Bayambang, Dapat Alam Mo!
Bayambang, dapat alam mo!
Alam mo bang tayong mga Pangasinense ay mayroong iba't ibang salita patungkol sa kababaihan?
Bii - babae
Inyang o Itaw - maliit na batang babae
Marikit - dalaga
Atsi - ate
Inang, Ina - nanay
Panginaen - tiya; tita; aunt
Tya - tita o kahit na sinong babae na may edad na
Akulaw - matandang babae o asawang babae
Bai - lola
Nana - kahit kaninong lola
Atanor - kumare
Ayro - hipag; sister-in-law
Ayon sa mga sociologist at psychologist, ang mga salitang ito ay nagpapahiwatig na ang ating kultura ay highly relational o may pagpapahalaga sa ating mga kamag-anakan at kasama sa komunidad at ang kani-kanilang kinatatayuan sa lipunan. At tayo ay marunong makipagkapwa.
Ngunit kahit ano pang itawag sa 'yo, babae ka, hindi babae lang!
***
Pangasinan Words for Heat or Burn
Alam mo rin bang napakaraming salitang Pangasinan para sa init at apoy?
Ilan sa mga ito ay unique sa ating wika!
[ANDREW: SCROLL DOWN then HIGHLIGHT ONLY THE MOST UNIQUE ONES (SEE ASTERISKS)]
Ampetang - mainit
***Apiktat, Apit-tat - natuyuan o tumigas na sa init; dried out from too much heat (as in clothes being sunned)
***Adangdang - heated to wilting level as in leaves of banana (in local culinary practice) or tagumbao (in herbal medicine)
Naktang - nilagnat; got feverish
Aselselan - nasindihan
Sungluran - gatungan upang lalong mag-apoy
Dinmalang, Dinmangat, Inmapoy - lumiyab, umapoy; dalang = apoy
Apuldakan - napaso; scalded
***Asinit - napaso ng todo o nainitan ng todo
Alenes - nalanta; wilted
Asuoban - napausukan; smoked
Asupok, Atupok - natupok; nasunog nang walang natira
Apuolan - nasunog; burnt
Parlangan - pagningasin
Marlang, Marmalang - maapoy, nagliliyab
***Inmangsit - nag-amoy asim na parang malapit nang masunog; issued an acrid smell of something that is starting to get burnt
Inmasewek - umusok; got smoking
***Manaspok - umuusok sa init
***Asilayutan - di sinasadyang nadaanan ng apoy kaya't nasunog ng bahagya o kaunti
***Naasyut - nag-amoy usok
Nginmalab - nagbaga; turned into ember
***Asilot - kumulubot dahil sa init
***Apentew - nabilad ng matagal sa init ng apoy, araw, atbp.
Akalot - naihaw; grilled
***Apulpogan - natanggal ang balahibo sa apoy
***Atektek - nasobrahan sa prito; burnt from too much frying; turned dark brown due to over-frying
Ginmalor - nagtutong
Apugit - over-roasted; scorched, seared, singed
Nauring - charred; turned into charcoal
Dinmapol - naabo; dapol = ash
Sebseban - apulain (ang apoy)
Sa Pangasinan, hindi lang basta “mainit” ang apoy—may iba't ibang antas, anyo, at kuwento ito. Dahil sa ating wika, pati ang init at sunog, may iba’t ibang mukha.
No comments:
Post a Comment