Tuesday, March 24, 2026

MONDAY REPORT – MARCH 30, 2026

 

 

MONDAY REPORT – MARCH 30, 2026


INTRO:

[VOLUME, ENERGY, SMILE!]

1: Magandang araw, Bayambang! Ako po si ______, Kapitan ng Brgy. __________.

2: At ako naman po si ______, Kapitan ng Brgy. __________.

1: Narito na ang mga pinakahuling balita at kaganapan sa ating bayan.

2: Tampok ang iba’t ibang hakbang tungo sa kaunlaran.

1&2: Ito ang... BayambangueNews!


[MEMORIZE THE HEADLINES]

1. Fire Safety Lecture at Inspection, Isinagawa sa San Gabriel 2nd ES

Ang BFP Bayambang ay nagsagawa ng isang Fire Safety Lecture at Inspection sa San Gabriel 2nd Elementary School noong March 19. Dito ay pinalakas ang kaalaman ng mga guro at mag-aaral sa pag-iwas sa sunog at tamang pagtugon sa emerhensiya.

 

2. Clean-Up Drive, Isinagawa sa Poblacion Sur

Nagsagawa din ang BFP ng clean-up drive sa Brgy. Poblacion Sur bilang bahagi ng Fire Prevention Month. Binigyang-diin na ang kalinisan at pagtanggal ng mga madaling magliyab na basura ay mahalaga upang maiwasan ang sunog at mapalakas ang bayanihan sa komunidad.

 

3. Bayambang, Isa nang Testing Center ng PRC

Sa bisa ng isang Resolution na inisyu ng Professional Regulation Commission, pormal na itinalaga ang bayan ng Bayambang bilang isa sa mga testing center nito sa probinsya at rehiyon. Dahil dito, nailapit ang isang mahalagang serbisyo ng naturang ahensya at ang oportunidad sa mga propesyonal na Bayambangueño.

 

4. TWG, Binuo upang Tutukan ang Epekto ng Middle East Conflict

Binuo ni Mayor Niña ang isang Technical Working Group upang tutukan ang mga usapin ukol sa mga posibleng epekto ng kasalukuyang sigalot sa Middle East. Nagpulong ang grupo sa unang pagkakatan noong March 23 at binuo ang isang contingency plan kaugnay nito, lalo na posibleng senaryo at mga intervention sa antas ng LGU, barangay, at sambahayan.

 

5. DPWH Secretary Dizon, Binisita ang Wawa Bridge

Bumisita si DPWH Secretary Vince Dizon noong March 23 upang inspeksyunin ang konstruksyon ng Wawa Bridge, kasunod ng personal na rekomendasyon ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Dinaluhan ito ng mga opisyal, kabilang si Congresswoman Rachel Arenas, upang talakayin ang teknikal na aspeto at kalagayan ng proyekto, at nang mapabilis ang pagtatayo ng temporaryo at bagong tulay.

 

6. Final Coordination Meeting para sa Fiesta, Isinagawa

Noong March 24, isinagawa ang huling pulong para sa preparasyon ng pista ng bayan upang matiyak ang maayos, ligtas, at masaya bagamat mas pinasimpleng selebrasyon ng kapistahang bayan para sa lahat.

 

7. BRPAT Social Sector, Nag-update sa mga Programa

Tinalakay sa 1st Quarter Social Sector Meeting ng BPRAT noong March 24 ang update ukol sa mga programang pangkalusugan, agrikultura, edukasyon, at kapakanan ng pamilya, kasama ang iba’t ibang ahensya. Kabilang sa mga imiungkahi ang home-based food production activities, teenage pregnancy, rabies, sexual abuse, at suporta sa mga CICL o children in need of protection.

 

8. BPSO Staff, Dumalo sa First Aid Training
Mula March 23 hanggang 27, nagbigay ang BPSO ng Basic Life Support at Standard First Aid training para sa mga kawani nito, upang palakasin ang kanilang kakayahan sa pagresponde sa emerhensiya. Kabilang sa pagsasanay ang CPR, pagresponde sa choking, sugat at bali, at tamang patient assessment upang maiwasan ang paglala ng kondisyon.

 

9. TWG sa Middle East Conflict
Bumuo si Mayor Niña Jose-Quiambao ng Technical Working Group (TWG) upang pag-aralan ang risk at epekto ng digmaan sa Middle East sa pagitan ng US-Israel at Iran sa Bayambang. Unang nagpulong ang grupo noong Marso 23, 2026 sa Mayor’s Conference Room Muling magpupulong ang TWG upang buuin at isakatuparan ang mga konkretong plano.

 

11. Mga Bb. Bayambang, Nagrecruit para sa Mobile Blood Drive

Nakiisa ang Bb. Bayambang 2026 candidates sa mobile blood donation drive ng RHU I noong March 23 sa Brgy. Batangcaoa Covered Court, katuwang ang Philippine Red Cross–San Carlos City Chapter. Dahil sa aktibong pag-recruit ng mga binibini ng mga blood donors, may 48 blood bags ang matagumpay na nakolekta.

 

12. COA Exit Conference, Idinaos para sa LDRRM Fund at PRDP

Sa isang Exit Conference ng Commission on Audit kaugnay ng compliance ng LGU sa paggastos ng LDRRM Fund at implementasyon ng PRDP, ibinahagi ng COA ang paunang obserbasyon at rekomendasyon sa maayos na pagsunod sa patakaran sa paggamit ng pondo para sa disaster preparedness at development projects gaya ng PRDP.

 

13. Work Immersion Orientation ng mga Estudyante

Sumailalim sa orientation noong March 23 ang mga mag-aaral ng Pangasinan State University-Bayambang Campus at Bayambang Polytechnic College para sa kanilang work immersion sa LGU sa unang pagkakataon. Pinangunahan ng PESO ang aktibidad upang ihanda ang mga estudyante sa kanilang tungkulin sa iba’t ibang departamento kung saan sila agad na-deploy.

 

14. Kalusugan ng Kababaihan, Tinutukan sa Seminar

Ang Municipal Health Office ay nagsagawa ng isang health seminar bilang bahagi pa rin ng Women’s Month, na naglalayong palakasin ang kaalaman ng kababaihan sa kanilang karapatan at pangangalaga sa kalusugan. Naging tampok sa programa ang lecture ukol sa VAWC o violence against women and children, women’s rights, at oral health.

 

15. NCSC Cash Gift, Ipinamahagi sa Seniors

Namahagi ang National Commission on senior Citizens ng cash gift sa 107 na kwalipikadong senior citizens noong March 25. Ito ay bilang pagkilala sa kanilang ambag at suporta sa kanilang pangangailangan.

 

16. Libreng Pap Smear Services, Inilapit sa Kababaihan

Ang RHU ay nagbigay ng libreng Pap Smear para sa maagang pagtuklas ng sakit na cervicacl cancer at mga kaugnay na kondisyon. Hinikayat ang iba pang kababaihan na magpatingin din para sa kanilang sariling kaligtasan.

 

17. Wheels for Women, Nagtapos sa Annex Bldg.

Sa 4th week ng 'Wheels for Women' surprise raffle game ng RHU, sila ay naghatid ng surpresa sa mga kababaihan sa Municipal Annex Bldg. sa pamamagitan ng mga papremyong personal care items sa mga game na lumahok as raffle.

 

18. BBB Team, Naglibot sa District 7 at 9

Noong nakaraang linggo, ang Bali-Balin Bayambang Committee ay sumunod namang nagmonitor sa mga barangay sa District 7 at 9 para sa clean-green-and-bloom project ni Mayor Niña. Sa kanilang pag-iikot, sinuri ng dalawang monitoring team ang aktibong partisipasyon ng mga opisyales at residente, ang kaayusan at kalinisan ng kapaligiran, at ang pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan.

 

19. GAD TWG Meeting, Isinagawa sa MSWDO

Nagpulong noong March 26 ang Gender and Development Technical Working Group ng LGU upang muling tutukan ang mga programang magpapalakas sa gender equality ng ating komunidad. Pinagtuunan dito ang pagsusuri ng 1st quarter utilization of funds at pagrepaso sa 1st quarter accomplishment report, at pagtalakay sa iba pang usapin kaugnay ng GAD program implementation.

 

20. BFP, May Feeding Activity sa Bical ES

Noong March 27, nagsagawa ang Bayambang Fire Station ng isang feeding activity sa Bical Elementary School. Bukod sa nutrisyon, pinagtibay ng ahensya ang ugnayan nito sa komunidad.

 

 

=============================

 


KONKLUSYON:

[VOLUME, ENERGY, SMILE!]

1: Ang mga balitang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagpupunyagi ng ating pamahalaan.

2: Sa bawat programa at serbisyo, sama-sama nating itinataguyod ang isang progresibong Bayambang.

1: Muli, ako po si ______.

2: At ako naman po si ______.

1&2: At ito ang... BayambangueNews!

 

No comments:

Post a Comment