EVENTS COVERED
1. Brigada Eskwela Package, Ipinamahagi 2. Hip-hop Dance Trainees, Nag-recital Din 3. TESDA Scholars, Naghatid ng Nutrisyon at Pag-asa 4. Mas Pinalakas na KSB, Abangan! 5. Info Drive ukol sa San Roque Dam, Muling Isinagawa 6. Strategic AIP Formulation Training, Isinagawa 7. Parent Leader Summit para sa 4Ps, Ginanap 8. Kilusang Kooperatiba, Mas Pinatatag sa Pulong ng MCDC 9. Mga Papeles na Napulot ng TFD, Agad Naisauli sa May-ari 10. DENR, Mag-iimbentaryo ng mga Istruktura sa Local Forestlands 11. ESWMO Staff, Gumawang Muli ng mga DIY na Dustpan 12. Bagong Commercial Building sa Quezon Blvd., Ininspeksyon 13. Mobile LCR Services, Dumako sa Ambayat 1st 14. License to Operate, Nakamit ng RHU I para sa Clinical Laboratory at Birthing Home Facility Nito 15. BPSO, TFD, at PNP, Nakaantabay sa Unang Araw ng Klase 16. School Supplies para sa 18,000 na Mag-aaral, Ipinamahagi 17. Brigada Eskwela 2026, Sinuportahan ng LGU at NGOs 18. Libreng Operasyon, Naipagkaloob sa 12 na Pasyente 19. Bagong Uniporme, Natanggap ng BPSO Rescuers 20. Barangay Officials, Nagtapos sa DRRM Course 21. Tulong Pinansyal, Ipapamahagi sa 7,676 na Magsasaka at Mangingisda 22. CDW Week, Ipinagdiwang 23. BPRP Recalibration, Muling Isinagawa 24. 128th Independence Day, Ipinagdiwang 25. Grupong BTS, May Bagong Outreach Activities 26. "Salang Arrangement" sa mga Terminal ng Transport Groups, Tinalakay sa SB Hearing 27. Road Safety sa Tour de Pangasinan, Tiniyak ng LGU 28. Agarang Tulong, Ipinagkaloob sa mga Nasunugan 29. Mayor Niña, Nagdonate ng mga Bola para sa mga Atleta 30. Bagong Central School Campus, Binili na ng LGU para sa mga Mag-aaral! 31. Usufruct Agreement sa Pagitan ng LGU at DepEd, Nilagdaan 32. Kasunduan, Nagbigay ng Permanenteng Campus sa BCS 33. Indonesian Students, Dumalaw sa Museo 34. SPES Beneficiaries, Tumanggap ng Sahod 35. Audit Orientation, Isinagawa 36. Mga Ani ng Local Farmers, Direktang Tinangkilik ng Mamimili 37. ESWMO, May IEC sa Lahat ng Paaralan 38. ROR Review at Consultation, Isinagawa 39. LGU, Dumalo sa PDC-PPOC-PADAC Meeting 40. Isang Sanggol na May Cleft Lip at Cleft Palate, Naoperahan ng Libre 41. CBMS Coordinating Board, Nag-convene 42. Iba’t Ibang Isyung Pang-edukasyon, Tinalakay sa LSB Meeting 43. Mayor Niña, Naghandog ng Fresh Milk sa mga CDC 44. LGU, Muling Naging Aktibo sa 2Q NSED 45. Mobile Local Civil Registry Services, Lumipat sa Managos 46. Bayambang, Muling Kinilala sa Good Financial Housekeeping! 47. IQA Team ng LGU, Sumabak sa Enhancement Training 48. Mini-MRF para sa Plastic Bottles, Itinayo sa Plaza 49. 200 Fruit Trees, Itinanim sa MRF 50. Kabataang Bayambangueño, Muling Nagpamalas ng Galing sa I.T.! 51. Mayor Niña, Nagpamahagi ng Sampung Bahay Kubo 52. Special Notice of Compliance for LPTRP, Iginawad sa LGU! 53. MDRRMO, Nag-inspeksyon sa 58 Fire Hydrants sa Bayan 54. 2Q Social Pension, Ipinamahagi sa Senior Citizens 55. Buklat Aklat Year 3, Inilunsad sa Buenlag 1st 56. KSB Year 9, Dinala sa Ambayat 1st 57. Seguridad sa mga Paaralan, Tinutukan sa MADAC-MPOC Meeting 58. Bayambang, Host ng Meeting DOLE para sa PESO at Job Placement Offices 59. Tatlong Pusa mula Animal Shelter Cats, Nagkaroon ng Bagong Fur-Ever Home 60. Libreng Panganganak sa RHU 1, Nagpatuloy 61. BPC, Matagumpay na Nagdaos ng Unang Commencement Exercises 62. Mobile Blood Donation Drive, Gaganapin sa July 6 63. Medical Mission ng BAIPHIL, Nakatulong sa Maraming Residente
SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT
EDUCATION FOR ALL
- (LSB, Library, DepEd)
Brigada Eskwela Package, Ipinamahagi
Nagpamahagi ang LGU ng mga Brigada Eskwela Package sa mga pampublikong paaralan sa bayan bilang suporta sa pagsisimula ng Brigada Eskwela noong June 1. Kabilang sa mga ipinamahagi ang mga kagamitan sa paglilinis, pagkukumpuni, at pagsasaayos ng mga pasilidad ng paaralan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase.
School Supplies para sa 18,000 na Mag-aaral, Ipinamahagi
Brigada Eskwela 2026, Sinuportahan ng LGU at NGOs
Bagong Central School Campus, Binili na ng LGU para sa mga Mag-aaral!
Usufruct Agreement sa Pagitan ng LGU at DepEd, Nilagdaan
Kasunduan, Nagbigay ng Permanenteng Campus sa BCS
Iba’t Ibang Isyung Pang-edukasyon, Tinalakay sa LSB Meeting
Kabataang Bayambangueño, Muling Nagpamalas ng Galing sa I.T.!
Matagumpay na lumahok ang dalawang mag-aaral ng Bayambang National High School na sina Gabriel Matthew Castro at Dianbrei Mae Estrada sa ginanap na 4th Pangasinan I.T. Challenge for Youth with Disabilities sa Lingayen noong June 18, sa tulong ng PDAO. Dito ay nasungkit ni Miss Estrada ang first place sa kategoryang E-Tool PowerPoint Presentation, kaya't siya ay magiging isa sa mga kinatawan ng Pangasinan sa National I.T. Challenge na gaganapin sa Tagaytay City.
Buklat Aklat Year 3, Inilunsad sa Buenlag 1st
Inilunsad sa Barangay Buenlag 1st ang Buklat Aklat Project Year 3 ni Mayor Niña, upang maghatid ng mga aklat at reading exercises para sa mga mag-aaral doon. Sa pamamagitan ng programa, nahihikayat ang mga mag-aaral na paigtingin ang kanilang interes sa pagbabasa at palawakin ang kanilang kaalaman. Tuwang-tuwa ang mga chikiting dahil sila ay nilibre ng McDonald’s meal ni Mayor Nina.
BPC, Matagumpay na Nagdaos ng Unang Commencement Exercises
Isang makasaysayang yugto ang naitala sa Bayambang Polytechnic College matapos nitong idaos ang kauna-unahang Commencement Exercises noong June 25 para sa 91 students. Nagtapos ang may 40 na mag-aaral sa kursong BS Entrepreneurship at 51 naman sa BS Agribusiness, kung saan 55 sa kanila ay kauna-unahang college graduate sa kanilang pamilya, 11 ang 4Ps, at apat ang nagtapos nang may distinction. Naging panauhing pandangal sa okasyon si Dr. Mudjekeewis Santos ng National Academy of Science and Technology.
HEALTH FOR ALL
- Health (RHUs)
License to Operate, Nakamit ng RHU I para sa Clinical Laboratory at Birthing Home Facility Nito
Nakamit ng RHU I ang DOH License to Operate (LTO) para sa Secondary Clinical Laboratory at Municipal Birthing Home nito matapos matugunan ang mahigpit na pamantayan ng Department of Health. Magbibigay ito ng mas de-kalidad na laboratory at maternal care services sa mga residente at magsisilbi ring mahalagang hakbang tungo sa PhilHealth accreditation ng mga pasilidad.
Libreng Operasyon, Naipagkaloob sa 12 na Pasyente
Libreng Panganganak sa RHU 1, Nagpatuloy
Magandang balita para sa mga buntis na kababaihan sa Bayambang! Matapos ang anim na buwang renovation, muling nagbubukas ang RHU I para sa libreng pagpapaanak ng mga low-risk pregnant mothers na may kumpletong prenatal check-up. Hinihikayat ang mga buntis na ina na makipag-ugnayan sa kanilang barangay health workers o direktang bumisita sa RHU I para sa karagdagang impormasyon
Maraming residente ang nakinabang sa isinagawang medical mission ng BAIPHIL sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na organisasyon. Nagbigay ang programa ng libreng konsultasyon, pagsusuri, at iba pang serbisyong medikal para sa mga mamamayan. Ayon sa mga organizer, umabot sa libu-libong pasyente ang nabigyan ng serbisyong pangkalusugan sa naturang aktibidad.
- Nutrition (MNAO)
TESDA Scholars, Naghatid ng Nutrisyon at Pag-asa
Noong May 30, ang mga scholar ng TESDA Events Management Services NC III ay matagumpay na nagsagawa ng isang Community Feeding and Wellness Drive para sa mga undernourished na kabataan ng District 5. Sa pakikipagtulungan ng Nutrition Office, sila ay nagbigay ng masustansyang pagkain at nagdaos ng makabuluhang aktibidad.
- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)
Mayor Niña, Nagdonate ng mga Bola para sa mga Atleta
- Veterinary Services (Mun. Vet.)
- Slaughterhouse Services
PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN
- Social Services (MSWDO, MAC)
Hip-hop Dance Trainees, Nag-recital Din
Ang ikalawang batch ng Summer Dance Class ay matagumpay na nagtapos sa ilalim ng kanilang coach na si John Jeremy Ong. Sa kanilang ginanap na recital, ipinakita ng mga kalahok ang kanilang natutunang mga istilo ng pagsayaw sa hip-hop dance genre, at pagyabong ng kanilang talento sa kanilang kinahiligang larangan.
Parent Leader Summit para sa 4Ps, Ginanap
Noong Hunyo 3, nagsagawa ang DSWD ng isang summit para sa mga Parent Leader ng 4Ps, para palakasin ang kanilang kakayahan bilang katuwang sa paghahatid ng serbisyo sa mga benepisyaryo ng 4Ps at mapabuti ang pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa 4Ps sa kanilang mga barangay. Tinalakay dito ang mga paksang beneficiary monitoring, grievance redress, at case management. Nagkaroon din ng leadership enhancement activity upang mapaunlad ang leadership skills ng Parent Leaders.
CDW Week, Ipinagdiwang
Nakiisa ang pamahalaang bayan sa pagdiriwang ng Child Development Workers' (CDW) and Child Development Teachers' Week bilang pagkilala sa mahalagang papel ng mga tagapag-alaga at guro sa maagang paghubog ng mga kabataan. Sa kanilang aktibidad, personal na binati at pinasalamatan ng mga opisyal ang mga Child Development Workers para sa kanilang walang sawang pag-aaruga, pagmamahal, at dedikasyon sa mga batang kanilang ginagabayan araw-araw.
Grupong BTS, May Bagong Outreach Activities
Agarang Tulong, Ipinagkaloob sa mga Nasunugan
Isang Sanggol na May Cleft Lip at Cleft Palate, Naoperahan ng Libre
Matagumpay na napa-operahan nang libre ang isang walong-buwang gulang na sanggol mula sa Brgy. Bongato East na may cleft lip at cleft palate sa tulong ng PDAO at Kapampangan Development Foundation. Siya ay inoperahan sa Dr. Jesus A. Datu Medical Center sa Bacolor, Pampanga, noong June 17 matapos maihatid-sundo ng BPSO.
Mayor Niña, Naghandog ng Fresh Milk sa mga CDC
Bilang parte ng pagdiriwang ng unang kaarawan ng kanyang anak, nagpamahagi si Mayor Niña ng libreng gatas sa lahat ng mga Child Development Center sa Bayambang. May 3,011 na musmos na kabataan ang nabiyayayan sa naturang gift-giving activity.
Mayor Niña, Nagpamahagi ng Sampung Bahay Kubo
Sampung pamilyang Bayambangueño mula sa iba't ibang barangay ang pinagkalooban ng bagong bahay kubo ni Mayor Niña Jose-Quiambao gamit ang personal na pondo. Bukod sa bahay, tumanggap din ang bawat benepisyaryo ng solar light, solar electric fan, at tig-isang kaban ng bigas. Napuno ng emosyon ang seremonya dahil sa tuwa ng mg benepisyaryo, na umuwing punung-puno ng pasasalamat. Ang mga benepisyaryo ay dumaan sa masusing pagsusuri ng DSWD at MSWDO.
2Q Social Pension, Ipinamahagi sa Senior Citizens
Ipinamahagi ng MSWDO ang tig-P3,000 na social pension para sa mga kwalipikadong indigent senior citizens sa iba't ibang bahagi ng bayan. May kabuuang 3,091 na mga benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda na naglalayong makatulong sa kanilang pangunahing pangangailangan.
- Civil Registry Services (LCR)
Mobile LCR Services, Dumako sa Ambayat 1st
Mobile Local Civil Registry Services, Lumipat sa Managos
- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)
DENR, Mag-iimbentaryo ng mga Istruktura sa Local Forestlands
Nag-courtesy call ang DENR Region 1 sa tanggapan ni Mayor Niña, kaugnay ng kanilang pagsisimula ng inventory ng mga imprastruktura na matatagpuan sa mga lupaing classified bilang forestland sa Bayambang. Layunin ng nasabing imbentaryo na maisaayos at maitala ang lahat ng estruktura sa lugar bilang bahagi ng wastong pamamahala at pangangalaga ng naturang mga land asset.
ESWMO Staff, Gumawang Muli ng mga DIY na Dustpan
Muling gumawa ang garbage collection team ng ESWMO ng mga pandakot o dustpan gamit ang mga basyong galon na naipon ng tanggapan, base sa orihinal na ideya ng staff na si Bobby Manuel. Ang mga naturang do-it-yourself na dustpan ay matibay, at nakatakdang gamitin ng mga Bali-Bali'n Bayambang street sweeper. ESWMO, May IEC sa Lahat ng Paaralan
Mini-MRF para sa Plastic Bottles, Itinayo sa Plaza
200 Fruit Trees, Itinanim sa MRF
- Youth Development (LYDO, SK)
- Peace and Order (BPSO, PNP, DILG)
Mga Papeles na Napulot ng TFD, Agad Naisauli sa May-ari
Ilang envelope na naglalaman ng mahahalagang dokumento ang agad na naibalik sa may-ari nito matapos itong matagpuan ng isang enforcer ng Task Force Disiplina sa municipal plaza noong May 22. Ayon sa ulat, ang naturang mga envelope ay napulot ni TFD enforcer Leo Villanda habang naka-duty, at agad niya itong iniulat sa awtoridad, hanggang sa ma-claim ito ng may-ari, na isang residente ng Dagupan City.
BPSO, TFD, at PNP, Nakaantabay sa Unang Araw ng Klase
Nagsagawa ng pinaigting na pagbabantay ang BPSO, Task Force Disiplina, at PNP sa iba't ibang paaralan kasabay ng pagbubukas ng School Year 2026–2027. Nakatuon ang kanilang operasyon sa traffic management, pagpapanatili ng kaayusan, at pagtitiyak sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at magulang.
Bagong Uniporme, Natanggap ng BPSO Rescuers
Road Safety sa Tour de Pangasinan, Tiniyak ng LGU
Seguridad sa mga Paaralan, Tinutukan sa MADAC-MPOC Meeting
Sa isinagawang ng Joint Quarterly Meeting para sa ikalawang quarter ng 2026 ng Municipal Anti-Drug Abuse Council at Municipal Peace and Order Council, tinutukan ang isyu ukol sa seguridad sa mga paaralan, bunsod ng mga ulat ng insidente ng karahasan sa ibang lugar. Bukod dito, kapansin-pansin naman ang mga magagandang naisakatuparan ng mga miyembro ng MADAC at MPOC para sa kapayapaan at kaayusan, na nagreresulta sa isang progresibong Bayambang
AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)
Tulong Pinansyal, Ipapamahagi sa 7,676 na Magsasaka at Mangingisda
Mga Ani ng Local Farmers, Direktang Tinangkilik ng Mamimili
Dinagsa ng mga mamimili ang bentahan sa tabi ng Municipal Legislative Building noong June 15 kung saan direktang ibinenta ng mga magsasakang Bayambangueño ang kanilang sariwang gulay, prutas, at iba pang produkto. Sa aktibidad na ito, napalakas ang kita ng mga magsasaka habang nagbibigay ng abot-kaya at masustansyang pagkain sa komunidad.
Tatlong Pusa mula Animal Shelter Cats, Nagkaroon ng Bagong Fur-Ever Home
Ang Bayambang Animal Shelter ay matagumpay na nakapagpa-ampon ng mga stray cats noong June 22 at 23 sa tatlong adoptive parents. Ang mga naturang sheltered cats ay nakatanggap ng anti-rabies vaccination, deworming, at neutering upang masiguro na sila ay healthy at safe alagaan. Dahil dito, nabigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga ligaw, inabandona, at napabayaang hayop, at nahanapan ng mga responsible pet owners.
JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL
- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)
SPES Beneficiaries, Tumanggap ng Sahod
Bayambang, Host ng Meeting DOLE para sa PESO at Job Placement Offices Noong June 25, idinaos sa Bayambang ang 2nd quarter meeting ng DOLE para sa mga PESO at Job Placement Offices ng DOLE sa buong probinsya ng Pangasinan. Dito ay tinalakay ang mga programa at isyung pang-empleyo, kabuhayan, at labor compliance. Dumalo ang mga kinatawan ng PESO at JPO sa Pangasinan upang palakasin ang koordinasyon at serbisyo para sa mga manggagawa at mga job seeker.
- Economic Development (SEE) Bagong Commercial Building sa Quezon Blvd., Ininspeksyon
- Cooperative Development (MCDO)
Kilusang Kooperatiba, Mas Pinatatag sa Pulong ng MCDC
Ang Municipal Cooperative Development Office ay nagpatawag ng pulong ng Municipal Cooperative Development Council (MCDC) members para sa 2nd quarter, upang talakayin ang iba’t ibang concern, kabilang ang estado ng pagsunod ng mga kooperatiba sa mga requirement ng CDA, gayundin ang pagmomonitor sa aplikasyon at pag-renew ng mga business permit ng mga rehistrado at aktibong kooperatiba, gayundin ang update hinggil sa resolusyon ng MCDC para sa opisyal na pagkilala ng CDA sa konseho.
- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)
- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)
Indonesian Students, Dumalaw sa Museo
DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)
Info Drive ukol sa San Roque Dam, Muling Isinagawa
Muling nagsagawa ang MDRRMO ng Information and Education Campaign ukol sa San Roque Dam katuwang ang iba’t ibang national at provincial agencies. Tinalakay sa programa ang dam safety, flood forecasting, disaster preparedness, at evacuation protocols upang higit na mapalakas ang kahandaan at katatagan ng mga komunidad ng Bayambang laban sa mga sakuna.
Barangay Officials, Nagtapos sa DRRM Course
LGU, Muling Naging Aktibo sa 2Q NSED
B: Ang NSED naman ay sinundan ng isang IT Disaster Recovery Drill ng ICT Office, kung saan tinesting ang pag-gana ng backup internet connection ng LGU sa oras na biglaang mawalan ito ng internet access dulot ng paglindol.
MDRRMO, Nag-inspeksyon sa 58 Fire Hydrants sa Bayan
Sa direktiba ni Mayor Niña, nagsagawa ang MDRRMO, katuwang ang BFP at Bayambang Water District, ng aktuwal na inspeksyon at pag-testing sa functionality ng 58 fire hydrants sa iba’t ibang bahagi ng bayan noong June 15. Bahagi ng aktibidad ang pagdodokumento, geo-tagging, at pagsubok sa lakas ng buga ng mga fire hydrant upang matiyak ang kahandaan ng mga ito at mapalakas ang kakayahan ng bayan sa mabilis at epektibong pagtugon sa mga insidente ng sunog at iba pang emerhensiya.
HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
BPRP Recalibration, Muling Isinagawa
Mas Pinalakas na KSB, Abangan!
Mas pinalakas at mas pinalawak ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan sa ikasiyam na taon nito, matapos magpulong ang buong team sa pangunguna ni Mayor Niña upang pag-aralan ang pagdaragdag ng mga bagong serbisyo sa programa. Layunin nitong gawing mas dynamic, mas kapaki-pakinabang, at mas accessible ang mga serbisyong medikal, dental, legal, pang-dokumentaryo, at iba pang ayuda para sa mga Bayambangueño, lalo na sa mga nasa malalayong barangay.
KSB Year 9, Dinala sa Ambayat 1st
Pinangunahan ni Mayor Nina ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 9 sa Barangay Ambayat 1st bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng mga serbisyong pangkomunidad sa mga residente ng malalayong barangay. Nakinabang sa programa ang 3,721 na residente sa pamamagitan ng iba't ibang libreng serbisyo, kabilang ang medical at dental services, bakuna sa hayop, employment services, legal consultation, seeds at seedling distribution, libreng gupit, at marami pang iba. Ang mga benepisyaryo ay nakatipid ng halagang P209,079.
Audit Orientation, Isinagawa
- Planning and Development (MPDO)
Strategic AIP Formulation Training, Isinagawa
Noong June 3, nagsagawa ang MPDO ng isang training para sa Technical Workshop on Strategic Formulation of Annual Investment Plan. Ito ay dinaluhan ng lahat ng department at unit head ng LGU at ng iba't ibang national agency heads. Dito ay pinatibay ang proseso ng planning at investment programming ng LGU upang masiguro na ang mga panukalang programs, projects, at activities ay istratehiko, results-oriented, implementable, at naka-align sa aprubadong CDP, LDIP, at iba pang mandated plans ng gobyerno.
CBMS Coordinating Board, Nag-convene
Special Notice of Compliance for LPTRP, Iginawad sa LGU!
Isang mahalagang pagkilala ang natanggap ng LGU-Bayambang matapos itong pagkalooban ng Special Notice of Compliance para sa Local Public Transport Route Plan o LPTRP mula sa LTFRB. Ang nasabing pagkilala ay patunay ng pagsunod ng bayan sa mga itinakdang pamantayan para sa mas maayos at episyenteng pampublikong transportasyon. Malaking hakbang ito tungo sa patuloy na modernisasyon ng sistema ng transportasyon sa Bayambang.
- Legal Services (MLO)
- ICT Services (ICTO) ROR Review at Consultation, Isinagawa
IQA Team ng LGU, Sumabak sa Enhancement Training
- Human Resource Management (HRMO)
- Transparency/Public Information (PIO)
- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)
AWARDS AND RECOGNITIONS
Bayambang, Muling Kinilala sa Good Financial Housekeeping!
LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)
"Salang Arrangement" sa mga Terminal ng Transport Groups, Tinalakay sa SB Hearing
|
No comments:
Post a Comment