Friday, June 12, 2026

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! - Bagsakan

 

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO!

 

Kuya Ngen, pasok!

 

(siguro like montage?? ng parang namimili sk kuya ngen sa bagsakan)

(then papasok ang line)

 

Bayambang, pansin mo ba? Parang iba na ang vibe sa Bagsakan Market ngayon. Like is this tagalog or what?

 

At kung isa ka sa mga nagtatanong ng, “Bakit nga ba nilipat ang Bagsakan Market sa Central Terminal?” Well, magandang tanong ’yan.

 

Bayambang, dapat alam mo na isa sa mga layunin ng paglilipat ng Bagsakan Market sa Central Terminal ay para maging mas centralized ang bentahan ng mga produkto at pasalubong para sa mga mamimili mula sa iba’t ibang lugar na bumababa sa central terminal. Kumbaga, one-stop shop.

 

Hindi mo na kailangang maghanap kung saan-saan ang sharmaine, melanie, gulay, prutas, kakanin, pasalubong, at iba pang produkto. Mas madali nang mamili, mas madali pang mamasyal dahil wala na ring mga vanessa na palipad-lipad!

 

At alam mo kung sino pa ang panalo rito? Ang mga vendors.

 

Dati, marami sa kanila ang nakikipagsiksikan sa tricycle terminal para lamang makapagbenta. Pero ngayon, mayroon na silang mas maayos, mas organisado, at mas komportableng lugar para sa kanilang paninda. Ayos di ba?

 

Pero alam mo ba, hindi lang mga mamimili ang nakinabang sa paglilipat ng Bagsakan?

 

Mas marami ring Bayambangueño ang nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sariling pwesto at pagkakakitaan. Dahil sa mas malawak at mas organisadong lugar, mas marami nang vendors ang maaaring makapagbenta ng kanilang mga produkto. Hanggang sa maliliit na negosyante na gustong magkaroon ng dagdag na hanapbuhay.

 

At isa pa sa pinakamalaking pagbabago rito?

 

Hindi na kailangang maglatag at mag-impake ng paninda araw-araw.  Dati, kapag matatapos ang bentahan, kailangang magligpit. Kinabukasan, maglalatag na naman. Araw-araw na paulit-ulit. Pero ngayon? Washima eh eh na!

 

Mas maayos na ang sistema. May nakalaang pwesto para sa mga vendors kung saan maaari nilang maayos na mai-display ang kanilang mga produkto. Perfect di ba?

 

At siyempre, isa sa mga pinakamatinding problema noon… Ang baha.

 

Kapag umulan nang malakas, apektado ang mga vendors at mamimili. Minsan pati mga produkto ay nalalagay sa alanganin. But now?

 

Mas kampante na ang ating mga nagtitinda. Hindi na nila kailangang mangamba tuwing may paparating na ulan. Hindi na nila kailangang magmadaling iligpit ang kanilang mga paninda.

 

At alam mo ba na isa pa sa pinakamahalagang dahilan kung bakit inilipat ang Bagsakan Market?

 

Para makatulong sa pagluwag ng trapiko sa Poblacion area.

 

Dati kasi, kasabay ng pagdating ng mga mamimili, vendors, delivery trucks, cargo vehicles, tricycles, at iba pang sasakyan, nagsisiksikan ang lahat sa sentro mismo ng bayan. Lalo na tuwing madaling-araw at mga oras ng bentahan. Kaya naman nagkakaroon ng congestion o pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Poblacion.

 

Ngayon, dahil nasa iisang lugar na ang Bagsakan Market at Central Terminal, mas naging organisado ang galaw ng mga sasakyan.

 

Ang mga delivery trucks ay hindi na kailangang pumasok pa sa masisikip na bahagi ng bayan.

 

Ang mga bumibili ng maramihang produkto ay direkta nang pumupunta rito.

 

At ang mga biyahero naman ay may sarili nang terminal na mas maayos, malinis, maluwag, at maaliwalas.

 

Mas maayos na daloy ng trapiko. Mas mabilis na biyahe. At mas komportableng paggalaw para sa mga motorista, commuters, at mga Bayambangueñong may lakad sa bayan.

 

Kaya kung napapansin mong mas maayos na ang daloy ng sasakyan sa sentro ng Bayambang kumpara noon, isa ang paglilipat ng Bagsakan Market sa Central Terminal sa mga hakbang na nakatulong upang mabawasan ang congestion at mapanatili ang kaayusan ng ating bayan.

 

INSERT INTERVIEW: VENDOR

(ganito-ish na sagot) “Mas maganda po rito kasi mas maluwag at mas maayos. Mas nakakapag-display kami ng mga paninda at mas marami ring bumibili.”

 

INSERT INTERVIEW: BUYER

(ganito-ish na sagot) “Mas convenient po kasi nasa isang lugar na halos lahat ng kailangan namin. Hindi na paikot-ikot.”

 

Ayan ha. Hindi kami ang nagsabi niyan. Sila mismo. Tunay na tunay! Hindi dummy, totoong mga tao! Pero wait… may isa pang bagay na dapat mong malaman, Bayambang.

 

Habang mas gumaganda at mas nagiging organisado ang Bagsakan Market, may isa ring pagbabago na unti-unti nating isinusulong.

 

At ito ay ang pagbabawas sa paggamit ng single-use plastics. Oo, ’yung plastic na limang minuto mo lang gagamitin pero daan-daang taon bago mawala.

 

Kaya naman hinihikayat ang mga mamimili na magdala ng reusable bags, eco bags, bayong, basket, backpack, luggage, maleta… Chareng! Guard, may OA dito! Pero gets mo na. Simple lang ang mensahe.

 

Habang umuunlad ang ating pamilihan, sana ay sabay ring umunlad ang ating malasakit sa kalikasan. Dahil ang malinis na palengke ay hindi lang responsibilidad ng mga nagtitinda. Responsibilidad din ito ng mga mamimili.

 

Kaya sa susunod na mamalengke ka, huwag lang listahan ng bibilhin ang dalhin mo. Magdala ka rin ng reusable bag.

 

Mas tipid na, mas environment-friendly pa. Ito ay para masiguro natin na makakatulong tayo kay Mother Earth. Mahalin natin ang kalikasan, gaya ng pagmamahal natin sa Bayambang!

 

Dahil sa Bayambang, bawal ang plastic! Ganoon natin kamahal ang Mother Earth.

 

Bayambang, ang lahat ng ito ay dapat alam mo!

No comments:

Post a Comment