Friday, October 31, 2025

LGU Accomplishments - October 2025

 EVENTS COVERED

 

1. Mayor Niña, Nanguna sa PDRA para sa Bagyong "Paolo"

2. Planong School Infra Projects, Tinalakay ng LSB

3. LCRO, sa Ataynan naman Nag-info Drive

4. Huling Delivery ng SFP Food Items sa 2025, Ipinamahagi

5. Task Force Disiplina at LTO, Nagsanib-Puwersa!

6. PWD Student, Global IT Challenge Qualifier

7. Mga Bagong Opisyal ng OFW Federation, Nanumpa

8. Ceremonial Signing, Ginanap para sa Phase 2 FMR Project

9. Municipal Museum, May Pa-contest sa mga Vloggers

10. Tradisyon sa Pagbuburo, Isinalin sa Kabataan

11. Buklat Aklat Project, Dinala sa Tamaro-Tambac ES

12.  Mga Sirang Streetlights, Pinalitan ng Solar Streetlights

13. Mga BHW, Tumanggap ng Ayudang AKAP

14. Bayambang M.C.D.O, Nakilahok sa Provincial Tree-Growing Activity

15. Virtual Assistant and Work-From-Home Skills Training, Handog sa mga Kawani ng LGU

16.  DMW Regional Office, Magbubukas sa Bayambang!

17. Blue Sky Theme Park, May Local Recruitment

18. BPSO, Nagturo ng Fire Safety at Basic First Aid

19. 5 Centenarians, Tumanggap ng Cash Gifts

20. Elderly Filipino Week, Ipinagdiwang

21. Iba pang Centenarians, Tumanggap ng Cash Grant

22. Mga Mag-aaral, Nagtagisan sa Tourism Quiz Bee

23. Mga Kabataan, Natuto sa Binasuan Workshop

24. Mga Manunulat, Nagtagisan sa Short Story at Poetry Writing

25. Local Photographers, Nagtagisan sa Photo Contest

26. LGU, Lumahok sa CCA-DRR Conference

27. Risk and Hazard Assessment sa LGU Offices, Isinagawa

28. MDRRMO Rescuers, Nag-training sa Rope Rescue

29. Nutrition in Emergencies Training, Isinagawa

30. Special Needs Students, Tumanggap ng Medical-Dental Services

31. Tobacco Production Training, Isinagawa

32. Bagong Agri Office, Pinasinayaan!

33. Taiwanese Professor at Negosyante, Bumisita para sa Posibleng Kolaborasyon

34. PESO, May Special Recruitment Activity

35. Mayor Niña, Nanguna sa Buklat Aklat sa Ligue

36. Mayor Niña, Nanguna sa Buklat Aklat sa Ligue

37. PDAO, Dumalo sa Training para sa Unified PWD ID System

38. MDRRMO, Lumahok sa 'Rescuelympics'

39. DOLE, Dumalaw para sa Technical Advisory sa Micro-Enterprises

40. Municipal Organic Agriculture Council, Itinatag

41. LGU-Bayambang, May "Highly Functional" LCAT-VAWC

42. Bayambang Co-op Dev’t Council, Pinarangalan

43. Teaching Guides ng CDWs, Sinagot ng LGU

44. Small Entrepreneurs, Tumanggap ng Cash Grants

45. ERPAT at KALIPI Members, May Libreng Livelihood Training

46. Mga Pampublikong Gusali, Inimbestigahan

47. Seminar sa "Efficiency in Public Service," Ginanap

48. Team Bayambang, Nag-eensayo para sa Governor's Cup

49. Bayambang, ika-33rd Regional ZOD-Certified Municipality!

50. BNAP Formulation, Ginanap

51. Ms. BNS 2025, Ginanap

52. Local Farmers, Grumaduate sa Farm Business School

53. Pag-award ng Birth Certificate Atbp., Nagpatuloy

54. RHU 3 Blood Drive, Nakaipon ng 23 Blood Bags

55. IQA Closing Meeting, Isinagawa

56. Turnover of Accountabilities sa Treasury, Isinagawa

57. Estudyante ng BPC, Wagi sa Young Farmers Challenge

58. PESO, May Local Recruitment Activity

59. MDRRMO Rescuers, Sumabak sa Swift Water Rescue Training

60. PSU Students, Nag-research sa Early Warning Bells

61. Liahona Learning Center, Nag-earthquake Drill

62. LTFRB, Namigay ng Fuel Subsidy

63. Mayor Niña, May Halloween Treat sa CDC Learners

64. Huling Batch ng CDCs, Sumailalim sa Internal Assessment

65. Mayor Niña, Idinipensa ang 2 Ordinansa sa SP

66. PSU, May Panukalang Extension Services

67. 2026 Annual Budget, Matagumpay na Naipasa!

68. Mayor Niña, Nangunang muli sa ManCom Meeting

69. Mga Kabataan, Nakisaya sa Trick or Treat at Costume Contest

70. Corn Farmers, Nagsanay sa Pagpuksa ng Armyworm

71. CCTV Operators, Nag-refresher Seminar

72. Tree-Growing Activity, Isinagawa

73. Mga Punong Barangay, Pinulong ukol sa UNDAS

74. Switch Cafe, May Food Treat Muli!

75. Bagong Batch ng Farmers, Tumanggap ng Indemnity Checks

76. Isang Kawani, Nagbalik ng Napulot na Cell Phone

77. Bayambang, May ‘Ideal LCPC Functionality’

78. Bayambang, Regional Model 4Ps Implementer!

79. Kabataang Bayambangueño, Kabilang sa Nagwagi sa Global IT Challenge for YWD!

80. Mga Panibagong Tulong Pang-Edukasyon, Tinalakay sa LSB Meeting

81. Barangay Officials sa QC, Nag-benchmarking sa MRF

 

 SUMMARY OF LGU ACCOMPLISHMENTS IN S.O.M.A. FORMAT

 

EDUCATION FOR ALL

 

- (LSB, Library, DepEd)

 

Planong School Infra Projects, Tinalakay ng LSB


Sa ginanap na pulong ng Local School Board noong October 2, tinalakay ang mga gagawing paghahanda para sa World Teachers’ Day celebration, Civil Service Awards, at ang supplemental budget ng Don Teofilo Elementary School. Pinag-usapan din ang mga panukalang proyekto tulad ng covered court para sa Tanolong National High School, drainage system sa Malioer Elementary School, konstruksyon ng bagong infrastructure building, at SPED comfort room sa Bayambang Central School.

 

PWD Student, Global IT Challenge Qualifier

Noong October 6, kinilala ng LGU si Lina Junio ng Bayambang National High School, matapos siyang mapili bilang kinatawan ng Pilipinas sa Global IT Challenge for Youth with Disabilities 2025 na gaganapin sa Ulsan, South Korea. Ang kanyang paglahok sa kompetisyon ay all-expense paid sa tulong ng Persons with Disability Affairs Office.

 

Buklat Aklat Project, Dinala sa Tamaro-Tambac ES

 

Ang proyektong "Buklat Aklat” ni Mayor Niña ay nagpatuloy sa Tamaro-Tambac Elementary School noong October 9 upang bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral doon na makaranas ng book reading session at mahasa ang kanilang reading skills at hindi mapag-iwanan sa edukasyon. Naging guest storyteller si Coun. Nazer David Jan Junio kasama ang LYDO, SK Federation, MNAO, BPRAT, at Task Force Disiplina, at sponsors na Team Gabriel at Bayambang Matikas Eagles Club.

 

Taiwanese Professor at Negosyante, Bumisita para sa Posibleng Kolaborasyon


Bumisita sa Bayambang ang dalawang panauhin galing Taiwan para sa posibleng knowledge sharing, student exchange, at institutional partnerships. Sila ay sina Dr. Yong-Chao So An, Associate Professor ng Kaohsiung Medical University at Executive Director ng Edu-Connect Taiwan, at Mr. Zachariah Li Guan-Han, isang negosyanteng planong magtayo ng bubble tea business sa Pilipinas. Sila ay mainit na tinanggap ni Dr. Cezar Quiambao at iba pang opisyal.

 

Mayor Niña, Nanguna sa Buklat Aklat sa Ligue

Ang proyektong "Buklat Aklat” ni Mayor Niña ay nagpatuloy sa Don Teofilo Mataban Memorial School sa Brgy. Ligue noong October 16 upang bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral doon na makaranas ng book reading session at mahasa ang kanilang reading skills at hindi mapag-iwanan sa edukasyon. Mismong si Mayor Nina ang naging storyteller at nagpamigay din ng mga coloring books, story books, crayons, at tsinelas, kasama ang mga Bb. Bayambang, LYDO, SK Federation, MNAO, BPRAT, Task Force Disiplina, at sponsors na Team Gabriel at Bayambang Matikas Eagles Club.

 

Estudyante ng BPC, Wagi sa Young Farmers Challenge

 

A. Isang estudyante ng Bayambang Polytechnic College ang nagwagi sa Young Farmers Challenge, kung saan siya ay tatanggap ng ₱80,000 na grant para sa kaniyang panimulang negosyo. Siya ay si Rowell Alcantara, isang second-year Agribusiness student, na nagpresenta ng kaniyang business model noong September 26 sa Sta. Barbara, Pangasinan.

B. Kinabukasan, opisyal na kinilala ng LGU ang kanyang husay at inisyatibo, at dinoble pa ni Mayor Niña ang naturang grant sa pamamagitan ng pagbibigay ng P1000,000. Ito ay pagsuporta sa mga kabataan bilang makabagong agri-entrepreneur.

 

PSU, May Panukalang Extension Services

 

Ang ilang opisyal at propesor ng Pangasinan State University - Bayambang Campus ay nakipagpulong kay Mayor Niña upang talakayin ang planong Memorandum of Understanding sa pagitan ng PSU at ng LGU, partikular na ang BRPAT, ukol sa paghatid ng iba't ibang extension services ng PSU sa pamayanan. Kabilang sa mga extension at outreach initiatives na ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga lokal na komunidad sa iba’t ibang larangan.

 

Mga Panibagong Tulong Pang-Edukasyon, Tinalakay sa LSB Meeting

 

Sa isinagawang Local School Board Meeting, tinalakay ang P1.37M savings na gagamitin bilang supplemental budget para sa 60 printers para sa lahat ng paaralan at limang laptop, dalawang 75-inch smart TV, coupon bond para sa lahat ng teachers, SPED comfort room sa Bayambang Central School, at konstruksyon sa Malioer Elementary School.

 

 

 HEALTH FOR ALL

 

- Health (RHUs)

 

Special Needs Students, Tumanggap ng Medical-Dental Services

 

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ADHD Awareness Week, nagsagawa noong October 14 ang Rural Health Unit I ng isang medical at dental mission para sa mga mag-aaral na may special needs sa Bayambang Central School. Sa naturang aktibidad, 36 na mag-aaral ang sumailalim sa konsultasyong medikal at dental fluoride application at nabigyan ng mga kaukulang gamot.

 

 

Mayor Niña, Nanguna sa KSB Year 8 sa Beleng

 

Pinangunahan ni Mayor Nina ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 8 na ginanap noong October 16 sa Brgy. Beleng Elementary School upang pagsilbihan ang mga residente sa Brgy. Beleng, Balaybuaya, at Batangcaoa. Sa pangangasiwa ni Dr. Roland Agbuya, daan-daang muli ang nag-avail ng mga libreng serbisyong medical at non-medical services mula sa Munisipyo, kaya’t siguradong malaking ginhawa at katipiran ito sa mga residente roon.

 

Bayambang, ika-33rd Regional ZOD-Certified Municipality!


Sa direktiba ni Mayor Niña, naging abala kamakailan ang LGU matapos itong sumailalim sa pag-audit at monitoring ng DOH District Sanitary Inspector para sa ZOD o Zero Open Defecation status ng Bayambang. Matapos ang ilang linggong pagpapaalala sa mga barangay, nag-random inspection ang DOH sa iba't ibang lugar upang ma-spotcheck ang kanilang compliance sa ZOD. Kasama sa naging operasyon ang mga RHU, ESWMO, Bayambang District Hospital, MLGOO, mga BHW, at iba pang barangay officials. Sa huli ay nakamit ng Bayambang ang inaasam na ZOD status, ang ika-33rd sa buong Region I.

 

 

RHU 3 Blood Drive, Nakaipon ng 23 Blood Bags

 

Umabot sa 23 blood bags ang matagumpay na nakalap sa isang mobile blood donation drive ng RHU III at PRC San Carlos Chapter sa Brgy. Malioer Covered Court noong October 23. Layunin ng aktibidad na makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng emergency blood transfusion, kaya't hinihikayat ng LGU ang publiko na patuloy na makiisa sa mga susunod na bloodletting activity sa bayan.

 

 

 

- Nutrition (MNAO)

 

Nutrition in Emergencies Training, Isinagawa

 

Ang mga miyembro ng Municipal Nutrition Committee ay sumabak sa Nutrition in Emergencies Training, upang mapalakas ang kahandaan ng LGU sa pagtugon sa mga pangangailangan sa nutrisyon tuwing may sakuna o emergency. Ang tatlong araw na training na isinagawa ng Nutrition Office noong October 13 to 16 ay nagpaunlad sa kaalaman at kasanayan ng mga miyembro hinggil sa mga konsepto ng nutrisyon sa panahon ng sakuna, mabilis na pagsusuri sa kalagayan ng nutrisyon, at pagbuo ng Nutrition in Emergencies Plan para sa bayan.

 

BNAP Formulation, Ginanap


Isang workshop para sa pormulasyon ng Barangay Nutrition Action Plan o BNAP ang isinagawa ng Nutrition Office noong October 22 sa Balon Bayambang Events Center. Layunin ng BNAP na magkaroon ng kongkretong pagbalangkas ng mga nutrition-related programs, projects, and activities sa lahat ng 77 barangays ng Bayambang, upang higit na matutukan ang nutrisyon ng mga kabataan at residente sa lebel ng barangay. Kasama sa BNAP formulation ang MPDO, DILG, RHU, at Office of Barangay Accounting.

 

Ms. BNS 2025, Ginanap

 

Kinagabihan nito, idinaos ng Bayambang Barangay Nutrition Scholars Association ang Ms. BNS 2025 bilang isang fundraising activity, upang makakalap ng adisyunal na pondo ang asosasyon. Parte ng proceeds ng fundraising activity ay ibibigay sa mga target beneficiaries ng mga BNS. Nanalong Ms. BNS 2025 si Ms. Mae Ann C. Alcantara ng Brgy. Nalsian Sur.

 

 

Switch Cafe, May Food Treat Muli!

 

Muling naghatid ng masustansya at masasarap na pagkain ang Switch Cafe, katuwang ang Nutrition Office, sa mga kabataan mula sa walong barangay noong October 29. Pinangunahan ni Ms. Lyra Pamela Duque sa Brgy. Wawa at Warding Covered Court ang paghain ng pumpkin soup, chicken fingers, alfredo pasta, at fruit juice para sa mga kabataang mula sa magkakalapit na barangay.

 

 

- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)

 

Team Bayambang, Nag-eensayo para sa Governor's Cup

 

Ang Bayambang basketball team ay kasalukuyang nag-eensayo sa Bayambang National High School para sa kanilang pagsali sa Governor's Cup Basketball Tournament sa darating na November 21. Ang mga kabataang atleta ay nagte-training sa ilalim ni G. Sherman Castillo, Henry Mibalo, at Dennis Aldrin Malicdem sa gabay ng Municipal Physical Fitness and Sports Development Council gamit ang pondo ng MPFSDC. Kada training ay sinasagot naman ni Mayor Niña ang meals ng mga atleta at trainors.

 

 

- Veterinary Services (Mun. Vet.)

 

 

– Slaughterhouse

 

 

 PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN

 

 

- Social Services (MSWDO, MAC)

 

Huling Delivery ng SFP Food Items sa 2025, Ipinamahagi


Ang DSWD ay naghatid ng kanilang huling delivery ng mga perishable food items para sa Supplementary Feeding Program na ipinamahagi naman agad ng MSWDO-ECCD team sa may 2,530 Child Development Center enrolees nito para sa School Year 2025 to 2026. Ginanap ang delivery at distribution noong September 30.

 

Mga BHW, Tumanggap ng Ayudang AKAP

 

Noong October 10, may 686 na Barangay Health Workers (BHW) ang tumanggap ng ayudang AKAP ng DSWD o Ayuda sa Kapos ang Kita Program na nagkakahalaga ng P2,000 bawat isa. Ginanap ang payout sa Barangay Alinggan Covered Court sa tulong ng MSWDO.

 

5 Centenarians, Tumanggap ng Cash Gifts


Limang centenarian ang tumanggap ng ₱50,000 cash incentive mula sa LGU, bukod pa sa matatanggap mula sa NCSC. Personal ding nagbigay si Mayor Niña ng karagdagang ₱100,000 bawat isa.

 

Elderly Filipino Week, Ipinagdiwang


Ang Office of Senior Citizen Affairs ay nagdaos ng isang programa bilang pagbubukas ng Elderly Filipino Week celebration noong October 13. Kabilang sa mga naging aktibidad sa kasayahan ang sayawan, raffle draw ng mga cash prize at iba pang papremyo mula kay Mayor Nina at iba pang opisyales.

 

Iba pang Centenarians, Tumanggap ng Cash Grant


Ang Office of Senior Citizen Affairs at MSWDO ay tumulong sa pamamahagi ng cash grant mula sa National Commission on Senior Citizens sa 41 senior citizens na edad 80, 85, 90, at 95 years old para sa second half ng taong 2025. Ipinamahagi ang cash grant na P10,000 kada senior citizen na naging qualified sa Expanded Centenarians Act.

 

PDAO, Dumalo sa Training para sa Unified PWD ID System

Dumalo ang PWD Affairs Office at MSWDO sa dalawang-araw na Roll-Out Training on the Unified ID System for PWDs, upang mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng bagong database system para mas mapahusay ang serbisyo at maiwasan ang dobleng pagbibigay ng ID sa mga PWD. Nagbigay rin ito ng praktikal na karanasan sa registration, encoding, at verification process bilang paghahanda sa pagpapatupad nito sa antas ng munisipyo at barangay.

Teaching Guides ng CDWs, Sinagot ng LGU


Sa unang pagkakataon, sinagot ng LGU-Bayambang sa pamamagitan ng pondo ng Local Council for the Protection of Children ang Learning Resource Package Numbers 5 & 6 ng mga Child Development Workers. Dati-rati ay sariling gastos ng mga CDW ang pagkakaroon ng mga materyales na ito, kung kaya’t labis ang kanilang pasasalamat nang ito’y maibigay ng libre.

 

Small Entrepreneurs, Tumanggap ng Cash Grants

 

Labing-siyam na Bayambangueño na naging matagumpay sa kanilang maliliit na negosyo ang nakatanggap ng tig-P10,000 cash grant sa ilalim ng ‘Usbong’ phase ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD. Ilan sa kanila ay dating 4Ps beneficiaries at ngayon ay nagsisilbing inspirasyon sa iba sa kanilang pagsusumikap at pagbangon sa kabuhayan.

 

ERPAT at KALIPI Members, May Libreng Livelihood Training

 

Dalawampu’t limang miyembro ng ERPAT at KALIPI ang lumahok sa Basic Carpentry Repair at Basic Nail Care Training na inorganisa ng provincial government sa tulong ng PESO- at MSWDO. Bukod sa pagsasanay, tumanggap din ang mga kalahok ng libreng carpentry tools at nail care kits mula PESO-Pangasinan.

 

Mga Kabataan, Nakisaya sa Trick or Treat at Costume Contest

 

Masayang nakiisa ang mga kabataang Bayambangueño sa ginanap na Trick or Treat at Halloween Costume Contest ng LGU para sa mga chikiting ng mga kawani nito. Ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang malikhaing kasuotan habang nag-enjoy sa iba’t ibang handog na treats mula sa iba’t ibang opisina ng LGU. Nasungkit ni Aiden Gabriel Gonzales, anak ng isang SB staff, ang grand prize na P10,000.

 

Kabataang Bayambangueño, Kabilang sa Nagwagi sa Global IT Challenge for YWD!

 

Isang kabataang Bayambangueño, si Lina A. Junio ng Bayambang National High School, ang kabilang sa mga nagwagi sa Global IT Challenge for Youth with Disability 2025 sa Ulsan, South Korea, kasama ang ibang delegado ng Pilipinas. Sinagot ng LGU-Bayambang ang gastusin ng koponan sa pamamagitan ng PDAO fund.

 

 

- Civil Registry Services (LCR)

 

LCRO, sa Ataynan naman Nag-info Drive


Noong October 2, nagpunta ang Local Civil Registry Office sa Ataynan Elementary School upang magsagawa ng info drive ukol sa tamang pagrerehistro, at magbigay ng mga update sa PSA memorandum circulars. Inimbitahan dito ang mga teachers, parents at barangay officials upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa civil registration at maiwasan ang anumang pagkakamali sa mga civil registry records.

 

Pag-award ng Birth Certificate Atbp., Nagpatuloy


Noong October 8 to 14, ang Local Civil Registrar ay nagsagawa ng house-to-house awarding of Birth Certificate in Security Paper o SECPA sa Brgy. Pantol, Amancosiling Sur, at Bongato West. Sila ay nagbigay din ng libreng Certificate of Live Birth o Form 102 sa Asin, Buenlag 2nd, Zone V, Zone VII, Pantol, at Amancosiling Norte. Ang LCR ay may 27 beneficiaries. Kasabay nito ang pag-aasiste sa mga wala pang birth certificate.

 

Mayor Niña, May Halloween Treat sa CDC Learners

 

Namahagi si Mayor Niña at ang kanyang mga anak ng plushies sa mga child development learners sa pamamagitan ng proyektong “Cutie Plushie for a Cause.” Layunin ng aktibidad na makatulong sa gamutan ng isang batang may heart condition. Ang mga plushie ay simbolo ng pagmamahal at malasakit ng pamahalaan sa kabataang Bayambangueño.

 

 

Huling Batch ng CDCs, Sumailalim sa Internal Assessment

 

Ang MSWDO ay nagsagawa ng isang internal assessment ng huling batch ng Child Development Centers (CDCs) ng Bayambang bilang bahagi ng ECCD Accreditation process. Kapag natapos ang accreditation ng nalalabing 14 CDCs, ito ang unang pagkakataon na magkaroon ng 100% accredited Child Development Centers ang Bayambang.

 

 

- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)

 

Barangay Officials sa QC, Nag-benchmarking sa MRF

 

Ilang barangay officials mula Quezon City ang nagsagawa ng benchmarking activity sa Materials Recovery Facility ng Bayambang sa Brgy. Telbang upang matutunan ang best practices ng ESWMO-Bayambang sa waste management. Pinangunahan ang pagtanggap sa mga bisita ni MENRO Ma-Lene S. Torio at ng kanyang staff.

 

 

- Peace and Order (BPSO, PNP, DILG)

 

Task Force Disiplina at LTO, Nagsanib-Puwersa!

Ang Task Force Disiplina ay nakipagsanib-puwersa sa Land Transportation Office (LTO) upang maging mas maayos ang implementasyon ng lahat ng ordinansa. Tinalakay dito ng Task Force ang pagbibigay ng LTO ng mga training at seminar sa driver's education, lalo na ang ukol sa traffic laws, road safety, at proper driving practices, at iba pang kaugnay na paksa.

 

 

BPSO, Nagturo ng Fire Safety at Basic First Aid


Nagsagawa ang Bayambang Public Safety Office ng Fire Safety at Basic First Aid Seminar noong October 11, katuwang ang BFP Bayambang. Dinaluhan ito ng 50 members ng security force na nakatalaga sa mga pasilidad ng LGU.


CCTV Operators, Nag-refresher Seminar

 

Ang Bayambang Public Safety Office (BPSO) ay nagbigay ng isang refresher seminar para sa mga ng CCTV operator nito noong October 29, upang mapanatili ang kanilang kahusayan at kahandaan sa tungkulin. May dalawampu’t limang CCTV operators at administrators ang lumahok dito, kung saan napalalim ang kanilang kaalaman sa tamang operasyon ng mga CCTV.

 

Mga Punong Barangay, Pinulong ukol sa UNDAS

 

Noong October 29, ang mga punong barangay ay ipinatawag ng LGU sa isang coordination meeting bilang paghahanda sa paggunita ng UNDAS 2025. Tinalakay dito ang mga plano sa traffic management, re-routing, seguridad, at crowd control sa paligid ng mga sementeryo, upang matiyak ang maayos, ligtas, at payapang pagdiriwang ng UNDAS sa buong bayan.

 

Isang Kawani, Nagbalik ng Napulot na Cell Phone


Isang na namang kawani ng LGU ang muling nagpamalas ng katapatan, matapos nitong ibalik ang isang cell phone na kanyang napulot sa harapan ng Bayambang Commercial Strip. Agad na itinurn-over ni G. Joel Chua ng Engineering Office ang naturang gamit sa pulisya matapos tumawag ang may-ari nito. Laking papasalamat ng may-ari dahil kailangang-kailangan umano nito ang naturang gamit sa kanyang hanapbuhay.

 

AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)

 

Tobacco Production Training, Isinagawa

 

Ang Municipal Agriculture Office ay nag-organisa ng Tobacco Production Training upang higit pang mapaunlad ang kaalaman ng mga lokal na magsasaka sa tamang pagtatanim at produksyon ng tabako. Ito ay personal na binisita ni Mayor Niña noong October 15, kung saan naging resource speakers ang mga opisyal ng National Tobacco Administration.

Bagong Agri Office, Pinasinayaan!

 

Pormal na binuksan ang bagong opisina ng Municipal Agriculture Office noong October 15, sa dating kinalalagyan ng Municipal Social Welfare and Development Office sa Legislative Bldg. Ang expansion ng opisina ng MAO ay magbibigay ng mas mahusay at accessible na serbisyo sa mga magsasaka at mangingisda ng Bayambang.

Municipal Organic Agriculture Council, Itinatag

Ang Agriculture Office ay nagtatag ng bagong Municipal Organic Agriculture Council noong October 16. Layunin ng grupo na palaganapin ang organikong pamamaraan ng pagsasaka gamit ang makabagong mga kaalaman. Ginanap ang botohan ng mga opisyal sa araw ding iyon, at hinalal na pangulo si _______.

Local Farmers, Grumaduate sa Farm Business School

 

Ang mga lokal na farmers ay matagumpay na nagsipagtapos sa Farm Business School course na kanilang sinalihan kamakailan. Sila ay binati ni Mayor Nina sa graduation ceremony na inorganisa ng Agriculture Office sa tulong ng DA RO1 Agricultural Training Institute, at binigyang inspirasyon sa kanilang mga bagong kaalaman tungo sa mas produktibo at sustenableng agrikultura.

 

Corn Farmers, Nagsanay sa Pagpuksa ng Armyworm

 

Noong October 28 at 29, ang Municipal Agriculture Office ay naghandog ng isang pagsasanay para sa mga corn farmers ukol sa pagpapataas ng kanilang produksyon ng mais sa pamamagitan ng pagpuksa sa pesteng harabas. Gamit ang mga makabagong kaalaman, natulungan ang mga magsasaka sa mga kaalaman upang labanan ang fall armyworm at mapabuti ang kanilang ani ng mais.

 

Bagong Batch ng Farmers, Tumanggap ng Indemnity Checks


Nabigyang-tulong muli ang mga magsasakang Bayambangueño matapos ipamahagi ng Philippine Crop Insurance Corp., sa tulong ng Municipal Agriculture Office, ang mga indemnity checks para sa mga nasalanta ng nakalipas na bagyo at pagbaha. Umabot sa 295 indemnity checks ang ipinagkaloob sa 289 farmer-claimants na may kabuuang halaga na ₱2,336,995.10.

 

 

JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL

 

- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)

 

Mga Bagong Opisyal ng OFW Federation, Nanumpa


Nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Overseas Filipino Workers (OFW) Federation of Bayambang kay Mayor Niña noong October 6. Ang pagkakatatag ng pederasyon ay naglalayong palakasin ang suporta ng LGU sa mga OFW at kanilang pamilya sa pamamagitan ng mga programang pangkabuhayan, at iba pa.

 

 

Virtual Assistant and Work-From-Home Skills Training, Handog sa mga Kawani ng LGU

 

Isang Virtual Assistant and Work-From-Home Skills Training ang inihandog ng PESO-Bayambang para sa 30 empleyado ng LGU noong October 10-11. Layunin ng pagsasanay na turuan ang mga indibidwal ng mga kasanayan at kaalaman para makapagtrabaho sa bakanteng oras online bilang virtual assistant o remote worker na makakatulong sa kanila na madagdagan ang kita.

 

DMW Regional Office, Magbubukas sa Bayambang!

Bumisita noong October 9 ang mga kinatawan ng Department of Migrant Workers Regional Office I upang i-finalize ang pagtatatag ng DMW Help Desk sa Munisipyo. Layunin ng inisyatibang ito na maghatid ng mas malapit at maayos na serbisyo para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya sa ating bayan. Magbubukas ang Help Desk sa darating na November 12.

 

Blue Sky Theme Park, May Local Recruitment

 

Mahigit na 200 na aplikante out of 400-plus registrants ang lumahok sa Local Recruitment Activity na isinagawa ng PESO–Bayambang para sa Blue Sky Theme Park and Events Center noong October 11 Kabilang sa mg alok na posisyon ng Blue Sky ang theme park and ride attendants, guest services at maintenance staff, at leasing, IT, HR, at marketing officers.

 

 

PESO, May Special Recruitment Activity


Muling nagsagawa ang PESO-Bayambang ng isang special reruitment activity, kung saan naging recruiter ang True Riches Manpower Services para sa mga aplikanteng nagpakita ng interes na magtrabaho sa bansang Saudi Arabia, Qatar, Jordan, at Malaysia.

 

PESO, May Special Recruitment Activity


Muling nagsagawa ang PESO-Bayambang ng isang special reruitment activity, kung saan naging recruiter ang True Riches Manpower Services para sa mga aplikanteng nagpakita ng interes na magtrabaho sa bansang Saudi Arabia, Qatar, Jordan, at Malaysia.

 

DOLE, Dumalaw para sa Technical Advisory sa Micro-Enterprises

Ang DOLE Central Pangasinan Field Office ay bumisita noong October 16 para magbigay ng isang Technical and Advisory Visit and Orientation sa mga micro-enterprises/establishments na may mga isa hanggang siyam na kawani. May 79 na pribadong micro-establishments ang dumalo upang makinig sa mga lecture mula sa DOLE-R1 CPFO ukol sa kung paano maayos na patakbuhin ang kanilang negosyo nang naaayon sa batas.

 

PESO, May Local Recruitment Activity

 

Isinagawa noong October 24 ng PESO-Bayambang ang isang Local Recruitment Activity sa harapan ng kanilang tanggapan katuwang ang Pangasinan Solid North Transit Inc. Ilan sa mga bakanteng posisyong binuksan ay bus driver, conductor, tire man, at gas man.

 

 

- Economic Development (SEE)

 

 

- Cooperative Development (MCDO)  

 

Bayambang M.C.D.O, Nakilahok sa Provincial Tree-Growing Activity

 

Ang Municipal Cooperative Development Office ay aktibong  nakilahok sa provincial tree-growing activity sa Daang Kalikasan, Mangatarem, Pangasinan bilang parte ng pagdiriwang ng 2025 National Cooperative Development Month sa ilalim ng Pangasinan Green Canopy Program noong October 9.

 

Bayambang Co-op Dev’t Council, Pinarangalan

Ang Bayambang Municipal Cooperative and Development Council ay binigyan ng plake ng pagkilala, sa ginanap na Region I Cooperative Stakeholders Summit noong October 16 sa City of San Fernando, La Union. Ang parangal ay isang pagkilala sa nagawa ng MCD Council na pagpapayabong sa mga lokal na kooperatiba.

Tree-Growing Activity, Isinagawa

Isinagawa noong October 29 ang isang tree-growing activity sa Managos Farmers Agriculture Cooperative Farm, sa pangunguna ng PPCLDO at MCDO bilang bahagi ng Pangasinan Green Canopy Project. Nakibahagi rito ang mga miyembro ng MCDO at Managos Farmers Agriculture Cooperative bilang suporta sa pagtanim ng isang milyong puno sa loob ng tatlong taon.

 

- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)

 

Municipal Museum, May Pa-contest sa mga Vloggers

 

Noong October 9, binuksan ng Bayambang Municipal Museum ang pintuan nito upang i-welcome ang iba’t ibang vloggers na nais sumali sa Creative Vlog Challenge. Ito ay isang patimpalak na parte ng pagdiriwang ng Museum and Galleries Month, na may temang, “Resilient Museums and Galleries Educating for Preparedness and Recovery.”

 

Tradisyon sa Pagbuburo, Isinalin sa Kabataan


Bilang isa sa mga pambungad na aktibidad para sa selebrasyon ng Bayambang Tourism Month 2025, itinampok ang “Buro-Licious: Native Delicacy Demo” noong October 3 sa PSU-DOST R1 Food Innovation Center, PSU-Bayambang. Pinangunahan ni G. Norberto de Vera ng Nanay Doray’s Buro ang live na demonstrasyon ng paggawa ng burong isda, isang tradisyunal na pagkaing tatak-Bayambang na patuloy na ipinagmamalaki ng bayan. Layunin ng aktibidad na ipreserba at ipromote ang nasabing delicacy sa pamamagitan ng pagsalin ng teknolohiya sa mga kabataan.

 

Mga Mag-aaral, Nagtagisan sa Tourism Quiz Bee


Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Tourism Month, nagsagawa ang Tourism Office ng isang quiz bee on local history and culture para sa mga Grades 4, 5, at 6 na mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Bayambang. Ang paligsahan na tinaguriang Awaran Quiz Bee ay nagpalalim sa kaalaman ng kabataan sa kasaysayan at pamanang kultura ng bayan, na siyang nagbibigay-diin sa pagkakakilanlan ng Bayambang.

 

Mga Kabataan, Natuto sa Binasuan Workshop

Kasunod nito, nagsagawa rin ang Tourism Office ng Binasuan Workshop para sa mga kabataan upang mapanatili at maipasa sa bagong henerasyon ang kulturang natatangi sa mga Bayambangueño. Sa aktibidad, natutunan ng mga kalahok ang tamang galaw at kahulugan ng tradisyunal na sayaw na “binasuan,” na kilalang bahagi ng kasaysayan at cultural identity ng Bayambang.

 

Mga Manunulat, Nagtagisan sa Short Story at Poetry Writing


Sumunod namang nagsagawa ang Tourism Office ng isang short story at poetry writing contest, ang “Mangistorya Ka” at “Anlong” writing contest. Ang mga lumahok na manunulat ay nagbahagi ng mga malikhaing akda na sumasalamin sa buhay, kultura, at pagkakakilanlan ng bayan. Ang patimpalak ay nakatulong sa pagtaguyod ng panitikang Bayambangueño bilang bahagi ng pagpapayabong ng lokal na sining at kultura.

 

Local Photographers, Nagtagisan sa Photo Contest


Itinampok naman ng Tourism Office ang talento ng mga lokal na litratista sa photography contest “Talintao,” na naglalayong ipakita ang ganda at progreso ng bayan. Iba’t ibang istilo ang ipinakita ng mga litratista sa landscape, culture, at people photography.

 

 

 

- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)

 

Ceremonial Signing, Ginanap para sa Phase 2 FMR Project


Noong October 6, pormal na nilagdaan ang kontrata para sa Phase 2 ng San Gabriel 2nd-to-Pantol Farm-to-Market Road Project na isang 284-million-pesos grant mula sa World Bank at Department of Agriculture-PRDP. Pinangunahan nina Mayor Niña at G. Rogelio Sepian ng RS Sepian Construction ang ceremonial signing, kasama ng mga opisyal ng LGU. Ang naturang daan ay magpapabilis sa daloy ng mga produktong agrikultural mula Barangay San Gabriel II at Pantol patungo sa mga merkado.

 

Mga Sirang Streetlights, Pinalitan ng Solar Streetlights

 

Ang Engineering Office ay nagpalit ng mga busted streetlights upang gawing solar streetlight fixtures sa kahabaan ng Quezon Blvd. mula Bayambang National High School hanggang Public Cemetery noong October 9. Ito ay bahagi ng preparasyon para sa papalapit na Undas at bilang parte na rin ng transition to renewable energy and solar streetlights ng bayan ng Bayambang.  Ang Engineering Office staff ay tinulungan ng manlift truck ng MDRRMO at CENPELCO.

 

LTFRB, Namigay ng Fuel Subsidy

 

Ang mga tricycle driver ng Bayambang ay tumanggap ng withdrawal slip mula sa LTFRB para sa tig-₱1,100 fuel subsidy sa ilalim ng Pantawid Pasada Program 2025 ng ahensya. Isinagawa ang ikalawang bugso ng pamamahagi noong October 27 bilang tulong sa mga driver sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.

 

 DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)

 

Mayor Niña, Nanguna sa PDRA para sa Bagyong "Paolo"

 

Muling pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang isang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) noong October 2, para sa bagyong 'Paolo,' kasama ang lahat ng miyembro ng Bayambang Municipal Disaster Risk Reduction Council. Kabilang sa mga nakilahok sa pulong ang lahat ng 77 Punong Barangay, kaya't sinamantala na rin ang pagkakataon upang magpapaalala naman ukol sa tamang waste disposal sa lahat ng kabahayan na malimit ding maging dahilan ng pagbaha.

 

LGU, Lumahok sa CCA-DRR Conference

 

Ang MDRRMO ay lumahok sa 3rd National Conference ng Philippine Academic Society for Climate and Disaster Resilience noong October 8-10 sa De La Salle University, Manila, upang palakasin ang kolaborasyon ng iba’t ibang sektor sa pagpapaunlad ng mga makabagong solusyon sa climate change adaptation at disaster risk reduction. Ibinahagi rito ang mga pananaliksik, inobasyon, at best practices mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

 

Risk and Hazard Assessment sa LGU Offices, Isinagawa

Ang MDRRMO-Bayambang ay nagsasagawa ng risk and hazard assessment sa iba’t ibang opisina ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan at kahandaan sa sakuna ng mga ito. Tinukoy sa aktibidad ang mga hazard-prone areas upang mapabuti ang earthquake safety, at mabawasan ang panganib sa mga empleyado at kliyente. Unang isinagawa ang pagsusuri sa RHU I at BPSO.

 

MDRRMO Rescuers, Nag-training sa Rope Rescue


Ang MDRRMO rescuers ay lumahok sa Rescue Rope Training Level 1–3 na isinagawa ng Philippine Red Cross–Batangas Chapter at inorganisa ng San Carlos City CDRRMO mula October 6–14. Sa walong araw na pagsasanay, pinalakas ang kahandaan ng mga rescuer sa rope rescue operations, kabilang ang mga teknik sa paggawa ng knots, rappelling, anchoring systems, at advanced rescue maneuvers.

 

MDRRMO, Lumahok sa 'Rescuelympics'

Ang MDRRMO ay lumahok sa Rescuelympics 2025 na ginanap noong Oktubre 12–15 sa Lungsod ng Alaminos, Pangasinan bilang parte ng National Disaster Resilience Month. Dinaluhan ito ng mga delegado mula sa Region I, Region II, at Cordillera Administrative Region (CAR) upang ipamalas ang galing sa disaster response at emergency management. Tampok sa aktibidad ang Rescue March, Rescuelympics, at LDRRMO Night na nagpatibay ng koordinasyon at pagkakaisa ng mga lokal na pamahalaan.

MDRRMO Rescuers, Sumabak sa Swift Water Rescue Training

Limang araw na pagsasanay sa Swift Water Rescue ang dinaluhan ng mga rescuer ng MDRRMO upang mas mapaigting ang kanilang kahandaan sa pagtugon sa mga emerhensiya. Sa tulong ng Philippine Red Cross Batangas Chapter, natutunan ng mga kalahok ang tamang self-rescue, rope techniques, boat handling, at victim retrieval.

 

PSU Students, Nag-research sa Early Warning Bells

 

Bumisita sa MDRRO ang mga estudyante ng Pangasinan State University noong October 17 para sa pag-aaral tungkol sa early warning bells sa Bayambang. Ibinahagi ni LDRRM Officer Gene N. Uy ang kanilang mga karanasan at impormasyon hinggil sa implementasyon ng Community-Based Flood Early Warning System na ginagamit sa 77 na barangay at 57 na pampublikong paaralan.

 

Liahona Learning Center, Nag-earthquake Drill

 

Sa pakikipagtulungan ng MDRRMO, matagumpay na isinagawa ng Liahona Learning Center ang earthquake drill noong October 21. Pinangunahan ng MDRRMO team ang simulation exercise na layuning palakasin ang kahandaan ng mga guro, mag-aaral, at kawani sa oras ng lindol, katuwang ang PNP at BPSO.

 

 

HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS  

 

Turnover of Accountabilities sa Treasury, Isinagawa

 

Isinagawa noong October 23 ang Turnover of Accountabilities sa Municipal Treasury Office ng Bayambang, kung saan opisyal na ipinasa ni Gng. Luisita Danan ang kanyang tungkulin kay Ms. Charmaine Rose Bulalakaw bilang bagong Acting Municipal Treasurer. Si Mrs. Danan ay nagretiro matapos ang 26 na taon sa LGU-Bayambang. Nagpaabot ni Gng. Danan ang pasasalamat sa pamunuan at mga kasamahan sa kanilang suporta at tiwala. Ipinangako naman ni Ms. Bulalakaw na ipagpapatuloy ang maayos at tapat na pamamahala sa pananalapi ng bayan.

 

 

 

- Planning and Development (MPDO)

 

 

- Legal Services (MLO)

 

 

 

- ICT Services (ICTO)

 

IQA Closing Meeting, Isinagawa

 

Noong October 23, idinaos ang Internal Quality Audit Closing Meeting bilang pagtatapos ng audit sa 34 ISO-certified offices ng LGU Bayambang. Dinaluhan ito ng mga department at unit heads upang talakayin ang mga resulta, commendable practices, at areas for improvement. Binigyang-diin sa pulong ang patuloy na pagsunod sa Quality Management System ng LGU bilang bahagi ng pagpapabuti ng mga proseso sa serbisyo publiko.

 

 

- Human Resource Management (HRMO)

 

Seminar sa "Efficiency in Public Service," Ginanap

 

Ang HRMO ay naghandog ng seminar ukol sa “Efficiency in Public Service: Leading with Impact” noong October 20, upang mapaigting ang kahusayan sa paglilingkod ng mga LGU department at unit heads at kani-kanilang next-in-rank. Ibinahagi rito ng Civil Service Commission ang mga estratehiya sa pagpapabilis ng proseso sa trabaho nang hindi isinasakripisyo ang kalidad ng serbisyo.

 

- Transparency/Public Information (PIO)

 

Mayor Niña, Nangunang muli sa ManCom Meeting

 

Muling pinangunahan nina Mayor Niña at Special Assistant to the Mayor, Dr. Cezar Quiambao, ang quarterly Management Committee meeting, kung saan tinalakay ng lahat ng department at unit head ang pinakahuling estado ng lahat ng pinakamalalaking proyekto at isyu sa LGU. Kabila sa mga tinalakay ang renovation work sa Public Cemetery at mga development options sa dating Bayambang Central School campus grounds.

 

- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)

 

 

 

AWARDS AND RECOGNITIONS

LGU-Bayambang, May "Highly Functional" LCAT-VAWC

Ang LGU-Bayambang ay ginawaran ng "Highly Functional" na rating sa Municipal Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children audit ng Department of the Interior para sa taong 2024.

Bayambang, May ‘Ideal LCPC Functionality’


Ang bayan ng Bayambang ay kinilala ng DILG Region I bilang isa sa mga LGU na may “Ideal Functionality” sa 2025 LCPC Assessment sa taong 2024 .Patunay ito ng patuloy na dedikasyon ni Mayor Niña sa pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga batang Bayambangueño tungo sa isang ligtas at child-friendly na komunidad.

 

Bayambang, Regional Model 4Ps Implementer!

 

Kinilala ang LGU-Bayambang ng DSWD Region I bilang regional winner sa Search for Model LGU Implementing 4Ps 2025. Sa ngalan ni Mayor Niña, tinanggap ni Councilor Jocelyn Espejo ang parangal kasama ang MSWDO. Pinarangalan din ang LGU sa pagsuporta nito sa 4Ps Youth Group, at si Analiza Natividad bilang Juana Malakas provincial winner at ang Bayambang for Jesus Movement bilang huwarang CSO partner.

 

LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)

 

Mga Pampublikong Gusali, Inimbestigahan

 

Nagsagawa ng ng isang imbestigasyon ang Sangguniang Bayan hinggil sa kaligtasan at katatagan ng mga pampublikong gusali sa harap ng banta ng malalakas na lindol. Dumalo rito ang ilang resource persons mula sa BFP, Engineering Office, at iba pang ahensya upang talakayin ang mga hakbang sa kahandaan sa sakuna, regular na inspeksiyon, at mga protocol sa paglikas. Binigyang-diin ng SB ang kahalagahan ng structural audit ng lahat ng pampublikong gusali upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

 

 

Mayor Niña, Idinipensa ang 2 Ordinansa sa SP

 

Matagumpay na naipagtanggol ni Mayor Niña sa Sangguniang Panlalawigan noong October 27 ang dalawang ordinansa na naglalayong isulong ang mga proyektong pangkaunlaran ng Bayambang. Kabilang dito ang ordinansang nagbibigay-daan sa ₱308 million loan mula sa Development Bank of the Philippines para sa pagtatayo ng Bayambang Polytechnic College, at ang ordinansa para sa ₱129 million loan mula sa Land Bank para sa pagbili ng lupa.

 

2026 Annual Budget, Matagumpay na Naipasa!

 

Matagumpay na naipasa ang panukalang 2026 annual budget ng Bayambang, sa pagdinig ng Sangguniang Bayan Committee on Finance, Budget, and Appropriations. Nanguna si Mayor Niña sa sa pagdepensa sa General Fund Annual Budget, Special Economic Enterprise Annual Budget, at Annual Investment Program, upang maipagpapatuloy ang mga programang makabuluhan para sa bayan ng Bayambang. 

No comments:

Post a Comment