EDUCATION FOR ALL - (LSB, Library, DepEd)
Buklat Aklat, Dumako sa Bacnono at Bical
Muling nagpatuloy ang proyekto ni Mayor Niña Jose-Quiambao na Buklat Aklat sa Bacnono Elementary School noong January 7 at sa Bical Elementary School noong at January 9. Ito ay upang walang mag-aaral ang mapag-iwanan sa larangan ng literasiya, lalo na sa pagbabasa. Naging guest readers sina Vice-Mayor IC Sabangan at Councilor Amory Junio.
"Buklat Aklat,” Nagpatuloy sa Idong at Inirangan
Ang proyektong "Buklat Aklat” ni Mayor Niña ay nagpatuloy sa Idong-Inanlorenza Elementary School noong January 14 at Inirangan-Reynado Elementary School noong January 16, upang bigyan naman ng pagkakataon ang mga mag-aaral doon na makaranas ng book reading session katulad nang mga nasigawa na sa iba't ibang paaralan sa Bayambang. Naging guest storyteller si Councilor Mylvin 'Boying' Junio at Councilor Martin Terrado II, kasama ang LYDO, SK, BPRAT, at mga Binibining Bayambang.
Construction ng BPC, Nasa Bidding Stage Na!
Ang konstruksyon ng permanenteng gusali ng Bayambang Polytechnic College sa Brgy. Bical Norte ay nasa bidding stage na, matapos buksan ng Bids and Awards Committee ang public bidding para rito noong January 14. Naroon sa aktibidad si BPC President, Dr. Rafael Saygo, at iba pang opisyal upang tutukan ang bidding at siguruhing dumaan ito sa tamang proseso. Inaasahan ang groundbreaking ceremony sa February 6.
"Buklat Aklat,” Nagpatuloy sa Tococ at San Vicente
Ang proyektong "Buklat Aklat” ni Mayor Niña ay nagpatuloy sa Tococ East-West Elementary School noong January 21 at San Vicente Elementary School noong January 23, kung saan nagkaroon ng book reading session para sa mga mag-aaral doon, sa tulong ng LYDO, SK, BPRAT, at Binibining Bayambang Foundation. Naging guest storyteller sina Councilor Levinson Nessus Uy, Bb. Bayambang Gabrielle Marie Reloza, Bb. Pangasinan Universe finalist Aliyah Macmod, at Bb. Bayambang alumna Jenesse Viktoria Mejia at Glaiza Granadino.
Uniporme ng mga Atletang Bayambangueño, Sinagot ng LGU
Sa direktiba ni Mayor Niña Jose-Quiambao, muling sinagot ng lokal na pamahalaan ang uniporme ng mga atletang Bayambangueño na sasali sa Pangasinan I SDO Meet, gamit ang Gender and Development Fund.
Sinagot din ng LGU ang kanilang pamasahe at food allowance gamit ang Special Education Fund at Municipal Sports Fund. Dalawang bus naman ang ipinahiram ng St. Vincent Ferrer Prayer Park sa mga naturang atleta.
HEALTH FOR ALL
- Health (RHUs)
Medical Mission, Inihatid ni Sen. Grace Poe
Noong January 16, idinaos sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park ang isang medical mission sa tulong ni ni Senator Grace Poe, sa pakikipag-ugnayan sa ating mga rural Health Units. Daan-daang Bayambangueño (flash the number of beneficiaries) ang dumagsa sa venue upang mag-avail ng mga libreng medical consultation at dental consultation, at pati na rin libreng legal consultation at haircut.
𝐖𝐚𝐭𝐞𝐫 𝐅𝐢𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠/𝐑𝐞𝐟𝐢𝐥𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐎𝐰𝐧𝐞𝐫𝐬 𝐚𝐭 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐨𝐫𝐬, 𝐏𝐢𝐧𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐮𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐓𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐍𝐞𝐠𝐨𝐬𝐲𝐨
Noong January 16, pinulong ng LGU ang mga owner and operator ng water filling at refilling station upang kanilang malaman ang tamang proseso sa pamamalakad ng kani-kanilang negosyo. Tinalakay ang iba’t-ibang mga dokumento na dapat ay mayroon sila gaya ng Sanitary Permit at iba pa. Ang mga dokumentong ito ay magsisilbing patunay na sila ay lehitimo na makapag-operate ng kanilang negosyo at ang tubig na kanilang ipo-provide sa mga consumer ay walang maidudulot na masamang epekto sa kalusugan.
Serbisyong GUICOnsulta, Naglibot sa Bayambang
Sinuyod ng GUICOnsulta Team sa pangunguna ni Gov. Ramon Guico III ang pitumput-pitong barangay ng Bayambang noong January 20 to 21, upang maghatid ng libreng serbisyo medikal katuwang ang Team Quiambao-Sabangan. Bukod sa libreng konsultasyon at gamot, nakatanggap din ng tig-P300 ang lahat ng Bayambangueño na 18 anyos pataas bilang kanilang pamasahe at allowance sa araw ng kanilang iskedyul. Mayroon ding school supplies para sa mga daycare learners. Kasama din sa mga naglibot sina Vice-Governor Ronald Lambino, Congresswoman Rachel 'Baby' Arenas, 3rd District Board Members, at Municipal Councilors.
Mayor Niña, Suportado ang RC 143 MOA Signing ng PRC at Provincial Government
Bilang pagpapakita ng suporta ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa mga programa at proyekto ng Philippine Red Cross- Pangasinan Chapter, dumalo ang kaniyang kinatawan na si Sheina Mae Gravidez sa RC 143 Memorandum of Agreement (MOA) Signing ng PRC- Pangasinan Chapter, Alaminos City Chapter at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan noong January 23 sa Urduja House sa Capitol Grounds.
Layunin ng aktibidad na mas mapalawak pa ang implementasyon ng naturang programa sa buong probinsiya upang higit na mapaigting ang panghihikayat sa mas marami pang volunteers na handang sumaklolo sa kanilang kapwa sa oras ng sakuna.
PRC-Pangasinan Chapter 1st Regular Board Meeting
Bilang Council President ng Philippine Red Cross - San Carlos City Branch Council, aktibong nakiisa si Mayor Niña sa pinakaunang Board Meeting ng organisasyon sa pamamagitan ng kaniyang kinatawan na si Sheina Mae Gravidez noong January 24 sa Dagupan City.
Sa pulong ay tinalakay ang iba’t ibang plano sa implementasyon ng mga programa at proyektong nakatakdang isagawa ng PRC sa taong ito.
LGU Employees Atbp., Nag-avail ng Libreng Anti-Flu Vaccine
Maraming Bayambangueño, kabilang na ang mga LGU at government employees ang nakapag-avail ng libreng flu vaccine hatid ng RHU I noong mga nakaraang araw at linggo. Ang anti-influenza vaccine ay nagkakahalaga ng libu-libong piso sa mga pribadong ospital.
𝗥𝗛𝗨, Naghanda para 𝘀𝗮 𝗢𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 2025
Noong February 28, ang Municipal Health Office (MHO) ay nagsagawa ng coordination meeting bilang paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng Oral Health Month 2025 na bahagi ng 21st National Oral Health Month Celebration. Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga plano para sa selebrasyon, kabilang ang 1st Toothbrushing Marathon, opening/kick-off ceremony, Project BUNTIS, Project Hope, at 2nd Orally Fit Child Awarding Ceremony.
- Nutrition (MNAO)
Mga BHW at BNS, Pinulong ukol sa mga 1Q Activities
Noong January 28, tinalakay ng RHU sa pulong ng mga Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Nutrition Scholars (BNSs) ang kanilang mga first quarter activities. Kabilang sa naging usapin ang kritikal na papel ng mga BHW at BNS bilang Health Education and Promotion Officer sa mga barangay, Non-Communicable Disease Risk Assessment, deworming campaign, Health Promotion for Teens, at iba pang programa.
Grupong Feeding Angels, May 185 Beneficiaries
Ang grupong Feeding Angels of Bayambang ay muling nakipag-ugnayan sa Nutrition Office upang maghandog ng mga regalo para sa may 185 na undernourished na kabataan noong January 27. Kabilang sa mga bagong benepisyaryo ang mga daycare learners ng Brgy. Iton, Paragos, Cadre Site, at Pugo, at mga undernourished, PWD, at indigent na kabataan ng Brgy. Manambong Norte, Buayaen, Tamaro, San Gabriel 2nd, Iton, at Bongato West.
MNC, Nagpulong para sa 1st Quarter ng Taon
Sa unang pagpupulong ng Municipal Nutrition Committee (MNC) para sa taong 2025 noong January 30, tinalakay ang mga nakatakdang hanay ng aktibidad. Kabilang sa naging diskusyon ang pagsusuri sa mga datos ng munisipyo sa nutrisyon, kabilang ang malnutrisyon, pagbubuo ng mga bagong estratehiya para sa mga programang pangnutrisyon, at pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya.
- Sports and Physical Fitness (MPFSDC)
- Veterinary Services (Mun. Vet.)
– Slaughterhouse
PROTECTION OF WOMEN AND CHILDREN
- Social Services (MSWDO, MAC)
𝗕𝗮𝗵𝗮𝘆 𝗞𝘂𝗯𝗼, 𝗧𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗮 𝗻𝗮 𝗡𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗲𝗻𝗲𝗽𝗶𝘀𝘆𝗮𝗿𝘆𝗼
Tinanggap ng isa na namang benepisyaryo ang isang bahay kubo mula sa pondong ipinagkaloob ni Mr. Chavit Singson, salamat sa pakikipag-ugnayan ni Mayor Niña Jose-Quiambao bilang parte ng kanyang pabahay project. Ang bahay kubo, na nagkakahalaga ng P45,000, ay inihatid ng LGU sa tinitirhan ni G. Richard Borromeo sa Brgy. Pangdel noong January 10 sa pagtutulungan ng Administrator's Office, MSWDO, Engineering Office, at Pangdel Barangay Council. Si Borromeo ay isang farm laborer na nakikitira lamang sa mga kaanak kasama ang kanyang partner at anak.
2 Bayambangueño na Walang Maayos na Tirahan, Tinulungan
Dalawang Bayambangueño na walang maayos na tirahan ang tinulungan ni Mayor Niña sa pamamagitan ng MDRRMO at MSWDO matapos mapag-alaman ang kanilang kondisyon. Nagsasagawa noon ng damage assessment ang MDRRMO sa Brgy. Hermoza sa kasagsagan ng bagyong 'Kristine' nang kanilang mapansin ng kalunos-lunos na kalagayan ng mga residenteng sina Gng. Agripina Camorongan at G. Roberto Camorongan. Matapos ang koordinasyon ng MDRRMO sa alkalde, agad na pinalitan ang barung-barong ng dalawang senior citizen ng dalawang maliit ngunit mas maayos na tahanan bago mag-Pasko.
Assistive Devices, Ipinamahagi sa 4 PWDs
Ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ay nagpamahagi ng iba't ibang assistive devices sa mga nagrequest na PWD. Gamit ang PDAO at Senior Citizen Fund, apat na katao ang nabigyan ng PDAO ng pedia walker, adult walker, adult wheelchair, at pediatric wheelchair sa nasabing tanggapan noong January 14.
Kubo Recipient sa Pangdel, Binigyan din ng Libreng Solar Light at Solar Fan
Ang benepisyaryo ni Mr. Chavit Singson ng isang libreng bahay kubo ay biniyayaan din ng solar lights at solar fan noong January 17. Ang mga ito ay ininstall sa bagong bahay ni Richard Borromeo at kanyang pamilya sa Brgy. Pangdel sa tulong ng Engineering Office.
Women Month Activities sa 2025, Inihanda sa Pulong
Noong January 21, isang pagpupulong ang idinaos ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) upang pag-usapan ang mga nakaplanong aktibidad para sa nalalapit na International Women’s Month. Kabilang sa pinag-usapan sa pulong ang tema, budget, at officers in-charge. Magsisimula ang pagdiriwang ng International Women's Month sa unang linggo ng Marso, sa pamamagitan ng isang kickoff ceremony.
1𝘀𝘁 𝗤𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿 𝗠𝗔𝗖 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴, Nirepaso ang mga 4Ps Initiatives ng LGU, Atbp.
Sa 1st Quarter Municipal Advisory Committee (MAC) Meeting noong January 22, tinalakay ang pagsusuri Social Protection Sectoral Plan Monitoring Report ng BPRAT upang higit pang mapalakas ang mga programa para mapagwagian ang mga nalalabing taon ng Rebolusyon Laban sa Kahirapan. Nirepaso rin ang mga nakatakdang aktibidad para sa buong taon na naglalayong suportahan at palakasin ang mga benepisyaryo 4Ps.
𝗔𝘂𝘁𝗶𝘀𝗺 𝗖𝗼𝗻𝘀𝗰𝗶𝗼𝘂𝘀𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗪𝗲𝗲𝗸, Ipinagdiwang
Pinangunahan ni Mayor Niña ang kick-off activity para sa pagdiriwang ng 29th National Autism Consciousness Week noong January 24, sa pag-oorganisa ng Autism Society of Bayambang at PWD Affairs Office. Ito ay binuksan ng isang seminar na naglalayong palawakin ang kamalayan at pag-unawa sa autism. Namahagi si Mayor Nina ng libreng cotton candy, ice cream, at popcorn, at nagsponsor din ng face painting activity. Namigay naman ng isang inflatable playground si Vice Mayor IC Sabangan.
𝐂𝐒𝐎 𝐅𝐞𝐝𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞𝐝 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫𝐬 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐦𝐛𝐚𝐧𝐠, 𝐏𝐢𝐧𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠
Tinipon ang mga miyembro ng Civil Society Organization (CSO) Federated Officers ng Bayambang sa isang pulong na naglalayong pagtibayin ang pagkakaisa ng pribadong sektor sa patuloy na laban kontra kahirapan. Kasama sa mga napag-usapan ang pagsumite ng Accomplishment Report batay sa kani-kanilang Action Plan, CSO accreditation, at pagpapalakas ng partisipasyon ng mga CSO at NGO sa mga pagpupulong at iba’t ibang inisyatibo ng LGU.
- Civil Registry Services (LCR)
57 Couples, Dumalo sa Pre-Marriage Orientation and Counseling
Noong January 30, ginanap ang isang Pre-Marriage Orientation and Counseling para sa mga mag-iisang dibdib sa darating na Kasalang Bayan. Nasa 57 couples ang dumalo sa aktibidad na inorganisa ng LCR at MSWDO. Kabilang sa mga paksang tinalakay ang: pagpapatibay ng samahan bilang mag-asawa, pagiging responsableng magulang, at pagpaplano ng pamilya.
- Environmental Protection (MENRO, ESWMO)
𝗣𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘂𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗹𝗶𝗻𝗶𝘀𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺, 𝗜𝘀𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮
Sa ilalim ng direktiba ni Mayor Niña, nagsagawa ng pulong ang Municipal Local Government Operations Office upang talakayin ang mga nararapat gawin para sa 4th quarterly validation at assessment ng Barangay Road Clearing Operations, Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay, at Search for Cleanest Barangays sa ilalim ng "Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program" ng Pangulong Marcos. Pinag-aralan sa pulong ang progreso at tagumpay ng mga barangay sa pagpapatupad ng mga nakapaloob sa programang ito, bilang bahagi ng layunin ng pamahalaan na mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at food sustainability sa buong bayan.
Municipal Team, Nagvalidate sa Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program para sa 4th Quarter
Noong January 21 hanggang 23, nagsagawa ng tatlong araw na barangay validation at assessment activity ang Municipal Validation and Assessment Task Team para sa fourth quarter ng taong 2024 upang suriin at tiyakin kung maayos na naipatutupad ng mga barangay ang Barangay Road Clearing Operations, Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay, at ang Quarterly Assessment for Cleanest Barangays, sa ilalim ng "Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program" ng Pangulong Marcos. Sa pamamagitan ng mga ito, napapanatili at higit pang napapabuti ang kalinisan, kaayusan, at food security sa bawat barangay.
- Youth Development (LYDO, SK)
- Peace and Order (BPSO, PNP, DILG)
Road-Clearing, Muling Isinagawa sa Nalsian Norte
Ang Road-Clearing Task Force ay muling nagsagawa ng operasyon matapos maiulat ang pagbabalik ng mga illegal vendors sa gilid ng national highway sa may Brgy. Nalsian Norte. Ang kanilang mga kagamitan ay kinumpiska ayon sa batas na nagbabawal sa peligrosong pagtatayo ng tindahan kung saan mayroong mga rumaragasang sasakyan. Nananawagan ang Task Force sa mga vendors na sumunod sa batas trapiko at Market Code para na rin sa kanilang kaligtasan at ng lahat ng mamimili at motorista.
Mga TODA, Muling Pinulong ukol sa Iba't Ibang Isyu
Noong January 30, isang pulong ang ipinatawag ng Municipal Administrator upang pag-usapan ang mga isyung kinakaharap ng mga tricyle operators at drivers. Kabilang na sa mga isyung tinalakay ang kawalan ng updated na prangkisa ng ilang mga nag-ooperate na driver; overcharging ng ilang drivers; ang pagkakaroon ng mga bagong ruta sa apat na barangay; at ang striktong pagpapatupad ng tamang istasyon ng mga tricycle driver base sa kanilang nakatalagang TODA.
AGRICULTURAL MODERNIZATION - (MAO)
KALIPI, May Unang Ani sa Hydroponics Project
Simula noong July 2024, ang Municipal Agriculture Office (MAO) ay nag-organisa ng isang training ukol sa hydroponics farming para sa mga miyembro ng Kalipunan ng Lahing Pilipina (KALIPI) - Bayambang Chapter sa Brgy. Zone II. Ito ay upang mabigyan ang grupo ng isang project na popondohan sa ilalim ng GAD budget ng MAO. Noong January 6, nagsimulang magbenta ng kanilang ani ang mga miyembro sa LGU bilang paghingi ng suporta.
𝗥𝗶𝗰𝗲𝗕𝗜𝗦 𝗖𝗼-𝗼𝗽, 𝗧𝘂𝗺𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗻𝗴 Mini-Rice Mill
Isang village-type rice mill o kiskisan ang natanggap ng RiceBIS Bayambang Agriculture Cooperative upang makatulong sa pagpapataas ng kanilang brown rice at pigmented rice production, dahil sa pakikipag-ugnayan ng Agriculture Office sa DA-PhilRice at Department of Trade and Industry. Ang rice mill ay nagkakahalaga ng P888,000 mula sa Service Facility Program ng DTI. Ang awarding ay ginanap noong January 10 sa Brgy. Tampog at pinangunahan ni DTI Provincial Director Natalia Dalaten.
National Crop Protection Center, Nakipagpulong sa Agriculture Office
Ang National Crop Protection Center ay nakipagpulong online sa lokal na pamahalaan ng Bayambang noong Enero 17, 2025, upang pagplanuhan ang isang nakatakdang training program para sa mga magsasaka ng Bayambang, salamat sa mabuting pakikipag-ugnayan ng LGU sa UPLB sa suporta ni Chancellor Jose Camacho Jr., na isang Bayambangueno. Ang training program ng NCPC ay gaganapin sa darating February 16-19.
Corporate Farming Farmers' Class, Isinagawa ng OPAG
Isang Farmers' Class ang isinagawa ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG) at ng Municipal Agriculture Office sa ilalim ng Corporate Farming Program ng probinsya. Ang klaseng ito ay binubuo ng anim na session, at ang unang session ay ginanap sa Bani Barangay Hall noong January 30, kung saan ito ay may 30 participants.
JOBS AND LIVELIHOOD FOR ALL
- Livelihood and Employment (PESO, BPRAT)
Mga Magulang ng Child Laborers, May Sari-Sari Store Package
Noong January 7, ang DOLE Central Pangasinan Office, sa tulong ng PESO-Bayambang, ay nagpamahagi ng P27,000 worth ng livelihood package kada isa sa anim na magulang ng mga na-identify na mga child laborer. Kabilang sa livelihood package ang sari-sari store items at bigas na pangbenta. Ang aktibidad ay isinagawa sa Pavilion 1 ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
𝙐𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙇𝙤𝙘𝙖𝙡 𝙍𝙚𝙘𝙧𝙪𝙞𝙩𝙢𝙚𝙣𝙩 𝘼𝙘𝙩𝙞𝙫𝙞𝙩𝙮 𝙨𝙖 2025
Noong January 7 hanggang 9, ang PESO-Bayambang ay nagsagawa ng unang local recruitment activity ng taong 2025, sa harap ng kanilang tanggapan. Layunin ng aktibidad na makapagbigay ng oportunidad sa mga lokal na aplikante na makahanap ng trabaho sa pagbungad ng taong 2025.
PESO, May Local at Special Recruitment Activities
Ang PESO-Bayambang ay nagsagawa ng isang Local Recruitment Activity noong January 21-23 at 30, kung saan naging recruiter ang kumpanyang Sutherland. Sila ay nagsagawa ng isa namang Special Recruitment Activity noong January 27 at 30, kung saan naging recruiter naman ang Manila on Time at Philippine Assist Life Manpower Corp.
- Economic Development (SEE)
Oplan Business Permit Sita, Ipatutupad
Pinulong ni Mayor Nina Jose-Quiambao ang lahat ng agency, department, at unit heads ukol sa mahigpit na pagpapatupad ng Oplan Business Permit Sita upang siguruhing ang lahat ng negosyo sa Bayambang ay lehitimo, rehistrado, at kumpleto sa lahat ng required na papeles. Tinalakay din ang gaganaping medical mission na hatid ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa Julius K. Quiambao Medical & Wellness Center, Brgy. Pantol, at Brgy. Caturay sa darating na February 3, 4, at 6.
Oplan "Business Permit Sita," Nag-umpisa Na
A. Upang isulong ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng mga business owners pagdating sa pagbabayad ng kanilang buwis, ang Oplan "Business Permit Sita" ay kasalukuyang iniimplementa ng LGU katuwang ang ilang national agencies. Matapos ang paghahanda sa isang pulong, nagpamahagi ang LGU ng mga pamphlet sa mga stallholders at business owners ukol sa deadline ng pagbabayad ng business permit.
B. Kinahapunan, nagsagawa naman ng isang orientation para sa mga miyembro ng 10 deputized teams na binuo mula sa iba’t ibang departamento ng LGU. Ang mga grupong ito ay magkakaroon ng awtoridad na sumita at hanapin ang orihinal na kopya ng business permit. Sisimulan ang kanilang pag-inspeksyon sa February 3, at ang mga non-compliant business owners ay bibigyan ng tatlong araw na palugit upang makapagcomply at makaiwas sa aberya.
- Cooperative Development (MCDO)
- Tourism, Culture, and Arts (MTICAO)
- Infrastructure Development (Engineering: Infra, Housing, Transport, Utilities, etc.)
Lubak-lubak na Kalsada, Inayos Na!
Natapos na ang pagsasagawa ng asphalt overlaying sa Bical-Tanolong Road, sa inisyatibo ni Mayor Niña Jose-Quiambao at sa tulong ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ni Governor Ramon Guico III. Ang proyekto ay naglalayong pansamantalang tugunan ang problema ng lubak-lubak na daan, na araw-araw na binabagtas ng mga motorista at mga magsasaka sa bayan. Sa pakikipag-ugnayan ni Mayor Niña sa DPWH, nakapag-secure na rin ng pondo ang lokal na pamahalaan at inaasahan na bago matapos ang taong 2025, magiging kongkreto na ang naturang daan.
Public Consultation ukol sa Wawa Bridge Construction, Isinagawa
Noong January 22, isang pampublikong konsultasyon ang isinagawa ng DPWH at LGU hinggil sa planong konstruksyon ng panibagong Carlos P. Romulo Bridge o Wawa Bridge sa Brgy. Wawa at Brgy. San Vicente. Ito ay ginanap sa Barangay Plaza ng San Vicente at dinaluhan ng mga LGU officials, barangay officials, at mga apektadong residente. Ipinaliwanag ng DPWH ang mga pangunahing layunin ng proyekto at mga inaasahang benepisyo nito sa mga residente, pati na ang mga posibleng mga hamon at solusyon.
ONGOING: Streetlight Repairs sa Poblacion Area
Ang electrical team ng Engineering Office ay kasalukuyang nagsasaayos ng mga nasira o depektibong streetlights sa town proper area, partikular na sa Bonifacio St., Magsaysay St., at Quezon Blvd.
DISASTER RESILIENCE - (MDRRMO)
Mayor Niña, Namahagi ng Generator Sets sa 77 Barangays
Ang pitumpu’t-pitong barangay ng Bayambang ay tumanggap ng tig-iisang generator set mula sa lokal na pamahalaan noong January 13, sa pamamagitan ng MDRRMO. It ay bahagi ng patuloy na paghahanda ng munisipalidad sa mga posibleng kalamidad, partikular na ang pagtugon sa pangangailangan sa kuryente sa panahon ng mga sakuna at emerhensiya
MDRRM Council, Tinutukan ang Risk Communication sa Pulong
Noong January 16, nagpulong ang MDRRM Council para sa unang quarter ng taon, sa pangunguna ni Mayor Niña at ng MDRRMO. Tinutukan dito kung ano ang risk communication at ang kahalagahan nito upang magkaroon ng mas ligtas at resilient na komunidad. Nirepaso rin sa pulong ang mga naging pinakahuling accomplishments ng council at tinalakay ang mga nararapat pang gawin sa larangan ng DRRM.
Mga Harabas, Agad na Tinulungan
A. Ang bayan ng Bayambang ay nagdeklara ng state of the calamity matapos mapag-alaman ang extent ng pananalasa sa harabas o armyworm sa mga pananim na sibuyas at maging mga mais ng mga lokal na magsasaka.
Nauna nang nagpatawag ng isang emergency meeting si Mayor Nina Jose-Quiambao sa Municipal Agriculture and Fishery Council noong January 9…
B. at mga kapitan at farmers' president naman noong January 13, kung saan tinalakay ang mga dapat gawin.
C. Noong January 15, agad na nagsagawa ang MDRRMO ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis sa mga apektadong sakahan upang ivalidate ang mga nakalap na datos. Naitala na at least 30% ng mga pananim ang apektado, kaya naman nagdeklara ng state of calamity upang agad na makakuha ng pondo ang lokal na pamahalaan para sa pagsawata sa naturang peste sa mga pananim.
HONEST & EFFICIENT PUBLIC SERVANTS
Mga Usaping Pampinansiyal, Atbp. Pinagpulungan
Noong January 8, pinulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao at SATOM, Dr. Cezar Quiambao ang mga department head ng LGU upang pagtuunan ng pansin ang mga usaping pampinansiyal. Kanilang inilahad ang mga dapat gawin para sa taong 2025 upang masigurong ang lahat ng hakbang ay karapat-dapat at naayon sa itinakda ng batas.
Iba't Ibang Isyu, Tinalakay sa Buwanang Pulong
Sa buwanang pakikipagpupulong ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa mga Punong Barangay, Sangguniang Kabataan Chairperson, at farmers' association president noong January 13, tinalakay ang mahahalagang isyu na kinakaharap ng bayan at mga barangay kabilang na ang kaso ng harabas sa Manambong, road repairs, road clearing operations, pagbabayad ng amilyar at iba pang buwis, pagkuha ng business permit at Mayor's Clearance, at iba pa.
- Planning and Development (MPDO)
Urbiztondo MPDC at HRMO, Nag-benchmarking Dito
Ang Municipal Planning and Development Coordinator ng bayan ng Urbiztondo ay nag-benchmarking sa MPDC at HRMO ng Bayambang noong January 14. Sila ay nagcourtesy call kay Mayor Niña, at nakinig sa best practices ng LGU sa Strategic Performance Management System bilang paghahanda sa kanilang accreditation sa PRIME-HRM ng Civil Service Commission.
- Legal Services (MLO)
- ICT Services (ICTO)
Preventive Maintenance, Tinalakay sa IT TWG Meeting
Noong January 28, tinalakay sa unang pulong ng Information Technology Technical Working Group ang regular na preventive maintenance activity para sa lahat ng IT equipment ng LGU at ang kahalagahan ng paggamit ng Network Attached Storage. Idinetalye dito ng mga ICTO staff ang mga dapat ihanda ng bawat opisina sa pagsasagawa ng preventive maintenance, kabilang ang mga computers at iba pang IT equipment.
- Human Resource Management (HRMO)
HRMO, May Libreng Review para sa Civil Service Exam
Noong February 1, nagsimula na ang Human Resource Management Office na magbigay ng libreng review sa mga government employees na gustong mag-take ng Civil Service Examination. Ang unang session ng libreng review ay ginanap sa Mayor’s Conference Room.
- Transparency/Public Information (PIO)
- Property Custodial Services (GSO, Motorpool)
Bagong Budget Officer, Kinumpirma ng SB
Kinumpirma ng Sangguniang Bayan ang appointment ni Ms. Marie Christine Bautista bilang bagong Municipal Budget Officer, sa plenary session ng SB noong January 13. Si Bautista ay isang Certified Public Accountant, at ngayon ay may rangkong Municipal Government
AWARDS AND RECOGNITIONS
LEGISLATIVE ENACTMENTS - (SB)
2025 Budget na P651,584,937.22, Aprubado na ng SP
Aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Pangasinan ang budget ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang para sa taong 2025 na nagkakahalaga ng P651,584,937.22. Ito ay ayon ulat ng Sangguniang Bayan ng Bayambang matapos maglabas ng sertipikasyon ang SP noong January 5.
Pampublikong Pagdinig, Isinagawa para sa 𝟐 𝐎𝐫𝐝𝐢𝐧𝐚𝐧𝐬𝐚 𝐮𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐌𝐚𝐫𝐤𝐞𝐭 𝐂𝐨𝐝𝐞
Noong January 22, nagsagawa ang Sangguniang Bayan Committee on Market Trade and Industry ng isang pampublikong pagdinig upang talakayin ang mga dalawang panukalang ordinansa:
- ang pansamantalang pagsuspinde sa pagpapataw ng mga surcharges at interes sa buwanang upa mg mga stall sa Bayambang Public Market ayon sa nakasaad sa 2017 Bayambang Market Code mula Enero 1, 2025 hanggang Hunyo 30, 2025, at
- ang ordinansang nagwawaksi sa pagbabayad ng isang (1) buwang upa ng mga bahagyang nasirang stall o dalawang (2) buwan ng upa ng mga lubos na naapektuhan ng sunog na mga stall sa Bayambang Public Market (Block II).
Ang pagdinig ay pinangunahan nina Councilor Jose Ramos at Councilor Martin Terrado II.
Public Hearing 𝗛𝗶𝗻𝗴𝗴𝗶𝗹 𝘀𝗮 4 na 𝗣𝗮𝗻𝘂𝗸𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘁𝗮𝘀, 𝗜𝗱𝗶𝗻𝗮𝗼s
Idinaos noong January 23 ang isang pampublikong pagdinig na tumalakay sa apat na panukalang ordinansa, sa pangunguna ni SBM Chairman ng Committee on Social Services, Coun. Benjie de Vera:
1. "The Substantive and Procedural Rules to Be Observed in Administrative Cases Filed Against Elective Barangay Officials and Elected Officials of Sangguniang Kabataan"
2. “An Ordinance Prohibiting Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) and Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM)"
3. “An Ordinance Creating a Coordinating and Monitoring Board to Provide Special Protection to Senior Citizens or Elderly Persons and Persons With Disabilities (PWDs) Against Discrimination, Abandonment, Negligence, and Other Similar Acts
4. “An Ordinance Localizing Support to the Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) by Prioritizing and Committing to the Implementation of Programs and Delivery of Services for Active and Graduated/Exited Beneficiaries

No comments:
Post a Comment