Thursday, October 23, 2025

Bayambang, Dapat Alam Mo! - Mga Dapat Gawin Bago, Habang, at Pagkatapos ng Lindol

 Bayambang, Dapat Alam Mo!

 

 

Bayambang, dapat alam mo na kailangang maging laging handa sa mga pagyanig sapagkat ang Pilipinas ay nakapapabilang sa mga bansang nasa Pacific Ring of Fire.

 

Anu-ano ang mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol?

 

1. Una: Maghanda ng Emergency Go Bag

Ang Go Bag ay isang emergency kit na maaaring agad dalhin kung kinakailangang lumikas. Mahalaga ito para sa unang 72 oras matapos ang sakuna.

 

Karaniwang Laman ng Go Bag:

-----------------------------------------------------------------------------------------

[DON’T READ – FLASH ONLY in two panels with 6 icons each]

 

· Tubig – 1 litro bawat araw para sa bawat tao (minimum 3 araw)

· Pagkain na hindi madaling mapanis – Canned goods, energy bars, dried fruits

· First Aid Kit – Bandage, gamot, antiseptic, alcohol, gamot sa ubo/lagnat

· Flashlight at extra batteries

· Whistle – Para makatawag ng pansin kung kinakailangan

· Face mask at alcohol – Para sa kalinisan at proteksyon

· Extra damit at kumot

· Power bank o backup charger

· Importanteng dokumento (photocopy) – ID, birth certificate, etc.

· Cash – Coins at maliliit na bills

· Lista ng emergency contacts

· Personal hygiene items – Toothbrush, toothpaste, sanitary napkin, sabon

 

TIP: I-check ang Go Bag tuwing 3–6 buwan para i-update ang laman at tiyaking hindi expired ang pagkain o gamot.

 

 

IBA PANG PAGHAHANDA BAGO ANG LINDOL

 

1. Pag-usapan ang emergency plan kasama ang pamilya.

[Don’t read na lang the elaboration – just flash onscreen.] Tukuyin ang mga meeting point at evacuation area.

 

2. Alamin ang mga ligtas na lugar sa loob ng bahay o opisina.

Tulad ng ilalim ng matibay na mesa, malayo sa bintana.

 

3. Siguraduhing matibay ang pagkaka-install ng mabibigat na gamit.

Itali o ikabit nang maayos ang estante, TV, at iba pa para hindi matumba.

 

4. Makipag-ugnayan sa barangay o lokal na pamahalaan.

Alamin ang mga hotline at disaster response plan sa inyong lugar.

 

5. Sumali sa mga earthquake drills.

Practice makes prepared. Mas magiging automatic ang tamang kilos kung ito ay nasanay na.

 

MGA DAPAT GAWIN HABANG LUMILINDOL

 

1. Manatiling kalmado.

[Don’t read na lang the elaboration – just flash onscreen.] Huwag mag-panic. Ang pagiging kalmado ay nakatutulong sa malinaw na pag-iisip at tamang kilos.

2. Mag-DUCK, COVER, and HOLD.

Yumuko, humanap ng matibay na desk o mesa bilang panangga, at humawak nang mahigpit.

3. Manatili sa loob ng gusali.

Kung ikaw ay nasa loob, huwag magmadaling lumabas. Mas ligtas ang manatili kung wala namang sunog o panganib ng pagguho.

4. Lumayo sa mga bintana, salamin, at matataas na gamit.

Maiiwasan ang injury mula sa pagbagsak o pagkabasag ng mga ito.

 

MGA DAPAT GAWIN PAGKATAPOS NG LINDOL

 

1. Maging alerto sa aftershocks.

[Don’t read na lang the elaboration – just flash onscreen.] Maaaring magkaroon ng mga kasunod na pagyanig.

2. Suriin ang sarili at mga kasama.

Tingnan kung may nasugatan. Magbigay ng paunang lunas kung kinakailangan.

3. Lumabas ng gusali kung ligtas.

Gumamit ng hagdan at huwag dumaan sa elevator. Pumunta sa open space o evacuation area.

4. Tulungan ang mga nangangailangan.

Tulungan ang mga matatanda, bata, buntis, at may kapansanan sa paglikas.

5. Huwag bumalik agad sa loob.

Maghintay ng opisyal na abiso na ligtas na ang gusali bago bumalik.

6. Suriin ang paligid.

Tingnan kung may tagas o sira sa linya ng tubig, kuryente, at gas. Huwag gamitin ang mga ito kung may kahina-hinalang pinsala.

7. Gumamit ng radyo o cellphone.

Makinig sa balita at abiso ng mga awtoridad para sa mga tagubilin at update.

8. Lumayo sa tabing-dagat.

Kung malapit sa baybayin, agad na lumikas sa mataas na lugar dahil posibleng may banta ng tsunami.

9. Sundin ang mga tagubilin ng mga opisyal.

Kung ikaw ay nasa paaralan, opisina, o evacuation center, makinig sa mga inatasang lider para sa wastong pagkilos.

 

TANDAAN: Ang pagsasanay ay susi sa kaligtasan. Sa pamamagitan ng earthquake drill, natututo tayong kumilos ng tama sa oras ng sakuna. Laging maging handa. Isang buhay ang maaaring mailigtas ng isang tamang kilos.

 

Bayambang, ang lahat ng ito ay dapat alam mo!

 

 

 

No comments:

Post a Comment