Monday, June 8, 2026

‘Di Patitinag ang Rebolusyon!

 

Speech of Dr. Cezar T. Quiambao on the 2nd Recalibration of BPRP

 

‘Di Patitinag ang Rebolusyon!

 

We are now on our 8th year of our Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Two years na lang ang nalalabi, at magsasampung taon na tayo. Kumusta na kayong lahat? Kaya pa ba? Hindi pa ba kayo nagsasawa sa Rebolusyon Laban sa Kahirapan?

Kung ako ang inyong tatanungin, ang sagot ko ay hindi. Hinding-hindi!

Hinding-hindi ako magsasawang labanan ang kahirapan. Nakakapagod ito, oo, pero hindi nakakasawa ang tumulong sa kapwa. Ito ay nakaka-inspire pa nga, at nakaka-bata. Hindi nakakasawa ang tulungang baguhin ang ating bayan, at ang buhay ng ating mga kababayan. Hindi nakakapagod ang magbigay ng pag-asa, nang walang halong kaplastikan at pamumulitika. At hindi nakakayamot ang tulungan ang bayan mo, at iangat ang antas ng pamumuhay nito.

Sa walong taon ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan, marami tayong naging lessons, dahil marami tayong ginawang proyekto. Aaminin kong kung hindi lahat ng ating mga ginawang proyekto ay lubos na nagtagumpay, ngunit bawat aral na ating natutunan ay mahalaga upang sumubok muli ng ibang istratehiya.

Iyan ang dahilan kung bakit tayo nagtitipong muli sa araw na ito. Upang magrecalibrate muli.

Isa sa mga mahahalagang aral ay ito: Maraming factors sa ating laban sa kahirapan ang nasa labas ng ating control. Kaya naman tayo ay malimit makipag-coordinate sa iba’t ibang lebel at ahensya ng gobyerno at maging ng mga pribadong organisasyon

While it is true that many things are beyond our control, tulad ng covid-19 pandemic, giyera sa Ukraine at Middle East, at mga natural na kalamidad, we can focus on the things we can control. We can focus on doing something within our sphere of influence.

Limited means and resources means we can choose to be creative. On our 8th year, nagpapasalamat ako sa lahat ng tumulong at nagbigay ng mga ideya upang isulong ang Rebolusyon sa iba’t ibang pamamaraan. Kayong lahat ‘yun, kaya’t palakpakan natin ang ating mga sarili.

Imbes na magreklamo na “mahirap maging mahirap,” tayo ay umaksyon. Makikita naman sa ating mga output na hindi tayo nagkamali sa paglunsad ng isang Rebolusyon. Hindi pala masama ang mag-ambisyon! Nakatulong ang pag-aambisyon upang magwagi. Nakatulong ang pagkakaroon ng bisyon (vision) at misyon (mission) upang magkaroon ng direksyon. Ngayon pa lamang, tayo ay magpasalamat dahil tayo ay naglunsad ng isang Rebolusyon.

Idedetalye sa programang ito ang atin nang mga nagawa, at dito ay kitang-kita natin na: Change is possible. Posible pala ang pagbabago! Kung tapat at taos-puso ang iyong hangarin, posible pala ang magbago nang hindi nanloloko. Binibiyayaan ng Diyos ang effort mo.

Sa ating 8th year journey so far, maraming challenges, pero marami ring blessings ang wala sa plano at di natin inaasahan. Ang hindi lang natuwa sa ating mga ginawa ay yaong mga walang magawa! Mga walang magawa para manira makabalik lamang sa puwesto o maagaw lamang ang ating puwesto.

Ngunit di tayo magpapatalo sa paninirang puri. Di tayo magpapatinag sa inggit. Di tayo magpapagapi sa negatibidad at pansariling ambisyon sa politika ng mga walang magawa at walang nagawa at ginawa,

Walong taon na tayo — ngayon pa ba tayo titiklop at titigil?

Samakatwid, ituloy ang ating Rebolusyon! Mabuhay ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan! Mabuhay ang bayan ng Bayambang!

No comments:

Post a Comment