Monday
Report – May 4, 2026
INTRO
Host 1:
Magandang araw,
Bayambang! Ako po si ___ ng ____ Office. Narito na naman tayo upang ihatid ang
mga pinakabagong balita at mahahalagang impormasyon na dapat ninyong malaman.
Host 2:
At ako naman po si
_________ ng _________ Office. …Naghahatid ng tapat, malinaw, at makabuluhang
ulat na sumasalamin sa mga kaganapan sa ating komunidad.
Host 1:
Narito kami upang
maging inyong gabay sa pag-alam at pag-unawa.
Host 2:
Nag-uugnay,
nagpapabatid, at naglilingkod sa bayan.
Both
Hosts:
Ito ang…
BayambangueNews.
1. International Film Director, Bumisita!
Bumisita ang
isang international film director kay Mayor Niña Jose-Quiambao para humingi ng
permiso sa pagkuha ng footage sa St. Vincent Ferrer Statue bilang bahagi ng kanyang
binubuong global documentary na “In the Shadow of Giants.” Tinalakay ni Burak
Akyol, isang Turkish citizen, ang ukol sa permit at drone operations. Inaasahang
magdadala ang naturang dokumentaryo ng mas malawak na pagkilala sa Bayambang.
Isang world-class exposure para sa bayan.
2. Red Ribbon, Nagbukas ng Branch sa
Bayambang!
Nag-courtesy
call ang mga opisyal at staff ng Red Ribbon kasabay ng opening ng kanilang
branch sa Royal Mall. Buong suporta at pasasalamat naman ang ipinabatid ng
lokal na pamahalaan sa naturang bakery chain store.
3. Mga Isyu sa Agrikultura, Tinalakay sa
Pulong
Nagtipon ang
mga lider ng mga samahang magsasaka upang talakayin ang updates sa Presidential
Assistance for Farmers and Fisherfolk Program, paghahanda sa wet season
planting, at iba pang usaping agrikultural. Kabilang din sa napag-usapan ang
farm machinery inventory at epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina.
4. Philippine Coconut Authority, Nag-Validation
Activity sa Managos
Sa tulong ng
MCDO, nagsagawa ang Philippine Coconut Authority ng isang validation activity
para sa nakatakdang pamamahagi ng coconut seedlings sa mga miyembro ng
kooperatiba sa Brgy. Managos, ang Managos Farmers Agriculture Cooperative. Dito
ay tiniyak ng PCA na magiging maayos ay distribusyon ng naturang seedlings at
mapapalakas ang industriya ng niyog sa lugar.
5. RHU I Dental Clinic, Accredited na ng
PHIC!
Opisyal nang
kinilala ng Philippine Health Insurance Corporation ang mga dental clinic ng
RHU I at RHU II, at ito ay magbibigay-daan upang na makapagbigay ng mga libreng
serbisyong dental sa mga residente. Kabilang dito ang cleaning, fluoride
treatment, at iba pang preventive care services. Malaking hakbang ito upang mapabuti
ang oral health ng komunidad.
6. KALIPI ng Bacnono, Wagi sa Eco Space
Competition
Nanguna ang KALIPI
members ng Brgy. Bacnono sa Eco Space Competition na isinagawa ng ESWMO bilang
parte ng Bali-Balin Bayambang clean-green-and -bloom program. Sinundan ito ng
Brgy. Bani at Brgy. Sanlibo batay sa creativity at sustainability ng kanilang
entries. Ang patimpalak na ito ay lalong nagpalakas sa pangangalaga sa
kalikasan sa pamamagitan ng inobasyon.
7. Management Review Meeting, Isinagawa
Isinagawa
ang isang Management Review Meeting kung saan tinalakay ng mga departamento ang
kanilang ulat kaugnay ng kani-kanilang quality management process at internal
quality audit. Isa-isang nagbahagi ang bawat tanggapan ng kanilang
accomplishments, mga naging hamon, at nakatakdang solusyon upang mapanatili ang
epektibong serbisyo publiko.
8. Mga Senior Citizen, Tumanggap ng
Social Pension
Sa
pagtutulungan ng Treasury Office at MSWDO, maayos na tumanggap ng kani-kanilang
social pension ang mga indigent na senior citizen para sa 1st
quarter noong April 28 at 29. Ang payout activity ay ginanap sa iba’t ibang
barangay sa magkahiwalay na araw upang hindi na bumiyahe pa ang mga senior
citizen sa sentro ng bayan.
[Note the
proper pronunciation of indigent.]
9. Civil Registry Services, Dinala sa Amanperez
Dinala ng
LCRO ang kanilang rumurondang mga serbisyo sa Brgy. Amanperez noong April 29,
kaya naman mas napadali para sa mga residente ang pag-aayos ng kanilang
mahahalagang civil registry documents nang hindi na bumibiyahe. Marami ang
nakinabang sa mga serbisyong tulad ng late registration, record correction, at
iba pang proseso, habang nabigyan din ng kaalaman ang komunidad tungkol sa
kahalagahan ng tamang dokumentasyon.
10. BPC Campus Construction Update
Patuloy ang
progreso ng ipinatatayong campus at Academic Building ng Bayambang Polytechnic
College sa Brgy. Bical Norte. Inaasahang makukumpleto ang konstruksyon ngayong
taon, at target na makalipat ang mga mag-aaral sa unang bahagi ng 2027. Libu-libong
estudyante ang nakatakdang makinabang sa mas malawak, mas maayos, at
world-class na pasilidad dito mismo sa ating bayan.
11. Iba’t Ibang Bagong Concerns,
Tinalakay sa LSB Meeting
Sa ginanap
na pulong ng Local School Board noong April 30, pinag-usapan ang ukol sa maintenance
and repair activities para sa mga paaralan, Brigada Eskwela, enrolment, Summer
Aral program, ang bagong 3-term school calendar, ang request para sa adisyunal
na konstruksyon ng classroom building sa Catalino Castañeda Elementary School, at 500 wooden armchairs sa Don Teofilo
Mataban Memorial School.
12.Isang Dayuhan, Tinulungang Makauwi
Matapos Ma-scam
Isang
Bangladeshi national ang tinulungan ng LGU Bayambang, matapos siyang mabiktima
ng ilegal na recruitment ng kanyang kababayan at maiwang walang trabaho at
pera. Sa tulong ng DFA at ni Mayor Nina, naihatid ang beinte-dos (22) anyos na si
G. Rakibul Islam sa Embahada ng Bangladesh sa Lungsod ng Makati para sa
repatriation at makapagsampa rin ng reklamo laban sa illegal recruiter.
BAYAMBANG, DAPAT
ALAM MO!
Bayambang,
dapat alam mo na mayroong bagong batas na magpapabago sa sistema ng pagbili at
pagkuha ng serbisyo ng pamahalaan. Ito ay ang Republic Act No. 12009 o ang New Government Procurement Act (NGPA)
na nilagdaan noong July 20, 2024.
Dapat
alam mo rin na hindi na lang “lowest bid” ang basehan ngayon. Sa ilalim ng RA
12009, mas pinapahalagahan na ang quality, efficiency, at long-term value o ang
tinatawag na Most Economically Advantageous Responsive Bid (MEARB). Ibig
sabihin, hindi lang mura, kundi sulit at dekalidad ang pipiliin.
Narito
ang ilang mahahalagang pagbabago:
• Mas
maraming procurement modes
– tulad ng Direct Acquisition, Competitive Dialogue, at Unsolicited Offers para
sa mas flexible at innovative na proyekto
• Fit-for-purpose
approach –
hindi na “one-size-fits-all”; pipiliin ang paraan base sa pangangailangan ng
proyekto
• Digitalization – gagamit na ng electronic
government procurement system o e-GP, kasama ang e-signatures at online
payments
• Sustainability
at inclusivity
– isinusulong ang Green Public Procurement at pagbibigay ng pagkakataon sa
local at social enterprises
• Mas
maayos na sistema upang maiwasang mag-bid ang deskwalipikadong mga
supplier sa pamamagitan ng centralized database
• Mas
maayos na planning,
kung saan hinihikayat ang multi-year planning para mas episyente ang paggastos
ng pondo ng bayan.
Bayambang,
dapat alam mo na ang batas na ito ay epektibo na simula pa noong August 13,
2024, at mayroong tatlong (3) taong transition period ang mga ahensya ng
gobyerno upang ganap itong maipatupad.
Sa
kabuuan, nabuo ang RA 12009 upang masigurong ang bawat piso sa kaban ng bayan
ay napupunta sa tama at tunay na kapaki-pakinabang na proyekto para sa
mamamayan.
Bayambang,
ang lahat ng ito, ay Dapat Alam Mo!
***
OUTRO
Host 1:
Maraming salamat sa
inyong patuloy na pagtitiwala at pakikinig sa BayambangueNews.
Host 2:
Asahan ninyo na
mananatili kaming tapat sa pagbibigay ng mga balitang makabuluhan, napapanahon,
at makatutulong sa ating komunidad.
Host 1:
Patuloy tayong
magkaisa sa paghubog ng mas maunlad at mas maalam na bayan.
Host 2:
Hanggang sa muli
nating pag-uulat, kami ang inyong mga tagapagbalita, _____________ ng _____
Office.
Host 1:
At
____________ ng ___________ Office.
Both
Hosts:
At ito ang….
BayambangueNews!
No comments:
Post a Comment