Wednesday, July 29, 2026

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! - No to Fake News

 

BAYAMBANG, DAPAT ALAM MO! – August 3, 2026

(Estimated runtime: 3 minutes and 45 seconds)

 

(Kuya Ngen Intro)

 

May tanong ako. Ano sa tingin mo ang pinakamabilis sa mundo?

 

Bullet train? Internet? Private vet? Engkkk! Maliii!

 

Dahil ang pinakamabilis sa mundo ay ang FAKE NEWS!

 

Isang click lang… Isang share lang… Libo-libo na ang makakabasa pero ang question…

 

TOTOO BA?

 

Kasi aminin natin, sa panahon ngayon, minsan mas mabilis pa tayong mag-share kaysa magbasa. May nakita lang tayong caption na…

 

“BREAKING NEWS: Kathniel, Nagbalikan Na!”

 

SHARE.

 

May nagsabi lang ng…

 

“Sabi ng pinsan ng kapitbahay ng tito ng kaibigan ko…”

 

Ayunnnn si share!

 

Bayambang, dapat alam mo na hindi lahat ng nababasa sa social media ay totoo.

 

Hindi porke’t may background music. May voice-over. May umiiyak sa video o may isang libong reactions ay totoo na.

 

Lalo na ngayon na nasa panahon na tayo ng Artificial Intelligence o AI at Deepfake. Sa teknolohiyang ito, puwedeng gumawa ng video, larawan, at kahit boses na mukhang at tunog totoong-totoo. Kaya huwag basta maniwala dahil lang convincing ang napapanood. Mas mahalaga pa rin ang beripikadong source kaysa sa viral na content.

 

Tandaan mo ito: Ang dami ng reactions ay hindi sukatan ng katotohanan. Ang dami ng shares ay hindi rin ebidensya. Kaya bago ka mag-share ay magtanong ka muna.

 

Sino ang nagsabi?

Kanino galing ang source?

Baka sa page ni Geographical Peak?

May legal document ba? Official statement?

 

Kasi kung wala…

 

Malamang hindi impormasyon yang hawak mo kundi tsismis na nakabihis lang bilang balita.

 

Dapat alam mo na ang unang nabibiktima ng fake news ay hindi lang ang taong sinisiraan kundi pati na rin ang mga taong basta-basta naniniwala.

 

Kaya Bayambang, dapat alam mo na ang isang pindot ng “Share” ay may kasamang responsibilidad. Ang fake news ay nakakasira ng pangalan.

Nakakasira ng tiwala.

Nakakasira ng pagkakaibigan.

At mas masakit… nakakasira ng pagkakaisa.

 

At hindi lang ’yan kasi kapag ikaw ang pinagmulan o sadyang nagpakalat ng maling impormasyon na nakapanira sa isang tao o institusyon, maaari kang managot sa ilalim ng batas.

 

Depende sa sitwasyon, maaari kang maharap sa mga kasong gaya ng libel, cyber libel kung ginawa ito sa internet, at maaari ring magkaroon ng civil action for damages kung may napatunayang pinsalang naidulot ang maling impormasyong iyong ipinakalat.

 

Pero don’t worry, kasi dito sa Bayambang ay walang puwang ang fake news. Walang puwang ang maling impormasyon. Kaya kung gusto mong makatulong sa pagpapanatili nito, maging responsableng netizen.

 

Think before you click. Verify before you share.

Dahil ang katotohanan ang dapat nating ipakalat, hindi ang tsismis.

 

Tandaan: Hindi nakakabawas ng talino ang mag-fact check pero nakakabawas ng kredibilidad ang paulit-ulit na pagpapakalat ng maling impormasyon.

 

Bayambang, ang lahat ng ito ay Dapat Alam Mo!

 

Muli ako si Kuya Ngen na nagsasabing:

No comments:

Post a Comment