COVERED 1.
15,005
Bayambangueños, Sabay na Nagsepilyo! 2.
Oral
Health Month 2026 Kick-off, Napuno ng Aktibidad! 3.
Clearing
Operation, Isinagawa sa Central School 4.
LCRO, Rumatsada sa Tambac, Bacnono, at Tanolong 5.
Career Development Support Program, Isinagawa 6.
Mga
CSO, May Medical Mission at Feeding Activity 7.
Financial
Guidelines for Senior Citizen Associations, Pinagtibay sa Pulong 8.
Bali-Balin
Bayambang Team, Naglibot sa District 4 9.
Data
Capture para sa Upgraded Service Card, Sinimulan! 10. Pangasinan Brotherhood-USA at
Bayambang Association of Southern California, Nag-feeding Activity at Medical
Mission 11. CSOs, Nagpamahagi ng Gulay at
Nag-feeding Activity sa Sancagulis 12. Solid Waste Office, Nag-info Drive sa
MDRRMO 13. 78 Bayambang CDCs at CDWs, 100%
Accredited Na! 14. BPC, Mga Wheelchair, Ipinagkaloob sa
mga PWD at Senior Citizens 15. Ipinakilala ang Unang 92 Graduates;
P15-M Donasyon, Tinanggap 16. PSU Student Journalists, Media Partner
sa Town Fiesta 2026 17. 286 OJT at Work Immersion Students,
Tinanggap ng LGU 18. Winning Athletes, Binigyan ng Reward
ni Mayor Niña 19. Mga Mahahalagang Isyu, Tinalakay sa
Pulong ng mga Kapitan 20. Mga Plano sa Women’s Night, Inilatag 21. Kalusugan ng Ina at Sanggol, Tinalakay
sa Project Buntis Year 2 22. Unang Pulong ng GIS-TWG, Isinagawa 23. MDRRMO Staff, Nagtapos sa First Aid
Training 24. Itinatayong Youth Center, Ininspeksyon 25. SWM Fees at Ordinances, Tinalakay sa
mga Barangay Secretary 26. Pag-amyenda
sa AIP 2025 at 2026, Tinutukan ng MDC 27. Bali-Balin
Bayambang Committee, Nagmonitor sa District 2 28. Annual Budget Hearing ng SK,
Ipinagpatuloy 29. 71 Couples, Nag-isang-dibdib sa
Kasalang Bayan 2026 30. Dental Sealant Application, Isinagawa 31. LGU-Bayambang, Muling Kinilala ng
ATI-RTC I 32. Phil Assist at PESO, May Special
Recruitment Activity 33. Birth Certificates in SECPA,
Hatid-Bahay ng LCR! 34. Serbisyong Rehistro, Ramdam ng mga
Residente! 35. TFD, Nagpakalat ng Pagmamahal sa
Valentine's Day! 36. Annual Budget at AIP ng LGU, Aprubado
na ng SP! 37. PLEB, Nireconvene 38. Phil Assist at PESO, May Special
Recruitment Activity 39. Bagong HRM Officer, Kinumpirma 40. Mga Nasunugan, Kaagad Tinulungan 41. MDRRMO Staff at OJTs, Nagdonate ng
Dugo 42. Isang PWD na Inatake ng Sakit, Nirescue 43. MNAO-Bautista, Naglakbay-Aral 44. Mga Empleyado ng LGU, May Libreng Uniporme Muli! 45. SSS on Wheels, Narito Muli! GCash Payments,
Posible Na! 46. Exit Conference para sa ECCD Assessment,
Isinagawa 47. Mayor Niña at SATOM, Pinangunahan ang
Unang ExeCom Meeting 48. Civil
Services Caravan, Dinagsa sa Sapang 49. Mayor Nina, Guest Speaker sa DSPC 50. Monitoring
Team ng BBB, Dumiretso sa Distrito Otso 51. MDRRMO, Dumalo sa DOST S&T
Innovation Week 52. TFD, Namahagi ng TODA ID sa Trike
Drivers 53. S.E.E. Eco-aides, Nag-clean-up Drive
sa Central School 54. Civil Registration Awareness Program,
Dinala sa San Vicente, Sapang, at Ataynan 55.
Proposed School Building Project sa
Amancosiling, Tinalakay! 56.
Orientation at Registration ng mga Residente
sa Community Service Card at GCash, Nag-umpisa Na! 57.
9 CDCs, Nagtagisan sa Toothbrushing Corner
Contest 58.
Public Hearing ukol sa Revised Revenue at
Market Codes, Isinagawa 59. 77 Barangays, Drug-Cleared ayon sa
PDEA 60.
Ongoing Construction ng BPC, Binisita! 61. GSO ng Calasiao, Nagbenchmarking sa
GSO-Bayambang 62. Orally Fit Children, Pinarangalan 63. Joint LCPC, LCAT-VAWC, at MAC Meeting,
Ginanap 64. SK Budget Hearing, Nagpatuloy 65. Mobile Info Drive ng LCR, Nagpatuloy
sa Beleng 66. Info Drive Kontra Teenage Pregnancy at
Suicide, Inilunsad ng RHU II 67. UPLB, Muling Naghatid ng Biotech
Program sa Bayambang 68. Unang Araw ng GAD Training Workshop,
Ginanap 69. BPSO, Patuloy ang Agarang Pagresponde
sa Road Incidents 70. LCR, Nagpatuloy ng Info Drive at
Mobile Services sa Tamaro 71. Slaughterhouse, Pinulong ang Meat
Vendors at Butchers 72. Bayambang, 4th Runner-up sa DSWD Video
Contest 73. PESO, Umani ng 3 Parangal!
SUMMARY OF LGU
ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT EDUCATION
FOR ALL - (LSB,
Library, DepEd) BPC,
Ipinakilala ang Unang 92 Graduates; P15-M Donasyon, Tinanggap Ipinakilala
ng Bayambang Polytechnic College ang unang 92 graduating students at OJTs
nito noong Pebrero 9, kasabay ng pagtanggap ng 15.3 milyong pisong donasyon
mula kina Dr. Cezar Quiambao at Mayor Niña para sa tuition mahigit na ng
1,100 na mag-aaral. Ayon kay BPC President, Dr. Rafael Saygo, patunay ito na
ang paaralan ay isang instrumento para sa magandang kinabukasan ng kabataang
Bayambangueño. Winning
Athletes, Binigyan ng Reward ni Mayor Niña Bilang
pagkilala sa mga student athletes na nag-overall champion sa SDO1 Athletic
Association Meet 2026 at nag-uwi ng 127 na medalya, naghandog si Mayor Niña
ng mga insentibo at pa-premyo, kabilang ang treat sa Niñas Cafe, 1,000-peso
cash bawat atleta, at free tickets sa Blue Sky Theme Park. Mayor
Nina, Guest Speaker sa DSPC
Proposed School
Building Project sa Amancosiling, Tinalakay! Isang proposed school
building project sa Amancosiling Elementary School ang tinalakay noong
February 20 sa pagitan ng DPWH 4th District, DepEd Pangasinan, at
LGU-Bayambang. Ang panukala ay dalawang palapag na gusaling may apat na
silid-aralan na nagkakahalaga ng sampung (P10) milyong piso, bilang dagdag na
pasilidad ng paaralan. Nakatakdang magsilbing implementing unit ang LGU, na
sasailalim muna sa evaluation at validation bago ang paglagda sa tripartite
MOA at pagsisimula ng bidding at implementasyon ng proyekto. Ongoing Construction
ng BPC, Binisita! Kamakailan, binisita
ni Bayambang Polytechnic College President Dr. Rafael Saygo ang ongoing
construction ng academic building ng kolehiyo, upang inspeksyunin ang
progreso nito. Inaasahang matatapos ang apat na palapag na gusali na may 32
classrooms sa Nobyembre 2026, kasabay ng pagtatapos ng unang batch ng mga
mag-aaral, kabilang ang maraming first-generation learners. Sa Bayambang,
tunay ngang ang mga ipinapangako ay naisasakatuparan kahit na ang mga
pinakamatatayog na pangarap. HEALTH
FOR ALL -
Health (RHUs) 15,005
Bayambangueños, Sabay na Nagsepilyo!
Oral
Health Month 2026 Kick-off, Napuno ng Aktibidad! Noong
February 4 naman, isingawa ang pormal na kick-off activities para sa ng Oral
Health Month bilang pagpapakita ng patuloy na adbokasiya ng LGU sa oral
health ng mamamayan. Naging tampok sa aktibidad ang isang motorcade mula St.
Vincent Ferrer Prayer Park hanggang Balon Bayambang Events Center,
educational exhibit, at mass fluoride application, na layong palakasin ang
kamalayan ng publiko sa wastong pangangalaga ng ngipin. ...Dahil ang maagang
edukasyon sa oral health ay mahalagang puhunan para sa mas malusog na
kinabukasan. CSOs,
Nagpamahagi ng Gulay at Nag-feeding Activity sa Sancagulis Noong
February 5, nagpamahagi ng libreng gulay sa Brgy. Sancagulis ang Gabriel
Medical Clinic at Gabs Pharmacy at Coop-venience Store sa pakikipag-ugnayan
sa Nutrition Office. Kasabay nito, nagsagawa rin doon ng feeding activity ang
Rotary Club of Bayambang bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa kalusugan at
nutrisyon. Kalusugan
ng Ina at Sanggol, Tinalakay sa Project Buntis Year 2 Muling
isinagawa ang Project Buntis seminar ngayong taon bilang bahagi ng 2026 Oral
Health Month sa pangunguna ng PDA Pangasinan Chapter katuwang ang mga RHU.
Ito ay dinaluhan ng mga buntis at first-time moms sa JKQ Medical &
Wellness Center. Tinalakay ng mga eksperto ang mahahalagang usapin sa
maternal, newborn, at pediatric care, nutrisyon, at oral health, kasabay ng
pamamahagi ng libreng baby toothbrush at nutrition goodie bags. Dental
Sealant Application, Isinagawa Bilang
parte pa rin ng pagdiriwang ng Oral Health Month, nagsagawa ng isang dental
sealant application sa mga mag-aaral ng Hermoza at Sanlibo Elementary School
noong February 12, sa tinaguriang "Project Molar." Ito ay naging
posible sa pagtutulungan ng mga RHU, Philippine Dental Association-Pangasinan
Chapter, DOH CHD Region 1 -- na nagpadala ng dental bus, at mga dentista ng
DepEd. May kabuuang 246 na estudyante ang nabiyayan ng libreng dental sealant
sa aktibidad na naglalayong iiwas ang ating mga kabataan sa tooth decay. Orally
Fit Children, Pinarangalan Kinilala
ang mga batang may pinaka-malulusog na ngipin, sa ginanap na awarding
ceremony para sa Orally-Fit Child 2026 bilang culminating activity ng Oral
Health Month noong February 25. Ito ay upang itaguyod ang tamang pangangalaga
sa oral health. Ang aktibidad ay pinangunahan ng RHU sa pakikipagtulungan ng
Philippine Dental Association – Pangasinan Chapter, kasama ang suporta ng mga
guro, magulang, at health workers. Info
Drive Kontra Teenage Pregnancy at Suicide, Inilunsad ng RHU II Isang
information drive kontra teenage pregnancy at suicide ang muling inilunsad ng
RHU II noong February 24 at 25 sa A.P. Guevarra Integrated School at Ambayat
Integrated School. Ito ay dinaluhan ng 630 na mag-aaral mula Grades 7to 12.
Layunin ng programa na mapigilan ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy at
suicide sa bayan, matapos maitala ang 27 cases ng maagang pagbubuntis at 5 na
kaso ng suicide noong nakaraang Enero. -
Nutrition (MNAO) MNAO-Bautista,
Naglakbay-Aral
-
Sports and Physical Fitness (MPFSDC) -
Veterinary Services (Mun. Vet.) –
Slaughterhouse PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN -
Social Services (MSWDO, MAC) Mga CSO, May Medical Mission at Feeding Activity A. Noong January 31,
isang medical mission ang isinagawa sa Brgy. Macayocayo ng Bayambang Matikas
Eagles Club, Gabriel Medical Clinic, at Gabs Pharmacy & Convenience
Cooperative Store, at mga boluntaryong doktor, sa pakikipag-ugnayan sa
Nutrition Office. B. Naghatid naman ng
masustansiyang pagkain sa mga bata ang isang feeding activity na isinagawa
noong February 1 sa Brgy. Sancagulis, ng Gabriel Medical Clinic at Gabs
Pharmacy & Convenience Cooperative Store sa koordinasyon ng pa rin ng
MNAO. Financial Guidelines for Senior Citizen Associations, Pinagtibay sa
Pulong
78
Bayambang CDCs at CDWs, 100% Accredited Na!
Mga
Wheelchair, Ipinagkaloob sa mga PWD at Senior Citizens Ipinamahagi
ng PDAO, gamit ang pondo mula sa PWD Fund, ang mga bagong wheelchair sa ilang
PWD at senior citizens noong February Kabilang
dito ang isang adult wheelchair na nakadisenyo para sa may cerebral palsy.
Ito ay bahagi ng patuloy na programa ng LGU para sa mas maayos na mobilidad
at kalidad ng pamumuhay ng mga benepisyaryo. Mga
Plano sa Women’s Night, Inilatag Tinalakay
ng lokal na pamahalaan ang mga pinal na paghahanda para sa Women’s Night
Celebration 2026 sa isang pagpupulong na ginanap noong February 10, bilang
bahagi ng Women’s Month Celebration. Pinangunahan ni Dr. Roland Agbuya ang
pulong, kung saan inayos ang daloy ng programa, mga tungkulin ng bawat
departamento, budget, at iba pang detalye para sa selebrasyong nakatakdang
ganapin. Isang
PWD na Inatake ng Sakit, Nirescue
Exit
Conference para sa ECCD Assessment, Isinagawa Noong
February 18, isang exit conference ang isinagawa para sa external assessment
ng ECCD Centers at Workers ng Bayambang. Dito ay inilahad ang resulta ng
naging evaluation na nagresulta sa 100% passing rate. Tinalakay rin dito ang
mga rekomendasyon upang higit pang mapahusay ang kalidad ng ECCD services sa
Bayambang. 9 CDCs, Nagtagisan sa
Toothbrushing Corner Contest Matagumpay na
naisagawa noong February 19 ang “Bright Smiles” Creative Toothbrushing Corner
Contest bilang bahagi ng Oral Health Month Celebration 2026. Dito ay
nagtagisan ang siyam na Child Development Centers upang itaguyod ang wastong
pagsesepilyo at oral health habits ng mga bata. Susuriin ang mga kalahok para
sa iba’t ibang gantimpala at iaanunsyo ang mga nanalo sa darating na Awarding
& Culminating Activity. Joint
LCPC, LCAT-VAWC, at MAC Meeting, Ginanap Sa
pinagsanib na 4th quarter meeting ng LCPC, LCAT-VAWC, at MAC, mas pinaigting
ang koordinasyon ng iba’t ibang ahensya at sektor sa pamamagitan ng
pagtalakay sa pagpapahusay ng case management system, paghahanda para sa
CFLGA at LCPC Functionality Assessment, at pagrerepaso ng accomplishment
reports. Tinalakay din ang mga update sa implementasyon ng 4Ps at Sustainable
Livelihood Program, at iba pang programa, proyekto, at aktibidad upang
matiyak ang mas maayos at epektibong serbisyo para sa mga kabataan, kababaihan,
at pamilyang 4Ps sa Bayambang. Unang
Araw ng GAD Training Workshop, Ginanap Noong
February 23, ginanap ang unang araw ng 3-day Training-Workshop ukol sa
Integrated Planning, Budgeting, and Implementation ng Gender and Development,
para sa mas inklusibo at gender-responsive na pamamahala. Tinalakay ni OIC
MPDC Ricky Bulalakaw ang ukol sa Integrated Planning, at ni MSWD Officer
Kimberly Basco ang Mainstreaming Gender in LGU Plan and Budget. - Civil
Registry Services (LCR) LCRO, Rumatsada sa Tambac, Bacnono, at Tanolong
Birth
Certificates in SECPA, Hatid-Bahay ng LCR! Noong
February 10, ngiti at pasasalamat ang hatid sa 20 na residente nang personal
na ihatid ng LCRO sa kanilang tahanan ang kanilang Birth Certificates in
Security Paper (SECPA). Libre at walang anumang gastos ang serbisyong ito na
late registration of birth para sa mga residente ng walong barangay. Hindi na pumila, hindi na bumiyahe—serbisyo na mismo
ang lumapit sa kanila! Serbisyong
Rehistro, Ramdam ng mga Residente! Noong
February 11 at 13, naman, dinagsa ng mga magulang at senior citizen ang
programang “Your Name, Your Right” sa Brgy. Batangcaoa at Maigpa. Bukod sa
libreng kaalaman, tugmang-tugma rin sa pangangailangan ng publiko ang mga
serbisyong inihatid, kabilang ang late registration ng birth, marriage, at
death; correction of clerical errors; at iba pa. May 16 na residente rin ang
tumanggap ng kanilang Birth Certificate in SECPA, kasabay ng isinagawang data
capturing para sa bagong Community Service Card sa tulong ng ICTO. Civil Services Caravan, Dinagsa sa Sapang
Civil
Registration Awareness Program, Dinala sa San Vicente, Sapang, at Ataynan
Orientation at
Registration ng mga Residente sa Community Service Card at GCash, Nag-umpisa
Na! Nag-umpisa nang
dagsain ng mga residente ang orientation ng LGU at GCash ukol sa financial
literacy, kasabay ng registration na rin para sa upgraded Community Service
Card. Noong February 20, ginanap ang naturang aktibidad para sa mga farmers
mula sa iba’t ibang barangay, sa pakikipagtulungan ng GCash sa PSA, ICTO,
MPDO, MAO, at LCRO, na kung saan nakapagtala ng 704 registrations. Sa
kabuuan, mayroon nang 1,826 tayong mga kababayan na registered sa upgraded
Community Service Card. Tuluy-tuloy ang aktibidad na ito bilang parte ng
digitalization sa bayan ng Bayambang. Mobile
Info Drive ng LCR, Nagpatuloy sa Beleng Idinaos
sa Brgy. Beleng noong February 24 ang programang “Your Name, Your Right” ng
LCRO, na naghatid ng kaalaman at agarang serbisyong may kinalaman sa civil
registry at legal na pagkakakilanlan sa mga residente. At sa pamamagitan ng
mobile services kabilang ang data capture para sa upgraded Community Service
Card, mas napabilis ang pagproseso ng dokumento at pati na magiging
pag-access sa mga benepisyo ng pamahalaan. LCR,
Nagpatuloy ng Info Drive at Mobile Services sa Tamaro Noong
February 26, nagpatuloy ang LCR sa Brgy. Tamaro upang tiyakin ang paghatid ng
mga impormasyon ukol sa civil registration at legal na pagkakakilanlan,
kasabay ng mobile services ng tanggapan. Tampok din ang data capture ng 41 na
residente para sa upgraded Community Service Card. -
Environmental Protection (MENRO, ESWMO) Bali-Balin Bayambang Team, Naglibot sa District 4
Solid
Waste Office, Nag-info Drive sa MDRRMO
SWM
Fees at Ordinances, Tinalakay sa mga Barangay Secretary Sa
buwanang pulong ng mga Barangay Secretary noong February 11, tinalakay ni
MENRO Ma-Lene Torio ang Solid Waste Management (SWM) fees at mahahalagang
lokal na ordinansa. Kabilang sa binigyang-diin ang pagpapatupad ng ordinansa
laban sa single-use plastics at styrofoam, at ordinansa ukol “Bali-balin
Bayambang” at “Tapat Ko, Linis Ko” programs. Bali-Balin
Bayambang Committee, Nagmonitor sa District 2 Naglibot
ang Bali-Balin Bayambang Committee sa mga barangay ng District 2 noong
February 11 bilang bahagi ng pagpapatuloy ng clean-green-and-bloom project ni
Mayor Niña. Dalawang monitoring team ang bumisita sa Brgy. Bongato East and
West; Manambong Norte, Parte, at Sur; San Gabriel 2nd; Paragos;
Iton; at Pantol, upang iassess ang pakikiisa ng mga opisyal at residente, ang
kalinisan at kaayusan ng kapaligiran, at ang compliance ng mga programang
pangkalikasan sa bawat lugar. Monitoring Team ng BBB, Dumiretso sa Distrito Otso
Clearing
Operation, Isinagawa sa Central School Noong
January 30, nagsagawa ng isang clearing operation sa lumang Bayambang Central
School ang MDRRMO, Engineering Office, at ESWMO, bunsod ng natumbang puno na
nagdulot ng panganib sa isang classroom doon. Kasabay nito ang pagtanggal ng
lumang poste ng street lights upang bigyang-daan ang paglalagay ng solar
street lights sa lugar. - Youth
Development (LYDO, SK) Itinatayong
Youth Center, Ininspeksyon Ininspeksyon
ng mga kinatawan ng DILG Pangasinan ang itinatayong Youth Center o Teen Hub
sa Municipal Plaza bilang paghahanda sa pormal nitong pagbubukas. Ang
proyektong pinondohan ng Seal of Good Local Governance Incentive Fund 2024 ng
DILG na nagkakahalaga ng mahigit isang milyong piso ay sumailalim sa final
inspection upang tiyakin ang pagsunod sa pamantayan at kahandaan ng
pasilidad. Inaasahang magsisilbi itong ligtas at makabuluhang espasyo para sa
iba’t ibang aktibidad ng mga kabataan. - Peace
and Order (BPSO, PNP, DILG) Mga
Mahahalagang Isyu, Tinalakay sa Pulong ng mga Kapitan Noong
February 9, pinulong ang lahat ng 77 punong barangay ng Bayambang upang
talakayin ang mahahalagang isyu, kabilang ang reporma sa 4Ps, kapakanan ng
senior citizens, at paghahanda para sa darating na Barangay at SK Elections
sa November 2. Tinalakay rin ang wastong paggamit ng pondo para sa senior
citizens, pagpapatupad ng Anti-Epal Ordinance, at mga hakbang sa maayos na
waste management. TFD,
Nagpakalat ng Pagmamahal sa Valentine's Day! Sa
halip na pangamba, ngiti at pasasalamat ang natanggap ng mga motorista mula
sa Task Force Disiplina ng LGU-Bayambang nitong Araw ng mga Puso. Sa halip na
manita, namahagi sila ng simpleng regalo at token bilang simbolo ng
pagmamahal at malasakit sa komunidad. PLEB,
Nireconvene
TFD,
Namahagi ng TODA ID sa Trike Drivers
77
Barangays, Drug-Cleared ayon sa PDEA Idineklara ng
Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na drug-cleared na ang 77 barangays
ng Bayambang, bunga ng pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga ng LGU
at ng PNP–Bayambang. Pinuri ng pamahalaang lokal ang mahusay na koordinasyon
ng kapulisan at mga barangay sa pagpapanatili ng kaayusan at pagpapatupad ng
mga programa upang mapanatili ang drug-cleared status ng mga komunidad. BPSO,
Patuloy ang Agarang Pagresponde sa Road Incidents
AGRICULTURAL
MODERNIZATION - (MAO) UPLB,
Muling Naghatid ng Biotech Program sa Bayambang Muling
dinala ng UPLB-BIOTECH ang BEACONS Program nito sa Bayambang upang palakasin
ang sustainable agriculture sa pamamagitan ng paggamit ng biotechnology-based
products. Kabilang dito ang biofertilizers, plant growth regulators, at
biostimulants na nagpapabuti at nagpapataas ng ani at nagpapababa ng gastos
sa pagsasaka. Sila ay nagsagawa ng mga site visit, technical consultation, at
lecture-demonstration para sa mga magsasaka at farmer organizations. JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL - Livelihood
and Employment (PESO, BPRAT) Career
Development Support Program, Isinagawa
286
OJT at Work Immersion Students, Tinanggap ng LGU Tinanggap
ng LGU ang 286 OJT at work immersion students mula sa PSU, BPC, at Bilad
National High School sa isang orientation program na pinangunahan ni Mayor
Niña. Nagbigay rin ng gabay ang Municipal Administrator at PESO officials
upang ihanda ang mga mag-aaral sa aktuwal na mundo ng trabaho at serbisyong
pampubliko. Phil
Assist at PESO, May Special Recruitment Activity Nagsagawa
noong February 12 ang Phil Assist Life Manpower Corp. ng Special Recruitment
Activity kasama ang PESO-Bayambang. Sila ay nakapagbigay ng trabahong
pang-ibang bansa sa mga Bayambangueñong manggagawa, kabilang ang mga
propesyonal at may kasanayan. Phil
Assist at PESO, May Special Recruitment Activity Nagsagawa
noong February 12 ang Phil Assist Life Manpower Corp. ng Special Recruitment
Activity kasama ang PESO-Bayambang. Sila ay nakapagbigay ng trabahong
pang-ibang bansa sa mga Bayambangueñong manggagawa, kabilang ang mga
propesyonal at may kasanayan.
S.E.E.
Eco-aides, Nag-clean-up Drive sa Central School
Slaughterhouse,
Pinulong ang Meat Vendors at Butchers Pinulong
ng Municipal Slaughterhouse ang mga lokal na meat vendors at butchers noong
February 26 upang palakasin ang kanilang kaalaman sa food safety, wastong
paghawak ng karne, at pagsunod sa mga umiiral na pamantayan ng meat
inspection sa tulong ng NMIS RTOC 1. Sa pamamagitan ng information-education
campaign, higit na napaigting ang koordinasyon at kamalayan ng mga meat
handlers para matiyak ang ligtas at dekalidad na karne para sa mga
Bayambangueño. - Cooperative
Development (MCDO) - Tourism,
Culture, and Arts (MTICAO) PSU
Student Journalists, Media Partner sa Town Fiesta 2026 Malugod
na tinanggap ng mga regional award-winning student-journalist ng The
Reflector ng PSU–Bayambang ang imbitasyon ng LGU na magsilbing media partner
para sa news coverage ng Pista’y Baley 2026. Sa pulong noong February 10,
tinalakay ang mga aktibidad ng pista at ang tamang pag-uulat ng mga ito.
- Infrastructure
Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.) DISASTER
RESILIENCE - (MDRRMO) MDRRMO
Staff, Nagtapos sa First Aid Training Ang
mga kawani ng MDRRMO ay muling sumailalim sa Standard First Aid and Basic
Life Support Training mula Febuary 2 to 6, upang higit pang mapalakas ang
kahandaan ng mga rescuer bilang first responders. Sa pamamagitan ng lectures,
hands-on practicum, at simulation exercises, hinasa ang kaalaman at kasanayan
ng mga kalahok sa agarang pagtugon sa aksidente at iba’t ibang emergencies. Mga
Nasunugan, Kaagad Tinulungan
MDRRMO
Staff at OJTs, Nagdonate ng Dugo
MDRRMO,
Dumalo sa DOST S&T Innovation Week
MDRRMC,
Nagconduct ng Rescue Operations para sa Insidente ng Pagkalunod Noong
February 26 at 27, ang MDRRM Council, sa pangunguna ng MDRRMO, ay agad na
nag-activate ng WASAR Team at para sa mabilis na search and retrieval
operations kaugnay ng insidente ng pagkalunod sa Brgy. Caturay. Bukod sa
agarang pagresponde at pagdadala sa survivor sa ospital, patuloy ring silang
nagbibigay ng psychological first aid at iba pang kinakailangang tulong sa
mga survivor at naulilang pamilya habang ipinagpapatuloy ang paghahanap sa
huling nawawala. HONEST
& EFFICIENT PUBLIC SERVANTS - Planning
and Development (MPDO) Pag-amyenda sa AIP 2025 at 2026, Tinutukan ng MDC Sa isang pulong, tinutukan ng Municipal Development
Council (MDC) ang mga panukalang pag-amyenda sa Annual Investment Program
(AIP) 2025 at 2026 upang higit na maiangkop ang mga proyekto sa
pangangailangan ng mga barangay, lalo na sa imprastraktura at serbisyong
panlipunan. Nagkaroon din ng orientation para sa mga Punong Barangay hinggil
sa solid waste management ordinance, at pati na rin ang tungkol sa upgraded
Bayambang Community Service Card. - Legal
Services (MLO) - ICT
Services (ICTO) Data
Capture para sa Upgraded Service Card, Sinimulan!
Unang
Pulong ng GIS-TWG, Isinagawa Isinagawa
ang unang pulong ngayong taon ng Geographical Information System–Technical
Working Group sa pangunguna ng MPDO, na dinaluhan ng iba’t ibang tanggapan ng
munisipyo. Tinalakay dito ang mahalagang papel ng GIS sa land use planning,
development decision-making, at pagpapalakas ng digitization, kabilang ang
presentasyon sa paggamit ng Quantum GIS para sa locational clearance at
development permit applications. - Human
Resource Management (HRMO) Mga
Empleyado ng LGU, May Libreng Uniporme Muli! May 940
kawani ng LGU ang tumanggap ng libreng uniporme mula kina Dr. Cezar Quiambao
at Mayor Niña, sa tulong ng HRMO. Bahagi ito ng taunang suporta ng pamunuan
simula 2016 upang makatulong sa mga empleyado at mapalakas ang kanilang
serbisyo publiko. - Transparency/Public
Information (PIO) SSS on
Wheels, Narito Muli! GCash Payments, Posible Na! Nagbalik
ang SSS on Wheels ng Dagupan Branch sa Municipal Annex Bldg. upang ilapit ang
serbisyo ng ahensya sa mga Bayambangueño. Inanunsyo rin nila na maaari na
ngayong magbayad ng member ng contributions at loan payments sa SSS sa
pamamagitan ng GCash. Mayor
Niña at SATOM, Pinangunahan ang Unang ExeCom Meeting
-
Property Custodial Services (GSO, Motorpool) GSO
ng Calasiao, Nagbenchmarking sa GSO-Bayambang Bumisita
ang GSO ng Calasiao sa GSO-Bayambang para sa isang benchmarking activity na
naglalayong matutunan ang mga polisiya, sistema, at best practices sa
procurement, property management, at asset inventory. Sa pangunguna ng
kanilang mga opisyal, nagkaroon ng makabuluhang talakayan hinggil sa mga polisiya, workflow procedures, at
digital innovations upang higit pang mapahusay ang serbisyong pangkalahatan
ng kanilang tanggapan. AWARDS
AND RECOGNITIONS LGU-Bayambang,
Muling Kinilala ng ATI-RTC I Muling
ginawaran ang LGU-Bayambang ng isang Plaque of Recognition mula sa
DA-Agricultural Training Institute–Region I noong February 11, bilang
pagkilala sa aktibong pakikilahok at suporta nito sa mga programa at
pagsasanay para sa mga magsasaka at Agricultural Extension Workers sa Rehiyon
Uno. Tinanggap ng Municipal Agriculture Office ang parangal bilang patunay ng
patuloy na dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng makabago at
sustenableng agrikultura sa bayan. Bayambang,
4th Runner-up sa DSWD Video Contest Nagwagi
bilang 4th Runner-up ang entry ng LGU-Bayambang out of 41 entries ng
lalawigan sa “Juana Malakas: Stories of Women Empowerment Advocacy Video” ng
DSWD, bilang bahagi ng National Women’s Month celebration. Ang entry ay base
sa inspiring na kwentong buhay ni Christien P. Garcia, isang winning Barangay
Nutrition Scholar at graduating 4Ps member mula sa Brgy. Zone 6. PESO,
Umani ng 3 Parangal! Pinarangalan ang PESO-Bayambang ng tatlong pagkilala sa
2026 Regional PESO Congress, kabilang ang Regional
Winner – Job Fair Excellence Award at dalawang Special Citation para sa
digitalization ng serbisyo at maayos na pagsusumite ng ulat para sa CY 2025.
Patunay ito ng epektibong pagpapatupad ng mga programang pang-empleyo ng
Pamahalaang Bayan sa ilalim ni SLEO Gernalyn Santos at sa pamumuno ni Mayor
Niña Jose-Quiambao. LEGISLATIVE
ENACTMENTS - (SB) Annual
Budget Hearing ng SK, Ipinagpatuloy Sa
parehong araw, February 11, itinuloy ng Sangguniang Bayan ang pagdinig para
sa Annual Budget ng mga Sangguniang Kabataan mula sa 77 barangay. Iniharap ng
mga nakasalang na SK leaders ang kanilang mga nakaplanong programa at
proyekto para sa kasalukuyang taon, na nakatuon sa kapakanan ng kabataan at
komunidad. Binigyang-diin din sa pagdinig ang kahalagahan ng maayos na
pagpaplano, transparency, at wastong pamamahala ng pondo. Annual
Budget at AIP ng LGU, Aprubado na ng SP!
Bagong
HRM Officer, Kinumpirma
Public Hearing ukol
sa Revised Revenue at Market Codes, Isinagawa Isinagawa ng
Sangguniang Bayan ang isang pampublikong pagdinig ukol sa ipinanukalang
Revised Revenue Code at Revised Market Code noong February 21. Ito ay
dinaluhan ng iba’t ibang sektor upang talakayin ang mga bayarin, buwis, at
serbisyong saklaw ng mga ordinansa. Binigyang-diin dito ang wastong paggamit
ng nakokolektang buwis para sa mga programang panlipunan, habang nabigyan
naman ng pagkakataon ang mga kalahok na magbigay ng kanilang opinyon at
mungkahi para sa mas makatarungang pagpapatupad ng mga panukala. SK
Budget Hearing, Nagpatuloy Nagpatuloy
ang Sangguniang Bayan sa pagdinig para sa Annual Budget Hearing ng mga
Sangguniang Kabataan mula sa iba’t ibang barangay. Inilahad ng mga SK leader
ang kanilang mga panukalang programa at proyekto para sa 2026, na nakatuon sa
kapakanan ng kabataan at komunidad, habang binigyang-diin ang maayos na
pagpaplano, transparency, at responsableng paggamit ng pondo. |
|
Prepared by |
Certified by |
|
RESTY S. ODON PUBLIC
INFORMATION OFFICER |
DR. RAFAEL L. SAYGO MTICAO, HEAD |
No comments:
Post a Comment