Wednesday, March 11, 2026

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! - Accounting Trivia

 BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO!


BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO na ang accounting ay tinatawag na financial backbone ng Munisipyo, ang sistema ng pagre-record at pagmomonitor ng pera at iba pang pinansyal na transaksyon ng munisipyo, upang makatulong sa tamang pagpapasya at masiguro ang maayos at transparent na pamamahala ng pondo.


At alam mo ba? Ang Accounting Office ay my dalawamput dalawa (22) na empleyado, na pinamumunuan ni ginoong Flexner de Vera. 


Sa taong 2022 at 2024, ang LGU-Bayambang ay nakatanggap nang unqualified opinion. Ito ay nangangahulugang maayos, tama, at mapagkakatiwalaan ang financial statements ng Munisipyo ayon sa pagsusuri ng Commission on Audit.


At alam mo ba? Mayroon tayong mahigit apat na libong disbursement voucher na kumpleto, maayos, at alinsunod sa COA rules and regulations sa taong 2025. 


As of March 11, 2026, mayroon na tayong humigit kumulang isang libong disbursement voucher. Ang pondo na ginamit dito ay galing sa buwis ng bawat BayambangueƱo. 


At alam mo ba? Bilang paggunita nang Women’s Month Celebration, si Ginang Erlinda Alvarez, ang ating dating Municipal Accountant, ay ang pinaka-unang babaeng Certified Public Accountant ng Munisipyo. At si Ginang Rosa G. Martinez mula sa Barangay Accounting Unit ay ang pinakamatagal na babaeng empleyado na nanilbihan sa LGU. Siya ay nanilbihan ng tatlumput-siyam na taon.


Ang lahat ng ito Bayambang ay... dapat alam mo!


No comments:

Post a Comment