History of Barangay Darawey
Pagkatapos lumikha ng mundo, ang DIYOS ay lumikha din ng isang babae at isang lalaki na titira sa Eden. Ang lahat ng nakikita sa magandang harden ng Eden ay may kanya-kanyang na binigay na pangalan mapahayop man o halaman. Ngunit ang bawat komunidad sa mundo ay hindi binigyan ng pangalan.
Ito ay nabigyan ng pangalan sa pamamagitan ng nakita at pangyayari ganap. Ito ay simula ng kwento ng aming baryo. Ang aming baryo noon ay isang maliit na baryo lamang noon. May dalawang magkapatid na nakatira sa baryong ito. Silang dalawa ang nakadiskubre ng mga halaman sa gilid ng ilog at ito ay napakadami at ang halaman na ito ay isang WEY na halaman na pwedeng gawing lubid at ang dalawang magkapatid yun ang kanilang naging hanap buhay kaya ang pangalan ng aming baryo ay naging DARAWEY dahil sa dalawang magkapatid dalawa “dara” at “wey” na halaman at pinagsama nila at naging DARAWEY. Simula noon at ngayon, nakilala ang aming barangay bilang Barangay DARAWEY.
No comments:
Post a Comment