Ang Alamat ng Wawa
Noong unang panahon gustong-gusto ng mga taong tumira sa malapit sa ilog dahil doon sila nakakakuha ng kanilang ikinabubuhay. Halos lahat ng kalalakihan ay pangingisda ang kanilang hanapbuhay. Dumaan ang maraming taon at araw na walang pangalan ang kanilang pook na tinitirhan. Dahil sa pangingisda ang hanapbuhay ng halos lahat, palaging maraming tao sa ilog. Kapansin-pansin din na maraming itim na ibon na nagtatampisaw sa ilog at maingay sila. Akala mo mga tao na nag-uusap dahil sa kanilang ingay, na ang maririnig mong tunog ay hindi matapos-tapos na wa-wa-wa-wa.
Isang umaga, may isang taong nagtanong kung ano ang pangalan ng lugar. Halos hindi sila magkaintindihan ng kausap sa ingay na gawa ng mga ibon. Dahil sa ingay nila, hindi niya naintindihan. Tumawa lang ang taong nagtanong at nagwikang “ay wala pala!” Inisip na yung tunog ng mga ibon, iyon na ang pangalan.
Kaya mula noon, Wawa na ang tawag sa lugar na ito.
Sourced from: Bayambang Public Library
No comments:
Post a Comment