Sunday, April 26, 2026

Bayambang, Dapat Alam Mo! - Schedule of Market Values

 Bayambang, Dapat Alam Mo!

 

Bayambang, dapat alam mo!

1.   Alam mo ba kung ano ang SMV?

 

·       Ang Schedule of Market Values o SMV ay ang opisyal na pamantayang dokumento na inihanda ng mga lokal na assessors (Municipal Assessor  at Provincial Assessor) na inaprubahan ng Bureau of Local Government Finance (BLGF), at sertipikado ng Kagawaran ng Pananalapi. Karaniwan, ginagamit ito upang matukoy ang batayang halaga ng merkado para sa pagbubuwis o pagtatasa ng real property at mga kaugnay na buwis.

 

·       SAAN ng aba GINAGAMIT ANG SMV?

 

Ang SMV ay para sa:

 

1.   Real Property Tax (RPT o "AMILYAR") bilang batayan sa pagtukoy ng RPT na dapat bayaran ng mga local government units (LGUs).

2.   Tax Assessments, bilang batayan para sa pangkalahatang rebisyon ng pagtatasa at pag-uuri ng ari-arian.

3.   Transfer Tax, upang makalkula ang lokal na buwis sa paglilipat, buwis sa capital gains, at buwis sa selyo ng dokumentaryo.

4.   Mga Bayarin sa Gobyerno, para sa pagtatasa ng mga bayarin at singil tulad ng buwis sa buhangin at graba at community tax.

5.   Internal Revenue, upang makalkula ng Komisyoner ng Internal Revenue ang mga pambansang buwis sa mga paglilipat ng real property

 

·       Sa ilalim ng R.A. 12001 o Real Property Valuation and Assessment Reform Act o RPVARA, aalisin ng SMV na ito ang dating nakasanayan nang pagpili ng pinakamataas na halaga sa Zonal Value ng BIR, SMV ng LGU, at itinakdang presyo ng pagbebenta; sa halip ay lumilikha ng isang SMV para sa “valuation.”

 

·       Target ng RPVARA na ang binagong SMV ay magiging epektibo sa 2028. Ang SMV ay susuriin tuwing tatlong taon pagkatapos nito.

·       Sa Pangasinan, ang kasalukuyang SMV pa rin ang 2011 revision.

 

 

 

 

 

 

I.           Ngayon, ano naman ang EPEKTO NG BINAGONG SMV SA RPT O AMELYAR?

 

·       [Magbigay ng formula at sample computation ng RPT (Kath)]

 

·       Habang ang binagong SMV ay maaaring magresulta sa pagtaas ng RPT o Amelyar na dapat bayaran, para sa unang taon ng pagiging epektibo ng naaprubahan o binagong SMV, ang anumang naturang pagtaas ay limitado sa maximum na 6% ng RPT na  sinisingil bago  ang naaprubahan na SMV.

 

·       Posible rin na hindi na muna madagdagan ang RPT sa pagkakataong ito, depende sa tingin ng Sangguniang Panlalawigan (SP).

 

·        Ang pagtaas ng RPT ay kinokontrol ng SP na may kapangyarihang ayusin ang naaangkop na assessment level at / o rate ng buwis sa pagkalkula ng RPT.

 

 

II.         AMNESTIYA

 

·       Samantala, may paalaala naman ang Assessor’s Office sa lahat ng mga may-ari ng lupa, bahay at makinarya na may ‘di nabayarang RPT o Amelyar: Alam niyo ba na mayroong patuloy na amnestiya sa mga penalties, surcharges at interes ng RPT na sumasaklaw mula July 5, 2024 at pababa?

·       Kaya naman, hinihikayat ang mga nagbabayad ng buwis na samantalahin ang amnestiya na tatagal  hanggang July 5, 2026.

 

Ang lahat ng ito, Bayambang, ay dapat alam mo!

 

***

No comments:

Post a Comment