It’s Trivia Time!
Alam ba ninyo na ang simbolo ng maraming Treasury Offices sa buong mundo ay kadalasang may kasamang susi?
Ang susi ang sumisimbolo
sa pagbabantay ng pampublikong pondo at ekonomiya. …Nagpapatunay lamang na malaki ang gampanin at
responsibilidad na kaakibat ng isang ingat-yaman.
Hindi
maikakaila na ang Treasury Office ay isa sa mga pinakapundasyon ng operasyon ng
LGU. Ang Municipal Treasurer ay regular na maghahain ng financial reports sa
mga ahensya ng gobyerno tulad ng COA o Commission on Audit, DOF-BLGF o Department
of Finance-Bureau of Local Government Finance, at DILG, upang masiguro na
maayos ang paggamit ng pondo ng ating bayan.
Kailangang
magampanan ang mga gawaing ito gamit ang teknolohiya, mga batas, at mga
sistemang napapaloob sa pagsunod sa mga alituntunin ng pamahalaan.
Samantala
mayroon namang 3 section ang Treasury Office. Ito ay ang mga:
1.
Collection Section
1.1 Business
tax
1.2 Real
property tax
1.3 Regulatory
fees such as large cattle, tricycle permit fees, and others
2.
Disbursement Section
3.
Records Section
Sa
administrasyon ng ating butihing mayora, tayo ay nagkaroon ng:
|
2022 |
2023 |
As of August 2024 |
Real Property Tax |
₱32,481,308.79 |
₱38,086,238.32 |
₱22,358,715.92 |
Business Tax |
₱95,360,116.67 |
₱107,705,648.23 |
₱58,254,841.68 |
Other Taxes |
₱1,573,639.66 |
₱1,651,974.81 |
₱11,434,153.48 |
Fees & User Charges |
₱11,882,375.64 |
₱17,562,034.71 |
₱1,373,603.26 |
|
|
|
|
Total |
₱141,297,440.76 |
₱165,005,896.07 |
₱93,421,314.34 |
Sabi nga ng
ating mahal na mayora, tayo ay makiisa sa pagbabayad ng ating mga buwis, dahil
tayo rin ang nakadarama ng mga benepisyo nito. Ang buwis ng mga Bayambangueño
ang liwanag ng daan tungo sa progreso!
Bawat sentimo na ambag mo ay malaking tulong para sa kinabukasan ng bawat Bayambangueño!
No comments:
Post a Comment