Thursday, March 26, 2026

MONDAY REPORT – MARCH 30, 2026 - v2

 

 

MONDAY REPORT – MARCH 30, 2026


INTRO:

[VOLUME, ENERGY, SMILE!]

1: Magandang araw, Bayambang! Ako po si ______, Kapitan ng Brgy. __________.

2: At ako naman po si ______, Kapitan ng Brgy. __________.

1: Narito na ang mga pinakahuling balita at kaganapan sa ating bayan.

2: Tampok ang iba’t ibang hakbang tungo sa kaunlaran.

1&2: Ito ang... BayambangueNews!


[MEMORIZE THE HEADLINES]

 

DPWH Secretary Dizon, Binisita ang Wawa Bridge

Bumisita si DPWH Secretary Vince Dizon noong March 23 upang inspeksyunin ang konstruksyon ng Wawa Bridge, kasunod ng personal na rekomendasyon ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Dinaluhan ito ng mga opisyal, kabilang si Congresswoman Rachel Arenas, upang talakayin ang teknikal na aspeto at kalagayan ng proyekto, at nang mapabilis ang pagtatayo ng temporaryo at bagong tulay.

 

Fire Safety Inspection at Lecture, Isinagawa sa Iba’t Ibang Paaralan

Nagsagawa ang Bayambang Fire Station ng isang serye ng fire safety inspection at fire safety lecture sa iba’t ibang paaralan sa bayan bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa kaligtasan laban sa sunog.Kabilang sa mga binisita para sa fire safety inspection at lecture ang San Gabriel 2nd, Pangdel Elementary School, Hermosa ES, Manambong Parte ES, Manambong Sur ES, at Ataynan ES at fire safety lecture naman sa PSU-Bayambang Campus.

 

Clean-Up Drive, Isinagawa sa Poblacion Sur

Nagsagawa rin ang BFP ng clean-up drive sa Brgy. Poblacion Sur bilang bahagi ng Fire Prevention Month. Binigyang-diin na ang kalinisan at pagtanggal ng mga madaling magliyab na basura ay mahalaga upang maiwasan ang sunog at mapalakas ang bayanihan sa komunidad.

 

Bayambang, Isa nang Testing Center ng PRC

Sa bisa ng isang Resolution na inisyu ng Professional Regulation Commission, pormal na itinalaga ang bayan ng Bayambang bilang isa sa mga testing center nito sa probinsya at rehiyon. Dahil dito, nailapit ang isang mahalagang serbisyo ng naturang ahensya at ang oportunidad sa mga propesyonal na Bayambangueño.

 

TWG, Binuo upang Tutukan ang Epekto ng Middle East Conflict

Binuo ni Mayor Niña ang isang Technical Working Group upang tutukan ang mga usapin ukol sa mga posibleng epekto ng kasalukuyang sigalot sa Middle East. Nagpulong ang grupo sa unang pagkakataon noong March 23 at binuo ang isang contingency plan kaugnay nito, lalo na posibleng senaryo at mga intervention sa antas ng LGU, barangay, at sambahayan.

 

 

DELETE >>>> 6. Final Coordination Meeting para sa Fiesta, Isinagawa

Noong March 24, isinagawa ang huling pulong para sa preparasyon ng pista ng bayan upang matiyak ang maayos, ligtas, at masaya bagamat mas pinasimpleng selebrasyon ng kapistahang bayan para sa lahat.

 

BRPAT Social, Agri, at Environment Sectors, Nag-update sa mga Programa

Tinalakay sa 1st Quarter Social Sector Meeting ng BPRAT noong March 24 ang update ukol sa mga programang pangkalusugan, agrikultura, edukasyon, kapakanan ng pamilya, at kalikasan, kasama ang iba’t ibang ahensya. Kabilang sa mga imiungkahi ang home-based food production activities, teenage pregnancy, rabies, sexual abuse, at marami pang iba.

 

BPSO Staff, Dumalo sa First Aid Training
Mula March 23 hanggang 27, nagbigay ang BPSO ng Basic Life Support at Standard First Aid training para sa mga kawani nito, upang palakasin ang kanilang kakayahan sa pagresponde sa emerhensiya. Kabilang sa pagsasanay ang CPR, pagresponde sa choking, sugat at bali, at tamang patient assessment upang maiwasan ang paglala ng kondisyon.

 

Mga Bb. Bayambang, Nagrecruit para sa Mobile Blood Drive

Nakiisa ang Bb. Bayambang 2026 candidates sa mobile blood donation drive ng RHU I noong March 23 sa Brgy. Batangcaoa Covered Court, katuwang ang Philippine Red Cross–San Carlos City Chapter. Dahil sa aktibong pag-recruit ng mga binibini ng mga blood donors, may 48 blood bags ang matagumpay na nakolekta.

 

COA Exit Conference, Idinaos para sa LDRRM Fund at PRDP

Sa isang Exit Conference ng Commission on Audit kaugnay ng compliance ng LGU sa paggastos ng LDRRM Fund at implementasyon ng PRDP, ibinahagi ng COA ang paunang obserbasyon at rekomendasyon sa maayos na pagsunod sa patakaran sa paggamit ng pondo para sa disaster preparedness at development projects gaya ng PRDP.

 

DELETE >>>> 13. Work Immersion Orientation ng mga Estudyante

Sumailalim sa orientation noong March 23 ang mga mag-aaral ng Pangasinan State University-Bayambang Campus at Bayambang Polytechnic College para sa kanilang work immersion sa LGU sa unang pagkakataon. Pinangunahan ng PESO ang aktibidad upang ihanda ang mga estudyante sa kanilang tungkulin sa iba’t ibang departamento kung saan sila agad na-deploy.

 

Kalusugan ng Kababaihan, Tinutukan sa Seminar

Ang Municipal Health Office ay nagsagawa ng isang health seminar bilang bahagi pa rin ng Women’s Month, na naglalayong palakasin ang kaalaman ng kababaihan sa kanilang karapatan at pangangalaga sa kalusugan. Naging tampok sa programa ang lecture ukol sa VAWC o violence against women and children, women’s rights, at oral health.

 

NCSC Cash Gift, Ipinamahagi sa Senior Citizens

Namahagi ang National Commission on senior Citizens ng P10,000 cash gift kada isa sa 107 na kwalipikadong senior citizens noong March 25. Ito ay bilang pagkilala sa kanilang ambag at suporta sa kanilang pangangailangan.

 

Mga Kababaihan, Nag-avail ng Libreng Pap Smear at Implant

Ang RHU ay nagbigay ng libreng Pap Smear para sa maagang pagtuklas ng sakit na cervical cancer at pag-avail ng reproductive implant. 26 sa mga ito ang nagpa-Pap smear, 15 ang nag-avail ng implant insertion, 13 ng implant removal, at 18 ng implant re-insertion.

 

‘Wheels for Women,’ Nagtapos sa Annex Bldg.

Sa 4th week ng 'Wheels for Women' surprise raffle game ng RHU, sila ay naghatid ng surpresa sa mga kababaihan sa Municipal Annex Bldg. sa pamamagitan ng mga papremyong personal care items sa mga game na lumahok as raffle.

 

Public Hearing, Isinagawa ukol sa Hiling na Pagtaas sa Pamasahe ng Traysikel

Ang Sangguniang Bayan ay nagsagawa ng pampublikong pagdinig noong March 26 hinggil sa panukalang pagtaas ng pamasahe sa tricycle, na dinaluhan ng mga TODA, operator, drayber, at komyuter. Ipinahayag ng mga drayber ang pangangailangan ng dagdag-pasahe habang nagbigay naman ng saloobin ang mga komyuter, at inaasahang pag-aaralan ng konseho ang mga ito bago maglabas ng pinal na desisyon.

 

Library Tour at Story-Telling, Tampok sa Public Library Day

Nakiisa ang mga mag-aaral ng Municipal Child Development Center sa pagdiriwang ng 67th Public Library Day sa Municipal Library noong March 26, na tampok ang library tour, story-telling, at iba’t ibang art at game activities. Sa programa, naipakilala ang pasilidad ng aklatan at hikayatin ang mga bata na mahalin ang pagbabasa sa murang edad sa pamamagitan ng masaya at interaktibong pagkatuto.

 

Municipal SWM Board, Nagpulong

Nagtipon ang Municipal Solid Waste Management Board sa kanilang 1st quarter meeting noong March 26, upang talakayin ang mga ulat sa waste disposal, waste diversion activities tulad ng recycling at composting, at ang aplikasyon para sa MRF Environmental Compliance Certificate. Tinalakay rin ang paggamit ng makabagong teknolohiya, mga estratehiya sa garbage collection sa gitna ng mataas na presyo ng gasolina.

 

DELETE >>>> 21. PESO, May Recruitment Activity Muli

Noong March 25, muling nagsagawa ang PESO ng lokal na recruitment activity kung saan naging recruiter and kumpanyang Sutherland, upang makatulong mabigyan ng trabaho ang mga mamamayan ng Bayambang.

 

Mobile Donation Drive sa Carungay, Nakakolekta ng 23 Blood Bags

Ang RHU III ay nakapagkolekta ng 23 blood bags sa isang mobile blood donation drive na kanilang isinagawa sa Carungay Covered Court noong March 26, na dinaluhan ng mga boluntaryong donor mula sa iba’t ibang barangay.

 

BBB Team, Naglibot sa District 7 at 9

Noong nakaraang linggo, ang Bali-Balin Bayambang Committee ay sumunod namang nagmonitor sa mga barangay sa District 7 at 9 para sa clean-green-and-bloom project ni Mayor Niña. Sa kanilang pag-iikot, sinuri ng dalawang monitoring team ang aktibong partisipasyon ng mga opisyales at residente, ang kaayusan at kalinisan ng kapaligiran, at ang pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan.

 

DELETE >>> GAD TWG Meeting, Isinagawa

Nagpulong noong March 26 ang Gender and Development Technical Working Group ng LGU upang muling tutukan ang mga programang magpapalakas sa gender equality ng ating komunidad. Pinagtuunan dito ang pagsusuri ng 1st quarter utilization of funds at pagrepaso sa 1st quarter accomplishment report, at pagtalakay sa iba pang usapin kaugnay ng GAD program implementation.

 

BFP, May Feeding Activity sa Bical ES

Noong March 27, nagsagawa ang Bayambang Fire Station ng isang feeding activity sa Bical Elementary School. Bukod sa nutrisyon, pinagtibay ng ahensya ang ugnayan nito sa komunidad.

 

=============================

 


KONKLUSYON:

[VOLUME, ENERGY, SMILE!]

1: Ang mga balitang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagpupunyagi ng ating pamahalaan.

2: Sa bawat programa at serbisyo, sama-sama nating itinataguyod ang isang progresibong Bayambang.

1: Muli, ako po si ______.

2: At ako naman po si ______.

1&2: At ito ang... BayambangueNews!

 

No comments:

Post a Comment