MONDAY REPORT – MARCH 30, 2026
INTRO:
[VOLUME, ENERGY, SMILE!]
1: Magandang araw, Bayambang! Ako po si ______, Kapitan ng
Brgy. __________.
2: At ako naman po si ______, Kapitan ng Brgy. __________.
1: Narito na ang mga pinakahuling balita at kaganapan sa
ating bayan.
2: Tampok ang iba’t ibang hakbang tungo sa kaunlaran.
1&2: Ito ang... BayambangueNews!
[MEMORIZE THE HEADLINES]
1.
DPWH Secretary Dizon, Binisita ang Wawa
Bridge
Bumisita si DPWH Secretary Vince
Dizon noong March 23 upang inspeksyunin ang konstruksyon ng Wawa Bridge,
kasunod ng personal na rekomendasyon ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Dinaluhan ito
ng mga opisyal, kabilang si Congresswoman Rachel Arenas, upang talakayin ang
teknikal na aspeto at kalagayan ng proyekto, at nang mapabilis ang pagtatayo ng
temporaryo at bagong tulay.
2.
Fire Safety Inspection at Lecture,
Isinagawa sa Iba’t Ibang Paaralan
Nagsagawa ang Bayambang Fire
Station ng isang serye ng fire safety inspection at fire safety lecture sa
iba’t ibang paaralan sa bayan bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa
kaligtasan laban sa sunog.Kabilang sa mga binisita para sa fire safety
inspection at lecture ang San Gabriel 2nd, Pangdel Elementary
School, Hermosa ES, Manambong Parte ES, Manambong Sur ES, at Ataynan ES at fire
safety lecture naman sa PSU-Bayambang Campus.
3.
Clean-Up Drive, Isinagawa sa Poblacion
Sur
Nagsagawa rin ang BFP ng clean-up
drive sa Brgy. Poblacion Sur bilang bahagi ng Fire Prevention Month.
Binigyang-diin na ang kalinisan at pagtanggal ng mga madaling magliyab na
basura ay mahalaga upang maiwasan ang sunog at mapalakas ang bayanihan sa
komunidad.
4.
Bayambang, Isa nang Testing Center ng PRC
Sa bisa ng isang Resolution na
inisyu ng Professional Regulation Commission, pormal na itinalaga ang bayan ng Bayambang
bilang isa sa mga testing center nito sa probinsya at rehiyon. Dahil dito, nailapit
ang isang mahalagang serbisyo ng naturang ahensya at ang oportunidad sa mga
propesyonal na Bayambangueño.
5.
TWG, Binuo upang Tutukan ang Epekto ng Middle
East Conflict
Binuo ni Mayor Niña
ang isang Technical Working Group upang tutukan ang mga usapin ukol sa mga
posibleng epekto ng kasalukuyang sigalot sa Middle East. Nagpulong ang grupo sa
unang pagkakataon noong March 23 at binuo ang isang contingency plan kaugnay
nito, lalo na posibleng senaryo at mga intervention sa antas ng LGU, barangay,
at sambahayan.
6.
BRPAT Social, Agri, at Environment Sectors,
Nag-update sa mga Programa
Tinalakay sa 1st Quarter Social
Sector Meeting ng BPRAT noong March 24 ang update ukol sa mga programang
pangkalusugan, agrikultura, edukasyon, kapakanan ng pamilya, at kalikasan, kasama
ang iba’t ibang ahensya. Kabilang sa mga imiungkahi ang home-based food
production activities, teenage pregnancy, rabies, sexual abuse, at marami pang
iba.
7.
BPSO Staff, Dumalo sa First Aid Training
Mula March 23 hanggang 27,
nagbigay ang BPSO ng Basic Life Support at Standard First Aid training para sa
mga kawani nito, upang palakasin ang kanilang kakayahan sa pagresponde sa
emerhensiya. Kabilang sa pagsasanay ang CPR, pagresponde sa choking, sugat at
bali, at tamang patient assessment upang maiwasan ang paglala ng kondisyon.
8.
Mga Bb. Bayambang, Nagrecruit para sa Mobile
Blood Drive
Nakiisa ang Bb. Bayambang 2026
candidates sa mobile blood donation drive ng RHU I noong March 23 sa Brgy.
Batangcaoa Covered Court, katuwang ang Philippine Red Cross–San Carlos City
Chapter. Dahil sa aktibong pag-recruit ng mga binibini ng mga blood donors, may
48 blood bags ang matagumpay na nakolekta.
9.
COA Exit Conference para sa LDRRM Fund at
PRDP, Idinaos
Sa isang Exit Conference ng
Commission on Audit kaugnay ng compliance ng LGU sa paggastos ng LDRRM Fund at implementasyon
ng PRDP, ibinahagi ng COA ang paunang obserbasyon at rekomendasyon sa maayos na
pagsunod sa patakaran sa paggamit ng pondo para sa disaster preparedness at
development projects gaya ng PRDP.
10.
Kalusugan ng Kababaihan, Tinutukan sa Seminar
Ang Municipal Health Office ay nagsagawa
ng isang health seminar bilang bahagi pa rin ng Women’s Month, na naglalayong
palakasin ang kaalaman ng kababaihan sa kanilang karapatan at pangangalaga sa
kalusugan. Naging tampok sa programa ang lecture ukol sa VAWC o violence
against women and children, women’s rights, at oral health.
11. Mga
Kababaihan, Nag-avail ng Libreng Pap Smear at Implant
Ang RHU ay nagbigay ng libreng
Pap Smear para sa maagang pagtuklas ng sakit na cervical cancer at pag-avail ng
reproductive implant. 26 sa mga ito ang nagpa-Pap smear, 15 ang nag-avail ng
implant insertion, 13 ng implant removal, at 18 ng implant re-insertion.
12. NCSC
Cash Gift, Ipinamahagi sa Senior Citizens
Namahagi ang National Commission
on senior Citizens ng P10,000 cash gift kada isa sa 107 na kwalipikadong senior
citizens noong March 25. Ito ay bilang pagkilala sa kanilang ambag at suporta
sa kanilang pangangailangan.
13. Public
Hearing, Isinagawa ukol sa Hiling na Pagtaas sa Pamasahe ng Traysikel
Ang Sangguniang Bayan ay nagsagawa
ng pampublikong pagdinig noong March 26 hinggil sa panukalang pagtaas ng
pamasahe sa tricycle, na dinaluhan ng mga TODA, operator, drayber, at komyuter.
Ipinahayag ng mga drayber ang pangangailangan ng dagdag-pasahe habang nagbigay
naman ng saloobin ang mga komyuter, at inaasahang pag-aaralan ng konseho ang
mga ito bago maglabas ng pinal na desisyon.
14. Library
Tour at Story-Telling, Tampok sa Public Library Day
Nakiisa ang mga mag-aaral ng
Municipal Child Development Center sa pagdiriwang ng 67th Public Library Day sa
Municipal Library noong March 26, na tampok ang library tour, story-telling, at
iba’t ibang art at game activities. Sa programa, naipakilala ang pasilidad ng
aklatan at hikayatin ang mga bata na mahalin ang pagbabasa sa murang edad sa
pamamagitan ng masaya at interaktibong pagkatuto.
15. Municipal
SWM Board, Nagpulong
Nagtipon ang Municipal Solid
Waste Management Board sa kanilang 1st quarter meeting noong March 26, upang
talakayin ang mga ulat sa waste disposal, waste diversion activities tulad ng
recycling at composting, at ang aplikasyon para sa MRF Environmental Compliance
Certificate. Tinalakay rin ang paggamit ng makabagong teknolohiya, mga
estratehiya sa garbage collection sa gitna ng mataas na presyo ng gasolina.
16.
Mobile Donation Drive sa Carungay,
Nakakolekta ng 23 Blood Bags
Ang RHU III ay nakapagkolekta ng 23
blood bags sa isang mobile blood donation drive na kanilang isinagawa sa
Carungay Covered Court noong March 26, na dinaluhan ng mga boluntaryong donor
mula sa iba’t ibang barangay.
17. BBB
Team, Naglibot sa District 7 at 9
Noong nakaraang linggo, ang
Bali-Balin Bayambang Committee ay sumunod namang nagmonitor sa mga barangay sa
District 7 at 9 para sa clean-green-and-bloom project ni Mayor Niña. Sa
kanilang pag-iikot, sinuri ng dalawang monitoring team ang aktibong
partisipasyon ng mga opisyales at residente, ang kaayusan at kalinisan ng
kapaligiran, at ang pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan.
18. Senior
Citizens, Pinulong ukol sa Iba’t Ibang
Isyu
Ang mga senior citizen
association members ay pinulong ng LGU noong March 26 upang linawin ang iba’t
ibang issue gaya ng pagkakaiba o delineation ng hurisdiksyon sa pagitan ng
Office of Senior Citizen Affairs at Federation of Senior Citizen Association of
Bayambang, pati na ang mga concern sa collection ng pondo ng mga nasabing
asosasyon, at ang constitution and bylaws ng FSCAB na posibleng iamyenda.
19. BFP,
May Feeding Activity sa Bical ES
Noong March 27, nagsagawa ang
Bayambang Fire Station ng isang feeding activity sa Bical Elementary School.
Bukod sa nutrisyon, pinagtibay ng ahensya ang ugnayan nito sa komunidad.
=============================
KONKLUSYON:
[VOLUME, ENERGY, SMILE!]
1: Ang mga balitang ito ay sumasalamin sa patuloy na
pagpupunyagi ng ating pamahalaan.
2: Sa bawat programa at serbisyo, sama-sama nating
itinataguyod ang isang progresibong Bayambang.
1: Muli, ako po si ______.
2: At ako naman po si ______.
1&2: At ito ang... BayambangueNews!
No comments:
Post a Comment