GOOD GOVERNANCE
Mayor Niña, Sinupresa ang mga taga-Pantol
Sa pinakaunang araw ng pormal na pag-upo ni Mayora Niña Jose-Quiambao, at Vice-Mayora Ian Camille Sabangan, kanilang sinurpresa ang mga taga-Brgy. Pantol sa kanilang pagbisita sa ginanap na Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB) Year 5 sa Obillo Elementary School Covered Court noong July 1. Naging mainit ang pagtanggap nina Kapitan Jose Perez at ng principal ng eskwelahan sa opisyales ng bayan at sa buong KSB team. Napuno ng galak ang mga residente dahil sa anunsyong palalagyan ni Mayora Niña ng bubong ang plaza ng barangay. Ayon sa overall organizer na si Dr. Roland Agbuya, may 579 na katao ang naserbisyuhan sa aktibidad na ito.
Unang Flag Ceremony ng Local Chief Executive
Noong July 4, dumalo sa kanyang unang flag ceremony si Local Chief Executive, Mayora Niña Jose-Quiambao, kasama si First Gentleman at former Mayor, Dr. Cezar Quiambao. Sa kanyang unang talumpati, ipinaalaala niya sa lahat na gawing sentro ang Diyos sa pagganap sa kanya-kanyang tungkulin, at isapuso at pangatawanan ang bawat kataga ng panunumpa ng lahat ng kawani ng gobyerno.
Former VM Sabangan at Councilor Ramos, Pinarangalan ng LGU
Noong July 11, pinarangalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, Vice-Mayor IC Sabangan at ng Sangguniang Bayan, si former Vice-Mayor Raul Sabangan at three-term Councilor Joseph Vincent Ramos dahil sa kanilang naging masigasig at di matatawarang paninilbihan sa bayan.
GSO Staff, Binansagang "Silent Hero" ni Mayora Niña
Noong July 11, pinaalalahanan ni Mayora Niña Jose-Quiambao ang lahat sa importansya ng kalinisan ng kapaligiran, mula sa bahay, hanggang sa labas, at maging sa trabaho. Kasabay nito ay ipinakilala niya ang isa sa mga masisipag na kawani ng LGU na si G. Larry Leyba ng General Services Office na tinaguriang isang huwarang kawani at modelo ng sipag at tiyaga at dedikasyon sa trabaho.
KSB Year 5 Goes to Langiran
Ginanap muli ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 5, at noong July 15, nagtungo ang Munisipyo sa Langiran Elementary School sa Brgy. Langiran, kung saan kasama ang Brgy. Langiran, Alinggan, at Malimpec sa mga naserbisyuhan. Dito ay pinagsama-sama ng gobyernong lokal ang mga iba't-ibang serbisyong handog nito, hindi lamang medical services kundi pati na rin mga non-medical services. Sa kabuuan, sa tala ni Dr. Roland Agbuya, mayroong 772 clients’ ang nagparehistro.
Info Campaign sa Solo Parents' Act, Inihatid ng HRMO
Sa unang pagkakataon, nag-organisa ang Human Resource Management Office, sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Social Welfare and Development Office, ng isang information campaign ukol sa Solo Parents' Welfare Act para sa mga solo parents na empleyado ng munisipyo noong July 18, 2022 sa Balon Bayambang Events Center. Naging resource speaker si Social Welfare Officer II Edwina Castro Masi ng DSWD Region I, at kanyang tinalakay ang mga mandatong nakapaloob sa RA 8972, kabilang ang full rights, benefits at privileges ng mga solo parents. May 67 solo parents ang dumalo sa nasabing lecture. Dumalo rin sa programa sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, MSWD Officer Kimberly Basco, at HRM Officer Nora Zafra.
Orientation Program para sa JO Employees
Isa na namang Employee Orientation Program ang isinagawa ng Human Resources Management Office (HRMO), katulong ang Municipal Legal Office, para sa bagong job order (JO) employees noong July 25 sa Events Center. Dito ay nalinawan ang bawat kawani tungkol sa kanilang tungkulin at kung paano ito gagawin sa paraang nagbibigay prayoridad sa serbisyo publiko. Ipinaliwanag din dito ang vision and mission pati na rin ang rules and regulations ng LGU-Bayambang.
Mayor Niña, Namigay ng Sapatos sa Ilang Market Staff
Noong July 21, namigay ng sapatos si Mayor Niña Jose-Quiambao sa mga sweepers ng Special Economic Enterprise bilang pasasalamat sa kanilang papel sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating Public Market at bayan. Ang mga ito ay personal na regalo ni Mayora Niña upang sila aniya ay lalong maging ganado sa pagbibigay ng maayos na serbisyo.
Pamilya Quiambao, Nagdonate ng Bagong Dump Truck sa LGU
Itinurn-over noong July 22 sa Ecological Solid Waste Management Office ang isang susi ng isang bagong dump truck na donasyon ni Mayor Niña Jose-Quiambao at First Gentleman Cezar Quiambao sa pamamagitan ni COO Romyl Junio ng Kasama kita sa Barangay Foundation. Ito ay upang matugunan ang kakulangan sa dump truck sa bayan ng Bayambang, para sa regular na koleksyon ng basura sa Poblacion area.
SK Chairpersons, Dumalo sa Leadership Training-Workshop
Ginanap noong July 28 ang Bayambang Sangguniang Kabataan Leadership Training and Workshop 2022 sa Events Center. Ito ay dinaluhan ng mga SK Chairperson at ni SK Federation President Gabriel Fernandez, at pinangunahan ng mga facilitators mula sa Every Nation Campus sa pag-oorganisa ni Local Youth Development Officer Johnson Abalos. Sa Training-Workshop na ito, lalong hinasa ang leadership skills ng mga SK Chairperson upang mas maging aktibo at epektibo silang lider ng kani-kanilang barangay.
FINANCIAL ADMINISTRATION & TAXATION
Appraisal of DITO Telecomm Towers
Noong July 12, nagsagawa ng appraisal ang Assessor’s Office sa mga bagong telecommunication towers na ipinatayo ng DITO Telecommunity sa iba't-ibang barangay. Sa pamamagitan nito ay makakakalap ng karagdagang pondo ang munisipyo mula sa tax na babayaran ng kumpanya.
Tax Declaration Issuance ng Assessor's Office, Nagpatuloy
Tuluy-tuloy ang Assessor's Office sa pag-iissue ng tax declaration para sa mga bagong naitayong istruktura, mapa-residential man o commercial building. Noong June 20 to 24, ang team ni Gng. Annie de Leon ay umikot sa Brgy. Tambac at Bacnono. Gaya ng dati, hinimok ng Assessor's team ang mga residente na kailangang magbayad ng amilar, hindi lang para sa mga commercial building, kundi pati na rin mga residential building. At ito ay nararapat at naaayon sa batas, dahil ito ang ating ambag bilang mga mamamayan.
LGU, Muling Nakipagdayalogo sa Magsaysay Residents
Muling ipinatawag ni Mayor Niña Jose-Quiambao at former Mayor, Dr. Cezar Quiambao, ang mga taga-Brgy. Magsaysay na ang bahay ay nakatayo sa lupa ng Munisipyo, noong July 26 sa Events Center. Ipinakita sa mga occupants ni Legal Officer, Atty. Bayani Brillante Jr., ang Municipal Ordinance No. 3, s. 2012 na inilabas ng administrasyon ni former Mayor Ricardo Camacho kung saan ito’y naglalaman ng mga mode of payment na maaaring pagpilian ng mga residente upang pormal na mapasakanila ang lupa kung maayos nila itong mababayaran. Kanya ring klinaro na nakapangalan na ang titulo ng lupa sa lokal na pamahalaan ng Bayambang magmula pa noong 1922.
LEGISLATIVE WORK
First SB Session ni Vice-Mayor IC Sabangan
Sa araw ding iyon ginanap ang First Regular Session ng 11th Sanguniang Bayan ng Bayambang kung saan pormal na nag-preside si Vice-Mayor IC Sabangan sa SB Session Hall. Dito ay kanyang pinulong ang buong Sangguniang Bayan pati na ang lahat ng staff na bumubuo rito sa ilalim ng pamumuno ni SB Secretary Joel V. Camacho.
SB, Inaprubahan ang Appointment ng Municipal Administrator
10A. Noong June 4 pa rin, inaprubahan ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice-Mayor IC Sabangan ang pag-appoint ni Mayor Niña Jose-Quiambao kay Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad bilang bagong Municipal Administrator.
10B. Noong July 6 naman, pormal na nanumpa si Atty. Vidad sa harap ni Mayora Niña Jose-Quiambao sa tanggapan nito, sa Mayor's Office.
Mula sa LGU family, isang mainit na pagbati, Atty. Sagarino-Vidad, at welcome back!
Executive Sessions with all Departments
Sa unang araw ng pag-upo ni Mayor Niña Jose-Quiambao, inumpisahan agad nito ang pakikipagpulong sa bawat departamento ng Munisipyo upang talakayin kung paano pa mas mapapahusay ng mga kawani ang kanilang pagseserbisyo para sa kapakanan ng publiko. Sa pulong na ito ay kanyang kinilala isa-isa ang bawat empleyado at inalam ang kanilang mga concerns sa kanilang trabaho.
SP Certifies Bayambang Polytechnic College
Sa bisa ng Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 586-2022, binibigyan ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang Bayambang Polytechnic College ng sertipikasyon upang ito ay makapag-operate. Isa ang BPC sa mga malalaking proyektong pinangarap at ipinangako ni dating Mayor Cezar Quiambao, at ang LGU-Bayambang ang nagmamay-ari at mag-ooperate nito sa ilalim ni Interim President, Dr. Rafael L. Saygo.
Public Hearing ukol sa Flexi-Time Sked ng LGU Employees
Noong July 18, isang public hearing ang idinaos sa SB Session Hall ukol sa posibilidad ng pag-adopt ng flexible work arrangements para sa mga LGU employees. Ito ay pinangunahan ni Coun. Benjie de Vera kasama sina SB Secretary Joel Camacho at SK Federation Pres. Gabriel Tristan Fernandez, alinsunod sa CSC Memorandum No. 6, s. 2022 kung saan mula sa limang araw na pasok ay magiging apat na araw o mas mababa pa ang magiging opisyal na working days ng isang empleyado basta't mabubuo pa rin nito ang 40 oras sa isang linggo na itinakdang pagseserbisyo. Layunin nito na madagdagan ang araw na iginugugol ng mga kawani sa kanilang mga pamilya at mas makatipid sa pamasahe, makaiwas sa trapiko, at mas mapahaba ang kanilang araw ng pahinga.
HEALTH
Health Information Campaign, Pinaigting sa KSB
Pinaigting ng RHU ang information and education campaign ukol sa kalusugan, bilang parte ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan. Sa nagdaang Komprehensibong Serbisyo sa sa Brgy. Pantol, nagsagawa ng hiwa-hiwalay na IEC para sa apat na age groups: sa mga magulang na may alagang sanggol, teenagers, adults, at senior citizens.
Pagkatapos ng mga lectures ay mayroon ding giveaways gaya ng vitamins at health kits. Sa kabuuan, halos tatlong-daang katao ang umattend sa mga nasabing IEC.
Animal Bite Treatment Center Update
Tumataas ang insidente ng animal bites sa bayan ng Bayambang, ayon sa report ni Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo. As of July 1, 2022, mayroon nang 30 new cases at 45 ongoing treatments. May 30 na katao naman ang nakinig sa information campaign. Muling pinapaalalahanan ang lahat ng pet owners na magdobleng-ingat at huwag gawing laruan ang alagang aso at pusa. Ang ating mga pets ay maaari ring magdala ng parasites na posibleng mangitlog at makain ng mga bata at maging sanhi ng TOXOCARIASIS ng bituka o mata, na puwedeng mauwi sa pagkabulag.
Cooking Showdown sa Pagbubukas ng Nutrition Month 2022
Noong July 8, binuksan ang pagdiriwang ng Nutrition Month 2022 sa pamamagitan ng isang cooking showdown sa Pavilion ng St. Vincent Ferrer Prayer Park, sa pangunguna ng Nutrition Office at Nutrition Committee Technical Working Group ng LGU. Dito ay nagtagisan ng galing sa pagluluto ang mga pamilyang miyembro ng 4Ps mula sa siyam na distrito. Kanilang ipinakita ang iba't-ibang malikhaing paghahanda ng pagkain gamit ang mga local ingredients sa sagana sa sustansya para sa kalusugan ng pamilya.
Matatamis na Ngiti, Nagbalik sa Sandaang Labi
123 na Bayambangueño ang nakatanggap ng libreng pustiso bilang parte ng ating Komprehensibong Serbisyo sa Bayan. Dahil dyan, maluwag nang nakakangiti ang mga benepisyaryo na pawing mga myembro ng 4Ps.
Pagtatanim ng Fruit-Bearing Trees at Gulay, Isinulong sa mga Paaralan
Bilang parte ng Nutrition Month 2022 celebration, namahagi ang Municipal Nutrition Committee sa pakikipagtulungan ng Agriculture Office, ng mga buto at punla ng fruit-bearing trees at gulay sa
Idong-Inanlorenza Elementary School noong July 12. Bukod pa rito ay nagkaroon rin ng information campaign ang Agriculture Office ukol sa small organic backyard gardening gamit ang recyclable materials.
Cough Caravan to End TB
Noong July 14, nagconduct ang RHU I ng isang Cough Caravan, isang aktibidad na naglalayong masawata at tuluyang masugpo ang TB o tuberculosis. Mayroong 120 clients ang naserbisyuhan, kung saan dose (12) sa kanila ang rekomendado para sa GenExpert diagnostic test for TB. Ito ay ginanap sa pakikipagtulungan sa Philippine Business for Social Progress at sa pamamagitan ng RCG Premier Foundation Inc.
DOST, Naghandog ng Libreng Weighing Scale Calibration
Noong Hulyo 18-19, pinangunahan ng Municipal Nutrition Office ang calibration ng mga weighing scale na ginagamit sa lahat ng elementary schools ng Bayambang sa pakikipag-ugnayan sa DOST Provincial Office bilang paghahanda sa face-to-face classes. Ito ay upang matiyak ang accuracy ng mga weighing scales upang ang kalagayan ng kalusugan ng mga mag-aaral ay regular na masubaybayan at ang kanilang assessment para sa supplementary feeding program sa paaralan ay siguradong maging wasto. Ngayong taon, ang calibration activity na ito ay na-avail ng libre ng mga paaralan.
"Search for Idol Nanay," Year 3 Na
Muling nagsagawa ang Nutrition Office ng "The Search for Idol Nanay" sa ikatlong taon, upang kilalanin ang mga natatanging nanay na naging matagumpay sa pangangalaga ng kalusugan at nutrisyon ng kanilang supling sa panahon ng pandemya. Dito ay nagtulung-tulong ang mga Rural Health Midwife (RHM), District Nutrition Program Coordinator (DNPC), Barangay Health Worker (BHW), at Barangay Nutrition Scholar (BNS) sa paghahanap ng mga kalahok, na siyang inassess gamit ang mga criteria para sa nutritional status ng bata. Ang napili ng mga hurado na “Idol Nanay Year 3” ay makatatanggap ng P6,000 cash sa darating ng Culminating Program sa July 29
RHU II at III, Nagsagawa ng Free TB Screening
Noong July 21 din, nagconduct ang RHU II at RHU III ng magkahiwalay na Cough Caravan sa kanya-kanyang catchment area. Ito ay isang mobile free X-ray screening na naglalayong masawata at tuluyang masugpo ang TB o tuberculosis sa Bayambang. Mayroong 132 clients ang naserbisyuhan, kung saan 7 sa kanila ang rekomendado para sa GenExpert diagnostic test for TB. Ito ay ginanap sa pakikipagtulungan sa Philippine Business for Social Progress at RCG Premier Foundation. Ang mga clients ay household contacts ng isang TB patient, mga pasyenteng may sintomas ng TB, at mga mula sa vulnerable groups.
MNAO, Nakamonitor sa Barangay Nutrition Month Celebration
Ang mga barangay ay aktibo ring susamali sa pagdiriwang ng Nutrition Month, kaya't nakaalalay ang Nutrition Office sa kanilang iba't-ibang aktibidad, nagbibigay ng gabay kung kinakailangan at nakamonitor sa implementasyon ng iba't-ibang nutrition programs ng Munisipyo.
PinasLakas Booster Campaign, Inilunsad ng DOH Dito
Noong July 26, inilunsad sa St. Vincent Ferrer Prayer Park ang DOH - Ilocos Region PinasLakas COVID Booster Vaccination Campaign sa pangunguna ni DOH CHD 1 Regional Director Dr. Paula Paz Sydiongco kasama ng mga duktor sa Bayambang RHUs na sina Dr. Paz Vallo, Dr. Adrienne Estrada, at Dr. Roland Agbuya. Ang PinasLakas ay isang vaccination drive sa buong Pilipinas na naglalayong paigtingin ang pagbabakuna at pagbibigay ng booster doses sa mga Pilipino upang madagdagan ang kanilang proteksyon laban sa COVID-19. Dumalo sa naturang programa sina Mayor Niña Jose Quiambao, Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, Bayambang Vaccine Czar, Col. Leonardo Solomon, at iba pang officials.
Mga Chikiting, Nagpatalinuhan sa A-1 Child Quiz Bee
May bagong pakulo ang Nutrition Office bilang parte ng 48th National Nutrition Month celebration. Ito ay ang Nutrition A-1 Child Quiz Bee noong July 26 sa Events Center, isang patimpalak para sa mga learners mula sa mga Child Development Center ng iba’t-ibang barangay. Sa kauna-unahang patimpalak na ito, nagpakitang-gilas ang mga paslit sa kanilang kaalaman sa pagsagot ng mga tanong ukol sa tamang nutrisyon. Itinanghal na champion si Theseus Yohan Primero mula Cluster 1.
"NCD ay Kontrolado kung Maagap Tayo"
Ang RHU I ay nagconduct ng bagong information campaign, ang "NCD ay Kontrolado kung Maagap Tayo," sa lahat ng 47 barangays sa catchment area nito. Ito ay upang tulungang makaiwas ang ating mga kababayan sa kumplikasyon ng mga non-communicable disease (NCD) gaya ng stroke, paralysis, hypertension, at dialysis. Ang IEC ay nag-umpisa noong July 22 at magtatapos sa August 31, at ang RHU ay nakapagtala ng 285 participants as of July 27.
Nutri-Online Photo Contest Year 2
Sa ikalawang pagkakataon, muling naglunsad ng isang photo contest online ang Nutrition Office para sa lahat ng pamilyang Bayambangueño bilang parte ng pagdiriwang ng Nutrition Month 2022. Ito ay isang weekly photo collage contest kung saan ipinost ng mga kalahok sa kanya-kanyang Facebook account ang kanilang entry. Ipinakita nila ang iba't-ibang paraan ng mga pamilya kung paano napanatili ang tamang nutrisyon sa panahon ng pandemya. Ang mga nagwagi ay nakatanggap ng cash prize.
Mga BNS, Nagtagisan sa Pagkanta sa Nutrition Month Culmination Program
Noong Hulyo 29, ginanap sa Events Center ang Culminating Activity para sa pagtatapos ng selebrasyon ng 48th Nutrition Month. Dito ay kinilala ang nagsipagwagi sa iba't-ibang patimpalak na ginanap bilang parte ng pagdiriwang. Bilang pangwakas na aktibidad, nagkaroon ng tagisan sa pag-awit ang mga Barangay Nutrition Scholars, kung saan nangibabaw ang tinig ni Gng. Perla Tuliao, na nanalo ng P3,000 cash prize.
EDUCATION
First Gentleman, Nagdonate ng P5M sa Bayambang Polytechnic College
Pagkatapos ng flag-raising ceremony, tinanggap ni Mayora Niña Jose-Quiambao kasama sina Bayambang Polytechnic College President, Dr. Rafael L. Saygo, Vice-Mayor IC Sabangan, Sangguniang Bayan members, at Municipal Treasurer ang limang milyong piso na donasyon ni dating Mayor, Dr. Cezar T. Quiambao, para sa Bayambang Polytechnic College. Ito ang magsisilbing start-up fund ng naturang paaralan upang magbigay ng oportunidad sa mga kabataang Bayambangueño na makapagtapos sa pag-aaral sa kolehiyo lalo na sa mga in-demand na kurso.
Tatlong Classroom sa Bascos ES, Pinasinayaan ni Mayor Niña at ng Rotary Club
Pormal nang itinurn-over ng Rotary Club of Bayambang at Rotary Club of Kangji-Tamjin (Korea) ang joint project nilang pagtatayo ng tatlong bagong classroom sa Bascos Elementary School sa Brgy. Manambong Parte. Dumalo si Mayor Niña Jose-Quiambao, Vice Mayor IC Sabangan, at Councilor Jose Ramos sa turnover ceremony na inorganisa ng bagong presidente ng Rotary na si Maribel Barlaan. Lubos ang pasasalamat ng school principal na si Ms. Lily Luz Corpuz at ang PSDS na si Dr. Mary Joy Agsalon sa lahat ng nainvolve sa construction project kabilang na ang Kasama Kita sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation.
Former Mayor CTQ, Pinarangalan ng LSB at DepEd Bayambang
Sa 3rd Quarter Meeting ng Local School Board noong July 12 sa Niña's Cafe, ginawaran ng parangal si LSB Chairman, former Mayor Cezar Quiambao sa kanyang masigasig na pagsisilbi bilang Chairman ng Local School Board ng Bayambang at sa napakaraming ginawa nitong tulong sa sektor ng edukasyon.
Mayora Niña, Idodonate Din ang Suweldo sa LSB
Sa naturang pagpupulong din, inanunsiyo ni Mayor Niña Jose-Quiambao na ipagpapatuloy niya ang sinimulan ng dating mayor: ang pag-donate ng buong sweldo nito bilang alkalde sa Special Education Fund para mas matugunan ang pangangailangan ng mga guro at mag-aaral sa mga lokal na paaralan.
BPC, Isa nang Accredited Training Facility
Isa nang accredited training facility ang Bayambang Polytechnic College (BPC) matapos matanggap ni BPC President, Dr. Rafael L. Saygo, ang sertipikasyon ng kolehiyo mula sa TESDA. Sa ngayon, ang BPC ay nagooffer ng training sa Computer Systems Servicing (NC II) at Electrical Installation and Maintenance (NC II), dalawang kursong maaaring matapos sa loob lamang ng 35 to 45 days. Antabayanan na lamang ang detalaye ng enrollment sa mga darating na araw.
LIVELIHOOD& EMPLOYMENT
Estrella, Sponsor ng Latest TUPAD Payout
Mayroon muling ginanap na payout para sa TUPAD program ng DOLE o Tulong Pangkabuhayan para sa Ating Displaced Workers, salamat sa Deputy Speaker ng ABONO Partylist at ngayon ay Department of Agrarian Reform Secretary, Conrado Estrella III. Ang payout ay inorganisa ng Municipal Public Employment Services Office noong July 5 sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. May 1,290 na Bayambangueño ang naging benepisyaryo na mula sa 77 barangays at nauna nang kinunan ng datos ng DOLE sa nakalipas na profiling activity.
DOLE, Namahagi ng Livelihood Package para sa Single Parents
Noong July 8 ng hapon, namahagi ang DOLE Central Pangasinan Field Office I, sa pakikipag-ugnayan sa PESO ng isang pangkabuhayan package para sa mga solo parent. Ang programa ay tinaguriang FreeBis o free bisikleta livelihood package, na may kasamang marketable goods at cell phones. Layunin ng proyekto na tumulong sa mga single parents sa pamamagitan ng oportunidad gaya ng ambulant vending ng mga produktong pagkain. May 15 na benepisyaryo ang tumanggap ng nasabing ayuda sa distribusyong ginanap sa PSU Aldana Gymnasium.
OTHER SOCIAL SERVICES
Batang may Sakit sa Puso, Ipinagamot ng MAC
Isang batang Bayambangueño ang sinaklolohan ng Mayor's Action Center (MAC) sa pagpapaopera ng kanyang puso. Siya ay si Vince Villanueva ng Brgy. Sanlibo na may sakit na coronary heart disease, ventricular septal defect, at patent ductus arteriosus. Ang bata ay matagumpay na naoperahan noong May 12, 2022 sa Philippine Heart Center dahil sa agarang pagresponde ng MAC sa ilalim ni Gng. Jocelyn Espejo, matapos dumulog ang magulang ng bata sa kanilang tanggapan. Kasalukuyan nang nagpapagaling at bumabawi ng lakas si Vince sa kanilang tahanan.
ERPAT Program ng DSWD, Muling Idinaos
Muling idinaos ang Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities Training (ERPAT) program ng DSWD sa mga barangay ng Tatarac, Dusoc, Wawa, at Amanperez, simula Marso hanggang Hulyo. Sa pangunguna ng MSWDO, nakilahok ang 91 na mga tatay sa apat na barangay. Layunin nito na mag-organisa ng mga asosasyon ng mga tatay na tutulong sa pagpapalakas ng mga pamilya at sa pagsusulong ng mga adhikain ng ERPAT sa pamayanan kagaya ng positibong pagdidisplina, pagpapatibay ng kanilang ispiritwalidad at pagsulong sa pag-iwas sa masasamang bisyo. Ito ay naging posible sa tulong ng PNP, DSWD FO I, at Agriculture Office.
Rotary Club, Nagsagawa ng Outreach Activity sa Tambac
Noong July 1, ang Rotary Club of Bayambang ay naglunsad ng aktibidad na tinaguriang "Alay sa Kabataan," sa Sitio Balangobong, Brgy. Tambac, sa pamumuno ni President Maribel Barlaan, kasama si Vice-Mayor IC Sabangan, retired teacher Fredora Victorio, at Tambac barangay officials. Ang grupo ay namahagi ng face masks, alcohol, sabon, tsinelas, at mga damit sa mga kabataan sa lugar. Ang mga batang musmos ay tinuruan ng magandang asal at pagdarasal at saka pinagmeryenda ng masustanyang pagkain.
MANGOs, Kabi-kabila ang Aktibidad
Di paaawat ang Municipal Association of NGOs sa paggawa ng mga proyekto bilang pantapat sa mabuting pamamahala ng bagong-upong Team Quiambao-Sabangan. Dahil ang buwan ng Hulyo ay Crime Prevention Month, parte ng kanilang naging aktibidad noong July 2 ay isang lecture at information dissemination on crime prevention sa tulong ni PSSG Vina de Leon ng PNP. Nagkaroon din silang muli ng clean-up drive at supplemental feeding para sa mga kabataan ng ANCOP Ville sa Brgy. Sancagulis. Nanguna siyempre ang overall organizer na si MANGO President Vilma Dalope kasama ang iba't-ibang MANGO member organizations, MSWDO, Sancagulis Barangay Council, at marami pang iba, with special participation of Vice-Mayor IC Sabangan.
Mabanglo, Bagong FSCAB President
Noong July 6, nagdaos ng eleksyon ang Federation of Senior Citizens Association of Bayambang sa St. Vincent Prayer Park Pavilion na dinaluhan ng 77 Barangay FSCAB Presidents. DIto ay inihalal na bagong Presidente si Gng. Iluminada J. Mabanglo ng Brgy. Cadre Site at Bise-Presidente naman si G. Alberto J. Ramos ng Brgy. Buenlag 1st.
MANGOs Blood Donation Drive, Nakalikom ng 118 Bags ng Dugo
Ang Bayambang Municipal Association of Non-Governmental Organizations, kaagapay ang Kasama Kita sa Barangay Foundation, Red Cross Dagupan Chapter, si Vice Mayor IC Sabangan, at iba pang mga kasamahan ay muling nagsagawa ng bloodletting activity, na may kasama pang free blood sugar testing, free check-up, distribution of free medicines and vitamins, at lecture-demonstration on first aid and CPR sa Balon Bayambang Events Center noong July 10. 118 bags ng dugo ang nalikom, 57 patients ang nagpa-test ng blood sugar, at 100 patients naman ang nabigyan ng libreng gamot at bitamina.
LGBTQI Members, Nagpabonggahan sa Kanilang Gala Night
Nagdaos ng gala night ang Bayambang LGBTQI Association noong July 9 sa Events Center. Pinangunahan ang okasyon ni LGBTQI Association President, Sammy Camorongan Lomboy, at mga kasamahang opisyal upang ipagdiwang ang Pride Month at ipahiwatig ang kanilang supporta at pagmamahal kay Mayor Niña Jose-Quiambao.
44th NDPR Week
Lahat ng PWDs ay imbitadong makilahok sa Art and Singing Competition, bilang parte ng 44th National Disability Prevention and Rehabilitation Week, sa temang "Pamahalaan, Kabalikat sa Pagtupad ng Pantay na Edukasyon, Trabaho at Kabuhayan, Tugon sa Pagpapalakas ng Taong May Kapansanan"!
4Ps Parent Leaders, Sumali sa Pagsasanay
Noong July 15, nag-organisa ang MSWDO at DSWD ng isang Parent Leader Training sa Balon Bayambang Events Center. Ito ay sinalihan ng 215 na Parent Leaders ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Kabilang sa mga naging paksa ang Leadership Management, Gender Sensitivity, RA 11310 o 4Ps Act, at Convergence of Programs and Services. Ang Parent Leaders ang tumatayong lider ng grupo ng 4Ps sa kanilang barangay
Batang May Cleft Palate, Ipinagamot ng MAC
Isa na namang bata ang natulungan ng Mayor’s Action Center, sa pamamagitan ng pagpapagamot ng bingot o cleft palate nito. Siya ay si Lee Manalang ng Brgy. Hermoza. Nagpapasalamat ang mga kaanak ng bata kay Mayor Niña Jose-Quiambao at sa buong Mayor’s Action Center team ni Gng. Jocelyn Espejo.
Mga PWD, Nagpamalas ng Iba't-Ibang Abilidad
Hindi hadlang ang kapansanan upang makapamuhay ng may dignidad at maipamalas ang angking galing sa anumang larangan. Ito ay pinatunayan ng ating mga PWDs noong July 19, sa pagdaraos ng isang Art and Singing Competition ng MSWDO para sa kanila, bilang parte ng pagdiriwang ng 44th National Disability Prevention & Rehabilitation Week. Sa okasyong ito ay kinumusta nina Councilor Benjie de Vera at Councilor Philip Dumalanta ang mga PWD. Ang mga nagwagi ay nakatanggap ng mga cash prizes mula sa MSWDO.
Anim na PWD, Nakatanggap ng Prosthetic Legs at Braces
Anim na PWD ang tumanggap ng prosthetic leg at leg braces na handog ng Niña Cares Foundation at Kasama Kita sa Barangay Foundation, kasama si Congresswoman Rachel Arenas, Sangguniang Bayan members at LGU Bayambang. Ang mga benepisyaryo na tinulungan ng Mayor's Action Center ay mula sa iba't-ibang barangay. Ang isang prosthetic leg ay nagkakahalaga ng P40,000, at ang leg braces naman ay nagkakahalaga ng P60,000. Nanguna sina Mayor Nina Jose Quiambao, Vice-Mayor IC Sabangan, at mga Municipal Councilor sa turnover ceremony. Naroon din sina KKSBFI COO Romyl Junio, KKSBFI Social Worker Lerma Padagas, at MAC head Jocelyn Espejo.
Libreng Merienda, Nagbigay-Sigla sa Umaga
Noong July 22 at July 25, nakiisa ang Municipal Association of NGOs (MANGOs) sa inisyatibong feeding program ng PNP-Bayambang sa ilalim ni OIC Chief PLtCol Jim F. Helario kaugnay ng pagdiriwang ng 27th Police Community Relations Month. Ang pamimigay ng libreng merienda sa umaga ay nagbigay ng sigla sa mga dumadaang pedestrian sa harap ng Municipal Plaza. Kasama sa pasurpresang ito iba't-ibang member volunteer organizations ng MANGOs, kasama sina Vice-Mayora IC Raul Sabangan at Councilor Philip Dumalanta.
Salamat, Radiant Balon Bayambang Eagles Club!
Ang Nutrition Office ay nagpapasalamat sa bagong donasyon ng Radiant Balon Bayambang Eagles Club sa pangunguna ni Atty. Raymundo Bautista Jr. para sa isang indigent family sa Zone IV. Ang nalikom na pondo ng Eagles Club ay ipinambili ng grocery package para sa pamilya. Nakatakda ring ipagamot ng opisina ang sanggol na anak na may karamdaman gamit ang natirang pondo. Mula sa LGU-Bayambang, maraming salamat po, Radiant Balon Bayambang Eagles Club!
PEACE AND ORDER & PUBLIC SAFETY
POSO at PNP, Laging Nakaantabay para sa Area Security at Crowd Control
Ang Gabi ng Pasasalamat concert na hatid ng Team Quiambao-Sabangan ay matagumpay na naidaos nang walang anumang 'di inaasahang insidente, salamat sa masusing paghahanda at pagmamatyag ng PNP at POSO. Para rito at katulad na iba pang malakihang pagtitipon, laging nakahanda ang POSO traffic enforcers at security force upang siguraduhin ang area security at crowd control. Nakaantabay rin ang dalawang ambulansya upang makatulong at makapagbigay ng paunang lunas kung may di inaasahang sakuna. Nakamonitor naman ang mga CCTV operators bilang tagasubaybay at taga-ulat ng anumang iregularidad. Nasa likod din ang iba pang departamento para sa Emergency Operations Center sa pangunguna ng MDRRMO, at naka-alerto rin ang RHU, GSO, Solid Waste, at maging ang BFP.
Police Community Relations Month, Ipinagdiwang ng PNP at Force Multipliers
Bilang parte ng pagdiriwang ng 27th Police Community Relations Month, nagsagawa ang PNP-Bayambang, kasama ang iba’t ibang private volunteer groups, ng isang clean-up drive at feeding program noong July 12. Adbokasiya ng programa na mahubog ang pamayanan na maging disiplinado at ligtas para sa bawat Bayambangueño.
Mayor Niña, Nagpatawag ng Meeting Ukol sa Rape Cases
Agad na nakipagpulong si Mayora Niña Jose-Quiambao sa Bayambang Municipal Police Station sa Mayor’s Conference Room noong July 28, matapos malamang tumataas ang kaso ng rape sa bayan. Naroon sa pulong sina MLGOO Royolita Rosario, Liga ng mga Barangay President Rodelito Bautista, at Sangguniang Kabataan Federation President, Gabriel Fernandez. Doon ay pinag-usapan ang mga programa na maaaring ipatupad upang hindi na tumaas ang kaso nito sa Bayambang at mga paraan kung paano mapaiigting ang pangangalaga sa kaligtasan ng bawat Bayambangueño.
Panawagan ukol sa Bilad na Mais sa Daan, Inaksyunan
Binigyan pansin ang isang panawagan ng isa nating kababayan mula sa Brgy. Wawa noong ika-23 ng Hulyo ukol sa patuloy na pagbibilad ng mais ng ating mga kababayan sa national road na maaaring pagmulan ng aksidente. Kaya’t agad na nagsagawa ng isang road clearing ang POSO at PNP sa nasabing barangay. Kinausap din ng buong puwersa ang mga residente ng Brgy. Wawa na malapit sa national road upang masabihan na ipinagbabawal ang pagbibilad ng mais sa highway.
AGRICULTURAL MODERNIZATION
DA-BFAR I, Nag-validate ng Inland Fisheries
Noong July 13, nagtungo ang Department of Agriculture - Bureau of Fisheries and Aquatic Resources I kasama ang Agriculture at Assessor's Office sa mga barangay ng Tanolong, Macayocayo, at Maigpa upang magsagawa ng validation sa mga na-dredge na inland fisheries doon matapos magrequest ang mga mangingisda ng tilapia fingerlings for dispersal sa mga nasabing palaisdaan.
MAO, Nag-Price at Product Monitoring sa Merkado
Lingguhan kung mag-ikot ang Municipal Agriculture Office sa Pamilihang Bayan ng Bayambang upang magsagawa ng price at product monitoring. Ito ay sa pagpapatuloy ng hakbang na sinimulan noong Marso 2020 nang magkaroon ng pandemya, upang masigurong ligtas ang mga produktong kinukonsumo ng mga mamimili at upang maiwasan ang overpricing. Ito ay pinangunahan nina Municipal Agriculture and Fisheries Council President Resie Castillo, Price Monitoring Focal Person Anthony Pinzan, at Gng. Irene Paningbatan ng Social Economic Enterprise.
Blood Sampling para sa Yellow Zone ASF Status
Noong July 14, muling nagsagawa ng blood sample collection ang livestock team ng MAO sa pangunguna ni Dr. Joselito Rosario, kasama si Dr. Sigrid Agustin ng Provincial Veterinary Office, sa mga alagang baboy na nasa ilalim ng Sentinel Program ng DA-RFO I. Isinagawa ang pagkolekta 40 days matapos matanggap ang naturang mga baboy ng 15 beneficiaries sa iba't-ibang barangay. Ang resulta ng blood sampling ang gagawing basehan upang ang bayan ay maideklara na mula Pink Zone to Yellow Zone sa ASF, na indikasyon na mas lalong humihina ang insidente ng naturang sakit sa distrito.
Farmers' Presidents, Pinulong
Noong July 20, ipinatawag ng Municipal Agriculture Office ang mga Farmers' President ng bawat barangay upang mapag-usapan ang mga nakahanay na programa at proyekto ng opisina para sa mga magsasaka. Sila ay nagbigay din ng kanilang mga suhestiyon kung paano maiimplementa ang mga ito sa kani-kanilang barangay. Pagkatapos ng pulong, nakatanggap naman sila ng tig-iisang galon ng Guano Queen Foliar Fertilizer mula sa mismong bulsa nina Mayora Niña Jose-Quiambao at former Mayor, Dr. Cezar Quiambao.
PhilRice, Inassess ang RiceBIS Project sa Tampog
Dumating noong July 28 ang PhilRice sa Bayambang upang iassess and implementasyon ng RiceBIS project nito sa Brgy. Tampog. Doon ay tinalakay ni Senior Rice Researcher Joel Pascual, katulong si Jordan Junio ng Agriculture Office, ang kahalagahan ng alternate wet and dry season planting at ang koneksyon nito sa iba't-ibang factors sa pagtatanim. Tinalakay din ang tungkol sa mga peste sa sakahan at mga natural enemies ng mga ito sa ilalim ng Integrated Pest Management.
150,000 Fingerlings, Inilagak sa 3 Barangays
Noong July 29, inilagak ng Agriculture Office katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang 150,000 tilapia fingerlings sa Inland Fishery Development Project ng LGU sa mga barangay ng Tanolong, Macayocayo, at Maigpa. Ito ay isa lamang sa proyekto ng lokal na pamahalaan na buhayin ang mga palaisdaan sa bayan upang magbigay hanapbuhay sa mga Bayambangueño. Ang mga fingerlings ang hiningi ng MAO mula pa sa opisina ng BFAR sa Muñoz, Nueva Ecija.
2nd Cycle ng Hog-Raising, Nag-umpisa Na
Noong July 21, nagkaroon ng meeting sa Brgy. Langiran para sa bagong beneficiaries’ ng hog-raising project. Dahil sa naging positive outcome ng project, inilunsad ang pangalawang cycle nito sa naturang barangay. Layunin ng programa na pataasin ang produksiyon ng karneng baboy habang binubuhay namang muli ang dati nang livelihood ng mga benepisyaryo na nasalanta ng African swine flu noong nakaraang mga taon. Mayroong 53 katao ang nakatakdang makatanggap ng alagang baboy, sa proyekto na pinagtulungan ng BPRAT, DA/MAO, MSWDO, Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc., Unahco, at DCS Trading.
INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT
Pantol-to-San Gabriel 2nd FMR, Sisimulan Na!
Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao at First Gentleman, Dr. Cezar Quiambao, ang symbolic groundbreaking para sa Pantol to San Gabriel 2nd Farm-to-Market Road (FMR) sa isang seremonya na ginanap sa San Gabriel 2nd Elementary School Covered Court noong July 4 pa rin, kasama sina Vice Mayor Ian Camille C. Sabangan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at mga representante mula sa Department of Agriculture. Ang FMR with bridge na ito na magdudugtong sa Brgy. Pantol ay magpapaiksi ng biyahe mula dito hanggang sa Poblacion area ng Bayambang mula isang oras hanggang sa 15 minuto na lamang. Ang FMR ay may habang 1.87 kilometro at ang tulay ay may habang 61.5 meters, at ang 80% ng halaga ng proyekto na P126.478-million ay magmumula sa grant ng World Bank.
ONGOING -- Construction of Multi-purpose Covered Court at Brgy. Bacnono under 2022 20% Development Fund
ONGOING -- Construction of Multi-purpose Covered Court - Phase 1 at Brgy. Manambong Sur under 2022 20% Development Fund
ONGOING -- Desilting and declogging of drainage system at Brgy. Zone II
Ongoing: Construction of Multi-purpose Covered Court - Phase III at Brgy. Wawa
Continuation of the Construction of Drainage System at. Zone III
Installation of Solar Panels Off Grid at Brgy. Sanlibo Police Community Precinct
Installation of Solar Panels Off Grid at the Poblacion Police Community Precinct
UPDATE | JKQ Hospital
Training on Water Supply and Sanitation Plan
Noong July 20 at 21, umattend ang mga miyembro ng Technical Working Group (TWG) ng LGU sa isang online Training on the Preparation of Municipal Water Supply and Sanitation Master Plan (MWSSMP) Phase 2 - Sector Planning sa Conference Room ng RHU I. Layunin ng training na mapalawig ang kapasidad ng mga miyembro ng TWG sa larangan ng pagpaplano at paggawa ng programa para sa sustainable water supply and sanitation. Partikular na tinutukan ang formulation ng LGU Municipal Water Supply and Sanitation Master Plan ayon sa mga goals ng Philippine Water Supply and Sanitation Master Plan.
ENVIRONMENTAL PROTECTION
Clean-up Drive at Preparation Work sa San Gabriel II
Ilang araw bago ang event na ito ay nagsagawa naman ng clearing at cleaning operation ang MDRRMO, kasama ang Solid Waste, SEE, Engineering, Nutrition, barangay officials, at barangay school officials sa San Gabriel II Elementary School grounds. Nagsagawa rin ng iba pang preparation work ang GSO at ang BPRAT staff sa ilalim ni Dr. Rafael L. Saygo para sa naturang event.
ESWMO, Tuloy ang Pagkolekta ng Segregated na Basura
Parte ng regular na aktibidad ng ESWMO para sa kalinisan ng bayan ay ang magkolekta ng mga naipong basura sa mga Materials Recovery Facility kapag itinawag na ito ng mga opisyal ng barangay. Paalala lamang ng opisina: ayon sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay dapat maayos na na-segregate ang basura upang ito ay makolekta.
Bali-balin Bayambang, Inilunsad
Bilang parte ng kanyang pangako na paglinis at pagpapaganda ng bayan, inilunsad ni Mayora Niña Jose-Quiambao ang programang ‘Bali-Bali’n Bayambang’ kung saan tinatawagan ang bawat Bayambangueño na alagaan ang kapaligiran. Upang mahikayat na makiisa ang bawat residente, magkakaroon ng malawakang clean-up drive kada linggo, at mamimili ng ‘Cleanest Barangay’ kada buwan. Ang magwawagi dito ay tatanggap ng labinlimang libong piso mula sa sariling bulsa ng alkalde. Kasabay ng paglunsad ng programa ay inanunsyo ni Mayor Quiambao na magkakaroon ng bagong garbage truck ang LGU-Bayambang na magpapalawig ng pagkolekta ng basura sa mas maraming barangay. Salamat sa donasyon, former Mayor Cezar T. Quiambao!
ESWMO, Dinalaw ng Isang Environmentalist Youth Group
Noong July 15, isang youth NGO ang nag-Lakbay-Aral sa Material Recovery Facility ng ESWMO. Ito ay ang Echo for Eco, isang environmentalist group na binubuo ng mga kabataang taga-Bayambang at Dagupan City. Ang grupo ay nakinig sa isang lecture at itinour sa buong pasilidad ng MRF. Ipinakita sa kanila ang mga makinarya na pag-aari ng LGU na ginagamit ng solid waste management sa waste diversion. Ipinakita rin sa kanila kung paano ang pagproseso ng mga nabubulok na basura upang maging pataba ng lupa.
Market Staff, Nagtraining sa Environmental Law Enforcement
Noong July 20, nagbigay ng training ang team ng Ecological Solid Waste Management Office (ESWMO) sa mga staff ng Public Market. Dito ay ipinaala-ala sa mga Market staff ang tamang pagpapatupad ng batas ukol sa kalikasan at waste disposal, ayon sa mga panuntunang nakapaloob sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Nagsilbing trainor ang ESWMO Chief of Enforcement Team na si G. Reny Junio sa nasabing pagsasanay, na ginanap sa Aguinaldo Hall ng Balon Bayambang Events Center.
Monitoring para sa Bali-Balin Bayambang, Nag-umpisa Na
Nag-umpisa na ang ESWMO sa pagmomonitor sa mga barangay kada Sabado para sa Bali-Balin Bayambang cleanliness project ni Mayora Niña. Hinati ang staff ng departamento sa limang team upang mag-ikot sa 77 barangays at mag-evaluate ng mga isinasagawang clean-up drive kada barangay.
DISASTER RESILIENCY
MDRRMO, Nag-Information Drive para sa National Disaster Resilience Month
Nagpamahagi ng information-education campaign (IEC) materials ang MDRRMO sa 77 barangays at 64 public at private schools bilang pakikiisa sa National Disaster Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo. Ito ay upang magkaroon ng kamalayan ang bawat Bayambangueño sa National Disaster Resilience Month na ipinagdiriwang taun-taon. Kasabay ng pamamahagi ng IEC materials ay ang monitoring ng mga early warning bells na ibinahagi noong nakaraang taon sa 77 barangays. Layunin nito na masiguradong handa at ligtas ang lahat ng barangay kasama ng kanilang nasasakupan kung sakaling magkaroon ng sakuna at kalamidad. Ang taong 2022 ay may temang "Sambayanang Pilipino, Nagkakaisa tungo sa Katatagan at Maunlad na Kinabukasan."
MDRRMO, Nagdaos ng Barangayan sa Bayambang
Bilang parte ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong Hulyo na may temang "Nagkakaisa tungo sa Katatagan at Maunlad na Kinabukasan," naglunsad ang MDRRMO ng Facebook Live coverage ng Barangayan sa Bayambang, kung saan nagkaroon ng mga kwelang parlor games para sa mga residente kasama ang opisyales ng barangay habang isinusulong naman ang awareness ng mga participants ukol sa kahandaan sa panahon ng sakuna.
LGU ICS 1 Finishers, Nag-Level Up sa ICS 2
Ang mga LGU department heads at key staff na matagumpay na nakatapos ng Basic Training on Incident Command System ay nag-level-up na sa ICS 2. Sa face-to-face training a inorganisa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para sa mga department heads at staff, kabilang ang PNP at BFP, naging trainor ang Office of Civil Defense Region 1 para sa “Integrated Planning on Incident Command System (Level 2),” noong July 18-22 sa Kabaleyan Cove Resort, Brgy. Magkating, San Carlos City, Pangasinan. Ang training ay may pitong 7 module na tumalakay sa halaga at papel ng Planning Section, paggawa ng forms at documents at pagprocure ng supply, ang papel ng Resource and Demobilization Unit, Situation Unit, at Documentation Unit, at ang transfer of command at closeout.
IEC on Disaster Prevention, Nagpatuloy
Namahagi ang MDRRMO ng mga information materials kung ano ang mga dapat gawin sa mga kaso ng sunog, baha at lindol. Ang mga materyales ay ipinamahagi sa 77 barangays at saa lahat ng 64 na pribado at pampublikong paaralan sa Bayambang. Ang information, education, at commnication campaign na ito ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng 2022 National Disaster Resilience Month.
Disinfection at Decontamination, Muling Isinasagawa
Muli na namang tumataas ang mga kaso ng covid sa Bayambag, kaya kailangan na ipagpatuloy ang disinfection at decontamination activities ng MDRRM Office sa lahat ng LGU offices gabi-gabi upang matiyak ang kaligtasan ng LGU workstations at public service centers. Bukod dito, nagsasagawa rin ang tanggapan ng workstation air purification sa loob ng walong oras tuwing Linggo. Ang lahat ng ito ay preventive measures para mapigilan ang pagkalat ng covid-19 sa mga LGU offices. Kaya't paalala ng MDRRMO sa lahat na huwag maging kampante at ugaliin pa ring iobserba ang mga minimum public health standard.
LGU Safety Officers, Nag-training sa Fire Safety
Noong July 26, nag-organisa ang MDRRMO ng training sa Basic Fire Safety and Firefighting using Fire Extinguisher sa Pavilion II ng St. Vincent Ferrer Prayer Park para sa lahat ng designated Safety Officer ng bawat LGU department at unit. Naging tagapagsanay ang Bayambang Bureau of Fire Protection sa ilalim ni SFO4 Randy S. Fabro. Mahalagang malaman ng mga safety officers kung paano maapula ang apoy kung sakaling magkaroon ng insidente ng sunog sa loob ng Munisipyo.
Emergency Meeting Ukol sa Lindol
Noong July 28, nagpatawag si Mayor Nina Jose Quiambao ng isang emergency meeting sa upang talakayin ang tungkol sa naganap na 7.3 magnitude na lindol noong July 27. Sa pag-oorganisa ng MDRRMO, nagtipon ang iba't-ibang concerned departaments, agencies, at private sector representatives sa Mayor's Conference Room upang pag-usapan ang mga post-disaster damage and needs assessment at pre-disaster risk assessment para sa mga posibleng aftershocks.
Iba't-Ibang Departamento, Naka-alerto Matapos ang Lindol
Kaugnay nito, kaagad na umaksyon ang iba't-ibang departamento at ahensya ng gobyerno matapos ang lindol. Nagtulung-tulong ang MDRRMO, Engineering, BFP, PNP at POSO upang malaman ang estado ng ating mga kababayan at kung anu-anong damages ang maaaring naidulot ng lindol. Sa pag-inspeksyon ng Engineering Office ay mga minor cracks lamang ang nakita sa mga istruktura. Kaagad namang nirepair ng POSO ang mga CCTV cameras na nagshutdown dahil sa pagyanig, at iginabay ang mga nabiglang motorista sa daan.
AWARDS & RECOGNITION
KKSBFI, Wagi Muli sa Literacy Awards
Ang Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. ay muling nagwagi ng award mula sa DepEd, ang annual National Literacy Awards, regional level. Ang foundation na itinatag ni dating mayor, Dr. Cezar Quiambao, noong 2004 ay ilang beses nang nanalo dahil sa Sustainable Literacy and Livelihood Program (SLLP) nito na pinakikinabangan ngayon ng libu-libong learners at unemployed na Bayambangueño. Kaya't congratulations muli kina Dr. Quiambao, Mayor Niña Jose-Quiambao, at Chief Operations Officer Romyl Junio, at ang buong KKSBFI team!
No comments:
Post a Comment