Monday, August 22, 2022

HISTORY OF BARANGAY REYNADO

 HISTORY OF BARANGAY REYNADO

Ang salitang REYNALDO ay nanggaling sa mayamang pamilya na nagmamay-ari ng lupa, si Gng. Remedios Reynado. Ang Reynado ay itinatag noong 1917. Ito ay may isang daang taon (100 years) na. Ang unang TENYENTE DEL BARRIO nito ay si Ginoong Rufo Raguindin. Si Ginoong Rufino Raguindin. Si Ginong Nato Sabangan naman ay nagpagawa ng Brgy. Hall/Road Concreting siya rin ay ang nagpagawa ng Chapel. Ito ay itinatag noong 1995. Siya rin ay naging Punong Barangay ng Reynado at naging Councilor ng Bayambang. Ang Patron Saint ng Reynado ay itinawag na OUR LADY OF MANAOAG. May Festival na pinagdiriwang ang Reynado taon-taon ito ay ang FIESTA. Ginaganap ito ng ika 22-23 ng April. Dito ay kanya kanyang naghahanda ang bawat mamayan ng Reynado. Sa pangalawang araw ng FIESTA ay may tradisyon ang Reynado na ilibot ang kanilang Patron Saint. At ito ay ang santo ng Our Lady of Manaoag. May sayawan din na nagaganap sa unang araw ng FIESTA. At ito ay dinadaluhan ng lahat. Binubuo ng limang (5) purok/sitio ang Reynado. Ito ay mga Purok 1, Purok 2, Purok 3, Purok 4, at Purok 5. Sa bawat purok ay may mga namumuno sa Sangguniang Barangay. Dito rin ay may mga katoliko at iba naman ay Iglesia ni kristo. Ang pangunahing pananim ng Reynado ay Palay, Mais, at Sibuyas. Ito ay may kanya kanyang panahon sa pagtatanim. Ang mais at sibuyas ay panahon ng tag init at ang palay naman ay panahon ng tag-ulan.

No comments:

Post a Comment