MONDAY REPORT – JULY
6, 2026
[VOLUME, ENERGY, SMILE]
[INTRO]
NEWSCASTER 1: Magandang
Monday morning, Bayambang! Ako po si _____ mula sa ____ (office).
NEWSCASTER 2: At
ako naman po si _________ mula sa ____ (office). Narito kami upang ihatid ang
mga ulat ng pagbabago.
NEWSCASTER 1: Mga
hakbang tungo sa mas progresibong bayan.
NEWSCASTER 2:
Kaya’t samahan ninyo kami sa lingguhang kwentuhan ng serbisyong totoo. Dito lang
sa...
SABAY:
...BayambangueNews!
***
[SALITAN NA KAYO RITO]
1. Bayambang,
Wagi sa Unang Araw ng Inter-Agency Basketball League
Panalo agad ang Team
Bayambang matapos talunin ang MDRRMO-Basista sa opening day ng Inter-Agency
Basketball League na inorganisa ng EZ Jersey Pangasinan. Buong-pusong
sinuportahan nina Mayor Niña at Dr. Cezar Quiambao ang koponan sa pamamagitan
ng pagsagot sa kanilang participation expenses at mga jersey uniform.
2. BPSO
at TFD, Nag-seminar sa Fire Safety at First Aid
Animnapu't limang
personnel ng Bayambang Public Safety Office (BPSO) at Task Force Disiplina
(TFD) ang lumahok sa Fire Safety at Basic First Aid Seminar na ginanap sa Pinoy
Workers Partylist Center noong June 27. Layon nitong higit pang palakasin ang
kanilang kahandaan sa pagtugon sa mga emergency at pagbibigay ng mas mahusay na
serbisyo publiko.
3.
TODA Federation, Pinulong ukol sa
Disiplina sa Terminal
Pinulong ng BPSO at
Task Force Disiplina ang mga miyembro ng TODA Federation upang mapatibay ang
kaayusan, kalinisan, at pagpapatupad ng mga alituntunin sa Bayambang Tricycle Terminal.
Tinalakay rin ang mga suliranin ng mga tricycle operator at driver upang
mapanatili ang ligtas at disiplinadong operasyon ng terminal.
4.
BPSO, Umalalay sa Parking sa Central
Nakiisa ang BPSO at
Task Force Disiplina sa pamunuan ng Bayambang Central School sa pagsasaayos ng
parking area ng paaralan. Layunin nitong mapabuti ang daloy ng trapiko at
matiyak ang mas ligtas at organisadong paradahan para sa mga guro, mag-aaral,
magulang, at mga bisita.
5.
Mga Nawalang Wallet at Cell Phone,
Naibalik sa mga May-ari
Agad na naibalik sa
may-ari ang isang wallet at iba’t ibang cell phone na napulot sa daan at naiwan
sa pamilihang bayan dahil sa mga tapat ng kawani ng lokal na pamahalaan. Ito ay
naging posible dahil na rin sa maagap na koordinasyon ng BPSO at Task Force
Disiplina at Special Economic Enterprise. Lubos na nagpapasalamat ang may-ari
sa mga nakapulot ng mga nasabing gamit, at sa mabilis na aksyon ng mga
awtoridad.
6.
GAD-TWG, Sinuri ang Paggamit ng Pondo
Sa kanilang
ikalawang quarterly meeting, tinalakay ng Gender and Development Technical
Working Group ang utilization report, accomplishments, at iba pang mahahalagang
usapin sa pagpapatupad ng GAD programs sa Bayambang gamit ang GAD Fund. Layon
ng regular na pagpupulong na matiyak ang tamang paggamit ng naturang pondo at
patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng lahat ng sektor.
7.
School Safety at Security, Tinutukan sa
LSB Meeting
Naging sentro ng
special meeting ng Local School Board ang pagpapalakas ng school safety and
security, sa tulong ng PNP, kabilang ang mungkahing paglalagay ng security
guards sa mga paaralan. Tinalakay rin ang paghahanda ng 2027 Special Education
Fund budget, pagpapanatili ng school facilities, at iba pang programang
magpapahusay sa kalidad ng edukasyon sa Bayambang.
8.
Proteksyon sa Kababaihan at Kabataan,
Pinagtibay ng LCPC at LCAT-VAWC
Muling pinagtibay
ang mga polisiya, programa, at koordinasyon para sa kapakanan ng kababaihan at
kabataan sa Bayambang, sa ginanap na joint quarterly meeting ng Local Council for
the Protection of Children at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence
Against Women and Their Children noong June 29. Tinalakay rin dito ang
Children's Welfare Code, mga partnership sa iba't ibang sektor, at mga update
sa child-friendly governance.
9.
DA, Namahagi ng Agri Intervention Measures
Ang Bical Elementary
School, Bayambang Central School, at Naragsak Warding Farmers Association ay nakatanggap
ng vegetable seeds, foliar fertilizer, at farming implements mula sa Department
of Agriculture sa ilalim ng High-Value Crops Development Program nito. Ang mga intervention
measure na ito ay magpapalakas sa produksyon ng high-value crops, food
security, at mas produktibong agrikultura.
10. Professional Image at Workplace Etiquette,
Tinalakay sa Seminar
Upang mapaunlad ang
propesyonalismo sa serbisyo publiko ng mga LGU employees, nagsagawa ang HRMO ng
isang Professional Image, Workplace Etiquette, and Values Formation activity
noong June 30. Nagsilbing resource person at facilitator si Dr. Joel Torres ng
Central Luzon State University, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng paglilingkod
nang may ngiti, integridad, at kahusayan.
11.
Food
Security, Sentro ng Talakayan sa MNC Meeting
Pinaigting ng lokal
na pamahalaan ng Bayambang ang kampanya laban sa malnutrisyon at pagsulong ng
food security, sa isinagawang 2nd Quarter Meeting ng Municipal Nutrition
Committee noong June 30. Pangunahing tinalakay ang potensyal ng pagpapalakas ng
food security sa buong bayan sa pamamagitan ng ibayong pagpapalawak ng mga
HAPAG garden sa 77 na barangay at vertical gardening o hydroponic gardening sa
likod ng mga barangay hall.
12. PDEA On-Site Validation, Isinagawa
Ang Philippine Drug
Enforcement Agency o PDEA ay nagsagawa ng isang On-Site Validation para sa
lahat ng mga barangay ng Bayambang noong July 1. Masusing sinuri ng mga PDEA
Validation Officer ang mga programa at dokumento ng bawat barangay na sumalang.
Kanilang inalam kung patuloy bang nagiging epektibo ang mga Barangay Anti-Drug
Abuse Council (BADAC) sa kani-kanilang nasasakupan.
13. CDWs, Teachers' Aides, Sumailalim sa
Capacity-Building Training
Noong June 30, nagsagawa
ang MSWDO ng Child Development Workers' and Teachers' Aide Training. Tampok sa
pagsasanay ang Parents Effectiveness Service (PES) Refresher Training.
Tinalakay rin ang wastong food preparation, health, at nutrition upang higit
pang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa pangangalaga at
pag-unlad ng mga bata.
14.
Energy
Efficiency and Conservation Orientation, Isinagawa
Nagsagawa ang LGU ng
isa na namang Energy Efficiency and Conservation Orientation noong July 2.
Tinalakay rito ang Republic Act No. 11285 o Energy Efficiency and Conservation
Act at mga best practices sa pagtitipid ng enerhiya, pati na solar
installation, electrical permit application, atbp., upang palawakin ang
kaalaman ng mga kalahok sa ligtas, episyente, at sustenableg paggamit ng
enerhiya.
15. Pang-19 na Kubo mula sa Grand Ukay for a
Cause, Inihatid sa Nalsian Sur
Ang pang-19 na kubo
mula sa Grand Ukay for a Cause ni Mayor Niña ay inihatid ng LGU sa napiling benepisyaryong
pamilya sa Brgy. Nalsian Sur noong July 1. Ang pamilya ni G. Brian Japson de
Vera, isang tricycle driver, ay nagpapasalamat sa donasyong bahay kubo na
galing naman sa Pangasinan Brotherhood USA sa pagrerepresenta ni Councilor
Raymund Camacho. Bitbit din ng Grand Ukay team ang mga adisyunal na donasyong solar
lights, solar panel, at solar fan.
(Read 19 as
labing-siyam)
16. Wawa Bridge Update
Kasalukuyan nang
ibinubuhos ang semento sa mga pile cap ng Temporary Bridge sa Brgy. Wawa, matapos
plantsahin ng DPWH ang kasunduan para sa pagpasok ng bagong contractor noong July
3, ang araw kung kailan ini-release din ang bayad para sa mga apektadong
may-ari ng lupa. Patuloy na binabantayan at itinutulak ng pamunuan ang mabilis
na pagkilos ng pambansang pamahalaan upang masigurong ligtas na magamit ang temporary
bridge sa Wawa ngayong darating na Setyembre.
17. Feeding Angels of Bayambang, Muling
Naghatid ng Blessings
Ang Feeding Angels of
Bayambang ay patuloy sa misyon nito na "Walang batang maiiwan sa
pangarap," salamat sa lahat ng donors at volunteers na naging bahagi na ng
mga aktibidad nito. Ito ay matapos magsagawa ang FAB ng isang feeding activity
para sa 89 daycare pupils sa Barangay Tamaro, Zone 5, at Zone 7 noong July 1,
sa pakikipag-ugnayan ng MSWDO at MNAO. Kasabay ng programa, nagbahagi rin ng
birthday treats ang ilang miyembro ng FAB sa ilang undernourished na kabataan
at indigent na pamilya.
(Read indigent as
IN-dee-jent)
18. Mayor Niña, Nagkaloob ng Wheelchair sa
Batang May Sakit
Bilang tugon sa
panawagan ng isang inang humihingi ng tulong para sa kanyang anak na may
osteomyelitis, agad na nagkaloob si Mayor Niña noong July 1 ng isang wheelchair sa tulong ng
Persons with Disablity Affairs Office. Malaking ginhawa ang hatid ng wheelchair
upang mas mapadali ang paggalaw ng bata at ang kanyang pagpasok sa paaralan.
19. LGU, Nagbenchmarking sa AILC Cold Storage
Isang benchmarking
activity ang isinagawa ng mga kawani ng Engineering, Agriculture, Internal
Audit, at Special Economic Enterprise (SEE) sa AILC Cold Storage sa Brgy.
Amancosiling Norte. Kanilang sinuri at pinag-aralan ang operasyon, pamamahala,
at pinakamahusay na mga pamamaraan sa pagpapatakbo ng isang maayos na cold
storage facility. Naging daan ito upang makakuha ng mahahalagang kaalaman na maaari
nilang magamit sa pagpaplano at pagpapaunlad ng mga kaparehong agri-infrastructure
projects ng LGU.
20. Planong Slaughterhouse sa Inirangan,
Isinailalim sa Public Consultation
Isang public
consultation ang isinagawa para sa planong pagtatayo ng Bayambang
Slaughterhouse upang maipresenta ang proyekto at makuha ang pananaw ng mga
taga-barangay at iba pang stakeholder. Tinalakay ang proposed sub-project,
operational guidelines, grievance mechanism, at iba pang mahahalagang usapin
bago ang inaasahang pagpapatupad nito.
21.
Proposed Tricycle
Management Code at Nighttime Visibility Ordinance, Tinalakay sa Pagdinig
Tinalakay ng
Sangguniang Bayan ng Bayambang ang Tricycle Management Code of the Municipality
of Bayambang at ang Nighttime Visibility Ordinance sa isinagawang pampublikong
pagdinig noong July 3. Aktibong nakibahagi ang mga kinatawan ng iba't ibang
sektor ng transportasyon sa pagbibigay ng kanilang mga mungkahi at
rekomendasyon upang higit pang mapabuti ang mga panukalang ordinansa para sa
mas organisadong transportasyon at mas ligtas na mga lansangan sa Bayambang.
22. Bayambang, Kinilalang “IDEAL” sa LCPC
Assessment
Ginawaran ang
Bayambang ng IDEAL rating sa 2026 Local Council for the Protection of Children
Assessment ng DILG Pangasinan. Kinikilala nito ang mahusay na pagpapatupad ng
mga programa at serbisyong nagtataguyod sa karapatan, kaligtasan, at kapakanan
ng mga bata sa bayan.
Congratulations,
LGU-Bayambang!
FOR VO
23. Healthiest LGU Department Assessment,
Inilunsad
Sinimulan noong July
2 ang Healthiest Department Assessment bilang bahagi ng pagdiriwang ng
Nutrition Month 2026. Lumahok sa naturang aktibidad ang bawat departamento ng
LGU, at pinangunahan ang health assessment ng mga nurse ng RHU, kasama ang HRMO
at MNAO. Sa aktibidad na ito, hinihikayat ang mga tanggapan ng lokal na
pamahalaan na isulong ang healthy lifestyle at palakasin ang kultura ng
wellness sa hanay ng mga empleyado.
24. Tamang Nutrisyon, Hatid sa mga SPED
Students at Kanilang Caregivers
Sa pagdiriwang ng
Nutrition Month 2026, nagbigay ang MNAO noong July 2 ng healthy food treats sa
mga SPED student ng Bayambang Central School, at nutrition-related information drive
para sa kanilang mga magulang at caregivers katuwang ang Persons with
Disability Affairs Office. Dahil dito, naitaguyod ang inklusibong serbisyong
pangnutrisyon para sa mga kabataan.
25. CSC
at LGU, Nagpulong kung Paano Pa Mapapalakas ang HR Systems
Si Mayor Niña ay nakipagpulong sa Civil Service
Commission noong July 1 upang pag-usapan ang best practices ng LGU at ang mga
rekomendasyon ng CSC sa Learning and Development, Performance Management, at
Rewards and Recognition systems nito. Ito ay alinsunod sa pagkilala na ang
tapat at competent na mga kawani ay malaking tulong sa Rebolusyon Laban sa
Kahirapan. Kasama sa rekomendasyon ang pagtukoy ng mga nararapat na learning
service providers.
26. MDRRMO,
Nag-info Drive sa DRRM Preparedness
Noong July 2 naman, sinimulan ang pamamahagi ng mga
information materials sa 77 barangays at 64 public at private schools sa
Bayambang. Kasabay nito ay ang pagsasagawa ng monitoring at inspeksyon sa
kahandaan ng bawat barangay at paaralan sa pamamagitan ng pag-check sa
kondisyon at availability ng kanilang DRR supplies at equipment, kabilang ang
manual at electronic early warning bells, generator set, hazard maps, at DRR
Corner.
27. Bayambang,
Nakiisa sa Regional Kick-Off ng NDRM 2026
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster
Resilience Month 2026, dumalo ang LGU sa
Regional Kick-Off Program noong July 1, sa Bauang, La Union. Kinatawan ang LGU
ni LDRRMO Genevieve Uy. Tampok sa programa ang mga talakayan ukol sa iba't
ibang DRRM concerns gaya ng standardization ng water search and rescue teams,
relief augmentation process, management of the dead and missing, situation
reporting.
***
[VOLUME, ENERGY,
SMILE]
[OUTRO]
NEWSCASTER 1: Sa
bawat proyekto’t inisyatibo ng LGU, kabalikat ang bawat Bayambangueño.
NEWSCASTER 2: At
sa bawat ulat, nariyan ang puso ng serbisyo.
NEWSCASTER 1: Muli,
ako po si ___, mula sa ____, kasama ninyo
sa bawat kuwento ng pagbabago.
NEWSCASTER 2: At
ako si ___, mula sa _______, hatid ang balita para sa bawat isa. Hanggang sa
muli,
SABAY: Ito ang…
BayambangueNews!
No comments:
Post a Comment