Friday, September 27, 2024

Trivia: Administrator's Office

It's Trivia Tiiiiiime!

Alam ba ninyo na ang ating Municipal Administrator ang kauna-unahan at natatanging babaeng administrador sa kasaysayan ng LGU-Bayambang?

Si Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad ay dating naging Ms. Bayambang. Pagkatapos, siya ay nanalo bilang first runner-up sa Limgas na Pangasinan.

Bago maging administrador, siya ay nagtrabaho bilang Presidential Management Staff sa MalacaƱang at pagkatapos ay sa National Anti-Poverty Commission.

At alam ba ninyo na sa Administrator's Office dumadaan ang lahat ng mahahalagang papeles ng Munisipyo bago ito makarating sa Alkalde? Ito ay dahil ang Municipal Administrator ang tumatayong alter ego ng Municipal Mayor, at siyang nagsisiguradong maayos, mabilis, at mahusay ang lahat ng transaksyon ng Munisipyo sa paghatid ng iba't ibang serbisyo publiko.

 


No comments:

Post a Comment