EDUCATION FOR ALL
- (LSB, Library, DepEd)
1,000 na Estudyante, Tumanggap ng Financial
Assistance
Noong September 19, may 1,000 na college students
mula PSU-Bayambang ang tumanggap ng may kabuuang isang milyong piso na
financial grant, sa ginanap na payout activity sa Events Center. Ito ay
inorganisa ng Local School Board sa tulong ng Treasury Office.
HEALTH FOR ALL
- Health (RHUs)
RHU,
PHO, May Free X-ray sa Cough Caravan
Nag-conduct
ang RHU Bayambang ng isang Cough Caravan, kasama ang Provincial Health Office
(PHO), kung saan sila ay nagbigay ng libreng chest X-ray sa 100 na clients.
Karamihan sa mga clients ay mga close contacts ng isang pasyenteng
pinaghihinalaang may TB o di kaya'y symptomatic sa TB. Ang Cough Caravan ay
ginanap sa Wawa Covered Court noong August 30.
'Oplan
Taob' at Iba pang Anti-dengue Activities, Isinagawa sa Central
Ang
RHU I ay nagconduct ng anti-dengue drive sa Bayambang Central School noong
September 9. Kabilang dito ay ang pagsagawa ng Oplan Taob bilang parte ng 4
O'Clock Habit ng DOH, kung saan pinayuhan ang lahat na itaob at patuyuin ang
anumang water receptacles na walang takip. Nagsagawa rin ang RHU ng kampanya
ukol sa dengue awareness and prevention, at kanilang ininspeksyon ang
compliance ng pasilidad sa waste segregation.
Dental Team, May mga Libreng Serbisyo sa BPC
Ang dental team ng RHU I ay naglunsad ng isang oral
health initiative para sa mga estudyante ng Bayambang Polytechnic College. Ang
mga ito ay ang libreng oral health education campaign, dental consultations, at
dental services noong September 10. Ang mga naturang serbisyo ay handog sa
mahigit sa 900 na estudyante at ihahatid sa loob ng buwan ng Setyembre, upang
isulong ang preventive dental care at matugunan ang kanilang individual dental
needs.
Micro-Enterprises, Nag-training sa Basic Safety at
First Aid
Ang mga micro-enterprise sa Bayambang ay hinandugan
ng isang Safety and First Aid Training ng Red Cross Pangasinan Chapter at ng
DOLE Region 1 kasama ang PESO Bayambang noong September 23. Ang mga lokal na
negosyante ay binigyan ng kaalaman at pagsasanay ng mga eksperto mula sa Red
Cross ukol sa tamang paggamit ng mga first aid kit, pagtugon sa emergency
cases, at emergency preparedness, upang siguruhin ang kaligtasan sa kanilang
mga business establishment.
RHU II Blood Drive sa Buayaen, Nakakolekta ng 31
Bags
Nakakolekta ng 31 blood bags ang mobile blood
donation drive na isinagawa ng RHU II kasama ang Red Cross at Rotary Club sa
Buayaen Covered Court noong September 23. May 55 katao ang nagregister for
screening, at 31 sa mga ito ang nagqualify.
Komprehensibong Serbisyo ng Munisipyo, Dumako sa
Balaybuaya
Ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan ay muling
tumulak sa Balaybuaya Elementary School upang pagsilbihan ang mga residente ng
Brgy. Balaybuaya, Beleng, at Batangcaoa. Ayon sa ulat in KSB Chairperson,
Vice-Mayor IC Sabangan, mayroong 2,033 na residente ng mga naturang barangay
ang nag-avail ng iba't ibang serbisyo ng Munisipyo, at nakatipid ng halagang
humigit-kumulang P235,000.
Mobile Blood
Drive, Kabilang na sa Komprehensibong Serbisyo Project
Sa unang pagkakataon, ang blood donation drive ay
naging bahagi ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Dito ay nakakolekta ng 40
blood bags, out of 67 na katao na nagparegister for screening.
- Nutrition (MNAO)
150 na Buntis, May Fresh Cow's Milk mula Dairy Farm
Ang Bayambang Dairy Farm ay nakipag-ugnayan sa
Municipal Nutrition Office upang magpamahagi ng kanilang produkto na fresh
cow's milk para sa 150 na buntis sa Bayambang, sa ilalim ng 90-Day Dietary
Supplementation Program ng MNAO. Ang mga napiling benepisyaryo ay mga
nutritionally at-risk o nagkukulang sa nutrisyon, o kaya'y may sa edad na nang
magbuntis.
- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)
- Veterinary Services (Mun. Vet.)
– Slaughterhouse
PROTECTION
OF WOMEN AND CHILDREN
- Social Services (MSWDO, MAC)
Mga CDC, Ipinagdiwang ang Buwan ng Wika
Noong buwan ng Agosto, ipinagdiwang ng mga Child
Development Center o ECCD Center ng Bayambang ang Buwan ng Wika. Suot ang mga
katutubong kasuotan, ang mga learners ay kumanta at sumayaw ng mga kantang
Pilipino, nagpakilala gamit ang salitang Filipino, at naglaro ng mga larong
Pilipino.
PWD Singing Champ, Nangharana at Nagpakitang Gilas
Ang PWD singing champ ng Bayambang na si Christian
Joel C. Dueñas ng Brgy. Zone VI ay bumisita sa Events Center noong September 2
upang haranahin si Mayor Niña at ang lahat ng Bayambangueño sa kanyang winning
interpretation ng kantang “You Raise Me Up.” Siya ay ginawaran ng Certificate
of Appreciation ng LGU at binigyan ng P5,000 cash gift ni Mayor Niña.
Mga Karapatang Pambata, Muling Tinutukan sa Meeting
Noong September 17, nagpulong ang Local Council for
the Protection of Children (LCPC) at Local Committee on Anti-Trafficking and
Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) para sa 3rd Quarter, sa
pangunguna ni Councilor Benjie de Vera at MSWDO. Dito ay sinuri ang mga naunang
programa at proyekto na nailunsad na para sa proteksyon at pag-unlad ng mga
bata sa komunidad, at binuo ang mga bagong estratehiya at plano para sa susunod
na kuwarter, sa apat na larangan ng survival, protection, development, at
participation.
Training Series para sa mga Tatay, Muling Idinaos
Muling idinaos ng MSWDO ang serye ng tinatawag na
ERPAT o Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities Training ng DSWD.
Ito ay ginanap sa walong barangay mula April 4 hanggang August 30. Dahil sa
ERPAT, naorganisa ang mga grupo ng mga tatay bilang mga asosasyon na may
adhikaing palakasin ang pamilya. Kabilang sa kanilang adbokasiya ay ang isulong
ang positibong pagdidisplina, pagtibayin ang ispiritwalidad, at umiwas sa
masasamang bisyo.
'Ukay for a Cause,' May Bagong Benepisyaryo
Ang proyektong 'Ukay for a Cause' ni Mayor Niña ay
may bago na namang benepisyaryo. Sila ay ang pamilya Mapacpac ng Brgy. Darawey,
na napiling tumanggap ng isang brand new na bahay kubo matapos mapag-alamang
wala silang maayos na tirahan. Ang LGU ay nagpapasalamat sa lahat ng nagdonate
ng kanilang mga kagamitan upang makabili ng kubong nagkakahalaga ng P45,000
bilang tulong sa pamilya.
Ginang, Tumanggap ng Wheelchair mula kay Mayor Niña
Nagpapasalamat ang buong pamilya ng isang ginang
mula sa Barangay Nalsian Norte dahil sa regalong bagong wheelchair ni Mayor
Niña. Ito ay dahil mapapalitan na ang lumang wheelchair nito na kinakalawang
na. Ngayon ay magiging mas komportable na kumpara ang pasyente sa bago nitong
wheelchair.
Pasyente, Tumanggap ng Tulong Pinansyal kay Mayor
Niña
Si Mayor Niña ay nagpahatid din ng personal na
tulong pinansiyal sa isang pasyente na taga-Sapang noong September 24. Sa isang
pribadong ospital kinailangang maconfine ng nasabing ginang ng ilang araw. At
dahil sa laki ng halaga ng naipong bayarin nito, agad na nag-abot si Mayor Niña
ng tulong pinansyal sa pamilya.
- Civil Registry Services (LCR)
Data Capturing para sa Service Card,
Tuluy-Tuloy
Tuluy-tuloy
pa rin sa pag-ikot ng Local Civil Registry para kumuha ng datos mula sa mga
residenteng wala pang Community Service Card. Sa kasalukuyan, mayroon nang
65,000 na indibidwal ang nakunan ng personal na impormasyon para mabigyan ng
service card. May 25,000 pang indibidwal na edad 18 pataas ang dapat na makunan
ng datos para maabot ang target na 90,000 na Bayambangueños.
Sampung
JKQ Hospital Staff, Nag-training sa LCR
Sampung
staff ng Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center mula sa dalawang
departamento ang nag-hands-on training sa "Proper Handling, Filling-Out
and Registration of Birth and Death Certificates" sa Local Civil Registry
noong August 22 hanggang 28. Sa limang araw, hinasa ang staff mula sa Medical
Information Department at Admission and Allied Services Department ng ospital
sa aktuwal na preparasyon sa paggawa ng birth at death certificates para
maiwasan ang mga clerical errors bago marehistro sa LCR nang naayon sa batas.
LCR, PSA, Muling Nag-Award ng SECPA Birth
Certificates
Noong August 29, ang Local Civil Registrar kasama
ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay nag-award ng Birth Certificates in
Security Paper sa 50 recipients mula sa sampung barangay para sa programang
Birth Registration Assistance Project. Ito ay ginanap sa Brgy. Alinggan Covered
Court kung saan 50 katao mula sa sampung barangay ang mga benepisyaryo.
- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)
DENR, Nagmonitor sa mga Barangay
Ang DENR Environmental Management Bureau Region I ay nag-ikot sa
Bayambang upang inspeksyunin ang compliance ng lahat ng barangay sa 10-year
Solid Waste Management Plan ng LGU-Bayambang bilang pagtalima sa Ecological
Solid Waste Management Act of 2000 (RA 9003). Kasama ang staff ng
ESWMO-Bayambang, ang DENR ay nagmonitor sa mga naging accomplishment ng 77
barangays para sa buwan ng Agosto.
- Youth Development (LYDO, SK)
SK,
Matagumpay ang Naging Color Run for a Cause
Isang
Color Fun Run for a Cause ang matagumpay na isinagawa sa pag-oorganisa ng
Sangguniang Kabataan Federation, kasama ng Local Youth Development Office at
iba pang departamento at ahensya. Ang fun run ay may layuning makapagbigay ng
suporta sa mga programang nakatuon sa mental health, kabilang na ang suicide
awareness.
- Peace and Order (BPSO, PNP, DILG)
Illegal Stalls sa Nalsian Sur, Muling Kinumpiska
Muling pinuntahan kamakailan ng Road Clearing Task
Force ang mga illegal stall sa gilid ng highway sa Brgy. Nalsian Sur matapos
mapag-alamang ilan sa mga ito ang nagsipagbalik sa puwesto. Kaya naman agad na nagsagawa ng panibagong road
clearing at pag-kumpiska ng kanilang mga ginagamit sa pagtitinda. Naglagay na
rin ang BPSO at PNP ng isang outpost at nag-assign ng kani-kanilang personnel
upang bantayan ang lugar.
Seminar sa Road Safety at Safe Spaces Act, Ginanap
Isang seminar ukol sa Road Safety at Safe Spaces
Act o RA 11313 ang isinagawa sa pangunguna ng Bayambang Public Safety Office
noong September 20 sa Events Center.
Nagbahagi rito ang LTO, Highway Patrol Group, at PNP ng kanilang
kaalaman sa mga usaping pangkaligtasan sa daan at pampublikong lugar, upang
malaman ng mga LGU employees ang kahalagahan ng pagsunod sa road safety
protocols at ang mga hakbangin upang makaiwas sa mga aksidente.
PNP-Bayambang, May Bagong Service Vehicle
Noong September 16, tinanggap ng PNP-Bayambang ang
isang brand new vehicle bilang pinakabagong mobility asset nito. Sa ginanap na
ceremonial turnover, dumalo si PMGen. Romeo Caramat Jr., Director ng Area
Police Command, Northern Luzon, bilang panauhin.
AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)
1st Public Consultation, Isinagawa para sa Cold
Storage
Nagsagawa ang LGU ng unang public consultation sa
ipapatayong Bayambang Onion Cold Storage Facility sa ilalim ng Scale-up
Philippine Rural Development Project. Ang konsultasyon ay magkasunod na ginanap
noong August 29 sa Brgy. San Gabriel 2nd Covered Court at Brgy. Pantol
Evacuation Center. Ipinaliwanag sa mga Punong Barangay, farmers, at farmers'
association presidents ng mga apektadong barangay ang project details,
entitlement policy and compensation, operational guidelines, at grievance
redress mechanism.
DA, Tinalakay ang Onion Cold Storage Project
Ang Department of Agriculture Regional Field Office
I ay bumisita sa Munisipyo noong September 19 para magconduct ng Project
Lay-out and Pre-Construction Conference ukol sa nakatakdang konstruksyon ng
Onion Cold Storage sa Brgy. Nalsian Norte. Ito ay para mailatag ang
requirements at detalye ng proyekto bago umpisahan ang nasabing konstruksyon sa
lugar.
KALIPI, Nagseminar sa Hydroponics
Ang mga miyembro ng Kalipunan ng Liping Pilipina
(KALIPI)-Bayambang ay sumailalim sa orientation on hydroponics noong September
25. Ipinaliwanag ni Engr. Florelexie Valentin ng Agriculture Office kung ano
ang hydroponics at ang kasaysayan nito, mga benepisyo, at mga farming
techniques gamit ito. Nagbigay naman ng actual demonstration ang isang local
hydroponics grower at nagbahagi ng adisyunal na kaalaman.
JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL
- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)
Pangkabuhayan
Caravan, Namahagi ng Tulong sa OFWs
Isang
Pangkabuhayan Caravan para sa OFWs ang
isinagawa ng provincial government bilang isang livelihood assistance program
para sa mga distressed o displaced OFWs sa ikatlong distrito. Ito ay ginanap
noong Agosto 30, sa pakikipag-ugnayan sa PESO-Bayambang. May 50 OFWs, kabilang
ang anim na taga-Bayambang, ang nagsipagtapos sa isang financial literacy
seminar at nakatanggap ng tig-5,000-peso financial assistance bilang business
start-up capital.
TUPAD Profiling, Isinagawa para sa 1,540 PWDs
Isa na namang profiling activity ang isinagawa ng
PESO-Bayambang at DOLE para sa bagong batch ng beneficiaries ng TUPAD emergency
employment program ng DOLE: ang 1,450 na registered PWDs. Ang batch na ito ay
nakatakdang pondohan ng tanggapan ni Congresswoman Rachel 'Baby' Arenas.
OFW Federation, May Feeding Activity sa Sanlibo
Isang feeding activity ang isinagawa ng Federation
of Bayambang Overseas Workers Inc. katuwang ang PESO-Bayambang, noong September
10 sa Brgy. Sanlibo Child Development Center. May 63 learners ang nabiyayan sa
nasabing aktibidad, na dinaluhan din ni Sanlibo Punong Barangay Luzviminda
Tamondong.
TUPAD Monitoring, Nagpatuloy
Muling nagmonitor ang DOLE, kasama ang
PESO-Bayambang, ng mga TUPAD beneficiaries upang tingnan kung nagagampanan ng
mga naturang indibidwal ang kanilang tungkulin na maglinis sa kanilang barangay
sa loob ng sampung araw. Ang team ay nagmonitor sa Brgy. Bani, Brgy.
Sancagulis, at Bayambang Public Market noong September 10.
VP Sara, Nag-allot ng TUPAD Slots para sa Bayambang
Ang Office of the Vice President Pangasinan
Satellite Office, Dagupan City, ay bumisita noong September 10 upang talakayin
ang 100 slots na allocated ng OVP para sa beneficiaries ng TUPAD o o Tulong
Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantated/Displaced Workers. Ang mga OVP staff
ay winelcome nina Atty. Rodelynn Rajini
S. Vidad, at SLEO Gernalyn Santos sa Administrator's Office.
TUPAD Project ng DOLE, May 1,343 na Bagong
Beneficiaries
Isa na namang pay-out activity ang isinagawa ng
DOLE at PESO-Bayambang kaugnay ng TUPAD program noong September 12 sa St.
Vincent Ferrer Prayer Park. May 1,343 na market vendors, parents ng child
laborers, solo parents, at indigent sectors ang tumanggap ng tig-P4,350. Ang
pondo nito ay sinagot ng tanggapan ni Cong. Rachel 'Baby' Arenas at Sen. Loren
Legarda.
Panibagong Grupo ng Benepisyaryo ng TUPAD,
Na-profile
Nagsagawa ng profiling activity ang Public
Employment Service Office para sa 100 estudyante ng Bayambang Polytechnic
College na magiging benepisyaryo ng TUPAD noong Setember 18 sa Events Center
Ang bagong batch ng ayuda ay nagmula sa pondo ng Office of the Vice President.
Training on Dressmaking, Sinimulan!
Noong September 16, sinimulan ang 15-day
Community-Based Training on Dressmaking leading to NC II certification sa St.
Vincent Ferrer Prayer Park. Ito ay may tatlumpong participants mula sa OFW
sector mula sa iba't ibang barangay. Ang aktibidad ay inorganisa ng
PESO-Bayambang at TESDA, kung saan naging trainors ang mga taga-TESDA
Pangasinan School of Arts and Trade, Lingayen.
GIP Interns, Inorient at Dineploy ng PESO
Inorient ng PESO-Bayambang ang may 44 na Government
Intership Program (GIP) recipients noong September 14 sa Municipal Museum bago
sila ideploy sa iba't-ibang departamento. Kabilang sa nag-orient ay
ang mga kawani ng DOLE. Ang mga
GIPs ay mainit na winelcome ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini
Vidad. Ang nasabing programa ay pinondohan ng Abono Party List at tanggapan ni
Congresswoman Rachel Arenas, at ito ay tatagal ng tatlong buwan.
- Economic Development (SEE)
SEE, Kinonsulta ang Market Stallholders ukol sa
Iba’t Ibang Isyu
Noong September 18, kinonsulta ng Special Economic
Enterprise, kasama ang ilang concerned departments, ang mga stallholders
kaugnay ng mga rekomendasyon ng Commission on Audit upang maging compliant ang
LGU sa auditing process ng gobyerno. Kanilang pinag-usapan ang mga penalties
para sa mga late payments ng stall rentals. Ang mga kontrata ng stallholders,
at iba pang concerns ukol sa public market.
- Cooperative Development (MCDO)
- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)
- Infrastructure Development (Engineering: Infra,
Housing, Transport, Utilities, etc.)
DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)
MDRRMC, Nag-pre-disaster Risk Assessment kaugnay ng
Bagyong 'Enteng'
Ang MDRRM Council ng Bayambang, sa pangunguna ni
Mayor Niña at ng MDRRMO, ay nagsagawa ng isang Pre-Disaster Risk Assessment
bunsod ng pagdating ng bagyong "Enteng" sa ating lokalidad. Ang lahat
ay inabisuhan na mag-ingat, maghanda, at maging mapagmatyag. Agad ding
nagsagawa ang MDRRMO ng river water monitoring, prepositioning ng resue
equipment, at preparasyon ng mga rescue vehicle.
MDRRMC, Naghanda kaugnay ng Bagyong 'Gener'
A. Ang MDRRM Council ng Bayambangay nagsagawa ng
Pre-Disaster Risk Assessment bunsod ng pagdating ng bagyong "Gener."
Bagamat ang bagyo ay may kahinaan, ang lahat ay inabisuhan pa rin na maghanda.
B. Agad namang nagsagawa ang MDRRMO ng river water
monitoring, prepositioning ng rescue equipment, at preparasyon ng mga rescue
vehicle.
NSED, Muling Ginanap para sa 3rd Quarter
Noong September 26, naging matagumpay muli ang
pina-level up na NSED o National Simultaneous Earthquake Drill para sa 3rd
quarter ng taon sa pangunguna ng MDRRM Council. Bukod sa nakasanayang duck,
cover and hold, mayroong detalyadong guidelines na inisyu sa publiko ukol sa
pagconduct ng drill. Lahat ng departamento at participating agencies ay
nagsumite ng 'before,' 'during,' at 'after' pictures sa MDRRMO. Ang lahat naman
ng Safety Officers ay nagsumite rin ng isang komprehensibong evaluation form.
HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
Bayambang,
Muling Dumaan sa SGLG National Validation
Muling
dumaan ang bayan ng Bayambang sa isa na namang national valiation para sa Seal
of Good Local Governance, at ito ay para sa taong 2024. Dito ay binusisi ng mga
validators ng DILG ang iba't ibang aspeto ng pamamamahala ng lokal na
pamahalaan sa pamamagitan ng ocular inspection at inspeksyon ng mga papeles o
dokumentasyon.
CSOs, Pinulong ng BPRAT
Ang
lahat ng CSO federated officers at members sa Bayambang ay pinulong noong
September 11 sa Sangguniang Bayan Session Hall upang talakayin ang kanilang
calendar of activities at kung papaano masi-synchronize ang mga ito sa mga
nakaplanong aktibidad ng Munisipyo. Tinukoy din sa naturang pulong kung anu-ano
ang mga poverty reduction initiatives kung saan sila maaaring
makipagcollaborate sa LGU para sa kapakinabangan ng ating mga marginalized
sectors.
Dr. Saygo, Kinumpirma bilang Department Head
Kinumpirma ng Sangguniang Bayan ang pagkakatalaga
kay Dr. Rafael Saygo bilang Municipal Government Department Head I (Municipal
Tourism Officer) sa isinagawang plenary session noong September 23. Matapos ang
masusing pagsusuri ng SB, ang kanyang appointment ay nakita na makatuwiran at
nararapat, dahil taglay niya ang lahat
ng kwalipikasyon alinsunod sa batas. Ang kanyang pagkakatalaga ay inirekomenda
ni Mayor Niña, bilang pagkilala sa kanyang propesyonalismo, kakayahan, at
natatanging trabaho.
- Planning and Development (MPDO)
- Legal Services (MLO)
- ICT Services (ICTO)
Training on
Root Cause Analysis and Risk-Based Thinking, Isinagawa
Noong September 19, isang training ukol sa root
cause analysis at risk-based thinking ang isinagawa ng ICT Office para sa lahat
ng LGU department at unit heads noong September 19 sa pamamagitan ng Zoom
video. Layunin ng root cause analysis na matukoy ang pinag-uugatan ng anumang
isyu upang matugunan ang mga ito nang maayos at epektibo. Ang risk-based
analysis naman ay nakatutulong sa mga proseso sa pagpaplano upang
isaalang-alang ang mga inaasahan at hindi inaasahang pangyayari at maging handa
para sa mga ito.
IQA Opening Meeting, Ginanap
Ang mga department and unit heads ay pinulong ng
Internal Audit Service at ICT Office sa Mayor's Conference Room para sa
Internal Quality Audit (IQA) Opening Meeting noong September 9. Tinalakay sa
pulong ang overview ng proseso ng IQA, mga schedule, mga dapat asahang
scenario, at ang sakop ng audit. Kinabukasan, nag-conduct naman ng isang
enhancement training para sa mga nominadong maging Internal Quality Auditors.
IT TWG, Nagsanay sa Excel, Word, at PowerPoint
Ang mga miyembro ng IT Technical Working Group ng
LGU ay nagtraining sa Basic Microsoft Excel, Word, and PowerPoint. Sa computer
software training na ito, nagbigay ang ICT Office ng mga bagong kaalaman sa
lahat ng miyembro ng TWG upang mas maging bihasa sa paggamit ng mga naturang
applications na karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na transaksyon.
- Human Resource Management (HRMO)
LGU, Nakilahok sa 124th Civil Service Celebration
Ang Human Resources Management Office at ilang
empleyado ng LGU-Bayambang ay aktibong nakilahok sa pagdiriwang ng ika-124
Philippine Civil Service Anniversary na may temang, "Vibe Run: Takbo para
sa mga Servant Heroes." Ito ay
ginanap sa Narciso Ramos Sports and Civic Center, Lingayen Pangasinan, noong
September 1, kung saan nagkaroon ng fun run for a cause at pagsayaw ng Zumba.
Libreng Pampering Services, Inihatid sa mga Kawani
ng LGU
Inihandog ng HRMO sa mga kawani ng LGU ang libreng
pampering services noong September 18, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 124th
anniversary ng Philippine Civil Service. Hinandugan ang mga kawani ng libreng
gupit, manicure, pedicure, at back massage, bilang pagkilala at pasasalamat sa
kanilang walang-sawa at maayos na paninilbihan sa bayan. Kinahapunan ay
nagkaroon naman ng masayang hatawan sa pag-indak sa isang zumba session.
- Transparency/Public Information (PIO)
- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)
AWARDS AND RECOGNITIONS
MNJQ, Re-elected Bilang PRC-San Carlos Council President
Muling nahalal si Mayor Niña Jose-Quiambao bilang presidente ng
Philippine Red Cross-San Carlos City Branch Council, sa nagdaang Branch Council
Meeting noong September 2 sa siyudad ng San Carlos. Ang aktibong partisipasyon
ng alkalde sa PRC San Carlos para sa mga taong 2024-2026 ay makatutulong upang
mas marami pang Bayambangueño ang mahikayat na magdonate ng dugo sa mga
nangangailangan.
LGU, Tumanggap ng Pagkilala mula PSU
Kinilala ng Pangasinan State University (PSU) ang
LGU-Bayambang dahil sa mahalagang ambag nito sa pagsulong ng mga layunin at
inisyatiba ng unibersidad. Iginawad ni University President, Dr. Elbert Galas, ang Certificate of Recognition sa LGU
sa pamamagitan ng kinatawan ni Mayor Niña na si Dr. Rafael Saygo sa PSU Main
Campus sa Lingayen noong September 9.
Bayambang, GeoRiskPH Best Practice Awardee
Ang LGU-Bayambang ay pinarangalan ng Best Practice
in Adopting the GeoRiskPH Platform mula sa DOST-Phivolcs, sa ginanap na 1st
GeoRisk Convention Training Workshop sa PICC, Pasay City noong September 16.
Ito ay bilang pagkilala sa maagap na pag-adopt ng LGU-Bayambang sa nasabing
platform sa local Disaster Risk Reduction Climate Change at development
planning initiatives nito. Ang Bayambang ang nagwagi out of 110 LGUs na
nominado sa nasabing parangal.
Bayambang, 2nd Runner-up bilang ‘Model LGU
Implementing 4Ps’
Sa 3rd quarter na pulong ng Municipal Advisory
Council, inireport ng DSWD na mayroong kabuuang 7,239 na aktibong 4Ps household
beneficiaries. 232 households ang grumaduate noong Marso, at may 326 naman ang
nakatakdang grumaduate sa taong ito. Inanunsyo rin ng DSWD na ang Bayambang ay
nagwaging 2nd runner-up sa ginanap na search for ‘Model LGU Implementing 4Ps.’
Ito ay repleksyon anila ng maayos na pamumuno, mabuting pamamahala, at
commitment ng LGU na mapataas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap.
LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)