BAYAMBANG,
DAPAT ALAM MO!
Kuya Ngen, pasok!
Bayambang, dapat
alam mo na sa dami ng programang at serbisyong naihatid nina Dr. CTQ at Mayor
Niña, wala nang maibatong isyu ang ilan kaya paulit-ulit na lamang nilang
inuungkat ang mga lumang tsismis at maling impormasyon. Isa na rito ang
usaping:
“Land
grabber sina former Mayor Dr. Cezar T. Quiambao at Mayor Niña Jose-Quiambao.”
Pero teka nga
muna. Ano ba talaga ang trulalu? Well, eto na ngaaa!
Dapat alam mo na
ang mga alegasyong ito ay isa lamang (flashed
FAKE NEWS logo-ish) FAKE NEWS. Na matagal nang pinabulaanan at walang
basehan.
At dapat mo itong
paniwalaan dahil suportado ito ng mga konkretong proyekto at matitibay na
ebidensiya.
Sa katunayan, ito
ang chika! Kung pag-uusapan ang lupa, mas kilala pa nga ang pamilya Quiambao sa
pagdo-donate at pagpapagamit ng kanilang SARILING mga ari-arian para sa mga
proyektong pampubliko katulad ng:
RHU VI sa
Mangayao, Cold Storage Facility sa Amancosiling, Animal Shelter sa Amanperez,
water reservoir sa Mangayao at Bani, ang lupang dinaanan ng farm-to-market road
sa Pantol, at napakarami pang iba!
At hindi lang
basta ilang metro ang pinag-uusapan natin dito. No! It is much more than that!
In fact, the
total value of donated and utilized lands for various projects in Bayambang has
already reached over half a billion pesos. Now, imagine that. Nyay ba’t
nag-eenglish?
(INSERT
GRAPHICS OF DONATED PROPERTIES AND PROJECTS nasa TQS siya, i-search nalang)
Kaya naman nang
lumabas ang mga paratang na may inagaw umanong lupa ang pamilya Quiambao, agad
itong pinabulaanan dahil malinaw ang mga dokumento at malinaw ang records. (INSERT SS NG TIMELINE NA PARANG BRILYANTE
NG HANGIN) Legal facts ba ang hanap niyo? Eto oh! Kainin niyo! Kimi lang
bhieee!
At isa sa mga
madalas na nababanggit ay ang lupang kinatitirikan ngayon ng BYB Metro sa Brgy.
Bani. Well, ganito kasi yarnch. Makinig ka ha!
Ang 67-ektaryang
property na ito ay legal na binili ng AILC mula sa CAT Realty.
Take note ha.
(EMPHASIZE)
BINILI. HINDI INAGAW. HINDI KINAMKAM. BINILI.
Kapag binayaran
mo, malamang ay sa’yo na. Ganun kasimple.
At eto pa.
Sa loob ng 67
ektarya, may humigit-kumulang 20 ektarya na may mga kabahayan nang nakatayo.
At alam mo ba ang
ginawa?
HINDI PINAALIS
ANG MGA RESIDENTE.
Sa halip,
isinagawa ang pagpapasukat at pagpapatitulo ng mga lupa upang magkaroon sila ng
pagkakataong mabili ang mismong lupang kanilang tinitirhan. But wait, there’s
more! Dahil hindi ito pinatungan nila mayor. Meaning, kung magkano nila ito
nabili mula sa CAT Realty ay ganun din nila ipinagbenta!
Oh di ba? Edi naging
legit owner na sila ng lupang kinatitirikan ng bahay nila.
Now that’s what
we call character development.
At para naman sa
12 kabahayang naapektuhan ng development, inilagay sila sa relocation site na
mas maayos at mas ligtas. Mas makulay. Mas tahimik. Mas Maaliwalas. Mas
Maluwag. At mas maganda like Mayor Niña!
At hindi lang
basta relocation ha? Binigyan din sila ng pagkakataong mabili ang kanilang mga
lote upang magkaroon sila ng legal ownership.
INSERT INTERVIEW
NG RESIDENTS
Kumusta
ang naging life after marelocate? (Anong pakiramdam na ikaw na ang may-ari ng
lupa at hindi nalang isang tenant?)
Kaya Bayambang,
dapat alam mo na ang natitirang bahagi ng property ay kasalukuyang dine-develop
bilang BYB Metro. At ang layunin nito?
Mas maraming
negosyo. Mas maraming trabaho. Mas maraming oportunidad para sa mga
Bayambangueño.
At alam naman
natin, kapag may trabaho at may negosyo, mas umiikot ang ekonomiya.
Mas maraming
kumikita. Mas maraming umaangat.
Kaya kung
tutuusin, hindi usapin ng pag-agaw ng lupa ang nandito eh. Sa true lang talaga!
Usapin ito ng
development, investment, at pagbibigay ng oportunidad sa mas maraming
mamamayan.
Kaya sa susunod
na may marinig kang tsismis online, sa kanto, sa group chat, o sa comment
section na mas mainit pa madalas kaysa sa panahon…
Pause and think. Magtanong.
Mag-research. At alamin ang buong kuwento bago ka magreact at magcomment.
Dahil hindi lahat
ng nababasa sa internet ay totoo. At hindi rin lahat ng paulit-ulit na sinasabi
ay nagiging katotohanan.
Ngayon, kung
mayroon kayong katanungan ay magpunta kayo sa munisipyo at ilalabas namin ang
mga dokumento. Just make sure na totoo rin ang lahat ng inyong mga paratang at
mayroon kayong solid facts and evidence!
Bayambang, ang
lahat ng ito ay Dapat Alam Mo!
Muli ako si Kuya
Ngen na nagsasabing PANGIT MAN AKO SA INYONG PANINGIN, AT LEAST HINDI AKO
SINUNGALING.
No comments:
Post a Comment