Monday, March 2, 2026

LGU Bayambang Awards 2026

 Mga RHU, Muling Humakot ng Parangal sa Health Summit

 Muling nagbigay karangalan sa bayan ang RHU matapos nilang mag-uwi ng iba’t ibang parangal sa 15th Provincial Health Summit at LGU Scorecard Awarding na ginanap noong January 16 sa Calasiao, Pangasinan. Kinilala ang Bayambang bilang Champion sa Epidemiological Surveillance Unit, Annual Operational Plan, at Mental Health Program, habang Runner-Up naman sa Health Promotions at Maternal Health Programs.


Medalya ng Kadakilaan, Ipinagkaloob sa Hepe ng PNP-Bayambang

Pinarangalan ng Medalya ng Kadakilaan (o PNP Heroism Medal) si PLtCol Rommel Bagsic, Acting Chief of Police ng Bayambang Municipal Police Station, at si PSSg Albert Junio bilang pagkilala sa kanilang husay, dedikasyon, at matagumpay na resolusyon ng isang kaso ng pagpatay noong taong 2025. Iginawad ang parangal sa Lungsod ng San Fernando, La Union. Ang pagkilalang ito ay patunay ng kanilang matibay na paninindigan sa katarungan, paghahari ng batas, at tapat na paglilingkod sa mamamayan ng Bayambang.


Bayambang MPS, Best Municipal Police Station (Class A) Nationwide!

Itinanghal ang Bayambang Municipal Police Station sa ilalim ni PLtCol. Romel Bagsic bilang Best Municipal Police Station (Class A category) nationwide, sa ginanap na PNP Day Celebration 2026 sa Camp Crame, Quezon City! Ito matapos makapagtala ng 89.80% performance rating ang PNP-Bayambang. …Patunay ng mataas na antas ng propesyonalismo, mahusay na pamumuno, at epektibong pagpapatupad ng mga programa sa kapayapaan at kaayusan ng bayan sa ilalim ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

 

LGU-Bayambang, Muling Kinilala ng ATI-RTC I

Muling ginawaran ang LGU-Bayambang ng isang Plaque of Recognition mula sa DA-Agricultural Training Institute–Region I noong February 11, bilang pagkilala sa aktibong pakikilahok at suporta nito sa mga programa at pagsasanay para sa mga magsasaka at Agricultural Extension Workers sa Rehiyon Uno. Tinanggap ng Municipal Agriculture Office ang parangal bilang patunay ng patuloy na dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng makabago at sustenableng agrikultura sa bayan.

 

Bayambang, 4th Runner-up sa DSWD Video Contest

Nagwagi bilang 4th Runner-up ang entry ng LGU-Bayambang out of 41 entries ng lalawigan sa “Juana Malakas: Stories of Women Empowerment Advocacy Video” ng DSWD, bilang bahagi ng National Women’s Month celebration. Ang entry ay base sa inspiring na kwentong buhay ni Christien P. Garcia, isang winning Barangay Nutrition Scholar at graduating 4Ps member mula sa Brgy. Zone 6.

 

PESO, Umani ng 3 Parangal!

Pinarangalan ang PESO-Bayambang ng tatlong pagkilala sa 2026 Regional PESO Congress, kabilang ang Regional Winner – Job Fair Excellence Award at dalawang Special Citation para sa digitalization ng serbisyo at maayos na pagsusumite ng ulat para sa CY 2025. Patunay ito ng epektibong pagpapatupad ng mga programang pang-empleyo ng Pamahalaang Bayan sa ilalim ni SLEO Gernalyn Santos at sa pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao.






LGU-Bayambang, Nagtamo ng 98.13% sa CFLGA 2025

Nakamit ng LGU-Bayambang ang mataas na 98.13% na marka sa 2025 Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) ng DILG, patunay ng matatag nitong adbokasiya para sa kapakanan ng mga bata. Ipinapakita ng resulta ang epektibong pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa proteksyon, kalusugan, edukasyon, at pangkalahatang kaunlaran ng kabataang Bayambangueño.


Bayambang LCPC, Kinilalang “Ideal” sa 93.66% Rating

Nakapagtala ang Local Council for the Protection of Children (LCPC) ng Bayambang ng 93.66% na marka at kinilalang “Ideal” sa isinagawang audit ng DILG noong taong 2025. Sumasalamin ito sa mahusay na pagpapatupad ng mga polisiya at programang nagtitiyak ng kaligtasan at proteksyon ng mga bata sa komunidad.



LCAT-VAWC ng Bayambang, “Highly Functional” sa 104 Rating

Itinuring na “Highly Functional” ang Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) ng Bayambang matapos makapagtala ng 104 na marka sa audit ng DILG. Patunay ito ng masigasig at sistematikong pagtugon ng lokal na pamahalaan laban sa trafficking at karahasan sa kababaihan at mga bata.



Bayambang, Nagtala ng Pinakamataas na Operating Income sa Rehiyon Uno

Nanguna ang Bayambang sa lahat ng munisipalidad sa buong Rehiyon Uno matapos makapagtala ng ₱463.62 milyong pisong operating income batay sa ulat ng Buraeu of Local Government Finance o BLGF para sa ikatlong quarter ng 2025. Ito ay pruweba ng mahusay na pamamahala sa pananalapi ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng administrasyon.


No comments:

Post a Comment