Saturday, July 18, 2026

Monday Report - July 20, 2026

 

Monday Report - July 20, 2026

 

 

INTRO

 

NEWSCASTER 1: Magandang araw, Bayambang! Ako po si ______ mula sa ______ Office.

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si ______, mula rin __________ Office. Narito na ang mga pinakamahahalagang kaganapan sa ating bayan ngayong linggo.

 

NEWSCASTER 1: Mga programa, proyekto, at aktibidad ng LGU... mga balitang dapat ninyong malaman!

 

NEWSCASTER 2: ... Mga kwentong nagbibigay-inspirasyon sa ating bayan. Ating sabay-sabay na tutukan.

 

SABAY: Ito ang… BayambangueNews!

________________________________________

 

 

1. Mayor Niña, Namahagi ng Fresh Milk sa 4,000 Kabataan

 

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month, nagpamahagi si Mayor Niña ng fresh milk sa tinatayang 4,000 kindergarten at grade school students sa iba't ibang public school sa Bayambang. Ipinamahagi ng Nutrition Office ang mga gatas sa bawat paaralan na donasyon ng Dairy Farm ng Kasama Kita sa Barangay Foundation, at dahil na rin sa mga donors na nag-alay ng regalo sa kaarawan ng anak ni Mayor Niña na si Christopher Quiambao.

 

(Read 4,000 as "apat na libong")

 

2. Paghahanda sa FY 2027 Budget, Sinimulan

 

Bilang bahagi ng paghahanda para sa Fiscal Year 2027 Annual Budget, nagsagawa ang Budget Office ng Municipal Budget Forum noong July 14. Tinalakay sa forum ang mga prayoridad, polisiya, estratehiya sa pagbubuo ng badyet, at mga pinagkukunan ng pondo upang maging maayos at koordinado ang paghahanda ng budget proposals ng bawat tanggapan at katuwang na sektor ng pamahalaan.

 

 

3. Managos Co-op, Nagtraining sa Corn Pest Management

 

Isang Training on Corn Pest Management towards the Establishment of Biological Control Agent Production Facility with Extension Support ang isinagawa ng DA-Agricultural Training Institute-Regional Training Center I para sa Managos Farmers Agriculture Cooperative, sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office at Cooperative Development Office mula July 13-17. May 27 co-op members ang nakilahok at matagumpay na nagtapos nang may bagong kaalaman sa pagpuksa ng peste sa mais.

 

 

4. Mga Ani ng Local Farmers, Muling Tinangkilik ng Mamimili

 

Muling tinangkilik ng mga mamimili ang direktang bentahan ng mga magsasakang Bayambangueño ng kanilang sariwang gulay, prutas, at iba pang produkto sa tabi ng Legislative Building noong July 15. Sa proyektong ito, napalakas ang kita ng mga magsasaka habang nagbibigay ng abot-kaya at masustansyang pagkain sa mga mamimili.

 

 

5. Barangay Nutrition Leaders, Pinalakas ang Kaalaman sa Training

 

Ang Nutrition Office ay nagsagawa ng isang Barangay Nutrition Program Management (BNPM) Consultative and Reinforcement Training upang higit na palakasin ang kakayahan ng mga miyembro ng Barangay Nutrition Committee sa pagpaplano, pagpapatupad, at pamamahala ng mga programang pangnutrisyon. Tinalakay ng mga resource speaker mula sa NNC Region I, DILG, MPDC, at Barangay Financial Affairs ang nutrition governance, development planning, at tamang paggamit ng pondo, habang nagsagawa rin ng workshop sa pagbuo at pag-update ng mga Barangay Nutrition Action Plan.

 

 

6. 398 Senior Citizens, Tumanggap ng Cash Gift mula NCSC

 

Ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) ay nagpamahagi ng cash gift para sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa Bayambang noong July 16, alinsunod sa pagpapatupad ng Republic Act No. 11982 o Expanded Centenarians Act. Nakipagtulungan ang LGU sa pamamagitan ng OSCA at MSWDO, upang matiyak ang maayos, ligtas, at episyenteng pamamahagi ng benepisyo para sa mga nakatatandang mamamayan.

 

 

7. Disaster Resilience at Emergency Preparedness Initiatives, Tampok sa Exhibit

 

Noong July 17, nagdaos ang MDRRMO ng isang DRRM Exhibit sa Balon Bayambang Events Center bilang parte ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month. Tampok sa exhibit ang mga programa, inisyatiba, at best practices ng tanggapan na naglalayong palakasin ang kahandaan sa sakuna, pagtibayin ang katatagan ng komunidad, at maisulong ang mas ligtas na bayan ng Bayambang.

 

 

 

VO

 

8. Pre-Construction Conference, Isinagawa para sa San Gabriel II–Pantol Farm-to-Market Road Project

 

Matagumpay na naisagawa ng Department of Agriculture–PRDP Scale Up, sa pakikipagtulungan ng LGU Bayambang, ang tatlong-araw na kumperensiya bilang paghahanda sa maayos na implementasyon ng proyekto. Tinalakay rito ang mga responsibilidad ng mga katuwang sa proyekto, iskedyul ng konstruksyon, mga pamantayan sa kalidad at kaligtasan, at mga sistema ng monitoring upang matiyak ang matagumpay na konstruksyon ng farm-to-market road.

 

 

9. Operasyon Kontra Colorum Tricycles, Inaaraw-araw ng TFD at BPSO

 

Nagpatuloy ang daily operation ng TFD at BPSO laban sa mga colorum na tricycle sa Bayambang. Layunin nitong mapanatili ang kaayusan sa pampublikong transportasyon at maprotektahan ang mga lehitimong namamasada. Bahagi ito ng tuluy-tuloy na kampanya ng LGU para sa ligtas at disiplinadong lansangan.

 

 

10. TODA at LGU, Nagbayanihan sa Paglinis sa Tricycle Terminal

 

Nagsagawa ng Bayanihan Oplan Linis sa tricycle terminal ang TODA kasama ang TFD, BPSO, GSO, Engineering, SEE, at Solid Waste. Nilinis ang terminal upang maging mas maayos, malinis, at ligtas para sa publiko. Ipinakita ng aktibidad ang diwa ng bayanihan para sa isang mas maaliwalas na Bayambang.

 

11. Bayambang Volleyball Team, Wagi sa Ikatlong Pagkakataon sa Provincial Cup

 

Ang Bayambang Men's and Women's Volleyball Squad ay muling nagwagi sa ikatlong pagkakataon sa idinadaos na Provincial Cup o inter-town competition. Muling nagpasalamat ang team sampu ng kanilang mga coach sa buong suporta ng LGU at ni Mayor Niña, lalo na sa ng kanyang mga personal na donasyong bola.

 

________________________________________

 

OUTRO

 

NEWSCASTER 1: Maraming salamat sa inyong pagtutok.

 

NEWSCASTER 2: Abangan pa ang mas marami pang balitang direktang nagmumula sa inyong pamahalaang bayan.

 

NEWSCASTER 1: Muli, ako po si ______.

 

NEWSCASTER 2: At ako naman po si ______, at kami po ay mula sa ____ Office.

 

SABAY: Ito ang... BayambangueNews!

 

 

 

No comments:

Post a Comment