History of Barangay Caturay
Noong unang panahon ang narinig ko sa mga matatanda ay napakarami raw ng punong kahoy ng katuray na nakatanim sa lugar na ito at dahil ang karamihan ng mga tao sa lugar na ito ay magsasaka ang hanapbuhay, kinakailangan nilang putulin ang iba’t ibang punong kahoy upang makapagtanim. Karamihan pala ng mga punong kahoy na ito ay katuray.
At ayon sa mga matatanda dahil sa napakaraming puno ng katuray dito, kaya isinunod na rin nila ang pangalan ng lugar na ito sa “KATURAY” at ang barangay na ito sa kalaunan ngayon ay tinawag na “CATURAY” dahil sa maraming punong kahoy ng Katuray na nakatim dito noon. At hanggang ngayon ay naaalala pa rin ng mga taga rito na tawaging CATURAY ang lugar na ito.
No comments:
Post a Comment