History of Barangay Batangcaoa
Noong unang panahon, ayon sa kwento ng mga matatansa(?), ang pangalang Barangay Batangkawa/Batangcaoa, ay nagsimula sa kwentong:
Noong araw daw ay may isang matandang lalaki na nagmamay-ari ng isang malaking kawa, na nakatira sa isang liblib na lugar. Hanggang isang araw, ay may bata na umakyat sa mataas na puno ng kahoy kung saan ang malaking kawa ay nasa tapat nito, at bigla na lamang ang bata ay nahulog sa malaking kawa at nasambit na lamang ng matandang lalaki na “AY BATANGKAWA” na ibig niyang sabihin ay batang kawawa.
At nagpasalinsalin ang kwentong ito, hanggang sa maging ganap na itong isang komunidad na tinawag na Barangay Batangkawa/Batangcaoa.
No comments:
Post a Comment