Peace and Order Initiatives, Kapansin-pansin ang mga Nagiging Bunga
- Ayon kay PNP-Bayambang Chief, PLtCol Rommel Bagsic, kapansin-pansin ang lapad ng mga daanan sa kabayanan at walang presensiya ng mga palay at mais na binibilad sa araw, kaya't ligts, kaaya-aya, at maaliwalas ang magmaneho sa mga 4-lane na kalsada rito.
- Bukod pa rito, ani Bagsic, dahil sa donasyon ng LGU na dalawampung radyo at pamimigay din ng mobile, mas lalo pang napabilis ang pagrisponde ng mga kapulisan.
- Kapansin-pansin din ang pagbaba ng mga insidente ng iba't ibang krimen at karahasan kumpara sa nakaraang taon, kaya't patuloy aniya na masasabing drug-free ang Bayambang at mapayapa ang manirahan at mamuhunan dito.
- Dahil naman sa pinag-ibayong pagpupunyagi ng Task Force Disiplina sa ilalim ni Dr. Cezar T. Quiambao, nababawasan ang mga insidente ng banggaan at disgrasya sa mga kalsada, at otomatiko na sa maraming Bayambangueño ang sumunod sa mga batas-trapiko at magmaneho ng nakaseatbelt o nakasuot ang helmet.
- Dahil nasanay na sa ideya na ang pagsaway ng ating mga kapulisan at ng TFD ay para rin sa kanilang sariling kapakanan -- hindi ng mga elemento ng PNP at TFD -- nagiging mas kusang-loob na ang lahat sa pagtalima sa lahat ng uri ng batas ng ating bayan.
No comments:
Post a Comment