Mispronunciation Misadventures
Nabaliw naman ako dito kay aning-aning. Sabi ko, "Anong ulam?"
Sagot niya: Tufo.
So I was like, tufo? Ito kaya ay tuna na may ufo? O turta na opu para kay Mon Tulfo?
Hahaha!
(It dawned on me that she meant tofu, of course.)
Hindi sa minamaliit o pinagtatawanan ko siya ha, huwag niyo naman akong ireport, mga balat-sibuyas -- I mean, di ko minamaliit ang pagkatao. After all, I am a Pangasinense, and I grew up with Pangasinenses na laging pinagtatawanan ang katigasan ng pagbigkas at being routinely referred to derisively as 'Panggalatok' or worse 'Panggalatot.'
Sadyang nakakatawa lang para sa akin na napagbabaliktad ng iba yung mga 'di dapat. Doesn't mean mahina silang nilalang o masama na akong tao, right?
***
Naaala ko tuloy yung time na ang dami kong sinagot na reklamo tungkol sa 4Ps. Mga isang libo ata yun.
Bilang unofficial na reklamuhan ng bayan sa FB, ako na 'ata ang pinakamaraming natanggap na galit na galit na reklamo ukol sa 4Ps outside of DSWD.
Pero sa halip na mahayblad ako, laff trip ang nangyari. Naka-mga 100 tawa ako.
'Di ako makafocus sa pagsagot sa mga reklamo kasi the complainants spelled 4Ps in different ways, and worse, in all seriousness pa. Ewan lang kung nananadya yung iba. Merong:
- for peace (para sa kapayapaan ba itu?)
- 4 peace (hala, apat na kapayapaan daw! so countable noun na pala ang kapayapaan?)
- 4 piece (apat na piraso?)
- for piece (para sa piraso?)
- for Ps (para sa mga letrang Pa?)
- 4 pcs (apat na piraso talaga 'teh? o nag-autocorrect ka lang?)
- por pis (dos por dos-in ko kaya ito?)
I was like, Ewan ko sa inyo! Bahala kayo dyan! At least wala pa namang apat na isda (four fish), di ba?
***
'Til the next misadventure, mga ka-tufo! (Naka-private 'to kasi ayoko namang maipa-Tolfu nang dahil lang sa pritong tokwa na nilagyan ng kaunting toyu!
Thursday, October 16, 2025
Mispronunciation Misadventures
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment