Tuesday, July 7, 2026

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! – July 13, 2026 - New DepEd Policy on Class Suspensions

 

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! – July 13, 2026

(Estimated runtime: 4 minutes and 12 seconds)

 

(Opening montage ng rain, flood, mga batang papasok sa paaralan, announcement ng suspension.)

 

Bayambang, dapat alam mo na isa sa mga pinaka-inaabangan tuwing tag-ulan ay hindi lang forecast ng PAGASA. Kundi ang tanong na…

 

“May pasok ba bukas?”

 

At ngayong may bagong polisiya ang Department of Education, marami ang nalilito. Kaya tara! I-explain natin yan!

 

(Kuya Ngen intro)

 

Dapat alam mo na hindi na iisa ang paraan ng DepEd sa pagsuspende ng klase tuwing may bagyo o iba pang kalamidad. Hindi na laging ang sagot ay suspended ang klase. Sa halip, mayroon na silang apat na antas o apat na level depende sa sitwasyon. At madali lang itong tandaan.

 

HAYO. HINAY. HINGA. HINTO.

 

 

UNA, HAYO!

Kapag ligtas ang lahat. Walang baha. Walang malakas na hangin. At maayos ang lagay ng panahon. Tuloy ang face-to-face classes. Wala ring nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal.

 

Panahon ito para magtuloy-tuloy ang pagkatuto. HAYO!

 

 

PANGALAWA, HINAY!

Kapag may kaunting abala tulad ng tuloy-tuloy na ulan o bahagyang epekto ng sama ng panahon, kailangan nang maging mas maingat.

 

Halimbawa, kapag may Tropical Cyclone Wind Signal No. 1, awtomatikong suspendido ang face-to-face classes sa Kindergarten. Kapag Signal No. 2, suspendido naman ang face-to-face classes mula Kindergarten hanggang Grade 12, pati ang Alternative Learning System (ALS).

 

Hindi ibig sabihin nito na titigil na agad ang pag-aaral. Maaaring gawing mas flexible ang mga gawain, bawasan ang activities, at unawain ang sitwasyon ng mga mag-aaral at guro. HINAY!

 

 

PANGATLO, HINGA!

Kapag lumalala na ang sitwasyon at nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3, awtomatikong suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, kabilang ang ALS, at suspendido rin ang trabaho sa maraming tanggapan sa publiko, maliban sa mga nagbibigay ng mahalagang serbisyo.

 

Sa panahong ito, mas inuuna ang kaligtasan kaysa sa requirements. Bago magbigay ng mga gawain, tinitiyak muna ng paaralan na ligtas ang bawat mag-aaral at guro.

 

Dahil sa panahon ng kalamidad, mas mahalaga ang buhay at kapakanan kaysa sa anumang takdang-aralin. HINGA!

 

 

AT PANGHULI, HINTO!

Kapag Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 o No. 5 na ang nakataas, nangangahulugan itong napakataas na ng panganib. Sa ganitong sitwasyon, ihihinto muna ang academic learning.

Dahil ang pinakamahalagang aralin sa oras ng sakuna ay ang makauwi, manatiling ligtas, at maalagaan ang isa't isa. HINTO!

 

 

Pero Bayambang, dapat alam mo na hindi porke’t walang suspension ay obligado nang pilitin na papasukin ang mga bata kahit delikado.

 

Kung sa palagay ninyo bilang magulang ay hindi ligtas ang pagpasok ng inyong anak dahil sa iba pang panganib, desisyon ninyo kung papapasukin ninyo ang inyong mga anak.

 

At sa ating mga estudyante naman, huwag din nating gawing biro ang suspension. Huwag agad mag-comment ng…

 

“Mayor, suspend niyo na po klase please.” O kaya “Manifesting walang pasok.”

 

(Insert stock video ng mga bata na nasa classroom then sa lgu bayambang)

 

At siyempre, tandaan na hindi lang ang DepEd ang nakaantabay sa panahon ng kalamidad. Nariyan ang ating lokal na pamahalaan, mula sa MDRRMO, RHU, BPSO, hanggang sa iba pang tanggapan ng munisipyo, na patuloy na naghahanda at nagbabantay upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan. Makakaasa tayong sila ay laging handa, alerto, at nakaalalay sa oras ng pangangailangan.

 

Bayambang, ang lahat ng ito ay Dapat alam mo!

 

Muli ako si Kuya Ngen na nagsasabing: pangit man ako sa inyong paningin, at least hindi ako sinungaling. Ba-bye!

No comments:

Post a Comment