si Dr. Rafael Saygo sa PSU Main Campus sa Lingayen noong September 9.

 

Bayambang, GeoRiskPH Best Practice Awardee

Ang LGU-Bayambang ay pinarangalan ng Best Practice in Adopting the GeoRiskPH Platform mula sa DOST-Phivolcs, sa ginanap na 1st GeoRisk Convention Training Workshop sa PICC, Pasay City noong September 16. Ito ay bilang pagkilala sa maagap na pag-adopt ng LGU-Bayambang sa nasabing platform sa local Disaster Risk Reduction Climate Change at development planning initiatives nito. Ang Bayambang ang nagwagi out of 110 LGUs na nominado sa nasabing parangal.

 

Bayambang, 2nd Runner-up bilang ‘Model LGU Implementing 4Ps’

Sa 3rd quarter na pulong ng Municipal Advisory Council, inireport ng DSWD na mayroong kabuuang 7,239 na aktibong 4Ps household beneficiaries. 232 households ang grumaduate noong Marso, at may 326 naman ang nakatakdang grumaduate sa taong ito. Inanunsyo rin ng DSWD na ang Bayambang ay nagwaging 2nd runner-up sa ginanap na search for ‘Model LGU Implementing 4Ps.’ Ito ay repleksyon anila ng maayos na pamumuno, mabuting pamamahala, at commitment ng LGU na mapataas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap.

 

LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)

 


No comments:

Post a Comment