Monday Report – April 27, 2026
INTRO:
[VOLUME, ENERGY, SMILE!]
1: Magandang araw, Bayambang! Ako po si ______.
2: Ako naman po si ______. At kami po ay mula sa
Municipal Assessor’s Office.
1: Narito na ang mga pinakahuling balita at kaganapan sa ating
bayan.
2: Tampok ang iba’t ibang hakbang tungo sa kaunlaran.
1&2: Ito ang... BayambangueNews!
[MEMORIZE THE HEADLINES]
1. Mga Brigada Eskwela Package, Ipinamahagi
Sa pamamagitan ng Local School Board, namahagi ang LGU ng mga Brigada Eskwela
package sa mga pampublikong paaralang elementarya at hayskul upang suportahan
ang paghahanda para sa nalalapit na pasukan. Kabilang sa mga ito ang mga gamit
para sa paglilinis at pagkukumpuni ng mga pasilidad. Ang programa ay
nagkakahalaga ng ₱795,570, at pinondohan mula sa Special Education Fund.
2. School Supplies, Ipinamahagi sa 18,000 na
Mag-aaral
Nagbigay din ang LGU ng mga school supply sa humigit-kumulang 18,000 na
estudyante mula sa 49 na pampublikong paaralan bilang paghahanda sa bagong
school year. Ang donasyong ito ay nagkakahalaga ng higit dalawang milyong piso,
at pinondohan naman ng Children’s Welfare Fund.
3. Mga Isyu sa Barangay, Tinalakay sa Pulong
Noong April 20, pinulong ni Mayor Niña
ang 77 na punong barangay upang talakayin ang iba’t ibang isyu tulad ng
imprastraktura, waste management, at pangkapaligiran. Nilinaw rin ang ilang isyu
at hinikayat ang responsableng paggastos sa panahon ng krisis. Binigyang-diin
din ang papel ng mga lider sa tamang pamamahala at paglaban sa maling
impormasyon.
4. Price Monitoring Team, Muling Nag-inspeksyon
Nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng price monitoring sa mga LPG outlet upang
matiyak na makatarungan ang presyo sa gitna ng pandaigdigang sigalot na
nakaaapekto sa suplay ng langis at gas. Isinagawa ito sa pakikipagtulungan ng
iba’t ibang ahensya upang mapanatili ang kaayusan sa merkado at maprotektahan
ang interes ng publiko.
5. Rice Coffee Brand, Inilunsad ng RBAC
Sa tulong LGU, DA-PhilRice, at DTI, inilunsad ang isang brand ng rice coffee na
gawa ng RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative bilang alternatibo sa
tradisyunal na kape gamit ang kanilang inaning pigmented rice. Nagkaroon ng sample
tasting at evaluation ng produkto sa naturang event. Namahagi rin ang DA ng mga
certificate of Good Agriculture Practice sa mga miyembro ng kooperatiba.
6. LCRO, May Outreach sa Inirangan
Noong April 22, dinala ng Local Civil Registry Office ang
information drive at mobile services nito sa Brgy. Inirangan upang mailapit sa
mga residente ang iba’t ibang kaalaman at serbisyong may kinalaman sa civil
registration. Maraming residente ang nakinabang sa pagproseso at pagwawasto ng
dokumento, habang binigyang-diin ang kahalagahan ng legal identity.
7. RHU III at PBSP, May Libreng Chest X-Ray
Ang RHU III ay nagsagawa ng isang Cough Caravan o Free
Chest X-Ray noong April 22 sa Brgy. Carungay Covered Court, sa
pakikipagtulungan sa Philippine Business for Social Progress, na naglaan ng 200
slots para sa libreng chest X-ray ng mga kliyente sa distrito. Kabilang sa mga
naging benepisyaryo ang mga kapamilya o household contacts ng kasalukuyan at
dating TB patients, mga pasyenteng may sintomas, at mga kabilang sa vulnerable
groups.
8. Iba’t Ibang Proyekto, Tinalakay sa ManCom
Meeting
Noong April 23, pinulong nina Mayor Niña at SATOM, Dr.
Cezar Quiambao, ang lahat ng department at unit head upang talakayin ang estado
ng lahat ng naglalakihang proyekto sa bayan at mga barangay, ayusin ang anumang
mga isyu, repasuhin ang lahat ng mga ginawang aksyon, at pagplanuhan ang mga
nararapat na solusyon.
9. 521 na Benepisyaryo, Tumanggap ng Suweldo
sa TUPAD
May kabuuang na 521 benepisyaryo mula sa hanay ng mg PWDs
at mga magulang ng child laborers ang tumanggap ng bayad mula sa kanilang
serbisyo sa ilalim ng programa ng DOLE na TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa
Ating Disadvantaged/Displaced Workers, sa payout activity na ginanap noong
April 23.
***
[Reserve this space for possible voiceovers.]
***
Bayambang, Dapat Alam Mo!
Bayambang, dapat alam mo!
1. Alam
mo ba kung ano ang SMV?
· Ang Schedule of
Market Values o SMV ay ang opisyal na pamantayang dokumento na inihanda ng mga
lokal na assessors (Municipal Assessor
at Provincial Assessor) na inaprubahan ng Bureau of Local Government
Finance (BLGF), at sertipikado ng Kagawaran ng Pananalapi. Karaniwan, ginagamit
ito upang matukoy ang batayang halaga ng merkado para sa pagbubuwis o pagtatasa
ng real property at mga kaugnay na buwis.
· SAAN ng aba GINAGAMIT
ANG SMV?
Ang
SMV ay para sa:
1. Real Property Tax
(RPT o "AMILYAR") bilang batayan sa pagtukoy ng RPT na dapat bayaran
ng mga local government units (LGUs).
2. Tax Assessments,
bilang batayan para sa pangkalahatang rebisyon ng pagtatasa at pag-uuri ng
ari-arian.
3. Transfer Tax, upang
makalkula ang lokal na buwis sa paglilipat, buwis sa capital gains, at buwis sa
selyo ng dokumentaryo.
4. Mga Bayarin sa
Gobyerno, para sa pagtatasa ng mga bayarin at singil tulad ng buwis sa buhangin
at graba at community tax.
5. Internal Revenue,
upang makalkula ng Komisyoner ng Internal Revenue ang mga pambansang buwis sa
mga paglilipat ng real property
· Sa ilalim ng R.A.
12001 o Real Property Valuation and Assessment Reform Act o RPVARA, aalisin ng
SMV na ito ang dating nakasanayan nang pagpili ng pinakamataas na halaga sa
Zonal Value ng BIR, SMV ng LGU, at itinakdang presyo ng pagbebenta; sa halip ay
lumilikha ng isang SMV para sa “valuation.”
· Target ng RPVARA na
ang binagong SMV ay magiging epektibo sa 2028. Ang SMV ay susuriin tuwing tatlong
taon pagkatapos nito.
· Sa Pangasinan, ang
kasalukuyang SMV pa rin ang 2011 revision.
I.
Ngayon,
ano naman ang EPEKTO NG BINAGONG SMV SA RPT O AMELYAR?
· [Magbigay
ng formula at sample computation ng RPT (Kath)]
· Habang ang binagong
SMV ay maaaring magresulta sa pagtaas ng RPT o Amelyar na dapat bayaran, para
sa unang taon ng pagiging epektibo ng naaprubahan o binagong SMV, ang anumang
naturang pagtaas ay limitado sa maximum na 6% ng RPT na sinisingil bago ang naaprubahan na SMV.
· Posible rin na hindi
na muna madagdagan ang RPT sa pagkakataong ito, depende sa tingin ng
Sangguniang Panlalawigan (SP).
· Ang pagtaas ng RPT ay kinokontrol ng SP na may
kapangyarihang ayusin ang naaangkop na assessment level at / o rate ng buwis
sa pagkalkula ng RPT.
II.
AMNESTIYA
· Samantala, may
paalaala naman ang Assessor’s Office sa lahat ng mga may-ari ng lupa, bahay at
makinarya na may ‘di nabayarang RPT o Amelyar: Alam niyo ba na mayroong patuloy
na amnestiya sa mga penalties, surcharges at interes ng RPT na sumasaklaw mula July
5, 2024 at pababa?
· Kaya naman, hinihikayat
ang mga nagbabayad ng buwis na samantalahin ang amnestiya na tatagal hanggang July 5, 2026.
Ang lahat ng ito, Bayambang, ay dapat alam mo!
***
KONKLUSYON:
[VOLUME, ENERGY, SMILE!]
1: Ang mga balitang ito ay sumasalamin sa patuloy na
pagpupunyagi ng ating pamahalaan.
2: Sa bawat programa at serbisyo, sama-sama nating
itinataguyod ang isang progresibong Bayambang.
1: Muli, ako po si ______.
2: At ako naman po si ______. At kami po ay mula sa
Municipal Assessor’s Office.
1&2: At ito ang... BayambangueNews!
No comments:
Post a Comment