Monday, August 22, 2022

History of Barangay Del Pilar

 History of Barangay Del Pilar

Noong dekada 1950. Dito sa bayan ng Bayambang, Probinsya ng Pangasinan ay naging bakante ang ama ng Bayan. Kung kaya’t nagpulong pulong agad ang konseho ng bayang ito at naghanap agad kung sino ang karapat-dapat na maupo bilang ama o tinatawag na Mayor ng bayang ito.
Sa panahon na iyon walang mapili ang mga opisyales kung kaya’t pinili na lamang nila si Don Numeriano G. De Castro bilang abogado.
Tinanggap naman ni Don Numeriano ang ini atas ng mga konseho ng Bayambang. Bilang pagiging aktibo nya bilang Mayor, nakita nya ang maraming kakulangan sa bayang ito. Kaya ang unang hakbang na proyekto nya ay itayo ang monument ni Dr. Jose Rizal sa plaza o tinatawag na Patso ng Bayan.
Ang sumunod na proyekto ni Don Numeriano ay ang pagkakakilanlan sa bawat lugar upang madaling matukoy ng mga dayo o mga bisitang mapapasyal sa bayan. Kung anong mga kalye.
Kaya’t naisipan ni Don Numeriano G. De Castro pangalanan ang isang kalye sa bayan na M.H. Del Pilar sa kadahilanan na ang mga tao’y nagkakaisa at matapang pero mababait. Kaya simula ngayon tinawag ng “BARANGAY M.H. DEL PILAR” at hanggang ngayon sama-sama at tulungan pa rin ang mga tao dito.

No comments:

Post a Comment