MNJQ’S
SPEECH| MONDAY FLAG CEREMONY
June
8, 2026; 8:00AM; BBEC
To my dear husband, our
SATOM, DR. CEZAR T. QUIAMBAO;
To Vice-Mayor IAN
CAMILLE SABANGAN and the Sangguniang Bayan Members;
To our Chief Executive
Assistant, CARMELA SANTILLAN;
To our Municipal
Administrator, ATTY. RODELYNN RAJINI
SAGARINO-VIDAD;
Our BPC President, DR.
RAFAEL SAYGO;
Sa lahat ng kawani,
kasangguni, at empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang, mga puno ng bawat
departamento, mga katuwang mula sa mga pambansang ahensya, at sa lahat ng
minamahal kong Bayambangueño na sumusubaybay sa atin—a very beautiful Monday
morning. Naimbag nga bigat kada kayo amin! Masantos ya kabwasan ed sikayon
amin!
Magandang
araw sa ating lahat, mga minamahal kong kabaleyan.
Ngayong
umaga, may isang salita na halos araw-araw nating naririnig, hinahawakan, at
pinapangarap, ngunit marahil ay hindi natin napag-iisipan nang malalim. Ang
salitang iyon ay "Upgrade."
Kapag sinabi nating
'upgrade,' automatic na cellphone, gadget, o mas magarang sasakyan ang naiisip
natin. Escited tayo sa mga upgrade sa buhay natin. At walang masama
doon—natural sa tao ang maghangad ng mas maganda, mas mabilis, at mas
maginhawang buhay.
Ngunit
habang pinagmamasdan ko ang bawat isa sa inyo, napatanong ako sa aking sarili:
Paano kaya kung ang salitang "upgrade" ay hindi natin gagamitin sa
mga materyal na bagay na hawak natin? Paano kung gamitin natin ito sa kalidad
ng serbisyo publiko? Paano kung i-upgrade natin ang mismong buhay ng mga taong
pinaglilingkuran natin?
Noong 2016, nang magpasya ang aking
asawa, si Dr. Cezar Quiambao, na pasukin ang serbisyo publiko, simple lang ang
bitbit naming pangarap. Hindi namin hinangad ang pinakamagarbong munisipyo, at
lalong hindi namin hinangad ang sumikat sa social media. Ang pangarap namin ay
mas malalim: Gusto naming i-upgrade ang dignidad at buhay ng bawat
Bayambangueño.
Tingnan natin kung nasaan tayo ngayon.
Dahil ang tapat, maaasahan, at malinis na pamamahala ay may mukha, may patunay,
at nararamdaman.
Noong araw, wala pang 400 ang empleyado
ng munisipyo. Ngayon, mahigit 900 na ang tapat na naglilingkod. Bakit natin
dinagdagan? Dahil habang lumalaki ang pangangailangan ng mamamayan, kailangang
lumawak din ang braso ng gobyerno para kayo ay yakapin at tulungan.
Dati, bilang sa daliri ang sasakyan ng
munisipyo. Kapag may emergency, may nag-aagaw-buhay, nagkakaproblema pa kung
sino ang reresponde. Ngayon, mayroon tayong mahigit tatlumpung emergency at
rescue vehicles, ambulansya, at patrol units. Hindi natin ito binili para
magpasikat. Binili natin ito dahil ang katumbas ng bawat sasakyang iyan ay
buhay ng inyong anak, ng inyong magulang, o ng inyong kapitbahay na naililigtas
sa oras ng panganib!
Mula sa mga modernong pasilidad, mga
scholarship ng ating kabataan, libreng serbisyong medikal, hanggang sa suporta
sa ating mga magsasaka—sama-sama nating naitaas ang antas ng Bayambang. Iyan
ang kahulugan ng tapat na gobyerno; ang pondo ng bayan, ramdam ng buong bayan.
Ngunit tandaan ninyo: ang pinakamalaking
kalaban ng progreso ay hindi kakulangan sa pondo—kundi ang pagiging komportable
sa 'pwede na.' Tingnan ninyo ang cellphone ninyo. Kapag hindi ninyo in-update
ang system nito, babagal ito, magha-hang, at mapag-iiwanan. Ganyan din sa
serbisyo publiko. Kapag tumigil tayong magbago at matuto, unti-unti nating
mabibigo ang ating mga mamamayan.
Kaya hinahamon ko ang bawat opisina—mula
sa Treasury, Assessor's, Civil Registrar, MSWDO, hanggang sa Engineering at
MTICAO: Tanungin natin ang ating sarili araw-araw: Mas mabilis ba tayo
ngayon kaysa noong nakaraang taon? Mas magalang at mas may kalinga ba tayo sa
mga mahihirap na lumalapit sa atin? At the end of the day, it is not enough
to upgrade our offices if we don’t upgrade the hearts and mindsets of the
people inside them.
And ultimately, ang tunay na upgrade ay
hindi kayang gawin ng gobyerno nang mag-isa. Kaya sa aking mga minamahal na
kabaleyan, may hamon din po ako sa atin. I-upgrade din natin ang ating pagiging
mamamayan.
Madaling ituro ang kulang; madaling
magreklamo kapag may lubak ang daan. At karapatan ninyo iyon. Ngunit bilang
isang pamilya, itanong din natin: Nagagampanan ba natin ang ating bahagi?
Nagbabayad ba tayo ng tamang buwis at amilyar? Sumusunod ba tayo sa simpleng
batas trapiko at kalinisan? Ang pondo ng Bayambang ay hindi nahuhulog mula
sa langit—ito ay pinagbuhusan ng pawis nating lahat, kaya dapat nating alagaan
nang sabay-sabay.
I-upgrade din natin ang paggamit ng
social media. Bago maniwala, magtanong. Bago maghusga, alamin ang buong kwento.
Dahil ang critical thinking online ay patunay ng isang upgraded na
mamamayan.
At higit sa lahat, i-upgrade natin ang
ating relasyon sa Panginoon. Kahit gaano katayog ang mga gusali natin, kung
wala ang gabay ng Diyos, ang lahat ng tagumpay natin ay walang kabuluhan.
Mga kabaleyan, malayo na ang narating ng
Bayambang mula noong 2016. Pero mas malayo pa ang dapat nating marating sa
2030. Kaya pag-uwi ninyo mamaya, bago kayo pumikit at matulog, itanong ninyo sa
inyong sarili: 'Ano ang pwede kong i-upgrade sa aking sarili upang maging
mas mabuting kawani, mas mabuting mamamayan, at mas mabuting tao?
Dahil
kapag ang bawat Bayambangueño ang nagpasyang mag-upgrade—hindi lang isang tao
ang aangat. Aangat ang inyong tahanan. Aangat ang ating pamayanan. At higit sa
lahat, ang tagumpay ng mahal nating Bayambang ay titingalain at hahangaan ng
buong bansa!! Muli, magandang umaga. Maraming salamat. Niñaaro ta kayon amin!
At sa Diyos ang lahat ng papuri at parangal! Niñaaro ta kayo!
No comments:
Post a Comment