|
EVENTS
COVERED 1.
Child
Development Service Focal Person ng MSWDO, Pinarangalan! 2.
Limang
CDWs, Pinarangalan sa 13th Regional Convention sa Baguio 3.
Mga
Pamilyang Apektado ng Insidente ng Pagkalunod, Hinatiran ng Tulong 4.
Men
on Heels, Rumampa sa Pagbubukas ng Women’s Month 5.
Municipal
Trial Court at PAO, Nakatakdang Ilipat sa Bagong Gusali 6.
MAC,
Patuloy ang Pag-asiste sa mga Indigent na Pasyente 7.
3-Day
GAD Training-Workshop, Pinatibay ang Gender-Responsive Governance 8.
Mga
Lumang Gulong, Ginawang Malikhaing Mesa at Silya! 9.
Bayambang,
Isa sa Pilot Areas para sa Slow Food Travel Program 10. MDRRMO at Engineering, Muling
Nag-clearing Operations 11. Civil Service Caravan, Nagpatuloy sa
Tamaro at Hermoza 12. DOLE, Nagbigay ng Occupational Health
and Safety Training 13. Annual Energy Consumption ng LGU,
Nirepaso 14. KSB Year 9, Mag-uumpisa Na! 15. . Fire Prevention Month, Binuksan sa
Isang Motorcade 16. Poster at Slogan Making Contest,
Nagpamalas ng Kamalayan sa Fire Safety 17. Sari-saring Awards, Tinanggap ng
LGU-Bayambang! 18. RHU,
Nagpa-raffle Game sa mga Kababaihan 19. DOLE, Nagbigay ng Occupational Health
& Safety Training 20. Ambulansya at PTV, Nakatulong sa Iba't
Ibang Pasyente 21. Profiling Activity para TUPAD,
Isinagawa 22. 20 Trash Bins na Bigay ng Rotary Club,
Ipinamahagi 23. Mga Timbangan at Ilaw, Ininspeksyon sa
Public Market 24. Orientation on Anti-Sexual Harassment
Act, Idinaos 25. Mga Kababaihan ng LGU, Nag-enjoy sa
Art Activities 26. Price Monitoring, Mahigpit na
Ipinatupad! 27. Barangay Officials, Nagseminar 28. Energy Conservation Team, Nag-spot
Check 29. BPSO at TFD, Nag-inspeksyon sa Tricycle
Terminal 30. SB Members at Barangay Officials,
Nagseminar 31. Grade Schoolers, Inimbita sa Open
House ng BFP 32. Mga Kalalakihan ng LGU, Nakibahagi sa
Laban Kontra Karahasan sa Kababaihan 33. BPC, Nagsagawa ng Orientation sa Solid
Waste Management 34. Bayambang,
Nakiisa sa 1Q NSED 2026 35. Committee Hearing para sa Revised
Revenue at Market Code, Isinagawa 36. Little Mr. & Ms. Bayambang,
Nagtagisan sa Talent Competition 37. Bayambang, May Bagong Firetruck! 38. Philippine Army, May Recruitment
Outreach 39. 1,609 Pre-K Learners, Nagsipagtapos 40. Bb. Bayambang Contenders,
Nagpasiklaban sa Pre-Pageant 41. LGU Employee Orientation, Isinagawa 42. Fire Brigade ng JKQ MWC, Sinanay ng
BFP 43. Security Coordination, Isinagawa para
sa Ligtas na Kapistahang Bayan 44. 2027 GAD Plan at Budget ng LGU,
Binalangkas 45. Mobile Registry Services, Dinala sa
Manambong at Bical 46. Bagong Kooperatiba, Dumaan sa
Validation 47. Streetlights sa Dusoc-Darawey-Wawa
Rd., Muling Pinailaw 48. ExeCom Meeting, Isinagawa 49. Mga Kababaihang Lider, Nagningning sa
Women’s Night 50. Raffle Game for Women, Nagpatuloy 51. Acting Chief of Police, Pinarangalan
ng PNPA 52. DPWH Secretary Dizon, Binisita ang
Wawa Bridge 53. Fire Safety Inspection at Lecture,
Isinagawa sa Iba’t Ibang Paaralan 54. Clean-Up Drive, Isinagawa sa Poblacion
Sur 55. Bayambang, Isa nang Testing Center ng
PRC 56. TWG, Binuo upang Tutukan ang Epekto ng
Middle East Conflict 57. BRPAT Social, Agri, at Environment
Sectors, Nag-update sa mga Programa 58. BPSO Staff, Dumalo sa First Aid
Training 59. Mga Bb. Bayambang, Nagrecruit para sa
Mobile Blood Drive 60. COA Exit Conference para sa LDRRM Fund
at PRDP, Idinaos 61. Kalusugan ng Kababaihan, Tinutukan sa
Seminar 62. Mga Kababaihan, Nag-avail ng Libreng
Pap Smear at Implant 63. NCSC Cash Gift, Ipinamahagi sa Senior
Citizens 64. Public Hearing, Isinagawa ukol sa
Hiling na Pagtaas sa Pamasahe ng Traysikel 65. Library Tour at Story-Telling, Tampok
sa Public Library Day 66. Municipal SWM Board, Nagpulong 67. Mobile Donation Drive sa Carungay,
Nakakolekta ng 23 Blood Bags 68. BBB Team, Naglibot sa District 7 at 9 69. BFP, May Feeding Activity sa Bical ES SUMMARY
OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT EDUCATION FOR ALL - (LSB, Library, DepEd) Bayambang, Isa nang Testing
Center ng PRC
Library Tour at
Story-Telling, Tampok sa Public Library Day Nakiisa ang mga mag-aaral
ng Municipal Child Development Center sa pagdiriwang ng 67th Public Library
Day sa Municipal Library noong March 26, na tampok ang library tour,
story-telling, at iba’t ibang art at game activities. Sa programa,
naipakilala ang pasilidad ng aklatan at hikayatin ang mga bata na mahalin ang
pagbabasa sa murang edad sa pamamagitan ng masaya at interaktibong pagkatuto. HEALTH FOR ALL - Health (RHUs) RHU,
Nagpa-raffle Game sa mga Kababaihan Naglunsad ang Rural Health
Unit (RHU) ng isang serye ng raffle game activity noong March 4 sa Wet Market
bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month. Namahagi sila ng
iba’t ibang munting regalo tulad ng sanitary napkin, alcohol, sabon, at iba pang
personal care items habang isinusulong ang kalusugan at pagpapahalaga sa
papel ng kababaihan sa komunidad. Raffle Game for Women,
Nagpatuloy Nasa 3rd week na ang
'Wheels for Women' surprise raffle game ng RHU! Sila ay naghatid ng surpresa
sa mga kababaihan sa looban ng Public Market at sa may ibaba ng Royal Mall
Supermarket, sa pamamagitan ng mga papremyong personal care items sa mga
sumali. Mga Bb. Bayambang,
Nagrecruit para sa Mobile Blood Drive Nakiisa ang Bb. Bayambang
2026 candidates sa mobile blood donation drive ng RHU I noong March 23 sa
Brgy. Batangcaoa Covered Court, katuwang ang Philippine Red Cross–San Carlos
City Chapter. Dahil sa aktibong pag-recruit ng mga binibini ng mga blood donors,
may 48 blood bags ang matagumpay na nakolekta. Kalusugan ng Kababaihan,
Tinutukan sa Seminar Ang Municipal Health Office
ay nagsagawa ng isang health seminar bilang bahagi pa rin ng Women’s Month,
na naglalayong palakasin ang kaalaman ng kababaihan sa kanilang karapatan at
pangangalaga sa kalusugan. Naging tampok sa programa ang lecture ukol sa VAWC
o violence against women and children, women’s rights, at oral health. Mga Kababaihan, Nag-avail
ng Libreng Pap Smear at Implant Ang RHU ay nagbigay ng
libreng Pap Smear para sa maagang pagtuklas ng sakit na cervical cancer at
pag-avail ng reproductive implant. 26 sa mga ito ang nagpa-Pap smear, 15 ang
nag-avail ng implant insertion, 13 ng implant removal, at 18 ng implant
re-insertion. Mobile Donation Drive sa
Carungay, Nakakolekta ng 23 Blood Bags Ang RHU III ay
nakapagkolekta ng 23 blood bags sa isang mobile blood donation drive na
kanilang isinagawa sa Carungay Covered Court noong March 26, na dinaluhan ng
mga boluntaryong donor mula sa iba’t ibang barangay. BFP, May Feeding Activity
sa Bical ES Noong March 27, nagsagawa
ang Bayambang Fire Station ng isang feeding activity sa Bical Elementary
School. Bukod sa nutrisyon, pinagtibay ng ahensya ang ugnayan nito sa
komunidad. - Nutrition (MNAO) - Sports and Physical Fitness
(MPFSDC) - Veterinary Services (Mun.
Vet.) – Slaughterhouse PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN - Social Services (MSWDO, MAC) Mga Pamilyang Apektado ng
Insidente ng Pagkalunod, Hinatiran ng Tulong A. Patuloy na nagkakaloob
ng tulong ang LGU-Bayambang sa mga pamilyang naapektuhan ng insidente ng
pagkalunod sa pamamagitan ng food packs, pagbisita sa survivor, at pagbibigay
ng psychological first aid, sa pamamagitan ng MDRRMO, MSWDO, at mga RHU. B. Nagpaalala rin ang
pamahalaang bayan sa mga barangay na higpitan ang pagbabantay sa pagligo sa
Ilog Agno upang maiwasan ang kahalintulad na trahedya. Isang pulong ang
pinangunahan ni Mayor Nina kasama ang lahat ng mga kapitan, school
principals, at PTA at TODA federation upang pag-usapan ang mga nararapat na
gawing hakbang ukol sa insidente. C. Kaagad ding tumulong ang
PNP-Bayambang sa intensified information campaign sa pamamagitan ng pagdalo
sa flag-raising ceremony ng iba't ibang paaralan at pagbibigay ng mga babala
at pagpapaalala. Men on Heels, Rumampa sa Pagbubukas ng
Women’s Month
MAC, Patuloy ang Pag-asiste
sa mga Indigent na Pasyente
3-Day GAD
Training-Workshop, Pinatibay ang Gender-Responsive Governance Nagsagawa ng tatlong araw
na Gender-Responsive and Integrated Planning, Budgeting, and Implementation
Training Workshop noong February 23 at March 2 at 3, upang higit pang
palakasin ang kakayahan ng mga opisyal sa pagbuo ng plano, wastong paglalaan
ng badyet, at epektibong pagpapatupad ng mga programang nakaangkla sa Gender
and Development (GAD). Mga Kalalakihan ng LGU,
Nakibahagi sa Laban Kontra Karahasan sa Kababaihan Sa isinagawang aktibidad ng
LGU na “Men Standing Up for Women” noong March 12, dinaluhan ng mga
kalalakihang kawani mula sa iba’t ibang tanggapan ang isang programa na may
layong palakasin ang kamalayan at hikayatin ang mga kalalakihan na maging
katuwang sa pagpigil sa Violence Against Women o karahasan laban sa
kababaihan. Itinaguyod sa nasabing aktibidad ang respeto sa kababaihan at
pagkakapantay-pantay ng lahat sa buong komunidad 1,609 Pre-K Learners,
Nagsipagtapos May kabuuang 1,609 na
mag-aaral mula sa mga Child Development Center ng Bayambang ang nagtapos sa
36th Pre-Kindergarten Moving-Up Ceremony, na ginanap mula March 16 hanggang
19. Binigyang-diin dito ng mga opisyal at mga naimbitahang guest speaker ang
kahalagahan ng maagang edukasyon sa paghubog ng kinabukasan ng mga bata. 2027 GAD Plan at Budget ng
LGU, Binalangkas
Mga Kababaihang Lider,
Nagningning sa Women’s Night Noong March 19,
ipinagdiwang ang isang glamorosong Hollywood-inspired Women’s Night kung saan
bawat kababaihan ay itinuring na bituin, tampok ang red carpet treatment,
patimpalak, at makabuluhang mensahe mula sa mga lider ng bayan. Ang gabi ay
nagsilbing pagpupugay sa mga makabagong babaylan—mga kababaihang patuloy na
nagniningning at nagbibigay inspirasyon sa komunidad dahil sa kanilang
inspiring leadership sa iba’t ibang larangan. NCSC Cash Gift, Ipinamahagi
sa Senior Citizens Namahagi ang National
Commission on senior Citizens ng P10,000 cash gift kada isa sa 107 na
kwalipikadong senior citizens noong March 25. Ito ay bilang pagkilala sa
kanilang ambag at suporta sa kanilang pangangailangan. - Civil Registry Services (LCR) Civil Service
Caravan, Nagpatuloy sa Tamaro at Hermoza
Mobile Registry Services,
Dinala sa Manambong at Bical Ang proyektong mobile civil
registration services ng LCR ay dinala sa Brgy. Manambong Parte at Bical
Norte noong March 17 at 18. Dinagsa ng mga residente ang mga serbisyong
kaugnay ng civil registry at legal identification. Bukod sa agarang
pagproseso ng mga dokumento, isinagawa rin ang data capture para sa upgraded
Community Service Card, na magpapadali sa pag-access ng mga serbisyong
pinansyal ng LGU. - Environmental Protection
(MENRO, ESWMO) Mga Lumang Gulong, Ginawang
Malikhaing Mesa at Silya!
20 Trash Bins na Bigay ng
Rotary Club, Ipinamahagi Ang 20 na improvised trash
bins na donasyon ng Rotary Club of Bayambang sa LGU ay ipinamahagi ng ESWMO
sa iba’t ibang barangay. Ito ay kongkretong suporta ng Rotary Club sa
pangangalaga sa kapaligiran at pagtaguyod ng waste diversion para sa mas
malinis na komunidad. BPC, Nagsagawa ng
Orientation sa Solid Waste Management Nagsagawa ang Bayambang
Polytechnic College ng isang Orientation on Solid Waste Management noong
February 27 upang palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral at empleyado
tungkol sa wastong paghihiwalay at pamamahala ng basura. Nagbahagi ng
mahahalagang impormasyon ang MENRO at ESWMO, na sinundan ng isang open forum. Bali-Balin Bayambang Team,
Naglibot sa District 3 Noong nakaraang lingo, ang
Bali-Balin Bayambang Committee ay sumunod namang nagmonitor sa mga barangay
sa District 3 para sa clean-green-and-bloom project ni Mayor Niña. Sa
kanilang pag-iikot, sinuri ng dalawang monitoring team ang aktibong
partisipasyon ng mga opisyales at residente, ang kaayusan at kalinisan ng
kapaligiran, at ang pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan. Clean-Up Drive, Isinagawa
sa Poblacion Sur Nagsagawa rin ang BFP ng
clean-up drive sa Brgy. Poblacion Sur bilang bahagi ng Fire Prevention Month.
Binigyang-diin na ang kalinisan at pagtanggal ng mga madaling magliyab na
basura ay mahalaga upang maiwasan ang sunog at mapalakas ang bayanihan sa komunidad. Municipal SWM Board,
Nagpulong Nagtipon ang Municipal
Solid Waste Management Board sa kanilang 1st quarter meeting noong March 26,
upang talakayin ang mga ulat sa waste disposal, waste diversion activities
tulad ng recycling at composting, at ang aplikasyon para sa MRF Environmental
Compliance Certificate. Tinalakay rin ang paggamit ng makabagong teknolohiya,
mga estratehiya sa garbage collection sa gitna ng mataas na presyo ng
gasolina. BBB Team, Naglibot sa
District 7 at 9 Noong nakaraang linggo, ang
Bali-Balin Bayambang Committee ay sumunod namang nagmonitor sa mga barangay
sa District 7 at 9 para sa clean-green-and-bloom project ni Mayor Niña. Sa
kanilang pag-iikot, sinuri ng dalawang monitoring team ang aktibong partisipasyon
ng mga opisyales at residente, ang kaayusan at kalinisan ng kapaligiran, at
ang pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan. - Youth Development (LYDO, SK) - Peace and Order (BPSO, PNP,
DILG) Ambulansya at PTV,
Nakatulong sa Iba't Ibang Pasyente Patuloy na nagbibigay ng
serbisyo ang Bayambang Public Safety Office sa pamamagitan ng kanilang
ambulance at Patient Transport Vehicle, upang maihatid ang mga pasyenteng
nangangailangan ng espesyal na gamutan sa iba’t ibang ospital sa loob at
labas ng Pangasinan. Sa serbisyong ito, natutulungan ang mga residente na
makarating sa mga pangunahing pagamutan ng libre at makakuha ng tamang
pangangalaga mula sa mga espesyalista. BPSO at TFD, Nag-inspeksyon
sa Tricycle Terminal Nagsagawa rin ang Bayambang
Public Safety Office (BPSO) at Task Force Disiplina ng inspeksyon sa
Bayambang Tricycle Terminal. Kanila namang tiniyak ang kaayusan, tamang
pamasahe, at pagsunod ng mga drayber sa mga lokal na ordinansa at
batas-trapiko. Philippine Army, May
Recruitment Outreach Bumisita ang Armed Forces
of the Philippines upang hikayatin ang mga Bayambangueño na maglingkod sa
bayan sa pamamagitan ng serbisyo-militar. Bukás ang oportunidad para sa
kalalakihan at maging sa kababaihan, lalo na ngayong Women's Month, at
maaaring mag-apply sa darating na Mega Job Fair sa March 30 sa Saint Vincent
Ferrer Prayer Park. Security Coordination,
Isinagawa para sa Ligtas na Kapistahang Bayan Ang LGU ay nakipagpulong sa
104th Community Defense Center ng Philippine Army upang patatagin ang
seguridad para sa nalalapit na kapistahang bayan. Humiling ang pamahalaan ng
deployment ng mga tauhan para sa crowd control, traffic management, at
seguridad, lalo na sa People’s Night & Street Party sa April 1. BPSO Staff, Dumalo sa First
Aid Training Mula March 23 hanggang 27,
nagbigay ang BPSO ng Basic Life Support at Standard First Aid training para
sa mga kawani nito, upang palakasin ang kanilang kakayahan sa pagresponde sa
emerhensiya. Kabilang sa pagsasanay ang CPR, pagresponde sa choking, sugat at
bali, at tamang patient assessment upang maiwasan ang paglala ng kondisyon. AGRICULTURAL MODERNIZATION -
(MAO) JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL - Livelihood and Employment (PESO,
BPRAT)
DOLE, Nagbigay ng
Occupational Health & Safety Training Nagsagawa ang Department of
Labor and Employment – Regional Office I, sa pakikipag-ugnayan sa
PESO-Bayambang, ng Technical and Advisory Visit at Basic Occupational Safety
and Health Training for Safety Officers 1 noong March 5. Layunin nitong
palakasin ang kaalaman ng mga micro-enterprise establishments tungkol sa
labor standards, karapatan ng manggagawa, at workplace safety. Profiling Activity para
TUPAD, Isinagawa Noong March 6, isinagawa
ang isang profiling activity para sa mga benepisyaryo ng TUPAD na nakatuon sa
mga magulang ng child laborers at sa mga PWD. Pinangunahan ito ng DOLE sa
tulong ng PESO upang matukoy ang mga kwalipikadong benepisyaryo batay sa survey
at opisyal na talaan ng PWD Affairs Office. - Economic Development (SEE) Mga Timbangan at Ilaw,
Ininspeksyon sa Public Market Ang mga kawani ng Special
Economic Enterprise kasama ang Meat Inspector ay nag-inspeksyon sa mga karne
at weighing scale sa Public Market at sa may Nalsian Sur upang matiyak ang
kaligtasan ng mga produktong karne at ang tamang timbang na ibinibigay sa mga
mamimili. Dalawang defective weighing scales ang nakumpiska, pati na rin ang
ilang ilegal na dilaw na ilaw na ginagamit ng ilang meat vendors. - Cooperative Development
(MCDO) Bagong
Kooperatiba, Dumaan sa Validation Ang Cooperative Development
Authority ay nagsagawa ng validation activity para sa Bayambang Corn Farmers
Agriculture Cooperative upang matiyak ang kahandaan at pagsunod nito sa mga
pamantayan bago mairehistro. Ito ay isang inisyatiba ng Cooperative Development
Office at Agriculture Office bilang suporta sa pagpapalakas ng agrikultura at
kabuhayan ng mga magsasaka ng mais sa bayan. - Tourism, Culture, and Arts
(MTICAO)
Little Mr. & Ms.
Bayambang, Nagtagisan sa Talent Competition Pinahanga ng mga batang
kalahok sa Talent Competition ng Little Mr. and Ms. Bayambang 2026 ang mga
hurado at manonood sa kanilang masaya at malikhaing pagtatanghal noong Marso
13. Ipinakita ng mga tskiting ang kanilang husay sa pag-awit, pagsayaw,
pagbigkas ng tula, at iba pang talento bilang paghahanda sa gaganaping grand
finals sa March 30 sa Balon Bayambang Events Center. Bb. Bayambang Contenders,
Nagpasiklaban sa Pre-Pageant Ipinakita ng mga kandidata
ng Binibining Bayambang 2026 ang kanilang talino, talento, at kagandahan sa
ginanap na pre-pageant noong March 15. Tampok sa kompetisyon ang talent,
gown, at creative costume segments na nagbigay-diin sa kultura, tradisyon, at
identidad ng Bayambang. Abangan ang coronation night sa darating na gabi ng
March 29 sa Events Center. - Infrastructure Development
(Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.) Annual Energy Consumption
ng LGU, Nirepaso
Energy Conservation Team,
Nag-spot Check Nagsagawa ng random
spot-checking ang Energy Conservation Team sa mga opisina ng pamahalaan at
mga street light sa Public Market upang matiyak ang pagsunod sa mga hakbang
sa pagtitipid ng kuryente. Layunin nitong paalalahanan ang bawat tanggapan na
patuloy na ipatupad ang energy conservation initiatives sa gitna ng
nakaambang energy crisis. Streetlights sa
Dusoc-Darawey-Wawa Rd., Muling Pinailaw Muling pinailaw ng
Bayambang Public Safety Office at Task Force Disiplina, katuwang ang CENPELCO
at Municipal Engineering Office, ang mga streetlight sa Dusoc-Darawey-Wawa
Road matapos masira ang mga ito. Layunin nitong mapabuti ang kaligtasan sa
kalsada, habang hinihikayat ang publiko na maging mapagmatyag at ireport ang
mga insidente ng vandalism sa lugar. DPWH Secretary Dizon,
Binisita ang Wawa Bridge Bumisita si DPWH Secretary
Vince Dizon noong March 23 upang inspeksyunin ang konstruksyon ng Wawa
Bridge, kasunod ng personal na rekomendasyon ni Mayor Niña Jose-Quiambao.
Dinaluhan ito ng mga opisyal, kabilang si Congresswoman Rachel Arenas, upang
talakayin ang teknikal na aspeto at kalagayan ng proyekto, at nang mapabilis
ang pagtatayo ng temporaryo at bagong tulay. DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO) MDRRMO at Engineering,
Muling Nag-clearing Operations
Fire Prevention Month,
Binuksan sa Isang Motorcade
Poster at Slogan Making
Contest, Nagpamalas ng Kamalayan sa Fire Safety
Bayambang,
Nakiisa sa 1Q NSED 2026 Nakiisa
ang LGU-Bayambang at iba’t ibang sektor sa 1st Quarter Nationwide
Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026 upang tuluy-tuloy na palakasin ang
kahandaan ng komunidad sa lindol. Sa drill, binigyang-diin ang tamang
pagsasagawa ng “Duck, Cover, and Hold” at ang kahalagahan ng sama-samang
paghahanda sa oras ng sakuna. Bayambang,
May Bagong Firetruck! Ang
Bayambang ay nakatanggap ng isang brand new firetruck, salamat sa ilang taong
pakikipag-ugnayan nina Mayor Niña at Dr. Cezar Quiambao sa tanggapan ni
Senator Imee Marcos. Noong
March 12, itinurn-over at binasbasan ang bagong firetruck sa Municipal Hall.
Nagpahayag ng pasasalamat sa senadora ang mga opisyal ng LGU at Bureau of
Fire Protection sa pangunguna ni Acting Regional Director Antonio Razal Jr. Fire Brigade ng JKQ MWC,
Sinanay ng BFP Ang Bayambang Fire Station
ay nagbigay ng tatlong araw na pagsasanay para sa binuong Company Fire
Brigade ng Julius K. Quiambao Medical and Wellness Center noong March 17 to
19. Ito ay upang mapalakas ang kahandaan ng ospital sa mga emergencies at
mapahusay ang kakayahan ng mga tauhan sa pagtugon sa sunog. Tinalakay sa
aktibidad ang fire safety sa mga health facilities at basic firefighting
skills, kabilang ang paggamit ng fire extinguishers, bucket relay method, at
pag-unawa sa operasyon ng fire truck. Fire Safety Inspection at
Lecture, Isinagawa sa Iba’t Ibang Paaralan Nagsagawa ang Bayambang
Fire Station ng isang serye ng fire safety inspection at fire safety lecture
sa iba’t ibang paaralan sa bayan bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa
kaligtasan laban sa sunog.Kabilang sa mga binisita para sa fire safety inspection
at lecture ang San Gabriel 2nd, Pangdel Elementary School, Hermosa
ES, Manambong Parte ES, Manambong Sur ES, at Ataynan ES at fire safety
lecture naman sa PSU-Bayambang Campus. HONEST & EFFICIENT PUBLIC
SERVANTS KSB Year 9, Mag-uumpisa Na!
Price Monitoring, Mahigpit
na Ipinatupad! Bumuo ang LGU, sa
pangunguna ng BPLO at DTI, ng isang price monitoring team, upang magmonitor
sa mga gasolinahan at grocery store noong March 10 at 11. Kanilang sinuri at
mahigpit na binantayan ang presyo ng petrolyo sa mga gasolinahan at
pangunahing bilihin sa mga grocery stores, upang matiyak na patas at naaayon
sa batas ang mga presyo at maprotektahan ang kapakanan ng mga mamimili. Barangay Officials,
Nagseminar Dumalo ang mga opisyal ng
barangay ng Bayambang sa tatlong araw na Integrated Skills Enhancement
Seminar sa Subic mula February 27 hanggang March 1, kung saan tinalakay ang
mga paksa tulad ng barangay legislation, Katarungang Pambarangay, anti-drug
program, VAWC laws, at solid waste management. Kaya naman muling napalawak
ang kaalaman at kakayahan ng mga opisyal sa mas mahusay na pamamahala at
serbisyo publiko sa kanilang mga barangay. SB Members at Barangay
Officials, Nagseminar Dumalo ang mga Sangguniang
Bayan Members at mga opisyal ng barangay ng Bayambang, kabilang ang mga SK,
sa 3rd District Liga ng mga Barangay-Pangasinan Provincial Congress 2026 na
ginanap mula March 8 to 13 sa Puerto Princesa, Palawan, upang talakayin ang
mga programang magpapalakas sa pamamahala at serbisyo sa barangay. Tampok sa
kongreso ang temang nakatuon sa disaster prevention, anti-drug initiatives,
at barangay development. ExeCom Meeting, Isinagawa Nagpatawag ng Executive
Committee Meeting si Mayor Niña noong March 18, upang talakayin ang mga
nararapat na hakbang kaugnay ng epekto sa ating bayan ng nagaganap na giyera
sa Gitnang Silangan. Binigyang-diin sa pulong ang kahalagahan ng koordinasyon
at komunikasyon ng mga tanggapan upang mapabilis ang implementasyon ng mga
programang magbibigay pakinabang sa mamamayan. BRPAT Social, Agri, at
Environment Sectors, Nag-update sa mga Programa Tinalakay sa 1st Quarter
Social Sector Meeting ng BPRAT noong March 24 ang update ukol sa mga
programang pangkalusugan, agrikultura, edukasyon, kapakanan ng pamilya, at
kalikasan, kasama ang iba’t ibang ahensya. Kabilang sa mga imiungkahi ang
home-based food production activities, teenage pregnancy, rabies, sexual
abuse, at marami pang iba. - Planning and Development
(MPDO) - Legal Services (MLO) - ICT Services (ICTO) - Human Resource Management
(HRMO) Orientation on Anti-Sexual
Harassment Act, Idinaos Nagsagawa ang HRMO ng isang
orientation activity tungkol sa Anti-Sexual Harassment Act bilang bahagi ng
pagdiriwang ng National Women’s Month. Pinalawak ng aktibidad na ito ang
kaalaman ng mga kawani tungkol sa karapatan at proteksyon laban sa sexual harassment
at itaguyod ang ligtas na espasyo para sa kababaihan. Mga Kababaihan ng LGU,
Nag-enjoy sa Art Activities Kinahapunan, nagsagawa ang
HRMO ng isang art activity noong March 10 para sa mga babaeng empleyado ng
pamahalaang lokal. Sa pamamagitan ng mga gawaing tulad ng flower crafting,
paint by numbers, at keychain making, naipakita ng mga kalahok ang kanilang pagkamalikhain
habang nagrerelax. LGU Employee Orientation,
Isinagawa Isang Employee Orientation
Activity ang isinagawa ng HRMO para sa mga Job Order employees ng LGU noong
March 16, upang ipaliwanag ang mahahalagang patakaran, tungkulin, at
responsibilidad ng mga empleyado sa paglilingkod sa publiko, kabilang ang
patakaran sa disiplina at pati ang kanilang tax obligations. - Transparency/Public
Information (PIO) TWG, Binuo upang Tutukan ang
Epekto ng Middle East Conflict Binuo ni Mayor Niña ang isang
Technical Working Group upang tutukan ang mga usapin ukol sa mga posibleng
epekto ng kasalukuyang sigalot sa Middle East. Nagpulong ang grupo sa unang
pagkakataon noong March 23 at binuo ang isang contingency plan kaugnay nito,
lalo na posibleng senaryo at mga intervention sa antas ng LGU, barangay, at
sambahayan. COA Exit Conference para sa
LDRRM Fund at PRDP, Idinaos Sa isang Exit Conference ng
Commission on Audit kaugnay ng compliance ng LGU sa paggastos ng LDRRM Fund
at implementasyon ng PRDP, ibinahagi ng COA ang paunang obserbasyon at
rekomendasyon sa maayos na pagsunod sa patakaran sa paggamit ng pondo para sa
disaster preparedness at development projects gaya ng PRDP. - Property Custodial Services
(GSO, Motorpool)
AWARDS AND RECOGNITIONS Child Development Service
Focal Person ng MSWDO, Pinarangalan!
Limang CDWs, Pinarangalan
sa 13th Regional Convention sa Baguio
Sari-saring Awards,
Tinanggap ng LGU-Bayambang! A.
Una,
nakamit ng LGU Bayambang ang 90% Highly Functional Rating sa audit ng
Anti-Illegal Drug Abuse Council para sa taong 2024. B.
Nagtamo
rin ang pamahalaang bayan ng 93.96% o "Highly Functional" Rating sa
isinagawang audit ng Peace and Order Council para sa 2025. C.
Nakamit
naman ang LGU ng 98.13% na marka sa 2025 Child-Friendly Local Governance
Audit (CFLGA) ng DILG. D.
Bukod
pa rito, nakapagtala ang Local Council for the Protection of Children ng
Bayambang ng 93.66% na marka at kinilalang “Ideal” sa isinagawang audit ng
DILG noong taong 2025. E.
Samantala,
itinuring namang “Highly Functional” ang Local Committees on Anti-Trafficking
and Violence Against Women and their Children o LCAT-VAWC ng Bayambang
matapos makapagtala ng 104 na marka sa audit ng DILG. F.
Nanguna
rin ang Bayambang sa lahat ng munisipalidad sa buong Rehiyon Uno matapos
makapagtala ng ₱463.62 milyong pisong operating income batay sa ulat ng
Bureau of Local Government Finance o BLGF para sa ikatlong quarter ng 2025. G.
Wait,
there’s more! Pinarangalan naman ang RHU-Bayambang bilang isa sa Best Oral
Health Program Implementers mula sa Luzon, sa ginanap na parangal ng DOH
National Association of Dentists noong March 3 sa Alaminos City. Isa ang
RHU Bayambang sa tatlo lamang na nakatanggap ng natatanging parangal mula sa
Luzon. Acting Chief of Police,
Pinarangalan ng PNPA Ginawaran si PLtCol Rommel
Bagsic, Acting Chief ng PNP-Bayambang, ng Gawad Dakilang Lakan sa 46th PNPA
Grand Alumni Homecoming na ginanap sa Camp General Mariano N. Castañeda sa
Silang, Cavite. Ang parangal ay isang pagkilala ng Philippine National Police
Academy sa kanyang dedikasyon at natatanging serbisyo. LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB) Committee Hearing para sa
Revised Revenue at Market Code, Isinagawa
Isang committee hearing ang
isinagawa ng Sangguniang Bayan noong March 12, upang talakayin at pinal na
repasuhin ang mga panukalang ordinansa tungkol sa Revised Revenue Code at
Revised Market Code ng munisipyo. Layunin ng dalawang ordinansa na mapalakas ang
pamamahala sa koleksyon ng buwis at ang maayos na regulasyon ng pamilihan sa
bayan. Public Hearing, Isinagawa
ukol sa Hiling na Pagtaas sa Pamasahe ng Traysikel Ang Sangguniang Bayan ay
nagsagawa ng pampublikong pagdinig noong March 26 hinggil sa panukalang
pagtaas ng pamasahe sa tricycle, na dinaluhan ng mga TODA, operator, drayber,
at komyuter. Ipinahayag ng mga drayber ang pangangailangan ng dagdag-pasahe
habang nagbigay naman ng saloobin ang mga komyuter, at inaasahang pag-aaralan
ng konseho ang mga ito bago maglabas ng pinal na desisyon. |
No comments:
Post a Comment