Thursday, March 5, 2026

Monday Report - March 9, 2026

 

Monday Report - March 9, 2026

 

Newscasters:

Mariah Karen Junio

Teddy Boy Cayabyab

 

BDAM:

Valentine G. dela Cruz

Francis Lord A. Salosagcol

 

 

[VOLUME, ENERGY, SMILE!]

 

1: Magandang Monday morning, Bayambang!  Ako po si ____________.

 

2: At ako naman po si ______, at kami po ay mula sa Municipal Admnistrator's Office.

 

1: Narito na ang mga pinakahuling balita at kaganapan sa ating bayan.

 

2: Tampok ang iba't ibang hakbang tungo sa kaunlaran.

 

1&2: Ito ang...BayambangueNews!

 

 

[VOLUME, ENERGY, SMILE!]

 

1. Child Development Service Focal Person ng MSWDO, Pinarangalan!

 

Pinarangalan si G. Marvin P. Bautista ng MSWDO bilang “Natatanging Child Development Awardee” sa 13th Regional Convention sa Baguio City, dahil sa kanyang magandang pamumuno at dedikasyon sa Early Childhood Care and Development.

 

2. Limang CDWs, Pinarangalan sa 13th Regional Convention sa Baguio

 

Limang Child Development Workers ng Bayambang ang ginawaran din ng Plaque of Recognition sa nasabing okasyon bilang pagkilala sa kanilang 20 hanggang 35 na taong tapat na serbisyo sa early childhood education.

 

3. Mga Pamilyang Apektado ng Insidente ng Pagkalunod, Hinatiran ng Tulong

 

A. Patuloy na nagkakaloob ng tulong ang LGU-Bayambang sa mga pamilyang naapektuhan ng insidente ng pagkalunod sa pamamagitan ng food packs, pagbisita sa survivor, at pagbibigay ng psychological first aid, sa pamamagitan ng MDRRMO, MSWDO, at mga RHU.

 

B. Nagpaalala rin ang pamahalaang bayan sa mga barangay na higpitan ang pagbabantay sa pagligo sa Ilog Agno upang maiwasan ang kahalintulad na trahedya. Isang pulong ang pinangunahan ni Mayor Nina kasama ang lahat ng mga kapitan, school principals, at PTA at TODA federation upang pag-usapan ang mga nararapat na gawing hakbang ukol sa insidente.

 

C. Kaagad ding tumulong ang PNP-Bayambang sa intensified information campaign sa pamamagitan ng pagdalo sa flag-raising ceremony ng iba't ibang paaralan at pagbibigay ng mga babala at pagpapaalala.

 

 

4. Men on Heels, Rumampa sa Pagbubukas ng Women’s Month

 

Masiglang binuksan ang National Women’s Month sa Bayambang sa pamamagitan ng “Men on Heels,” kung saan rumampa ang mga lalaking kinatawan ng iba’t ibang departamento bilang pagpapakita ng suporta sa gender equality. Ipinakita ng aktibidad ang pakikiisa ng kalalakihan sa pagpapahalaga sa kababaihan. Sila ay sinurpresa ng cash prize mula sa alkalde bilang pagkilala sa kanilang partisipasyon.

 

 

5. Municipal Trial Court at PAO, Nakatakdang Ilipat sa Bagong Gusali

 

Noong March 2, binisita si Mayor Nina ni Regional Public Attorney Premier Dee Ewigkeit Castro ng Public Attorney's Office o PAO, upang talakayin ang planong paglilipat ng Municipal Trial Court ng Bayambang at PAO sa isang bagong gusali sa Brgy. Magsaysay. Ito ay higit na mapabilis at mapahusay ang paghahatid ng patas, episyente, at walang kinikilingang serbisyong legal para sa mga Bayambangueño.

 

6. MAC, Patuloy ang Pag-asiste sa mga Indigent na Pasyente

 

[CHECK the correct pronunciation of indigent.]

 

Sa direktiba ni Mayor Niña, umabot sa 57 indigent na pasyente ang natulungan ng Mayor’s Action Center nitong Pebrero sa pamamagitan ng libreng operasyon, check-up, laboratory tests, gamot, at tulong pinansyal sa iba’t ibang ospital at tanggapan. Kabilang dito ang matagumpay na libreng breast cancer surgery, psychiatric consultations, at pagproseso ng financial assistance para sa mga nangangailangang Bayambangueño.

 

 

9. 3-Day GAD Training-Workshop, Pinatibay ang Gender-Responsive Governance

 

Nagsagawa ng tatlong araw na Gender-Responsive and Integrated Planning, Budgeting, and Implementation Training Workshop noong February 23 at March 2 at 3, upang higit pang palakasin ang kakayahan ng mga opisyal sa pagbuo ng plano, wastong paglalaan ng badyet, at epektibong pagpapatupad ng mga programang nakaangkla sa Gender and Development (GAD).

 

 

10. Mga Lumang Gulong, Ginawang Malikhaing Mesa at Silya!

 

Bilang parte ng pagdiriwang ng Women's Month, ang iba’t ibang tanggapan ng LGU ay nagtagisan sa "Sulong Gulong" Eco-Furniture Challenge noong March 5, kung saan ginawang mesa at silya ang mga ibinasurang rubber tire para gamitin sa itatayong mga bagong stall sa Bayambang Central School at sa gagawing cafe sa Municipal Plaza. Gamit ang kanilang imahinasyon, madiskarteng na-transform ng mga kalahok ang mga lumang gulong bilang mga malikhaing lamesa at silya.

 

 

11. Bayambang, Isa sa Pilot Areas para sa Slow Food Travel Program

 

Bumisita ang Department of Tourism–Region I sa Bayambang upang isagawa ang validation sa Bayambang bilang bahagi ng kauna-unahang Slow Food Travel and Mapping initiative sa Rehiyon Uno. Layunin ng proyekto na itampok ang pamanang kulinarya at agrikultura ng bayan at maiangat ito bilang world-class culinary destination sa pamamagitan ng ugnayan ng turismo at lokal na produksyon.

 

 

12. MDRRMO at Engineering, Muling Nag-clearing Operations

 

Nagsagawa ng clearing operations ang MDRRMO at Engineering Office sa Brgy. Buayaen, Brgy. Alingan, at Roxas Street, kaugnay ng mga nakahambalang na poste at nakalaylay na kable sa mga kalye. Isinagawa ito katuwang ang iba’t ibang telecom companies upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at motorista sa nasabing mga lugar.

 

 

13. Civil Service Caravan, Nagpatuloy sa Tamaro at Hermoza

 

Dumagsa ang mga residente ng Brgy. Tamaro at Hermoza sa isinagawang Serbisyong Sibil Caravan ng LCR, kung saan inilapit sa komunidad ang iba’t ibang serbisyo tulad ng civil registration, correction of entries, at data capture para sa upgraded Community Service Card.

 

 

14. DOLE, Nagbigay ng Occupational Health and Safety Training

 

Muling bumisita ang Department of Labor and Employment – Regional Office I uang magbigay ng Technical and Advisory Visit (TAV) Orientation at Basic Occupational Safety and Health Training for Safety Officers 1 noong March 5, upang palakasin ang kaalaman ng mga micro establishments sa labor standards at workplace safety. Kabilang sa mga tinalakay ang mga karapatan ng manggagawa, safety and health standards, child labor prevention, at family welfare programs.

 

 

15.  Annual Energy Consumption ng LGU, Nirepaso

 

Sa 1st Quarter Energy Conservation Meeting, nirepaso ang taunang energy consumption ng LGU para sa mga taong 2024, 2025, at 2026. Inilahad din ang mga energy efficiency at conservation initiatives at best practices ng Bayambang, gayundin ang implementasyon ng Local Energy Efficiency and Conservation Program para sa taong 2026.

 

 

17. KSB Year 9, Mag-uumpisa Na!

 

Noong March 5, nagdaos ng pulong para sa mga gagawing preparasyon para sa muling pagbabalik ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan upang ilapit ang lahat ng serbisyo ng munisipyo sa malalayong barangay. Nasa ika-siyam na taon na ang KSB, at ang taong ito ay pamumunuan ni Local Civil Registrar Ismael Malicdem Jr.

 

18. Fire Prevention Month, Binuksan sa Isang Motorcade

 

Pormal na sinimulan ng LGU-Bayambang ang pagdiriwang ng Fire Prevention Month sa pamamagitan ng isang motorcade noong March 5 sa pangunguna ng Bayambang Fire Station. Nakiisa sa aktibidad ang iba’t ibang ahensya at mga pribadong institusyon, sa rutang umikot papuntang Wawa at Malimpec upang palawakin ang kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng pag-iwas sa sunog.

 

 

19. Poster at Slogan Making Contest, Nagpamalas ng Kamalayan sa Fire Safety

 

Isinagawa naman noong March 6 sa Bayambang Fire Station ang Poster at Slogan Making Contest na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa PSU Laboratory High School, Bayambang National High School, at Saint Vincent Catholic School. Sa pamamagitan ng sining at malikhaing pagpapahayag, naipakita ng mga kalahok ang kanilang suporta sa adbokasiya ng fire prevention at kaligtasan ng komunidad.

 

 

20. Sari-saring Awards, Tinanggap ng LGU-Bayambang!

 

A.     Una, nakamit ng LGU Bayambang ang 90% Highly Functional Rating sa audit ng Anti-Illegal Drug Abuse Council para sa taong 2024.

 

B.     Nagtamo rin ang pamahalaang bayan ng 93.96% o "Highly Functional" Rating sa isinagawang audit ng Peace and Order Council para sa 2025.

 

C.      Nakamit naman ang LGU ng 98.13% na marka sa 2025 Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) ng DILG.

 

D.     Bukod pa rito, nakapagtala ang Local Council for the Protection of Children ng Bayambang ng 93.66% na marka at kinilalang “Ideal” sa isinagawang audit ng DILG noong taong 2025.

 

E.      Samantala, itinuring namang “Highly Functional” ang Local Committees on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children o LCAT-VAWC ng Bayambang matapos makapagtala ng 104 na marka sa audit ng DILG.

 

F.      Nanguna rin ang Bayambang sa lahat ng munisipalidad sa buong Rehiyon Uno matapos makapagtala ng ₱463.62 milyong pisong operating income batay sa ulat ng Bureau of Local Government Finance o BLGF para sa ikatlong quarter ng 2025.

 

G.     Wait, there’s more! Pinarangalan naman ang RHU-Bayambang bilang isa sa Best Oral Health Program Implementers mula sa Luzon, sa ginanap na parangal ng DOH National Association of Dentists noong March 3 sa Alaminos City. Isa ang RHU Bayambang sa tatlo lamang na nakatanggap ng natatanging parangal mula sa Luzon.

 

 

***

[VOLUME, ENERGY, SMILE!]

 

 

Bayambang, Dapat Alam Mo!

 

Bayambang, dapat alam mo!

 

Alam mo bang tayong mga Pangasinense ay mayroong iba't ibang salita patungkol sa kababaihan?

 

 

Bii - babae

Inyang o Itaw - maliit na batang babae

Marikit - dalaga

Atsi - ate

Inang, Ina - nanay

Panginaen - tiya; tita; aunt

Tya - tita o kahit na sinong babae na may edad na

Akulaw - matandang babae o asawang babae

Bai - lola

Nana - kahit kaninong lola

Atanor - kumare

Ayro - hipag; sister-in-law

 

Ayon sa mga sociologist at psychologist, ang mga  salitang ito ay nagpapahiwatig na ang ating kultura ay highly relational o may pagpapahalaga sa ating mga kamag-anakan at kasama sa komunidad at ang kani-kanilang kinatatayuan sa lipunan. At tayo ay marunong makipagkapwa.

 

Ngunit kahit ano pang itawag sa 'yo, babae ka, hindi babae lang!

 

***

 

Pangasinan Words for Heat or Burn

 

 

Alam mo rin bang napakaraming salitang Pangasinan para sa init at apoy?

 

Ilan sa mga ito ay unique sa ating wika!

 

[ANDREW: SCROLL DOWN then HIGHLIGHT ONLY THE MOST UNIQUE ONES (SEE ASTERISKS)]

 

 

Ampetang - mainit

***Apiktat, Apit-tat - natuyuan o tumigas na sa init; dried out from too much heat (as in clothes being sunned)

***Adangdang - heated to wilting level as in leaves of banana (in local culinary practice) or tagumbao (in herbal medicine)

Naktang - nilagnat; got feverish

Aselselan - nasindihan

Sungluran - gatungan upang lalong mag-apoy

Dinmalang, Dinmangat, Inmapoy - lumiyab, umapoy; dalang = apoy

Apuldakan - napaso; scalded

***Asinit - napaso ng todo o nainitan ng todo

Alenes - nalanta; wilted

Asuoban - napausukan; smoked

Asupok, Atupok - natupok; nasunog nang walang natira

Apuolan - nasunog; burnt

Parlangan - pagningasin

Marlang, Marmalang - maapoy, nagliliyab

***Inmangsit - nag-amoy asim na parang malapit nang masunog; issued an acrid smell of something that is starting to get burnt

Inmasewek - umusok; got smoking

***Manaspok - umuusok sa init

***Asilayutan - di sinasadyang nadaanan ng apoy kaya't nasunog ng bahagya o kaunti

***Naasyut - nag-amoy usok

Nginmalab - nagbaga; turned into ember

***Asilot - kumulubot dahil sa init

***Apentew - nabilad ng matagal sa init ng apoy, araw, atbp.

Akalot - naihaw; grilled

***Apulpogan - natanggal ang balahibo sa apoy

***Atektek - nasobrahan sa prito; burnt from too much frying; turned dark brown due to over-frying

Ginmalor - nagtutong

Apugit - over-roasted; scorched, seared, singed

Nauring - charred; turned into charcoal

Dinmapol - naabo; dapol = ash

Sebseban - apulain (ang apoy)

 

Sa Pangasinan, hindi lang basta “mainit” ang apoy—may iba't ibang antas, anyo, at kuwento ito. Dahil sa ating wika, pati ang init at sunog, may iba’t ibang mukha.

 

***

KONKLUSYON:

 

[VOLUME, ENERGY, SMILE!]

 

1: Ang mga balitang ito ay sumasalamin sa patuloy na adbokasiya para sa maayos na pamamahala.

 

2: Sama-sama nating isulong ang isang maunlad na bayan ng Bayambang.

 

1: Muli, ako po si ____________.

 

2: At ako naman po si _________, at kami ay mula sa Municipal Administrator's Office.

 

1&2: At ito ang... BayambangueNews!

 

 

No comments:

Post a Comment